The Distance Between Us: (Lov...

By dazzlingwright

55.7K 1K 1.2K

Love Duology #2 "Even amidst distance or trials tested by fate, the universe aligns to weave our love story i... More

THE DISTANCE BETWEEN US
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
A/N🧚🏻
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 30

667 14 36
By dazzlingwright

[30]
Megan Irine's Point of View

HINDI KO namalayan ang sarili ko na nakatulog ako sa sofa habang naghihintay kay Kendrick. Nagising nalang ako sa pagkakahimbing nang maramdaman kong may bumuhat sa akin sa pagkakahiga ko.

"Uhmm." ungot ko nang magmulat ang mga mata ko.

"Hobby mo na ang pagtulog sa sofa." ani Kendrick sabay halik sa labi ko. "Napaghintay ba kita ng matagal?"

Marahan kong kinusot ang mata ko dahil biglang natamaan ng linawag ng ilaw iyong mata ko. Sinilip ko ang relo na nakasuot sa pulupulsuhan ko. Halos isang oras rin akong nakaidlip.

Binaba niya ako sa sofa at saka ako marahang pinaupo.

"Are you hungry?" tanong niya, ngumuso. "Let's go?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Saan naman?"

"We're going to have a dinner."

Ngumiti ako at mabilis na tumayo sa kinauupuan ko. Sinuyog ko ang kabuan niya. Nakasuot ito ng maayos na dami samantalang ako nakapantulog na damit. Kailangan kong bagayan ang suot niya, hindi pwedeng mukha niya lang akong alaylay.

Hahakbang na sana ako upang pumunta doon sa kwarto ng bigla niya kong hinawakan sa pupululsuhan ko dahilan para mawalan ako ng balanse. Bigla akong napakandong sa kaniya. Para akong nanigas sa kinauupuan ko ng maramdaman ko ang paunti-unting tumutusok sa may hita ko.

"K-Kendrick..." para akong mauubusan ng hangin sa pagtawag sa pangalan niya.

Kahit pa nakailang beses na may nangyare sa pagitan aming dalawa. Iyong ganitong senaryo ang hindi ko kinakaya. Sobrang nahihiya akong lumingon sa kaniya. Maging ang pagtayo ay nawala na rin sa isip ko dahil mas naisip ko pa ang kakaibang tumatayo sa kaniya.

"A-Are you want to stay here for a while?"

Napatikhim ako at hindi ako nakasagot. Nangingimi ko itong nilingon. Hindi nakatuon ang mukha niya sa akin pero ramdam na ramdam ko ang hiya niya dahil gumagalaw ang adams apple niya at halos mamula ang tainga niya.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" sinikap kung hindi mautal saka ako tumayo at inayos ang sarili.

Nilingon niya ako pero hindi niya sinalubong ang mata ko. Gusto kong matawa dahil mukha siyang timang na naiilang.

"What's with that face?" tanong niya.

Napangisi ako. "Bakit ako ang tinatanong mo niyan ha? Ikaw ba? What's with that face? You're blushing, aren't you?" pang-aasar ko sa kaniya.

"Are you teasing me?" padabog itong tumayo at taas noo akong hinarap, napatingala tuloy ako sa mukha niya.

"Am I?" iling-iling akong tumawa.

"K-Kendrick!" halos kapusin ako nang hininga dahil napatili ako sa ginawang pagbuhat sa akin animo bagong kasal. "Ibaba mo ko, ano ba?!" pinaghahampas ko ang dibdib nito dahil mabilis kaming pumasok sa kwarto.

"Sabi ko! Ibaba mo ko!"

Hindi niya ako pinakinggan. Pinatuloy niya pa rin ang pagbuhat sa akin hanggang makarating kami sa banyo.

"Why are we here?!" inis na tanong ko sa kaniya nang maibaba niya sa may shower area.

Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay yumuko ito upang mag-lebel ang mukha naming dalawa.

Ngumisi ito saka marahan inilapit ang mukha sa akin. Gustuhin ko mang umatras ay masyado niya akong ikinorner sa isang sulok nitong shower area.

"Gusto ko maligo with you, can we?"

Magsasalita pa lang sana ako ng bigla niya kong sinunggaban ng halik. Halik na mukhang kanina niya pa gustong gawin at ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob gawin.

Pinatulan ko ang halik niya pero natigilan kaming pareho nang biglang kumalam ang pareho naming tiyan. Nagkatitigan kami saglit ang biglang natawa sa nangyare.

"We should eat first," naiilang niya na sabi tumango lang ako. "We will continue it later."

Gaya nang unang pinag-usapan namin ni Kendrick. Matapos ang nakakailang na nangyare sa pagitan naming dalawa ay napagdesisyon na naming kumain muna.

