Nagising akong katabi ko pa din ang mahimbing na natutulog kong anak. Tinignan ko ang oras at halos mag hahating gabi na rin. It's already 11:45 in the evening. Pumasok ako sa banyo dahil naramdaman ko ang pagkaihi ko.
Pagkalabas ay sakto din na papasok na ang nurse ni Aella at ichecheck na ata ito. May tinignan lang ito sa anak ko tapos ay inalis na din ang oxygen na nakakabit sa anak ko.
"Uhm nurse okay naba ang anak ko." Tanong ko dito habang may inaayos pa sa chart na hawak-hawak nito.
"Yes ma'am actually she can get out of the hospital tomorrow pag binigay na ni doc yung test ng result niyong dalawa. But ma'am may possibility kaya na makuha din natin yung allergy information nung father for the best result na makuha ni doc." Tanong nito ng di pa rin tumitingin sakin at minsan pang chineck ang anak ko.
"Kaylangan pa ba talaga yun?" Tumingin ito sakin tapos ay ngumiti ng bahagya.
"It's up to you pa din ma'am, mas okay if makukuha natin so we can be sure with the results po." Sabi nito na nagpapaliwanag.
"I will do my best para makuha yun then I will send it here to the hospital is it okay?" Balik ko naman dito at tinanguan na ako bago nagpaalam na aalis na din.
Nagdadalawang isip ako kung makukuha ko ba yun or what. Ayaw ko isapalaran yung pagtatago namin ng anak ko. Malaki kasi ang chance na magkaroon siya ng idea kung nagkataon. I'm thinking of the possible outcomes if nagtanong siya kung san ko ba gagamitin. But for the well being of my daughter I can sacrifice some things.
Lumapit pa ko sa kamang hinihigaan ng anak ko sabay haplos sa buhok nito. Sobrang ganda ng anak ko. She looks like Piyo, really no doubt there. If I just have the courage to say it to Piyo, I think di na namin kaylangan ng anak ko ang magtago ng ganto. I don't need to sacrifice many things.
Tumabi ulit ako dito tapos ay inayakap siya ng mahigpit. Gumagaan lang ang buhay namin ng anak ko dahil andiyan pa ang pamilya ko. But what if mawala na sila, pano kami ni Aella. How will I survive in this world full of uncertainty.
Nagising ako sa mahinang haplos sa buhok ko. Napabalikwas ako dahil dun. Ng tignan ko naman ang anak ko ay mahimbing pa din ang tulog nito. At ng tignan ko naman ang humahaplos sa buhok ko ay nawala ang kabang nararamdaman ko. Si mommy lang pala.
"You should get ready anak. Kanina pa nagriring ang phone mo." Pagkasabi nun ni mommy ay tumunog din ang phone ko, tumatawag si P'Beer.
"Buti naman at sumagot kana, you need to get ready Becky, it's already 7:30, ang start ng prescon niyo is 9!" Medyo may patili pa nitong sabi.
"Chill P'Beer I'll be there okay. Wait for me." Pagkatapos ko sabihin yun ay ibinaba ko na ang telepono.
Pagkatingin ko kay mommy ay nakahanda na sa pagabot sakin ang mga dapat kong suotin. This is what I love about mommy, maalalahanin.
"Mom take a good care for Aella habang wala ako okay. Text me if nakalabas na kayo ng ospital." Sabi ko tapos ay takbo sa banyo ng kwarto ng anak ko. Mabilisang ligo na lang ang ginawa ko tapos ay di na nakapag blower. Pinunasan kong maigi ang buhok ko at matutuyo naman na to sa byahe.
Pagkalabas ng banyo ay maayos na ako, may simple make up na din ako at paalis na lang. Nilapitan ko ang anak kong gising na at naguumagahan tapos ay hinalikan ito sa noo. "Mami will go to work okay. You should rest, no playing okay?" Sabi ko dito tumango lang ito tapos ay humalik sa labi ko.
Agad na din ako lumabas at diretso sa parking ng hospital. Bago pa ko makasakay ay tumawag na naman si P'Beer.
