Project: Foul play

By dedsyao

1 0 0

. More

Chapter One

1 0 0
By dedsyao


"Isa pa, lakasan mo." Utos niya.


"Ano ba, napapagod na ako, kanina pa 'yang isa mo!"


I tried to smash the shuttlecock again but my arms are already trembling. Gigil na binaba ko ang raketa ko sa damuhan bago umupo. This guy is stressing me out!


"Alam mo, kung galit ka, wag mo sa'kin ilabas ang galit mo." Binuksan ko ang mineral water at uminom.


Kanina pa ako hampas nang hampas ng raketa ko para lang makuha ang sinasabi niyang style ng paghampas. I'm not in to sports so i have no idea how the fuck this works!


"Stand up and practice again, kailangan mong pag aralan 'to."


"I can't, sumusuko na ako, Seiton. I'm already tired!"


"You're already tired? 'Yun lang naman ang ginawa mo?"


I got offended by his last statement. Hindi ako makapaniwala na wala talagang preno ang bunganga niya tuwing bad mood siya.


Mas lalo lang nag init ang ulo ko nang ngumisi siya at parang nang inis pa lalo.


"Sino bang nag pumilit na isali ako ro'n, di ba?!"


"That's the first time I asked you to do something!"


"So, lahat ng pag tulong mo sa'kin may kapalit pala?" I fired back.


Nag titimpi siyang tumingin sa ibang direction habang pinapakalma ang sarili niya. Nakatayo na kami ngayon parehas ngunit hindi magka level ang aming ulo dahil sa tangkad niya.


"Go on, leave. Try to leave me. Subukan mong umalis ngayon sa harapan ko, tingnan natin kung matutuwa ka bukas."


"Are you threatening me? What the fuck, Seiton?!"


"Go, umalis ka, pagod ka di ba?" Ngumisi siya lalo.


Hindi ko siya naintindihan sa mga pinagsasabi niya. I got pissed off so i took my bag with me. Dali dali akong nag walk out sa field habang mahigpit ang hawak sa backpack ko. I don't know what he's trying to say earlier. Pinagbabantaan niya ba ako? Parang may atraso pa ako sakaniya?!


"Akhira!" He called out my name.


Mas lalo ko lang binilisan ang lakad ko dahil narinig ko na ang nakasunod niyang mga yabag. Para akong hinahabol ng malaking aso sa sobrang bilis.


"Ano ba!" Bulyaw ko sakaniya nang maabutan niya ako. Isinabit niya ang braso niya sa backpack ko para hindi ako makaalis.


"Ano bang problema mo?!"


"Iiwan mo talaga ako?" Hamon niya.


"Oo, ayoko na, si Aliyah na lang i-partner mo sa sports event. Pilitin mo siya kasi hindi ko talaga kaya mag badminton, baka matalo lang tayo."


"Kaya nga nag pa-practice—"


"Ayoko," i aggressively removed his arms around my shoulder. Naglakad na ulit ako palayo sakaniya. Napapagod na ako makipag talo sa paulit ulit naming napag aaway, ang sports competition na yan.


Humabol siya sa akin. "Matagal ng nag back out si Aliyah kasi isa siya sa mga officer."


"Hindi ko kaya lumaban, mag back out ka na lang din."


"I can't, ako ang representative ng class section natin!"


"Anong gagawin ko, eh hindi ko na nga kaya mag practice nang paulit ulit tapos wala namang nangyayari, Seiton. Kung wala kang partner, edi mag back out ka na lang din. Walang problema, di ba?!" I said loudly.


"Ang dali daling sabihin kasi hindi naman ikaw ang mapapagalitan!" Tumaas ang boses niya.


Hinarap ko siya sa inis. Ano bang gusto niyang sabihin? Na kasalanan ko kung bakit hindi siya makasali sa competition na 'yon? Siya naman 'tong kusang loob sumali tapos nasama pa ako sa problema niya?!


Pumikit ako nang mariin. "Alam mo, uuwi na ako. Pagod na ako, please lang.."


"Mag usap tayo bukas nang maaga. Sa classroom, doon na lang."


"Ayoko, wala na tayong dapat pag usapan. Ayoko na sumali sa laro na 'yan, okay?!"


Iniwanan ko siyang nakatayo sa field. Naglakad ako paalis ng school para makauwi na agad. Napagod ako ngayong araw sa sobrang init at sa paulit ulit na practice namin. Simula kaninang umaga ay nasa labas na ako. I can't take this anymore.


