"Yes, Mom, pumasok po ako," sagot ko habang ipit-ipit ang phone ko sa balikat at tainga ko. Nagmamadali kasi akong isuot ang polo ko dahil as usual, male-late na ko.
Nakakainis lang dahil kailangan ko pang magsuot ng uniform para makapasok ng campus kahit student athlete naman ako. Kailangan ko pa tuloy madala ng mas malaking bag para bitbitin ang mga pamalit ko. Kabadtrip talaga.
"Siguraduhin mo lang, Kai, at baka sinasayang mo lang ang allowance na pinapadala namin," may halong pagdududa pa rin na sabi niya kaya naman natawa ako.
"Hala, send-an pa kita ng selfie ko kahapon."
"Dapat lang! Baka pinang-iinom mo lang kahit tanghaling tapat."
Pinindot ko na lang ang loud speaker nang nagsimula na akong magsuot at magsintas ng sapatos. "That was me nung highschool. Bar bar na kaya ako. Upgraded na 'to, Mom."
"Bar-bar... Barilin kaya kita sa bungo mo? Ayusin mo lang, Kai." Muli akong natawa nang marinig ang mariing pagbabanta niya.
"Shhh. Mom, ang aga-aga ang init ng ulo. Pumasok nga po ako kahapon. I will send the pic later, after ng call. Male-late na po ang pogi niyong anak at may tryout pa po kami."
"Oh sige na! Yung picture ha, pag wala kang sinend babawasan ko ang allowance mo."
Muli ko nang dinampot ang phone kasabay ang duffel bag ko. "Opo na nga. Bye na po, love you."
"Love you too!" pagalit na sabi niya pa rin saka ibinaba ang tawag.
Natawa na lang ako. Kunwari lang galit 'yan pero alam kong na-mimiss lang ako niyan dahil buong break ba naman akong nag-stay sa bahay namin.
I am very close with my parents kaya't nabibiro-biro ko sila kahit papaano. Only child din kasi kaya sa akin naibuhos lahat ng pagmamahal at luho hehe.
Namili lang ako sa group picture namin kahapon tsaka ko sinend sa kaniya yung picture kung saan epic ang mukha ni Amira. Natatawa pa ako nang sinend 'yon.
Sakto namang nabasa ko yung group chat namin ng teammates ko at nakita kong puro mention na ang pangalan ko.
PUSS Avalon University Basketball Team
8:28 AM
Kai Pascua:
@everyone on the way na po. sorry hihi
Tobias Lim:
Pa-importante.
Capt. Marco Mendoza:
@KaiPascua San ka na pre? 8:00 ang call time di ba dahil 8:30 start na tayo. Gagalit na si coach.
Kai Pascua:
Sorry, Capt. Naglalakad na ko.
Tumatakbo*
Sinilid ko na sa bulsa ko yung phone ko saka patakbong lumabas ng unit. Ten minutes away lang naman 'tong condo sa school kapag nilakad pero kaya kong gawing three minutes pag nagmamadali. Kaya naman patakbo na akong lumabas at inunahan ang mga estudyanteng naglalakad din sa sidewalk.
Okay na rin to para early warm up hehe.
Jinustify pa talaga ang pagiging late niya.
Ito ang hirap hapag malapit ka lang sa school eh. Sobrang kampante ng sistema ko na hindi naman ako male-late kaya ang ending lagi pa rin akong late dahil nawawalan ako ng sense of urgency sa katawan.
Ngayon kasi ang tryout para sa mga new players dahil andami nang nawala sa team last year. Mga nagsi-graduate na. Tapos itong si Marco naman, last year niya na rin kaya every year talaga ay nag-coconduct ng early tryouts. Kung minsan naman ay nag-i-scout sila coach from other schools para rekta na.
It took me another five minutes para makarating sa gymnasium. Bakit kasi ang layo nito sa entrance? Kainis naman.
Hinihingal pa ako nang lumapit na sa teammates ko na masasama ang tingin sa akin. Pansin kong medyo puno rin ang ng mga manonood ang bleachers kaya naman medyo ginanahan ako. Another opportunity para magpapansin sa mga chicks.
"Ano Pascua? Bagalan mo pa. Wala ka talagang disiplina kahit kailan!" galit na sigaw ni Coach Russel nang makita ako kaya naman muli akong napatakbo palapit. "Ano pang hinihintay mo? Magpalit ka na ng uniform! Batang 'to talaga inuna pa magpa-gwapo."
Napanguso na lang ako. Kung tratuhin talaga ko nitong mga 'to parang hindi ako ang best player ng team ah.
Mga inggit.