"I'm coming P'Beer pasakay na ko sa sasakyan ko okay don't panic. 8:16 pa lang oh." Sabi ko dito tapos ay narinig ko ang mahina nitong tawa.
"Okay, okay take care. Wag masyadong mabilis sa pagdadrive." Yun lang tapos ay pinatay na nito ang tawag.
Dali ko ng pinaandar ang sasakyan ko at baka maabutan pa ako ng traffic mahirap na. Buti at maluwag sa daan papunta ng company kaya before eight forty ng umaga ay nanduon na ko.
Sumalubong sakin ang tingin ng mga tao sa loob ng idol factory. Mukhang nag uusisa mga taong sabik sa impormasyon kung ano ba ang nangyari. Dumiretso ako sa office ni P'Saint at sinabing kakausapin daw muna kami doon.
Sumakay ako ng elevator dahil nasa forth floor pa yun. Doon ay mga mapanuring tingin ang ipinukol ng mga nakasakay. Medyo nailang pa nga ako dahil kahit alam nilang nakatitig na ko sa kanila ay di pa din nila inaalis ang tingin sakin. Pagkarating na pagkarating sa forth floor ay bumaba agad ako. Para akong maso-suffocate habang nasa loob ng elevator.
Lakad takbo na kong pumunta sa office ni P'Saint. Nandun na si Sar at busy ng nireretouch ng mga make up artist. "Thank you Becky buti at nakaabot kapa." Bungad agad sakin ni P'Beer. "Sabi ko sayo darating ako diba." Sagot ko naman dito sabay baling kay P'Saint at tumango. Nakita ko ang pag irap ni Sarocha sa ginawa ko kay P'Saint sa peripheral vision ko.
"Becky I just need you to say this things sa harap ng camera and then your reason on why did you came out the company crying. Btw I need to know the reason." Strikto ang pagkakasabi nun ni P'Saint kaya sinabi ko ang totoo with a hint of lie?
"Actualy P'Saint may emergency sa bahay and you know me. Mahina ako pagdating sa ganun." Safe ang pagkakasabi ko nun at talaga namang mahina ang loob ko pagdating sa mga emergency mas lalo at about sa family.
"Fair enough. Guys pwedeng paretouch si Becky." Sabi nito sabay upo ulit sa upuan niya.
"Ten minutes before the live press con maayos na huh. Lilipat tayo to the other room." Sabi nito tapos ay lumabas na. Didiretso ata sa room kung saan gaganapin ang press con.
Kinakabahan ako dahil baka may mali akong masabi. This will not be new to Sarocha pero sakin it's been ages nung last ko tong ginawa ang kasama ko din siya that time.
"Miss Becky pa pikit na lang for some retouch." Sabi nung babaeng nag aayos sakin.
"Okay na yan miss Becky, masyado ka ng maganda hindi ko na mababago yun." Nanunukso nitong sabi sa akin. Ngumiti naman ako dito at nagpasalamat before ngumit si P'Beer at sinabing dumiretso na daw kami sa conference room kung san gaganapin ang press con.
Kinakabahan ako habang naglalakad kasabay si P'Beer at si Sarocha. Gusto ko mang magback out ay huli na. Sa labas pa lang ng pinto ng conference room ay naririnig ko na ang usapan ng mga reporter na nanduon.
Pagkabukas ng kwarto ay nakakasilaw na flash ng camera ang bumungad sa amin. Dumiretso kami sa upuang nasa harapan ng mini stage na ginawa siguro ng company.
Pagkaupo ay nagsalita si P'Saint. "To those who are going to ask questions to our artist here, please refrain from asking inappropriate question that will be awkward to our artist thank you." Pagkasabi ni P'Saint nun ay isang tanong agad ang bumungad sa akin.
"Miss Becky ano ang nagpush sayo para bumalik sa industriyang minsan mong iniwan?"
Ang tanong ng isang sikat na reporter from a news channel here in the Philippines.