Pumara ako ng jeep para sumakay na. Tinanaw ko pa sa gate kung sumunod siya pero hindi naman. Mabuti na lang. Nauubusan na ako ng lakas para makipag talo pa sakaniya. Hindi ko ba alam bakit pa ako napasok sa problema niya. It was never my business in the first place anyway.


Nakauwi ako ng bahay nang hindi nagsasalita. Dumiretso ako sa kwarto ko para makapag pahinga. Na guilty ako bigla sa mga pinagsasabi ko kay Seiton kanina. We were friends since elementary days. Ngayon ay senior high school na kami at mas lalo lang kaming hindi nagkaka sundo.


Nagising ako bigla dahil naalimpungatan ako. Nag open ang cellphone ko sa kama. 2:34 AM na pala. Nakatulog ako!


Dahan dahan akong bumangon sa kama ko. Hindi ako nakakain kagabi kaya medyo sumakit ang tiyan ko. I was preoccupied with my thoughts kaya nakalimutan ko ng kumain.


May class kami ng 7 AM kaya kailangan ko pa ulit matulog, so I did. Nagising na lang ulit ako nang mag alarm ang phone ko ng 5:30 AM. Sumakit bigla ang ulo ko!


May 5 missed calls ako na akala ko ay galing kay Seiton. It was from Kio. Nakita ko ang mga chats niya sa akin simula kagabi na nakatulog ako.


Rokio: magkasama kayo kahapon ni Seitonly?

Rokio: bakit pati ikaw hindi sumasagot?

Rokio: hoy tarantadong babae parehas kayo hinahanap sakin ng mga kaibigan natin

Rokio: NAGTANAN BA KAYO?

Rokio: hoy sumagot ka pls, na foflood mess na ako dito

"What the fuck?!"


Anong nagtanan?! We're not a couple or even a thing. Isusuka ko na lang ang lahat ng kinain ko simula baby kung si Seiton lang pala ang makakatuluyan ko. Bakit nila kami pag iisipan ng ganon?!


Doon lang din pumasok sa isip ko na baka hindi umuwi si Seiton sakanila. Dahil ba sa'kin?


Hindi ako mapalagay kaka isip habang nag pe-prepare pumasok sa school. Nagmamadali pa akong umalis ng bahay para sana matanong ko agad kung nasan siya. Pakiramdam ko ay kasalanan ko pag nawala siya kahapon dahil iniwan ko siyang mag isa sa field.


I rushed off to the stairs. Hingal na hingal ako nang makarating sa 3rd floor, kung nasaan ang classroom namin.


"Bakit nagmamadali ka?" Charity saw me upstairs. Humabol din siya sa'kin. She's also our friend.


"Pumasok si Seiton?"


"Oo, kanina pa siya nandoon, may ginagawa sa notebook niya."


Napabuga ako ng hininga after niyang sabihin 'yon. Pumasok kami agad sa sa classroom at nakita ko siya na nakaupo sa tabing desk ko. Magkausap sila ni Kio at ni Gabin. Their usual thing.


One tabled desk kami. Si Yuna ang katabi ko dapat pero wala siya ngayon. Si Charity at Gabin ang magkatabi sa likod namin. Sa left side ay sila Kio at Ruie, sa harapan namin ay si Kanna at Jiselle.


Ang pinaka malayo ay si Seiton at si Dustin. At may isa kaming kaibigan sa kabilang section, si Rashnaya. Nasa iisang circle of friends lang kami. Pinaka maayos na circle of friends dito sa room rather.


"Hi bro," pang aasar ni Kio nang matanaw ako.


Napunta ang atensyon nila Seiton sa akin. Hindi ko sila pinansin at umupo na lang sa tabing upuan. Bumalik ulit sila sa pag uusap habang ako ay tahimik na nilalabas ang mga libro ko para sa mamayang lesson. Nainis pa ako sa amoy ng mga boys. Amoy buko na hindi ko malaman.


"Edi pano 'yan, iba na lang ilalaban?" Rinig kong sabi ni Gabin.


"Oo, may pumalit din naman agad sa'kin."


"Sino?"


"Si Mattheo tsaka si Aliyah, magagaling naman 'yan sila. Sure win agad." Mapait niyang sabi.


