"I don't want this anylonger" Nasabi na lamang ni Joseph sa sarili, habang nakatulala sa may bar na malimit niyang puntahan.
Galing sa marangyang pamilya si Joseph Dela Vega, architect ang ama niya at may sariling tailoring company ang kanyang ina. Dalawa lang silang anak, kaya naman sunod sa luho ang magkapatid, ngunit kung mas titimbangin ay mas maluho pa si Joseph kaysa sa kapatid niyang babae na si Julia. Dahil narin sa pagigingmaluho kaya naman napunta sa ganitong estado ang pang-araw-araw na buhay ni Joseph, gimik dito, gimik duon, kung saan siya dalhin nang kanyang paa ay walang ni isa ang makapagsabi sa kanya nang bawal. Malaya siyang gawin kung anung gusto niya-at Malaya siyang sundin kung anung nais na buhay ang gusto niyang tahakin.
Mula sa Cebu ay mas ginusto ni Joseph na manirahan at ipagpatuloy sa ibang lugar ang kanyang pagaaral bilang kolehiyo. Desi otso palamang nuon si Joseph nang tumira ito nang magisa sa nabiling bakasyunan sa may Quizon city nang pamilya niya. At dahil ang buong dela Vega ay nasa Cebu tanging siya lamang ang nakatira duon kasa-kasama ang katiwalang si ismael. Lingid sa kaalaman ng pamilya ni Joseph ang piniling buhay ni Joseph-Lingid sa kaalaman nila na siya ay isang "Bisexual"
Walang ni-isa sa pamilya ni Joseph ang nakakaalam maliban nalang sa kanyang nakatatandang kapatid na si Julia. Dahil marahil sa tanging magkapatid ay malapit sa isa't isa sina Julia at Joseph, lahat nang lihim ay alam nila sa isa't -isa at pati na ang pagiging closet queen ni Joseph sa pamilya nila at ang lantad na pagkatao pag nasa manila ito.
Nang mapadpad na nga nang lubusan ang landas ni Joseph sa ibang lugar ay mas duon niya na kilala ang sarili niya, lalaki man sa pananamit, sa ayos, pustura at maging sa salita ay mas priperado ni Joseph ang kasingtahan na lalaki o Boyfriend kaysa ang Girlfriend. Sa katunayan pa nga ay halos nakakasampu na ito sa edad niya palang na dise otso na nadagdagan pa sa mga dumaan pang buwan at taon.
Hindi nito nagagawa sa Cebu ang mga bagay na malaya niyang nagagawa sa maynila, hindi dahil sa pamilya nito kundi dahil sa sasabihin nang buong angkan nito na naruruon lahat sa Cebu-ayaw kasi nitong may nasasabi ang ibang tao sa kanila, ayaw niyang nasisira ang reputation nang pamilya nila dahil lang sa kanya. Gusto niya mang magpakatotoo sa kanila ay mas ginusto nitong wag nalamang nilang malaman pa. Ang pagtatago sa kanyang ama ay hindi din naman kasi ganun ka problema sa kanya alam niya kasing maiintindihan siya nito, mahal na mahal siya nang ama't ina niya at alam niyang hindi ang kasarian o ang tinahak na buhay ang magpapalayo o magpapabago nang pagmamahal na iyon sa kanya.
Nang mag-aral ito sa kilalang pamantasan sa maynila ay lalo itong naging bukas sa kanyang gustong maging hanggang sa hinaharap. Kinuha nito ang kursong gustong-gusto niya simula pa nang bata ito, kinuha niya ang fine-arts, at gaya nang kanyang ama nais din niyang maging architect. Idolo niya kasi ang kanyang ama simula pa nang ito'y bata pa lamang.
Sa kalagitnaan nang pagiging estudyante sa kolehiyo ay duon niya rin naranasan ang umibig nang seryosohan at magmahal sa iba't ibang lalaki. Hanggang sa nakilala niya si Ethan.