"Actually hindi ko naman talaga iniwan ang industriya ng pag aartista, may mga bagay lang talaga ako na kaylangan unahin kesa sa pag aartista ko. Babalikan at babalikan ko ang pag aartista." Ang sagot ko sa tanong nito.
Sabay-sabay na tumango ang mga ito tapos ay may nagtaas ulit ng kamay. "According to one of our sources, umalis ka ng bansa after your filming and projects regarding the Series, GAP the Series kung saan kayong dalawa ni Sarocha ang gumanap. What happened after you got out of the country?"
Nagulat ako at pano nila nalamang umalis talaga ako ng bansa at hindi nagtago dito sa Pinas.
"Uhm regarding that, it was a personal matter and I can't disclose it here. But after nang umalis ako ng bansa it was great actually yung walang camerang humahabol sayo everywhere you go. Nagustuhan ko yung freedom na halos hindi ko na maramdaman dito sa Pinas." Medyo may alinalangan ko pang sagot sa tanong.
"How about you miss Sarocha, how did you feel after umalis ni Becky dito sa Pinas. Super ganda ng friendship niyo and you are awarded as the most sought couple here in the Philippines after lumabas ng GAP the series?" Ang tanong na nagpatigil sa akin.
What did she felt after I'm gone without any words with her. "It was actually hard for me. Mas lalo at sa kaniya lang ako comfortable na makipag arte on cam. Medyo nahirapan ako sa pag aadjust sa mga pumalit as my partner on cam kasi nga mas sanay ako kay Becky." Sagot nito na nun ko lang narinig. I thought it was okay with her na may pumalit after ko umalis but I was wrong.
Ilan pang tanong ang dumaan samin. Mga simpleng tanong na kayang-kaya ko sagutin without even lying or thinking about what I needed to say. Pero isang tanong ang parehas naming iniisip na maitatanong sa pres con na to.
"May kumakalat na video ngayon about you two na parang nag-away ata kayo at take note, kahapon lang nangyare." Sabi nito tapos ay labas ng laptop saka plinay ang video.
Nakita dun na lumabas ako ng elevator at lumabas naman from the stairs si Sar. Nandun din na umiiyak ako tapos ay tinawag ni Sarocha ang name ko. Nakatutok ang lahat sa plinay na video tapos ay natapos iyon sa pagpasok ko sa kotse at kay Sar na naiwan sa harap ng Idol Factory building.
Nagkatitigan kami ni Sar tas medyo natawa. Nagsikuhaan ng picture ang mag reporters dahil dun. Naunang nagsalita si Sar.
"This is what actually happened. We are actually talking yesterday about our own lives after those three or four years we've been apart. But then someone calls Becky. She answered it outside the room where we are talking then she suddenly run towards the elevator. I just thought something happened that's why I became worried and started to catch her but to no avail as you've seen in the video, she left me looking worried about her."
Pagpapaliwanag niya tapos ay tumingin sakin. "It was actually an emergency at home that's why I'm also nervous at the same time worried. It was a way personal matter so I will not be disclosing it here but we are actually okay. Me and Sarocha doesn't have any misunderstanding just like how the video was perceived by the people." Nag ngitian kami ni Sarocha after na masagot ang tanong na yun.
Natanong na din nila ang pagpirma ko ulit sa idol factory at pwede ba nilang malaman ang iba pang simpleng bagay sa buhay namin. Akala ko ay matatapos iyon sa mga boring na tanong pero isang tanong ang nagpatigil samin, pero mas lalo na sa akin.
"Totoo ba ang kumakalat na may anak ka na Miss Becky?" Ang sigaw tanong ng isang tao at bigla na lang itong tumakbo palabas ng conference room. Sa pagkabigla ay di na to napigilan ng ibang security sa loob ng conference room.
Biglang naging seryoso ulit ang mga reporters at tumitig ng mariin sa akin. Pinagpawisan ako sa tanong na yun. "What kind of nonsense question was that?" Ang sagot naman ni Sarocha after ng ilang minutong katahimikan sa loob ng kwarton iyon.