Kakamot-kamot na lang akong pumasok sa locker room para makapagpalit. Nagsimula na rin silang magwarm up kasabay yung mga players na gustong mag-tryout.
Kung sana in-aallow nilang pumasok nang naka-jersey na edi sana tipid sa time di ba?
Paglabas ko ay nakisali na ako sa shooting nila. Nang ipasa sa akin ang bola, tumapak agad ako sa tres para itira ang bola. Napangisi na lang ako nang marinig ang ilang sigawan nang maipasok ko 'yon.
"Late na nga nakuha pang magpasikat." Inismiran ako ni Tob nang sumunod ako sa kaniya sa pila.
"Tinawagan ako ni Mom. Kilala mo naman 'yon," pagdadahilan ko.
Napatigil ako nang makita ang pamilyar na mukha mula sa mga players na gusto mag-try out. Iyon yung friend nila Riley at ng baby ko. I think his name is Gino. Kahapon pa lang, height niya agad ang napansin ko eh. Malaki akong tao pero mas matangkad pa ata sa'kin ang isang to. I'm 6'2 for the record.
Ang tanong... may laro ba? Mas okay kung oo dahil laking ambag sa team ng height niyang 'yan.
Muli akong napalingon sa gilid ko nang sikuhin ako ni Marco. Nakangisi siya sa akin habang ang mata ay nasa bleachers.
"Mas gaganahan ka, pre," saad niya kaya naman kusang sinundan ng mata ko ang tingin niya.
I pursed my lips from excitement when I saw my baby amongst the crowd. Katabi pa nito si Riley pati... sila Amira at Elysia? Aba, bat parang close na sila?
Grabe talaga dumamoves yung dalawang 'yon. Tama 'yan. I-close niyo at nang mapalapit din sa'kin si Zoe hehe.
Napanguso na lang ako nang maalalang hindi pa nga pala niya ina-accept ang follow request ko sa IG niya. Excited pa naman akong umuwi kahapon dahil akala ko mai-stalk ko na siya. Pero for sure a-accept na ko niyan after niyang makita ang laro ko ngayon.
After ng warm up ay in-orient lang sila ni coach about sa mga rules, incentives, qualifications, at kung ano-ano pa. Nandito lang naman kami para magfacilitate. Si coach at si Yassy—ang student manager namin, na ang bahalang ma-stress para sa pagfi-filter ng mga qualified players. Pwede rin naman kami mag-suggest pero nasa kanila talaga ang final decision.
Dinivide kaming mga offical players sa dalawa para ihalo ang mga prospective players. Two quarters lang din ang gagawin per batch dahil sa dami ng players ay for sure lalawit ang dila namin dahil madalang kaming papalitan sa court.
Sa unang game ay nakakampi ko yung Gino laban kila Marco at Tob. Hindi nakapagtataka na center pala 'tong si Gino kaya naman sila ni Marco ang nag-jump ball dahil hindi nagkakalayo ang height nilang dalawa.
Nang ihagis ng referee ang bola, halos sabay na tumalon ang dalawa, pero mas mataas nang kaunti yung kay Gino kaya siya ang nakatapik ng bola. Sakto namang napunta 'yon kay Aries—ang point guard namin, kaya't mabilis kaming bumaba sa isang side ng court.
Naging malinis ang pagpasa ni Aries sa'kin ng bola kaya't sa'min napunta ang unang puntos matapos kong ma-shoot sa tres 'yon. Binalot naman ng sigawan ang gym kaya mas lalo akong ginanahan.
"Palong-palo ah," natatawang sabi ni Marco nang madaanan niya ako habang tumatakbo pababa ng court nila.
"Pabibo amputa," saad naman ni Tob nang bantayan niya ako habang nagdi-dribble na ang point guard nila.
Nginisihan ko lang siya. "Nanonood baby ko eh."
Mabilis na pinasa ng point guard nila yung bola sa hindi ko kilalang player. Umamba itong titira ng tres. Sinubukan siyang i-block ng teammates ko kaya naman medyo lumuwang ang depensa sa ilalim. Imbis na itira, ipinasa ng player kay Marco, na nasa ilalim, yung bola kaya naman madali siyang nakapag-lay up at nai-shoot ang bola.
Muling binalot ng sigawan ang paligid dahil sikat din naman 'tong mokong na 'to. Bukod sa halimaw dumepensa eh, siya rin ang captain ng team.
Natapos ang first game at kami ang nanalo sa score na 32-25. Nagpahinga lang kami saglit habang tinatawag ni coach ang mga susunod na players.