Magkahawak kamay naming tinatanaw iyong mga puting buhangin pati karagatan kahit na madilim. Maging ang paghampas ng malakas na hangin sa balat naming dalawa ni Kendrick.

"Look at the sky, ang daming bituin." aniya kaya napatingala naman ako sa kalangitan.

"Ang dami nga." nakangiting sabi ko. "You know what, isa ka sa mga bituin na 'yan dati."

"Really?" halata sa boses niya ang tuwa bago ako nilingon.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Alam mo kung bakit?"

"Why?"

"Ang mga bituing iyon sobrang malayo tulad mo, napakahirap abutin."

Mapait itong ngumiti at huminto sa paglalakad. "But a star is yours now."

Ngumiti ako dahil sa sinabi niya.

Tama siya. Hindi ko akalaing ang isang bituin na mahirap abutin ay nahahawakan ko na. Akala ko noong imposibleng ang mayamang katulad niya ay magkakagusto sa akin. Iyong kahit na magkalapit lang kami pero sobrang layo ng distansya naming dalawa.

I couldn't ask for more. He's always gave me the love and efforts. Parang ayaw ko nang kumawala sa ganitong sitwasyon. Masyado na akong nahulog sa lalaking 'to. Sa kaniya ko lang ulit naranasan 'yong ganitong pagmamahal at tinanggap niya 'yong buong ako.

Kinabuksan, maaga akong magising. Halos mapunit ang labi ko sa pagkangiti dahil pagmulat palang ng mata ko ay mukha na agad ni Kendrick ang bumungad sa akin. Himbing na himbing sa pagkakatulog. Hinawi ko ang buhok nito at hindi ko talaga maiwasang hindi mapangiti. Napakagwapo niya!

Gagalaw na sana ako upang tumayo nang biglang ipalupot ni Kendrick ang dalawa niyang bisig sa akin kaya naman nasubsob ang mukha ko sa dibdib nito.

"Please, love. Give me five minutes." aniya halatang inaantok pa.

Niyakap ko siya upang maging tugon sa sinabi niya. Hindi ko naman inaasahang makakatulog muli ako sa yakap na 'yon ni Kendrick. Nagising nalang kaming pareho nang biglang tumunog 'yong alarm sa gilid ng kama.

"Hmm." pareho kaming umunat at sabay kaming napaupo. Halos matawa ako dahil sa ilang buwan naming magkasama minsan ay pahero na kami ng galaw.

Dumeretso ako sa banyo upang maghilamos ag magmumog. Maging siya ay sumunod sa akin.

"Good morning." bati niya habang pinupunasan niya ang mukha niya.

"Good mornin—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong dinampian ng halik sa labi.

"That's the best in the morning."

"Tsh." iling-iling lang ako sa ka-maisan ng isang 'to.

Matapos niyon ay nagbihis kami ni Kendrick ng susuuitin namin. Siya ay simpleng puting top lang iyong suot niya at khaki color iyon suot niyang short na hindi lalampas sa tuhod iyong haba saka binagayan ng kaniyang tsinelas na mukhang mamahalin. Samantalang ako, sinuot ko iyong pinili na damit ni Kendrick na boho off shoulder na strapless na kulay puti ay mabulaklak iyong disenyo niyon at may pagkahaba-habang slit sa gilid.

Dumeretso kaming pumunta ng dinning nitong hotel. Ang sabi kasi ni Kendrick ay may free breakfast na accommodation itong hotel na pinagstayan namin kaya naman nang makarating kami ay halos malula ako sa buffet nila.

Ang daming pagkain, hele-helera iyon base sa klase ng pagkain. Inabutan ako ni Kendrick ng plato habang nakamasid pa rin ako sa mga pagkain dito. Sa daming klase nang puntahi, hindi ko tuloy alam kung anong kukuhanin ko.

"Try this one." biglang may kung anong maliit na kulang brown na nilagay sa plato si Kendrick. Nangunot pa ang noo ko dahil hindi pamilyar sa akin kung anong pagkain 'yon.

Napagdesisyunan ko na lang pumunta sa mga pang salad na station. Parang nawalan ako ng gana kumain ng main course nila dito dahil sa sobrang daming pagpipilian.

Nang matapos kaming kumuha ng pagkain ay humanap si Kendrick ng mauupuan. Doon kami sa pwesto kung saan tanaw na taw iyong dagat. Hindi ko tuloy hindi maiwasang hindi maexcite dahil ito ang kauna-unahang makakagala ako dito sa boracay.

"On the way na daw sila Tryton sa Station 1."

Nangunot noo ako. "Station 1?" nagtatakang tanong ko habang nakangisi lang loko.

"Never mind, let's go?"