Simula nang makatungtong sa puso ni Joseph si Ethan ay hindi na ito nag hanggad pa nang iba at mula sa kinseng pagibig na dumaan sa kanya, si Ethan ang nagbigay sa kanya nang pagmamahal na gustong-gusto niyang makamit. Wala na ngang masasabi pa si Joseph sa kanya, bukod sa maalaga ay mahal na mahal pa siya. Hanggang sa umabot pa sa halos isang taon na ang kanilang relasyon, mas matibay, tumatag at mas sinabi nilang hinding-hindi na iiwan pa ang isa't-isa. Dumaan pa ang mga buwan nang sila ay umabot na sa kanilang pang isa at kalahating taong bilang magkasintahan nang hindi inaasahang makitaan ni Joseph si Ethan nang mga sinyales nang pagbabago at hanggang sa mahuli pa nito sa akto ang panloloko na mismo nito.
Nuon pa man ay may naririnig nang mga paninira galing sa kaibigan nila Joseph, at lahat nang ito ay tumutukoy kay Ethan at sa lahat nang ginagawa nitong kababalaghan; Ngunit hindi lang talaga naniniwala si Joseph dahil nga mahal na mahal nila ang isa't-isa. Ngunit nang nakita niya sa kanyang mga mata ang pangyayaring ito ay gumawa ito nang isang desisyon, alam niyang hindi madaling iwan ang isang taong naging buhay mo nang halos isang taon at kalahati pero alam niyang hindi siya tanga at alam niya ang dapat gawin, at kahit kailanman ay hindi na pwedeng pagkatiwalaan pa ang minsan nang nanloko sayo. Kaya agad-agad niyang hiniwalayan si Ethan. Na kahit gaano pa kasakit ay kailangan.
Isang semestre na lamang at magmamartsa na rin sa wakas si Joseph, anim na buwan kung titignan pero matagal pa lalo na kung kasa-kasama mo kada araw ang isang taong nanloko sayo.
Araw-araw ay sinusuyo ni Ethan si Joseph, pero alam ni Joseph kung sino ang patatawarin at alam niyang buo na ang disesyon niya at hindi rin si Ethan ang tipo nang taong mapapatawad pa ni Joseph kahit pa minsan ay nagmahal ito sa kanya. Lumipas din at sumuko si Ethan, naghanap nang iba, nagmahal, at lumayo. Hanggang sa isang araw ay hindi na nagpakita pa. Alam ni Joseph na isa siya sa dahilan sa pagkawala ni Ethan pero mayruon na silang sari-sariling buhay. Malaya na ang isa't-isa sa gusto nitong tahakin-"Walang pakialamanan, walang kahit na ano, hiwalay, tapos, the end"
Muling nakahanap si Joseph nang mamahalin, pero hindi ito ganun kapalad, para muling makakita pa nang isang taong mamahalin niya gaya nang kay Ethan. Hindi ganuon kadaling makalimut lalo na kung isang taong importante ang nawala sayo. Hindi kayang dayain ni Joseph ang nararamdaman nito kahit pa may galit ay may puwang nang pagsisisi dahil mahal niya pa rin si Ethan.
Hanggang sa dumating na ang Graduation Day, medyo nung mga panahong iyon ay limut na ni Joseph si Ethan, na marahil ang tanging nagpapaalala nalang dito ay ang bagay na magkasunod sila sa pila ni Ethan dahil sa magkasunod sila nang surname nito. Ngunit maliban duon ay wala nang nararamdaman o kahit anung hinanakit pa si Joseph kay Ethan. "Tama na ang mga ilang buwan para makapag-move on, I'm happy now, ngayon pang kunti nalang abot kamay ko na anng pangarap ko" Tanging mga katagang sinasabi ni Joseph pagtinatanung siya nang mga malalapit na kaibigan nito na sinusundan nang isang maamong ngiti galing sa kanya.