Hindi na ako nakinig sa usapan nila dahil hindi ko naman na ma gets ang naging sumunod na topic. Galit ba siya sa akin? Para namang may kasalanan ako na hindi siya nakasali?


"Ikaw, ano bang sabon mo? Ako kasi alagang bareta." Biglang nabago ang topic nila.


Napairap ako sa kawalan. Their topics are really out of this world. Hindi mo makukuha minsan dahil sila sila lang ang nagkaka intindihan.


"G mamaya, ah? Hapon?"


Tumango lang si Seiton sabay tayo sa upuan. Hindi niya ako kinausap o nilingon manlang. Maybe he's mad. Halata naman na galit siya dahil doon sa nangyari kahapon. At least wala na siyang problema dahil hindi na rin siya kasali. Hindi ko alam bakit galit na galit siya sa'kin kahapon!


Parang nag timelapse ang oras namin sa loob ng classroom. Puro discussions at walang pinaiwang activity. Hindi ako naka focus sa klase at nag dadrawing lang ako sa likod ng notebook ng kung ano ano.


"May pustahan kami, nood kayo?" Yaya ni Ruie habang bitbit ang backpack.


"Pustahan saan?"


"Saan pa ba, edi sa basketball!"


"Ayoko, ang asim niyo naman maglaro." Komento ni Charity sakaniya.


"Manonood kayo, Jiselle?"


"Oo, wala namang gagawin this week, tsaka wala rin ako magawa sa bahay." Inayos ni Jiselle ang wavy niyang buhok.


"Tara, sama na kayo guys!"


Mapilit ang mga boys na sumama kaya wala akong nagawa kundi sumama na lang din. Sa labas ng school sila mag pupustahan kaya ang layo pa ng nilakad namin bago makarating sa sobrang tagong cover court.


Sobrang tago ng lugar na 'to at napaka tahimik pa. Hindi ko alam paano nila nadiskubre ang lugar na 'to. It gives me a creepy vibe. Lalo na sa house exterior ng mga tabing bahay. Sobrang makaluma at parang ma de-demolish na.


Natatabunan ng malaking puno ang cover court kaya may nasisilungan kahit na tirik ang araw. Hindi masyadong malaki ang court. May mga iilang bahay na nasa tabi pero wala naman atang mga nakatira. This feels off.


"Nasan na mga kalaban?"


Nag warm up sila Kio habang sila Gabin ay kadarating lang dahil nag bihis pa sa school. We watched them play several times ansd they're lowkey good at it. Marami silang alam sa mga sports and other stuff na hindi namin alam.


"Kakampi pala natin sila Mattheo," sabi ni Gabin habang umiinom ng tubig. His biceps are showing. They are all wearing a jersey and a white tshirt na sobrang basa na ng pawis.


"Luh, gago, bakit niyo sinama si president? edi sinumbong tayo niyan kay ma'am! Sabihin non naghahamon tayo ng pusta sa ibang section, nako guys, wrong move!" Maktol ni Kio.


"Tado," binatukan siya ni Ruie.


"Uy, pres!" Bati bigla nila Kio nang makita si Quirin, our classroom president. Nasa likuran niya si Mattheo na nahuli kong nakatingin sa akin.


Wala siyang suot na eyeglasses dahil syempre, maglalaro sila ng basketball. He's well known for his serious and poker face lalo na pag nasa loob ng school. Ngayon ko lang siya nakitang naka plain shirt at walang glasses. May pagka maamo pala ang mukha niya.


Si Quirin naman ay may pagka basagulero ang aura pero sobrang maayos at mabait na president sa loob ng classroom. He's just giving off a bad boy vibes.


Nakaupo kaming mga girls sa wooden bench sa tabi. Nakatayo ang mga lalaki habang nag uusap usap sa gitna ng court.


"Ayan na ata mga kalaban nila," bulong ni Kanna sa akin.


Napalingon kami sa gawi ng mga lalaking papalapit sa court. Mukhang mga grade 12 pa ata ang kalaban nila. May isang kalbo na sobrang tangkad at mukhang gangster ang datingan.


"Gago, di ba yan yung nakaaway nila Gian?"


"Huh, sinong Gian?" Naguguluhan kong tanong.


"Yung napilayan sa kabilang section. Yung kaklase ni Rashnaya! Di ba inabangan nga raw 'yun sa gate tapos pinagtulungan!"