"Totoo ba Miss Becky?"
"Mayroon ka ba talagang anak Miss Becky?
"Pwede ba naming malaman kung totoo ang sinabi ng taong iyon miss Becky?" Ang sunod sunod at napakarami nilang tanong.
Kaylangan kong putulin na ito dahil alam kong mag-iimbistiga pa sila at mapapahamak oa kami ng anak ko.
"Walang katotohanan ang sinabi ng taong iyon. She or he, doesn't have any evidence to prove that I already have a child. Hindi porke umalis ako ng bansa ay dahil agad sa buntis ako, doesn't it?" Nagi-guilty ako na itinatago ko ang anak ko pero nararapat lang na gawin ko to or else. It's done for us.
Nakita kong pipigilan sana ako ni P'Saint sumagot kanina kaso ay nakasagot na ko at naging ease naman siya sa sagot ko. Muling nagsalita si P'Saint.
"That is all for now, thank you for attending the press conference we give invitation to your Station's, thank you for cooperating."
Huli nitong sabi sabay akyat sa stage kung nasaan kami tapos ay hila saming dalawa palabas ng kwartong iyon. Before kami makalabas ay nakakasilaw ulit na flash ng camera ang naghatid samin palabas.
Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ulit kami ng office ni P'Saint.
"Who the hell let a random person got inside the conference room!" Ang sigaw agad ni P'Saint sa mga guard na sumunod sa amin.
"Sir we didn't know, I think isa sa mga pumuslit at di nahalata ng iba kong kasama but rest assured hahanapin namin yung taong yun." Ang sabi ng parang leader ng nga security sa company tapos ay yumuko bago lumabas ng kwarto.
"I'm so sorry about that Becky, di ko alam na may makakapuslit pala and given the time sinakto niya talagang naka live tayo." Humingi ng tawad sa akin si P'Saint. Tumango naman ako dito tapos ay inihigaang ulo sa sa sofang kinauupuan.
"Are you okay? You look pale?" Narinig ko ang boses ni Sarocha na katabi ko sa sofa.
Tumingin ako dito tapos ay ngumiti at sumagot. "I'm okay natakot lang ako sa question at baka maging issue pa if ever." Pagsisinungaling ko dito kahit alam ko sa sarili kong may katotohanan ang tanong ng kung sino kanina.
I need to know who is that person or else it was all done for me and my daughter. Nagsisimula pa lang ako masisira agad pag nagkataon.
Sarocha is still looking at me ipinikit ko ang mga mata ko at gusto kong magpahinga I was super exhausted even if it's just an hour or two. Inaayos ko ang paghinga ko 'cause I don't feel really good after the press con.
Habang ginagawa ko yun ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko na nasa bulsa ko lang din. Someone texted something to me. 'Aella just got out of the hospital, the doctor said he needed your answer if you can get Piyo's allergy information.' Ang text ni mommy sakin. Napangiti naman ako dun, my baby is now fine.
Lumabas ako ng kwarto at tinahak ang mahabang pasilyo papunta sa rooftop ng building. Kadating doon ay umupo ako sa bench tapos ay tumawag kay mommy.
Nakaka ilang ring pa lamang ay sinagot na agad yun ni mommy. "Hello mom, can I talk to Aella please?" Sabi ko dito, di na nagsalita si mommy tapos ay narinig kong ipinasa niya ang telepono sa anak ko.
"Hi baby." Yun pa lang ang sinasabi ko ay kinikilig na sa kabilang banda ang anak ko dahil naririnig ko ang hagikgik nito.
"Mami! Aella wants to play." Ang pagpapaawa nito sakin. Even if I want to let her I can't mas lalo at kalalabas niya lang ng hospital.
"As of now baby you can't, you need to rest, next time I'll bring you to the playground okay?" Pampalubag loob sa anak kong sobrang cute at kulit.
"Okay mami, I love you." Natouch naman ako sa pagkakasabi ng anak ko ng I love you nito sa akin.