Hindi na ko sumagot kay Kendrick. Tumayo nalang ako matapos kong ubusin iyong juice. Nagiwan si Kendrick ng isang libo sa gilid ng lamesa, gusto ko sana iyong kunin kaso ay nahiya ako dahil nakatingin lahat sa amin iyong mga staff dito kaya sa sobrang hiya ay hindi ko na kinuha. Alam kong tip nila iyon, ang kapal naman ng mukha ko para kunin.

Nakarating kami sa lugar kung saan naghihintay sila Maeve. Gayumpaman, walang mapaglayan ng tuwa ang puso ko sa sandaling maitapak ko iyong mga paa ko sa buhanginan. Para akong bata na hawakn ni Kendrick ang kamay habang nilalaro ko ang mga buhangin gamit ng mga paa ko. Sobrang pino at ang puti! Ang ganda dito!

Sa sobrang abala ko sa paglalaro ng buhangin ay hindi ko na napansing nakarating na pala kami kung saan naroon sila Maeve at Tryton.

"Ano, Kuya Kendrick? Hindi mo man lang ba pakikilala sa amin 'yong girlfriend mo?"

Bigla akong binalot ng hiya nang marinig ko ang boses ni Maeve. Halos mamula ang mukha lalo na't nilingon ako ni Kendrick dahil sa sinabi ng kapatid niya ngumiti ito sa akin at tumango.

"So, lemme introduce to you... Megan Irine Constansia, my girlfriend."

"Hi, Ate Megan." si Tryton, ngumiti ito at talagang napakagwapo ng batang 'to. Hindi na ko magtataka kung bakit nahulog rin talaga si Maeve dito, mukhang mabait din kasi.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Maeve. "As I expected." bulong niya sa akin saka ito kumawala ng yakap. Mas lalo akong nahihiya, hindi lang ako komportable na ganito kami ni Maeve.

"Wait, Kuya!" natigilan kami bigla dahil hinagayway pa ni Maeve ang kamay nito sa harap namin. "Did mom and dad—"

"Yeah. We told them right away before we went here."

"Wow, how's their reaction?" halata sa mukha niya ang excitement pero wala siyang nakuhang sagot sa kapatid.

"Hmm. Secret." aniya saka niya ako hinalikan sa noo.

Namula ang mukha sa ginawa ni Kendrick. Maging ang mapanuksong tingin ni Tryton ay mas lalo akong nahihiya.

Pinag-usapan nilang tatlo kung saan kami unang pupunta. Ang sabi sa may grotto daw. Naintriga naman ako sa grotto na sinasabi nila kaya naman hindi na ko nagdalawang-isip na tumango.

Hawak kamay kaming dalawa ni Kendrick. Abala pa rin sila sa pag uusap sa kung anong mga gagawin namin mamaya. Nakamasid lang ako sa kanila habang ninanamnam iyong hampas ng hangin sa balat ko, maging ang mga pinong buhangin at maging ang tunog ng pag-uumpugan ng mga puno ng niyog.

Nauuna kaming maglakad ni Kendrick samantalang iyong dalawang kasama namin ay nakasunod lang sa amin. Nakarating kami sa may grotto at halos namangha talaga ako dahil sa isang malaking tipak na bato ay mayroong shrine ni Mama Marry. Kaya naman pala grotto iyong tawag. Pero ang kinaganda lang nito ay  nasa may dagat ito kaya sobrang nakakamangha talaga.

Pulos picture ang ginawa namin at video sa lahat ng water activities na ginawa namin. Sobrang naming sinulit iyong buong araw. Mabuti nalang talaga ay hindi masyadong mainit ngayon.

Nang mapagod kaming pare-pareho ay napagdesisyonan naming dumeretso ng d'mall. Natapos rin kasi iyong water activities naming saktong tanghalian na.

"Saan niyo gustong kumain?" pamungad ni Kendrick doon sa dalawa na mukhang nag-aasaran.

"Doon tayo bro, sa may The Hobbit Tavern." turo ni Tryton sa gawi ng resto, sabay naming nilingon iyon ni Kendrick.

Kapapasok palang namin ng resto ay natuwa na agad ako sa mga staff dito. Maliliit sila natao simula sa waiters hanggang receptionist. Nakakatuwa dahil hindi lang sa sobrang ganda ng oldies style nila nito kung hindi dahil sobrang sasarap ng pagkain maging ang serving ng pagkain ay sobrang dami.

Bumalik na kami sa kaniya-kaniyang hotel ng matapos kaming kumain. Nakaramdam ako ng pantinding pananakit ng balat dahil kahit pa hindi masyadong mainit kanina, paniguradong na sunburn ako.