"Wag ka naman maingay!" Tinakpan ni Charity ang bunganga niya.


Sumeryoso ang mga mukha nila nang dumating ang mga kalaban. Kahit si Kio at Ruie na tumatawa ay napahinto. Kabado tuloy kaming nanonood sakanila dahil sa sinabi sa amin ni Kanna.


Nag start ang game at lamang agad ang kalaban. Nahihirapan silang makapalag sa matangkad na kalaban dahil lagi silang naaagawan ng bola. Si Quirin at Gabin ang palaging nakaka shoot, samantalang ang ibang boys ay nahihirapan talaga.


Pumito si Charity nang sanggain ng lalaking naka number 17 si Gabin. 'Reyes' ang nakalagay sa jersey.


Nagulat ako dahil para siyang referee. "Oops, wala pong sakitan guys!" Paalala niya.


Nakita kong nabanas ang kalaban dahil sa ginawa ni Charity. Masama ang kutob ko dito sa mga kalaban nila. Hindi naman sa pang huhusga pero mukha talaga silang mga basagulero sa kanto. I have a bad feeling about this!


Lumamang ang team namin. Pawis na pawis sila Mattheo at Ruie dahil sila na ang nagbubuhat sa game. Hindi maka focus ang iba dahil sa ginagawa ng kalaban.


"Go guys!" Cheer nila Kanna sakanila nang maka shoot si Quirin.


Hindi ako nagsasalita dahil pinag mamasdan ko ang mga kilos nila. My eyes automatically locked to the guy who's wearing the 'Reyes' jersey. May binulong ang isang kalaban sa isa. Lamang sila Seiton kaya mukhang seryoso na ang kalaban.


"Bibili ako tubig wait lang." Paalam ko bago tumayo.


"Saan ka bibili? Walang tindahan dito na malapit."


"Samahan mo na lang siya, Jiselle, kami na dito." Sabi ni Kanna habang nakatutok sa laro.


Patayo na sana si Jiselle nang biglang may natumba sa court. Nakita naming nagkakagulo na sila sa gitna!


"Gago, anong nangyayari?!" Jiselle panicked.


Naka handusay na sa lapag si Mattheo at naka kwelyo sakaniya ang kalbong lalaki. Si Seiton ay naka awat sakanila habang si Quirin ay naka abang sa isa pang kalaban. Si Ruie, Dustin, at Kio ay nasa likod lang.


Pilit na tinulak ni Mattheo ang kalaban dahil nagbantang susuntukin niya si Quirin. Shit, what's going on?!


"Pag laro, laro lang, walang pikunan!" Sabi ni Gabin na mukhang pikon na. Inawat siya ni Dustin at pinalayo sa gulo.


Lumapit kami nila Charity para umawat dahil mas lalong napikon ang lalaki sa sinabi ni Gabin. Sinubukan kong lumapit ngunit masyadong malalaki ang mga lalaki. Feel ko maiipit lang ako pag nagsapakan na!


"Calm down, bro," Paalala ni Quirin.


"Mayayabang, wala namang mga binatbat ang katawan! Mga payatot!" Sabi ng kalaban.


"Tumigil ka na. Nanalo na ang team namin, hindi sadya yung pagka bunggo. Tapos na."


Sinubukang pumagitna ni Quirin ngunit masyadong maangas ang lalaki. Lumapit siya kay Mattheo na duguan ang gilid ng labi.


"Wag na kayo mag basketball, tutal mga mukha naman kayong bading—"


Napasinghap kami sa sapak na ginawa ni Gabin. Mas lalo lang akong nalagutan ng hininga dahil mas nagkagulo sila. What should we do?!


"Kanna, kunin mo na ang mga gamit nila!" Tinuro ni Charity ang mga bag ng lalaki. Pumito siya nang malakas para patigilin ang mga kalaban.


"Tangina mo!" Seiton punched the guy. Natumba iyon at dumugo ang nguso.


Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko habang nanonood sa mga kaibigan kong nagkakagulo sa court. Sabi na, hindi talaga maganda 'to..


"Akhira, bilis!" Hinila ako ni Jiselle para kunin ang mga gamit namin para maka alis na.


Napapikit ako sa takot nang may tumamang bato sa likod ko. Mas lalo lang akong kinabahan nang may humarang sa likuran ko. Hinarangan ni Dustin ang kung sino mang namamato sa aming mga babae. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid!