Matapos ang graduation ay nag sama-sama ang bawat isa para sa isang grad-party. Sayawan-inuman-lasingan tila mga huling bagay na magagawa nila na magkakasama sa huling pagkakataon, dahil matapos ang gabing iyon ay may mga iilang aalis na nang bansa, iilang mahihirapan nang hagilapin at iilan din namang lalagay na sa tahimik at makakatagpo nang mga ibang ka-gimikan.
Bukod sa halos tatlong ka-close ni Joseph na sila Marvin, Rachel at Anna ay hindi naman ito nangangamba pa sa iba. Dati ay lima sila kasa-kasama si Ethan ngunit tila nang niloko ni Ethan si Joseph ay sinabi din nila na hindi ito tamang kaibiganin.
Dumating sa puntong kahit nagkikita-kita, madalas magkatext o katawagan ang mga magkakaibigan ay hindi pa rin nawawala ang magisa si Joseph, at duon niya nakita ang sarili sa isang salamin na mukhang siya na lamang magisa ang naruruon at wala nang iba pang kasama. Nang makita ang repleksyon nang sarili ay duon nakita ni Joseph ang maraming bagay na nawala sa kanya at mga bagay na dapat meron siya-Bilang isang indibidwal, tao, at lalaki.
Dahil na rin sa pagiisa, ay minabuti nitong umuwi nalamang muna sa Cebu. Nang makauwi sa Cebu kung saan naruruon ang pamilya niya ay hindi niya inaasahang mapapayakap siya nang sobra sa kanyang Ate Julia, Mama at Papa. Tila sa hagod nang yakapan na iyon makikita ang sobrang pagka-miss ni Joseph sa tatlong pinaka mahalaga sa kanya.
Habang kausap ang Ate niya ay naiiyak-iyak ito, Hindi man alam ni Joseph kung bakit siya biglaang humagulgol ay pinagpatuloy parin nito dahil alam niyang ang pagiyak ang pinakamabuting gamot sa hindi maipintang pananakit nang kanyang dibdib. Agad namang niyakap ni Julia si Joseph at kinausap ito nang masinsinan. Sinabi niya ang isang katagang minsan na nabasa sa isang nobela sa libro. "Minsan ang buhay hindi niya man kayang sabihin sayo ang kung paano, bakit at anu ang mga bagay bagay ay kaya niyang ituro sayo kung paano ito sosulusyonan-Minsan tayo lang ang gumagawa nang problema natin, at kadalasan pa tayo rin lang ang makakapagayos nito" At dagdag pa, "Jo, gawin mo kung anu ang sa tingin mo'y nararapat, gawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. Hanggat kaya mo, magagawa mo"
Sa mga binitawang salita nang kanyang nakatatandang kapatid ay agad nag hilom ang sugat sa kanyang dibdib at tila nahugasan ang kanyang isipan. Piling niya ay napaliguan siya nang isang matinding banal na tubig at kasing linis siya nang isang banal na tao. Tanging yakap at pasasalamat ang iniabot ni Joseph sa kanyang nakakatandang kapatid. Matapos ang halos buong bakasyon ay muli nang bumalik si Joseph sa lugar kung saan nagsimula ang lahat, sa lugar na kanyang gustong marating at nagturo pa sa kanya nang mga leksyon nang buhay.
Nang makatungtong sa maynila ay duon niya nakilala si Veronica o mas kilala sa tawag na Vera. Mabait si Vera sa kanya, at kilala siya nito bilang isang lalaking maraming problema at lingid sa kaalaman nito ang ibang buhay ni Joseph sa manila at ang pagiging isang ganap na Bisexual nito.
Nakatuwaang mamasyal ni Joseph at Vera na kalaunan ay dumalas hanggang sa hindi inaasahang maramdaman ni Joseph ang feelings para kay Vera. Agad itong naguluhan kaya naman umiwas nang saglit kay Vera. Alam niyang kung sino ang gusto niya at kahit kailan ay hindi pa siya naging ganito kagulo. Pero ngayon rin lang naramdaman ni Joseph ang ganitong pakiramdam, ngayon lang sa buong buhay niya may ganitong taong dumating at tila sinagip ang puso niya sa matinding pagkalugmok.