Sinabihan pa ako nitong huwag masyadong ibuwaya ang bola para naman mabigyan rin ng chance makita yung laro ng ibang players.
Parang kasalanan ko pang nasasapawan ko yung iba.
Pero dahil humble ako, hinayaan ko na lang. Wala naman na kong dapat patunayan pa hehe.
After ng first game ay sure ako agad na matatanggap yung Gino. Medyo nagpasalamat pa ako na hindi siya yung nakalaban namin dahil halimaw din dumepensa. Sobrang liksi sa ilalim at rebound kung rebound. Kaya naman nahirapan ding gumawa ng score yung team nila Marco.
Natapos pa ang ilang game at pagod na pagod ako tangina. Sinunod ko na nga yung sinabi ni coach na huwag na masyadong magpabibo. Kaya naman kung minsan eh ako na ang nagpapasa ng bola sa mga kakampi ko para naman maka-shoot sila. Binubuwaya ko lang yung bola kapag natatambakan na kami.
Nakatukod ako sa tuhod ko habang hinahabol ko ang hininga ko. Badtrip talaga 'to si coach. Akala ata eh mga robot kami.
Nagbibigay na siya ng final reminders sa mga players. Gusto ko na lang sumalampak sa sahig, pero syempre hindi ko ginawa dahil hindi nakakagwapo.
Nang matapos, agad na nagpulasan ang mga players. Ang iba ay nagtungo na sa locker room para mag-shower at makapag palit. Mabuti na lang talaga ay excused kami sa mga morning classes namin dahil ayoko pang pumasok. Nangangatog pa ang tuhod ko, aba!
"Tang ina pagod na pagod ako!" reklamo ni Genesis, isa pa naming teammate.
"Lakas din ng amats non ni coach eh," si Aries naman.
Naupo muna kami sa bench sa gilid ng court. Personally, ayoko muna kasing makisabay sa dami ng mga players sa locker room. Kaasim uy.
Malakas na tinapik ni Marco ang balikat ko nang tabihan ako habang nagpupunas ng pawis. "Ano? Nadagdagan na naman members ng fans club mo?"
Napailing na lang ako. "Sira ulo."
"Palong-palo to si Kai eh. Kala mo may pustahan. Binuwaya lahat ng bola," pagsakay naman ni Genesis kaya nagtawanan sila.
"Nagpapapansin eh," nanunuyang gatong rin ni Tob kaya naman biglang napatalon at pumalakpak pa si Aries at Genesis.
"Ayon naman pala! Nanonood ba pre? Nasan?" Gusto kong itulak si Aries nang akbayan ako dahil basang-basa kami ng pawis parehas.
"Ay, ayan na pala." Humagikgik si Marco sa tabi ko bago tuluyang tumayo. Automatic tuloy na sinundan siya ng tingin ko.
"Hi, Love. Kiss ko?" pagsalubong niya kay Elysia na nasa loob na rin ng court.
Namilog pa ang mga mata ko nang makita kong kasama rin nila si Riley at Zoe. Pasimple ko tuloy kinuha ang dulo ng jersey ko saka kunwaring pinahid ang pawis ko sa noo para lumitaw ang abs ko. Pasikat lang ba.
"Oh ito kiss mo," sagot ni Elysia saka itinaas ang isang bote ng gatorade saka idinikit sa nguso ni Marco na ki-kiss dapat sa kaniya.
"Lugi ah. Tapos tayo tubig-tubig lang," nakangusong komento ni Aries sa gilid ko habang pinapanood sila.
Pero ako, nanatili ang mga mata ko sa baby ko na ngayon ay kausap na si Gino. Nagtatawanan pa silang tatlo nila Riley.
Hanggang sa bigla na lang akong siniko ni Tob. "Ano? Hanggang tanaw na lang sa malayo?" aniya saka lumapit na rin sa kanila, kaya naman wala na rin akong choice kundi ang sumunod.
Gusto ko rin naman hehe.
"Congrats, tol. For sure makakapasok ka," bungad ko saka tinapik sa balikat si Gino. Mabilis na nalipat tuloy sa akin ang atensyon nila. "Kapag hindi, ipipilit natin," dagdag ko pa na ikinatawa niya.
"Salamat, pre. Lakas mo sumalaksak ah?"
"Mas malakas ka sa ilalim. Parang poste eh. Ano bang height mo?"
Napakamot siya ng noo at nahihiyang sumagot. "6'4. Tangkad mo nga rin eh."
"Ay kulang pa bro," natatawang sagot ko pero agad akong nakarinig ng negative reaction sa gilid ko.