"Mga dirty players!" Rinig kong sigaw nila Ruie.


"Dustin ano na nangyayari?! Umuwi na tayo bilisan mo, awatin mo sila Seiton!" Umiiyak na si Giselle habang nagpapanic sa gilid.


It was a total mess. Tumba ulit si Mattheo at nakikipag sapakan sila Seiton sa malaking lalaki. Sinubukang tulungan ni Quirin si Seiton ngunit masyadong malaki ang lalaki. Halos manlaki ang mata ko nang makita kong dumampot ng malaking tubo ang lalaki sa likuran ni Gabin.


"Gabin!" Sigaw ko.


The guy hit Gabin's head. Agad kaming sumugod sa lalaki dahil napaluhod na si Gabin pagtapos siyang hampasin. Sinubukan kaming hilain ni Quirin at Dustin ngunit nag pumalag kami ni Giselle.


"Si Gabin!" Tinuro ko ang kaibigan namin.


Tumumba si Gabin sa lupa na parang mawawalan ng malay. Nag si angatan ang mga dugo ko sa ulo nang makitang duguan siya sa semento.


"Gabin.."


Binuhat ni Kio si Gabin na walang malay at duguan. Naluha ako nang makita ang dugo na lumalabas sa ilong niya. Fuck..


"Alalayan niyo!"


"Tangina, anong nangyari?!"


Kanna punched the guy. Pinagtulungan nila ang lalaki habang ang ibang kalaban ay natakot dahil sa ginawa ng kasamahan nila kay Gabin. Tangina nila!


"Putangina mo, bitch!" Pinagpapalo niya ng tubo ang lalaki habang ang lalaki at duguan na rin sa lapag.


Binuhat ni Kio at Dustin si Gabin papunta sa wooden bench para ihiga. Hindi ko na alam anong dapat kong unahing lapitan. Naluluha na lang ako dahil hindi ko na alam bakit kami napasok sa sitwasyon na 'to. I feel like.. this is all my fault. Bakit kasi tumuloy pa kami dito, kahit may kutob na akong may mangyayaring masama sa amin!


"Gabin!" Humagulgol si Giselle nang makitang naka handusay ang kaibigan namin sa upuan. Chinecheck ni Mattheo ang leeg niya. Nakadilat siya ngunit namumutla na.


"Fuck you!"


Narinig kong tumili si Kanna dahil sinabunutan siya ng lalaki. Sinakal niya si Kanna sa bakal na bakod gamit ang tubo.


Tinakbo ko ang distansya namin. I hurriedly grabbed his hair. Sa sobrang lakas ay halos mabali na ang leeg niya sa pagsabunot ko. Nanginginig ang kamay ko habang hinihila hila siya palayo kay Kanna. Kinaladkad ko siya palayo. Binuhos ko ang galit ko sakaniya. Sa ginawa niya kay Gabin!


"Napaka gago niyo!" Sigaw ko.


Napadaing ako nang kagatin ng lalaki ang hita ko, dahilan kong bakit ko nabitawan ang buhok niya. Hinila niya ako pababa sa sahig at sinakal. He tried to undress my polo shirt ngunit natadyakan ko siya.


"Putangina mo, manyakol!" Hinila hila siya ni Kanna sa ulo.


Masyasong mabilis ang nangyayari. Kanna drag the guy away that's why i had the chance to get up. My heart almost skipped a beat when something hit my head. Malakas iyon kaya natumba ulit ako. I felt the numbness on the back of my head.


"Shit!" Nakita kong sinapak ni Mattheo ang lalaki bago ako tulungang patayuin.


I stood up. My vision went from black to blurry. Para akong nasusuka na hindi mo malaman. What the fuck was going on..?


"Are you okay?" Hinawakan ni Mattheo ang magkabilang braso ko dahil para akong matutumba.


Hindi ako makasagot. Nag iitim itim ang paningin ko. Nanlalamig ang ulo ko at namamawis ang buong katawan ko.


"Anong nangyari?" I heard Seiton's voice.


May humila sa akin habang wala akong maaninag dahil pa alon alon ang paningin ko. Niyugyog niya ako habang nakatingin ako sakaniya. Nakikita ko na kung sino ang mga nasa harapan ko. Si Seiton, Kanna, at si Mattheo na nasa pinaka likuran. His eyes looked like he's asking me if I'm okay.