"Teka nga Joseph! Iniiwasan mo ba ako!?? Magsalita ka nga!"
"Vera, kasi... sa tingin ko may gusto ako sayo!" Kinakabahang sinabi ni Joseph kay Vera.
Hindi inaasahan ni Vera ang narinig mula kay Joseph gayun pa man ito rin ang kanyang nararamdaman, "Anu naman problema? Gusto rin kita Joseph"
"Pero kasi anu" Hindi alam ni Joseph kung magiging tapat ba siya o hindi kay Vera.
"kasi anu?"
"kasi ikaw ang unang babaeng nagustuhan ko?"
"Joseph walang masama dito. Ang mas masama ay ang pigilin kung anu ang nararamdaman mo!"
"Pero hindi mo naiintindihhan Vera"
"Alin ang hindi ko naiintindihan? Pwes ipaintindi mo sa akin kung ano man iyon. Kasi ako mahal kita, at sigurado ako duon!"
Walang nasabi si Joseph at tila mas pumasok sa isip nito ang sinabi sa kanya ni Vera.
Tila nagbago na nga ang paniniwala ni Joseph mula sa pagiging Bisexual ay nagmahal ito, nakita niya na lamang ang sariling nakikipaghalikan sa isang babae kahit pa sa pangpublikong lugar na hindi iniintindi ang sasabihin nang ibang tao na walang pakealam sa kung sino, anu ang makakita at anu man ang mangyari. Mas Masaya si Joseph sa narararamdamang iyon, mas kumportable at tanggap niya ang pagkataong iyon-at naisip niyang tama marahil ang sinabi nang kanyang nakatatandang kapatid.
Simula nang maging sila ni Vera ay kinalimutan na ni Joseph ang mga bagay na tungkol sa dating siya, kinalimutan na ang mga bagay tulad nang barhopping, at mga iba pang idea nang pagiging bisexual. Mas minabuting hindi nalang sinabi ni Joseph kay Vera ang tungkol sa kanyang dating buhay. Ayaw niyang iwan siya ni Vera kaya naman mas inisip nitong wag na lamang at isa isang tabi ang tungkol duon.
Hanggang sa may biglaang kumatok sa harap nang bahay nila isang gabi.
Dahil sa medyo gabi na rin ay minabuti nitong silipin nalang muna sa may bintana kung sino ang tao sa labas, hindi nito mamukhaan ang lalaking nakatayo sa labas nang bahay nila, hindi makumbinsi ni Joseph ang sarili kung bubuksan niya ba ang pinto o magpapatay malisya na lamang sa tunog nang doorbell at papalabasing siya'y tulog na. sa pagtitig sa imahe nang isang lalaki sa pinto ay hindi nito inaasahang biglaang mapagtanto kung sino ba talaga ito sa biglaang pagtalikod sa pinto nang lalaking ito.
Agarang kinagulat ni Joseph ang nakita dahil ang lalaking nakatayo pala ay si Ethan. Medyo nanibago si Joseph at hindi inaakalang si Ethan ang nakatayo sa kanilang bahay dahil sa malaking pagbabago nito sa katawan, medyo namayat, nangitim at medyo simpleng pananamit na naka T-shirt at jeans na lamang. Ang laking pagbabago kung ikukumpara sa pustura ni Ethan dati na mitikuloso, maporma at maputi.
Alam ni Joseph na wala na siyang nararamdaman pa kay Ethan, at hindi na siya umaasa pa na magkabalikan sila, dahil bukod sa may laman na ang kanyang puso ay nagbago na rin siya, ang tanging pinangangambahan lang ni Joseph ay ang papasukin muli sa buhay niya ang lalaki nang kanyang nakaraan at makagulo sa buhay niya ngayon. Hindi alam ni Joseph kung anu ang susunding sitwasyon sa isip niya, pero alam niya na kailangan ay may gawin siya-kailangang may magbukas nang pinto at kailangan ay siya ang gumawa nun. Hindi man sigurado pa sa naiisip ay bumaba ito at binuksan na lamang din ang pinto.