"Tsss... kunwari pa-humble pa pero nuknukan naman talaga ng yabang. Bakit kaya?" pang-aalaska ni Marco kaya naman nagtawanan ang mga kaibigan ko, habang nalilito naman akong tinignan nung tatlo.
Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. "Buhos ko sa'yo yang gatorade mo eh!"
"Inggit ka lang pre! Wala kasing nagbibigay sa'yo."
"Tanga! Kaya ko namang bumili nyan—"
Hindi natapos ang sasabihin ko nang biglang may kulay pulang gatorade ang lumitaw sa harapan ko. Agad tuloy akong napayuko ron.
Nang mag-angat ako ng tingin, sumalubong sa akin ang matamis na ngiti ni Riley habang nakalahad pa rin ang gatorade sa akin. Bahagya pang nawala ang mga mata nito dahil sa ngiti niya.
Huh?
Para sa'kin?
I mean, hindi naman ito ang unang beses na may nag-alok sa akin non, in fact sobrang dami nga, pero bakit nahihiya ako?
Siguro dahil hindi ko in-expect?
"S-Sakin 'yan?" parang tangang tanong ko na ikinatango niya.
Unti-unti namang nawala ang ngiti niya nang hindi ko pa rin inaabot 'yon.
"Ayaw mo ba ng flavor na 'to? Sorry hindi ko alam," nakangusong sabi niya.
Hindi ko alam, but I almost panicked kaya mabilis kong hinablot yon. Muka kasi siyang batang hindi napagbigyan.
"Hindi! Nagulat lang ako hehe. Thank you rito. Nag-abala ka pa," sabi ko saka agad na binuksan iyon para inumin.
"Ka-OA mo te! Wag kang feeling diyan hindi lang naman ikaw nag binilhan!" biglang pagsabat ni Amira. Nakabusangot siya nang tignan ko.
"Coz I saw Elysia buying one for Marco earlier in the convenience store. Kaya naisip ko pano na lang kayo?" inosenteng sabi pa ni Riley saka dumukot ng panibagong bote ng gatorade sa tote bag niya at inabot iyon kay Tob at Gino.
Maging sila ay nagulat at nahihiyang nagpasalamat.
Muli namang sumabat si Amira na ngayon ay nakahalukipkip na. "Sabi ko nga huwag ka nang bilhan at halang naman ang bituka mo! Pero sabi niya ayaw ka raw niya maleft out. Para sa lahat 'yan! Just to let you know, nilibre niya rin kami ng iced coffee kanina. Sinasabi ko lang dahil kabisado ko na 'yang takbo ng utak mo."
Napailing na lang ako.
Hayy, akala ko na naman ay special ako. Badtrip natuwa na sana ako eh!
Boost na boost na yung ego ko oh!
Susugurin ko na sana si Amira para kaltukan dahil ang ingay-ingay niya, pero muling nagsalita si Riley na ikinatigil ko.
"It's okay, Amira. He deserves it naman. Siya nga yung may pinakamaraming na-shoot kanina."
Hindi ko alam pero biglang humupa ang yamot ko sa babaeng 'yon. Unti-unti ring umangat ang gilid ng labi ko. Kaya naman humakbang ako palapit kay Riley saka siya inakbayan.
"Ako pinakamagaling di ba?" nakangising sabi ko pa.
Inosente siyang tumango. "Hmm! 105 points in total if icocombine. Binilang ko."
Namilog ang mga mata ko sa gulat. "Binilang mo talaga ha?"
"You were the most noticeable inside the court kasi, that's why I unconsciously counted it."
"Naka-ilang points ako, Riley? Di ako naniniwalang mas maraming puntos 'yan!" biglang pagsingit ni Marco. Bumakas tuloy ang pagkabahala sa mukha ng huli.
"Uhm—sorry. Hindi ko nabilang. Yung sa kaniya lang," nahihiyang sagot niya kaya mas lumaki ang ngisi ko.
"See? Ako lang ang pinanood niya. Ako kasi ang pinakamagaling pre."
Inismiran ako ni Tob. "Pinakabuwaya kamo," aniya pero hindi ko 'yon pinansin. Tuwang-tuwa ako kasi boost na boost na naman ang ego ko.
"Kadiri ka, Kai! Bitawan mo nga si Riley. Dinidikitan mo pa ng pawis mo. Di ka na nahiya sa kaasiman mo," muling pagkontra ni Amira at hinampas pa ang braso kong nakaakbay sa kaniya, pero mas lalo ko lang hinigpitan 'yon.
In fairness, natutuwa ako sa paslit na 'to.
He's too direct and innocent haha. I somehow find it cute.
Feeling ko magkakasundo kami.