"Nahihilo ka?" Nilapit ni Seiton ang mukha niya. He swallowed hard. Ang dami niyang bangas sa mukha.


"Nasusuka ako.."


"H-huh?" Nag panic sila Kanna habang pabalik pabalik ang tingin sa amin.


"Quirin, tumawag na tayo ng ambulansya!"


"Wag, papunta mga back up nila Reyes. Kailangan na natin umalis dito agad!"


Tuluyan akong hinila ni Seiton papalapit sa mga kaibigan namin. Hingal na hingal silang lahat habang inaalalayan si Gabin na makatayo. He's bleeding real bad!


"Gabin, kaya mo pa tumayo?"


"Oo, kaya pa.." Napapikit siya nang maramdaman ang dugong tumutulo mula sa ulo niya.


"May paparating na matanda," Mattheo warned us. Tumatakbo siya pabalik sa amin matapos silipin ang eskinita.


"Tara na, umalis na tayo dito, tangina!"


Inalalayan nilang apat si Gabin. Si Charity at Kanna ang may hawak sa mga bag namin. Sila ang naunang maglakad papunta sa kabilang eskinita dahil may tao sa dinaanan namin kanina.


"Hindi ko alam saan papunta 'to, alam niyo ba?" Nilingon kami ni Quirin. Siya ang nag lelead sa amin habang may hawak na dos por dos.


"No, ang tanging dinadaanan lang namin ay yung isa.. yung sinabi ni Mattheo na may matanda raw. That's the easiest way out."


"Bakit hindi na lang tayo ro'n dumaan? hindi naman siguro tauhan 'yon ng Reyes, di ba?" Kio suggested.


"Restricted area kasi 'to."


"Eh, bakit dito pa kayo naglaro kung gano'n?!" Saway ni Jiselle sakanila. "Napahamak pa tuloy tayo. Tignan niyo ang nangyari sa atin, puro galos! At nahampas pa ng tubo si Gabin, anong sasabihin natin sa parents niya?!"


Naalala ko ang tama sa ulo ko. Kinapa ko ang batok ko para makumpirmang walang dugo. Mabuti at wala naman..


"Sabihin niyo ang totoo. They started the fight, dinepensahan lang natin ang sarili natin."


"Madadamay tayong lahat dito. Lalo na kayo pres at Mattheo, mga officers kayo." Sabi ni Charity.


My heart is still beating so fast. Hindi ko kayang kumalma lalo na't nandito pa kami sa lugar na 'to. We're not safe here. And that bastards should pay for this!


"Sa susunod nga wag na kayong mag pusta pusta, napapahamak lang kayo diyan, e!"


"Well, this is our first time encountering this kind of.. stuff." Quirin shrugged. "Never again."


Sobrang sikip ng eskinita habang papasok kami paloob. Nasa pagitan kami ng dalawang lumang building. Nakakatakot pa dahil tahimik ang paligid. Rinig na rinig ang tunog ng dahon na natatapakan namin. I just want to go home.. ayoko na mag tagal pa rito.


"I think it's dead end," tinanaw ni Quirin ang pinaka dulo.


"Bumalik na lang ulit tayo. Doon tayo sa dinaanan natin kanina, mas madali."


"Paano si Gabin? Duguan pa siya?"


"I-punta natin siya sa clinic ng school. Bukas pa ang school hanggang ngayon. Tara na, bago pa tayo maabutan ng grupo ni Reyes." Tinuro ni Quirin ang daan pabalik.


Tahimik kaming sumunod sa sinabi niya. Nawala na ang pagka hilo ko kaya diretso na ako maglakad. Nasa harapan namin ni Seiton si Mattheo na matikas ang pag lalakad.


Inabot siguro kami ng isang oras kakalakad sa napaka habang eskinita. Dahan dahan naming tinahak ang kabilang daan dahil baka inaabangan lang kami ng grupo ni Reyes. I swear to God, this is the first and last time na mapunta ako dito.


Naglalakad kami palabas ng area nang may matanaw akong lalaki sa malaking bahay. He's old and wearing a brown sweater. Nakamasid siya sa dilim na parang may hinihintay na dumaan.


"Lakad na," masungit na sabi ni Seiton sa tabi ko. Napansin niyang may tinitignan ako sa malayo.


Tumindig ang mga balahibo ko at umiwas ng tingin. May tao pa pala sa ganitong lugar..