Normal na humarap si Joseph kay Ethan at kaibigan itong pinapasok sa kanilang bahay.
"Kamusta ka na?" Isang salitang unang bumungad sa pandinig ni Joseph, na agad sinaluduhan ni Joseph nang malumanay na sagot.
"Ayos naman ako, Bakit biglaan naman ang pagpunta mo? Tagal mung nawala ah"
Hindi sagot kundi isangkabigla-biglang aksyon ang ginawa ni Ethan sa tanong ni Joseph, agad niyang niyakap si Joseph nang mahigpit habang bukangbibig ang mga salitang--"Patawarin mo ko, hindi ko sinasadyang saktan ka!"
Nagulat si Joseph sa pagyakap na yun ni Ethan at tila na pipe ito at hindi na nakapagsalita pa.
Dahil sa halos tatlong segundong katahimikan ni Joseph sa pagyakap na yun ni Ethan ay muling nagsalita si Ethan "Mahal parin kita Joseph!"
Lalong hindi nakaimek si Joseph sa mga katagang sunod-sunod niyang narinig mula kay Ethan. Kinilabutan ito at tila may kurot na dumampi sa kanyang dibdib. Tila latang nalaglag na matining ang tunog na nagmarka sa tenga niya ang naging reaksyon nito.
"Hindi totoo yan' Hindi mo ko iiwan kung totoo yan!"
"Joseph, sa tagal nang panahong nawala ka sa akin, maraming taong minahal ako at pinagbigyan kong pumasok sa puso ko. Pero ni isa sa kanila ay walang nagtagal, ni isa sa kanila ay hindi naibigay kung anu ang meron sa atin nuon"
"Kung mahal mo pala talaga ako, at mahalaga sayo ang lahat bakit hindi ka bumalik agad? Bakit inintay mo pa ang pagkakataong ito!? Bakit!"
"Joseph, dahil gustong kung kung babalik man ako sayo yun ay dahil alam kung mahal nga kita talaga. Yung dahil hindi na kita masasaktan pa"
"Minsan mo na akong niloko-at hindi ko na hahayaang mangyaring magawa mo ulit yun"
"Pangako ko sayo, hinding-hindi na mangyayari pa yun Joseph!"Sabay muling hagod nang yakap dito "Joseph mahalin mo lang ulit ako-Hinding-hindi ko na sasayangin pa yun. Pagbigyan mo lang ako ulit, pangako ko hinding hindi na kita sasaktan!"
Hindi alam ni Joseph kung anung sasabihin nito, naguguluhan siya sa mga naririnig niya kay Ethan, sa pagkakataong iyon alam ni Joseph na seryoso si Ethan sa pagsuyo sa kanya-sa pagyakap at pagluha nito ay ramdam niyang hindi na nanloloko pa si Ethan at hindi tulad nang mga panunuyo niya dati ay mas ramdam niya dito ang pananabik at pagmamakaawa sa pagmamahal niya. Pero hindi niya matatagong nawala na ang pagmamahal na iyon. Hindi nito makukumbli na kahit kailan ay wala nang pagasa pa ang hinihinging pangalawang pagkakataon ni Ethan sa pagmamahal niya.
"Pero hindi na pwede, Ethan may mahal na akong iba!"
Nagulat si Ethan at napatigil sa paghikbi at napahawi nang kamay sa mata. "Sino siya?!"
"Hindi na siguro mahalaga kung sino man ang taong nagpapatibok nang puso ko. Ethan, hindi ko inaakila na matagal kitang hinintay-Big deal para sa akin kung isang araw gagawin mo ang lahat nang ito nuon, pero para makita at maramdaman ko ngayon, wala na Ethan hindi na kaya pang ibalik nang oras ang kahapong nawala!"
Ngunit muling nagmakaawa si Ethan kay Joseph. "Subukan natin ulit Joseph, isang pagkakataon pa! Isa nalang. Sige na"
"Hindi mo ba ako narinig? Ethan may iba na akong mahal!"