"How's the activities, love?" tanong niya sa akin saka niya ako tinulungan maglagay ng lotion sa bandang likuran ko na hindi ko maabot.

"Hanggang ngayon pakiramdam ko nasa ilalim pa rin ako ng dagat." galak na galak na tugon ko.

Hindi na ito nagsalita at nakangiti niyang pinagpatuloy ang paghaplos sa likuran ko.

Ilang minuto pa ay narinig kong tumunog iyon phone ko kaya mabilis ko iyong kinuha.

Natigilan ako bigla nang makita ko kung sino iyong nagmessage.

✉️ Pearl Santiagao
+639383592051
How's boracay? :) Kendrick, told me na magboboracay kayo. Sweet!

Nangunot bigla ang noo ko nang mabasa iyong binungad na text sa akin ni Pearl. Sandali akong nagbuga ng malalim na hininga. Hindi ko napansin na nakatuon pala ang paningin ni Kendrick sa akin.

"Who's that?" tanong niya kaya mabilis kong inilagapag ang cellphone ko sa kung saan at pilit na ngumiti sa kaniya.

"Ah, iyon? Spam message." pagsisinungaling ko.

Mabilis akong kumuha ng tubig sa may mini fridge sa may lababo. Tinungga ko iyon at halos mapiga ko iyong bote na hawak ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero alam kong may kakaiba akong naramdaman. Nilingon ko si Kendrick sa may sofa habang abala itong nanonood sa TV nang basketball. Gusto kong ibato sa kaniya itong hawak kong bote. Naiinis ako sa kaniya dahil mukhang nag-uusap silang dalawa ni Pearl nang hindi ko nalalaman.

Huminga ako ng malalim bago ko napagdesisyonan na umupo sa tabi nito pero sa kabilang dulo ako umupo. Napansin niya ako kaya naman mabilis itong ginawang unan iyong hita ko. Nagkasalubong ang mata namin pero agad akong umiwas at napatikhim.

Rinig ko ang pagtawa ng mahina ni Kendrick dahil sa inasal ko.

"Are you galit?" bumalikwas ito ng pagkakaupo. Hindi pa ito nakunkento at pumwesto pa ito sa harapan ko saka hinawakan ang baba ko. "Why?"

Umiling ako pero hindi ko pa rin ito tinitignan sa kaniyang mata.

"Love, tell me. May masakit ba sayo? Rereglahin ka ba?" sunud-sunod na tanong niya pero hindi parin ako umiimik.

Tumayo ito sa harap ko. Lilingunin ko sana ito nang mapatili ako dahil bigla akong buhatin ni Kendrick. Pinaghahampas ko ang dibdib nito.

"Ibaba mo nga ko!" protesta ko pero hindi ito gumalaw sa kaniyang kinatatayuan.

"Ibababa lang kita, pagkinausap mo na ko."

"Ibaba mo nga ko sabi, e!" madiing pagkakasabi ko pero nagmatigas ito.

Ilang minuto pa ay biglang tumunog iyong cellphone ni Kendrick. Pareho kaming natigilan, maging ang paglingon namin ay sabay na sabay. Hindi ko naaninag kong message ba iyon o tawag.

Marahan akong ibinaba ni Kendrick saka patakbong umupo sa sofa at dinampot iyon kaniyang cellphone. Inis ko itong tinignan at halos mapunit ang pagkaniyang labi sa pagkakangiti.

Buntong-hininga akong pumasok sa kwarto at isinubsob ako mukha sa unan.

Ayaw ko sanang isipin na si Pearl iyong nagmessage sa kaniya kaso ay hindi ko maiwasan. Dati-rati naman kasi ay sa tuwing magkasama kami ay kahiy tumunog iyong phone niya ay hindi niya iyon pinapansin kahit pa importante pero ngayon hindi siya nagdalawang isip na ibaba ako. Tapos ni-hindi niya man lang ako napansin na pumasok dito sa loob ng kwarto at hindi sinundan. Nasa kalagitnaan kami ng gano'n sitwasyon at mukhang binalewala niya lang.

"Cursed you, Pearl!"








to be continued...








Thank you for reading, Dazzling Babies! 🌼
—𝒹𝒶𝓏𝓏𝓁𝒾𝓃𝑔𝓌𝓇𝒾𝑔𝒽𝓉 ✍︎︎

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 160K 48
Because high school isn't hard enough. Sadie Michaels got into the best high school in the country, excited to start her junior year and make the mos...
161K 2.9K 36
*This story is completed and will undergo some major editing. 09/18/2013 - 06/28/18* **Not all the chapters are posted** ***Chapters are being edited...
91K 3.6K 54
"Just be honest with me or stay away from me. It's not that difficult." Alhana Isobel Mendez isn't the type of girl who play games. She's honest and...