We rushed to the school's clinic. Luckily, they immediately treat Gabin's wound on his upper head. Pare parehas kaming naghihintay sa lobby habang sila Seiton ay nasa loob pa.


Lumabas bigla ang isang nurse kasama si Gabin na may benda na ngayon sa ulo. He smiled at us. Nagawa niya pa talagang ngumiti kahit na nagka ganyan siya.


Inalalayan siya ni Seiton habang si Quirin naman ang kumausap sa nurse dahil siya ang president ng section namin.


"Bakit puro kayo galos? Nakipag away ba kayo?" The nurse suddenly asked. Hinawi niya ang mukha ni Mattheo ng nakataas ang kilay. Napalunok kami sa kaba.


"Mr. Gerono, what happened to your classmates?"


He hesitate to answer the question. "Inatake po kami ng mga kaibigan nila Reyes.."


Kumunot ang noo ng nurse. "Reyes? Vincent ng section sa kabilang building?"


"We're not sure po sa name, e.. pero grade 12 po sila. Siya rin po yung nakipag away kay Gian ng Abm po." Si Kanna ang sumagot.


"Sino naman si Gian? Hindi ako familiar sa mga pangalan, tsaka alam ko nakaraang year pa na expelled yung Reyes dito."


"Mataas na lalaki po tapos kalbo," she described the guy.


Napaisip nang malalim ang nurse bago magsalita. "Okay, I'll ask the guard na lang kung may dumaan bukas na studyanteng kalbo. Reyes ang surname, right?"


Tumango kami. Binigyan niya si Gabin ng extra bandage bago kami umalis ng clinic. Mabuti na lang at hindi malala ang pagkaka hampas. Nag dugo lang ang batok niya dahil may pako ang tubong hinampas sakaniya.


"Ingat pauwi," kumaway si Quirin sa amin bago siya sumakay sa van nila.


Naiwan ako kasama si Seiton at Mattheo na nag aayos ng kaniyang bike. This is awkward.


"Una na ako." Paalam ni Mattheo habang naka tingin sa akin, pabalik kay Seiton at sa aking ulo. He looks worried about the incident earlier. Kanina niya pa hindi maalis ang tingin sa ulo kong nahampas.


"Ingat pag uwi, Mattheo. Salamat sa pag tulong sa'kin kanina."


Tumango lang din siya at umalis na. Naiwan na ako ngayon kasama si Seiton na sinusundan ng tingin si Mattheo na nag b-bike paalis.


"Mauna ka na, sasakay pa ako ng jeep." Pag basag ko sa katahimikan.


"Isasakay na kita sa jeep."


"No need, kaya kong sumakay mag isa, Seiton."


Umiwas siya ng tingin na parang guilty sa mga nangyari. Hindi siya umimik at pumara ng jeep. Hinayaan ko na lang siya dahil ayoko nanaman na magtatalo kami sa mga maliliit na bagay.


Pagtapos huminto ng jeep sa harapan ko ay sumabay din siya sa pag sakay. Hindi na ako nagtaka dahil iisang way lang naman ang bahay namin. He sat beside me. He made a distance between our seats.


Tahimik kaming dalawa hanggang sa bumaba na ako ng jeep. Hindi ko siya nilingon pabalik. Dire-diretso ang lakad ko pauwi sa bahay namin. I'm too tired to even look back.


Pag uwi ko sa bahay ay dumiretso ulit ako sa kwarto ko para makapag pahinga. This shit is like a cycle. Papasok, uuwi sa school ng pagod, tulog, repeat. Wala pang kain minsan dahil pabago bago ang oras ng tulog ko. My life is so messed up right now..

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 255K 34
Those who were taken... They never came back, dragged beneath the waves never to return. Their haunting screams were a symbol of their horrific death...
28.9M 917K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
10M 501K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
155K 32.2K 98
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras แ€‘แ€ฐแ€ธแ€†แ€”แ€บแ€ธแ€žแ€Šแ€ทแ€บ แ€•แ€ผแ€”แ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€†แ€ฝแ€ฒแ€™แ€พแ€ฏแ€แ€…แ€บแ€แ€ฏแ€กแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธแ€แ€ฝแ€„แ€บ แ€แ€ปแ€ฎแ€แ€ปแ€„แ€บแ€ธแ€แ€…แ€บ...