Napahinto si Ethan "Sino ba to! Sino ba siya! Joseph ang daya mo-Sana inintay mo ko!"
"Ikaw ang madaya Ethan, hindi mo man lang iniisip kung gaano kita kamahal nang mga panahong iyon hindi mo man lang naisip na nasaktan mo ko sa mga bagay na ginawa mo noon. Ikaw ang madaya, mapagbigay pa nga ko Ethan e, kasi nagawa kung palayain ka-ni isang salita wala kang narinig sa akin, gustong-gusto kitang sumbatan nang mga panahong iyon, gusto kung itanung sayo kung bakit mo ginawa yun sa akin, sa dami nang tao ako pang nagmahal sayo! Ngayon sabihin mo sa akin! Madaya ba ko!? Madaya ba kung pinalaya kita? Madaya dahil mas inisip ko ang kapakanan nang kaisa-isang respeto nang pagiging magkaibigan natin kaysa ang nararamdaman ko sayo bilang minahal ko nang isa at kalahating taon?! Madaya pa ba ako" Sa tonong iyon ni Joseph habang sinasabi ang mga katagang matagal niya ng gustong sabihin kay Ethan ay hindi ikakailang nagbalik dito ang bawat sakit na naramdaman niya dahil sa panlolokong ginawa sa kanya ni Ethan.
Pahikbing nagsimulang tumulo nang luha ni Joseph, papigil man ay tila nang hina ito na agad napaupo sa supa habang pahawi sa matang nagluluha at medyo nakatungo upang maibsan ang lalong bigat nang nararamdaman.
"Wag kang magmamalaki sa akin o kahit pagsalitaan ako nang mga bagay na masasakit dahil hindi mo alam kung anung naramdaman ko noong pinakawalan kita!" seryosong pagtitig ni Joseph kay Ethan. "Ngayon kung may natitira ka pang awa sa akin ikaw na mismo ang aalis at lalayo-ikaw na mismo ang magpapalaya sa akin. Karapatan kung lumigaya Ethan! Karapatan kung muling mas mahal at makaramdam nang pagmamahal. Karapatan kung makuha kung anu ang pinagkait mo nang lokohin mo ko!"
Duon na natahimik si Ethan, at walang ni isang naibuga sa mga nasabi ni Joseph, alam niyang totoo ito pero mukhang ngayon niya lang napagtanto sa tagal nang panahong tumakbo, at sa tagal na iyon ay mukhang ngayon nga lang din siya naligo sa sarili niyang kahihiyan at sa leksyong dapat ay dati niya pa nalaman.
Ayaw na ni Ethan na dagdagan pa ang pasakit sa loob ni Joseph, at kahit mahal niya pa ito at gusto niyang magkabalikan ay mas pinili niya nalamang na pakawalan na nga lang ito. Masakit man sa kanya ang mga bagay na gawin ay alam niyang nasaktan nya rin naman nang husto si Joseph kaya inisip niya na lamang na nauna lamang maramdaman iyon ni Joseph at ngayon alam niyang marahil ay siya naman ang dapat makaramdam noon. Masakit pero dapat, hindi niya man alam kung anung mangyayari sa bukas, ay kailangan niyang harapin, pagtibayan at pagtagumpayan para sa pagmamahal niya sa taong sinaktan niya at ngayon ay humihingi nang pabor.
Agad na ding umalis si Ethan at halos hindi matignan si Joseph.
Matapos nang araw na iyon ay hindi na nakita pa ni Joseph si Ethan. Dumaloy na muli ang lahat sa normal at dumating na rin sa punto nang kasalan, tanging natagpuan na nga ni Joseph ang nagpatibok nang kanyang puso at aalayan niya nang singsing sa altar nang simbahan. Simula nang mabigyang katapusan ang ugnayan niya kay Ethan ay minabuti ni Joseph na sabihin na ang lahat kay Vera, hindi man siya sigurado sa magiging reaksyon ni Vera ay hindi naman din siya makakapayag na pagsinungaling sa taong kanyang minamahal. Kaya nang matanggap nang tanging taong mahal na mahal siya at tanggap siya ay matapos lamang ang halos limang taon nang kanilang relasyon ay nagyayaya na din itong magpakasal.