"I love you more my baby, thank you for staying with me." Ang sagot ko dito at narinig ko na naman na parang kinikilig ito sa kabilang linya.
"Who is that?" Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ng kung sino sa likuran ko. Pagharap ko sa likod ay nandun si Sarocha kasama si P'Beer na nakatitig sakin at sinasabi ng mata nitong galingan ko sa pagsisinungaling.
"Oh andiyan pala kayo. It was no one actually. We should go back para makauwi na din tayo ng maaga." Kahit may nginig sa boses ay nasabi ko yun tapos ay inaaya na ang dalawa pababa ng rooftop.
"So you have someone in your life now. Is it okay for them that your doing this with me?" Sabi nito, ang tinutukoy siguro ay ang mga proyekto na pwede naming gawin sa loob ng kontrata namin.
"Don't worry she doesn't get jealous easily." Sabi ko dito, tinitigan ko kung ano ang magiging reaksyon niya at nakita ko ang pag dilim ng itsura nito matapos ko sabihin ang mga katagang iyon.
Hindi siya nagsalita tapos ay tumalikod at tuluyang umalis din. "Becky she's waiting for you. I think narinig ka niyang may kausap kaya ganun." Si P'Beer na mukhang stress din at baka may nalaman si Sarocha ng di namin nalalaman.
"Okay lang siguro P'Beer mukha namang wala siyang kaalam-alam eh." Sabi ko dito tapos ay inaya ng bumaba at baka may sasabihin pa si P'Saint sa office nito.
Habang naglalakad ay tahimik lang kaming dalawa, kinakabahan at baka ay maging iba ang pakikitungo ni Sarocha sa akin. Narinig kong nagsalita si P'Beer.
"You should hide your daughter more mas lalo at may taong nagbigay ng hint kahit na nagsinungaling kana sa media kanina." Sabi nito tapos ay tumingin sakin ng seryoso.
"I would love to help you pero alam mong mahirap ng makita tayong dalawa na mukhang may itinatago." Sabi pa nito tapos ay inihinto ako sa paglalakad.
"I know you didn't want to do this to your daughter but sacrificing her freedom with you is the best thing we can do as of now. Mas lalo at wala ka na atang balak na sabihin sa kaniya ang totoo." Naiiyak akong tumingin kay P'Beer I hid my pregnancy to her. Hindi niya yun nalaman not until umamin ako before ako umalis ng bansa papuntang UK.
She couldn't believe it pero isa siya sa pinagkakatiwalaan ko kaya umamin na din ako sa kaniya. Sinabi ko ang lahat from the start, my feelings and how did it happened.
Niyakap ko siya bago ako nagsalita. "I really wanted to say it to her P'Beer. I didn't know how to start. Iniisip pa din niyang hindi niya kayang makabuntis. Ano na lang ang iisipin niya pag sinabi kong nabuntis niya ako?" Tanong ko dito habang mahigpit pa din ang yakap at nakasiksik ang mukha ko sa leeg niya. Halos bulong na ang sinabi ko sa kaniya.
"Then do your best to hide it to her, Piyo is not that dumb you know. It only takes her a day or two para malaman kung may tinatago ka ba s kaniya, just like what happened to you nung nag file ka for leave nung partner on cam kayo dati. She found out that you are in the hospital kasi nahawa ka sa colds niya that time." Pag papaintindi skin ni P' sa lahat ng pwedeng mangyari.
"I know it P' but for me this is hard. I'll do my best, limang taon lang naman eh, pag naka ipon na ko then I'll leave this industry." Sabi ko dito inangat ko ang tingin ko tapos ay pinunasan ni P'Beer ang luha ko. Humalik din siya sa pisngi ko, but in my peripheral vision I saw Sarocha looking at us. Kind of annoyed at something or someone.
Akala ko ay namamalikmata lang ako pero ng tignan ko kung saan ko siya nakitang nakatayo ay nanduon pa din siya. Looking at us but this time she looks so worried. I think she saw my swollen eyes from afar.
S_V