Alam ni Joseph kung anu ang nararamdaman niya kay Vera, sigurado siya rito at alam niyang siya na ang ihaharap niya s altar. Sa puntong iyon ay sigurado na nga talaga ang dalawa na magpapakasal nila.
Hanggang sa dumating na nga ang pinakaiintay na kasalan nilang dalawa. Kasa-kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Julia, ang Mama at Papa nito mga piling kaibigan mula sa kolehiyo at maging ang mga kasamahan sa trabaho nang magkabilang kampo. Masayang-Masaya si Joseph dahil ang inaakala niyang kasal na iilan lang ang makakapunta ay dinagsa nang tao. "This is the wedding that I don't really dreamt about, pero itong wedding na to ang masasabi kung totoong wedding na alam kung gusto ko at mahal ko ang kasama ko"
Akala kasi ni Joseph na magpapakasal ito sa isang lalaki, sa isang lugar kung saan tanggap ang same-sex wedding dahil sa akala niyang makapagpapakasal siya at sasaya siya sa kapwa niya lalaki, at hindi inaasahan pati na ang mga kamaganak nito dahil alam niya noon na hindi nila magugustuhan ang same-sex sa pagaakalang lalaki parin ang mapapakasalan nito. Kaya naman hinding-hindi nito inaasahan na ganuon na lamang kadami ang dadalo sa kasal niya.
Papalapit na pumunta sa kanya ang tatlong kaibigan nito mula sa kolehiyo na sina Marvin, Rachel at Anna. Kulitan ang mga ito na nauwi sa saglit na yakapan at madramang tagpo. Hindi nila inaasahang ang kaibigan nilang si Joseph na dati ay sabik sa kakahunting nang lalaki sa corridor nang harap nang classroom nila ay magpapakasal sa isang babae at hahantong sa punto nang pagpapamilya. Nakangiting proud na proud ang mga ito sa kanya. Nang biglaang may magtext kay Marvin.
Tila nagulat si Marvin sa Text na kanyang narecieve at sinabi ito sa lahat.
"Guys, Guess what?! Ethan is here!"
Nagulat ang lahat lalong lalo na si Joseph.
Bago pa man maging opisyal na naging sila ni Ethan ay partners in crime na ang dalawa simula nang first year college ang mga ito. Tila napalapit nga lang talaga nang pangalawang taon kaya nagpangabot at naging sila. Pero Masaya si Joseph na mabalitaang ang matalik niyang kaibigan ay magpupunta para lamang sa kanya at sa pinagsamahan nila.
Pero tila kinakabahan din ang mga ito dahil ilang minute nalang ay maguumpisa na at wala pa si Ethan.
Tinawag na ang lahat at maguumpisa na daw ang seremonya dahil nandyan na ang pari, wala nang nagawa pa sila at pumunta na sa kanikanyang mga pwesto.
Nang mapaharap sa altar ay hindi inaasahan ang nakita nito. At nang lahat nang nakakakilala sa paring nasa harap-"Ethan!?" Tila isang pangalan na lamang na nabanggit ni Joseph nang biglaang humarap ang pari.
Agad namang ikinangiti ito nang pari at nagsenyas na nang pakrus at ngumiti na lamang sa dalawa.
"Masaya ako para sa iyo Joseph" Bulong nalamang sa dalawa.
-END-
Walang permanente sa mundo,lahat pwedeng magbago, lahat pwedeng mawala... hindi natin hawak ang panahon,oras, pagkakataon, bagay at lalo na ang mga tao sa buhay natin, may mga bagayna akala mo ay nasayo na, akala mo ay hawak mo na pero pwede pa palang mawala.Kayahangat maaga ay dapat itong pakaingatan, alagaan at bigyan nang puang upangmapakinabangan. z3*