BOF 2: WYATT LAURENT

By vampiremims

11.2K 237 3

Wyatt Montes de Oca, the eldest son of Arturo and Marisol Montes de Oca. He was the one who was supposed to m... More

Wyatt Laurent Montes de Oca
00
01
02
03
04
05
07
08
09
10
Patreon, VIP group and VIP Spaces

06

300 8 0
By vampiremims


WYATT

"Don't blame me if you sprain that hand again, okay?" nakangisi si Wynn sa kaniya matapos itong magpalit ng damit at samahan siya sa gym nila sa bahay nila para sa sparring session nilang magkapatid.

He was actually thinking of asking Wren to do it since he's really the athletic among the five of them, but since he's younger than him and their mom will surely berate him if he accidentally hit his face, he opted to just call Wynn.

At least si Wynn, hindi nakatira sa kanila.

"You're so full of yourself, Wynn. Pakiramdam mo ang lakas mo, e, ano?" ngumisi naman siya sa kapatid na natawa lang din sa kaniya. Madalas naman din na ito talaga ang kasama niya kapag nasa gym at ito ang madalas na ka-sparring niya.

Wala siyang maasahan kay Wise at Walter sa bagay na iyon. They just go to the gym but they don't do sparring sessions with him. Sinabihan pa nga siya ng mga ito na makuntento sa punching bag na naroon kung gusto niyang manuntok.

"Compared to you? Yes, I am," sabi pa ni Wynn sa kaniya na mukhang nasa mood pang mang-asar. Well, he's been like that since he saw Olivia earlier. Naabutan nitong kasabay niyang kumain si Olivia ng almusal at kahit walang sinasabi ang kapatid niya ay alam niya na may laman ang mga ngisi nito kapag nagkakatinginan silang dalawa.

Kate really changed this asshole.

"Dami mong daldal," sabi niya na lang at pumuwesto na para makapagsimula silang dalawa. Iyon na rin ang nagsilbing workout niya sa araw na iyon at gano'n naman din si Wynn.

Wynn's now busy with his firm. Kung minsan ay tumutulong pa rin ito sa negosyo nila pero hinayaan na rin ito ng mga magulang nila na gawin ang gusto nito dahil noon pa naman ay alam na nilang hindi gusto ni Wynn na pamunuan ang negosyo nila.

Noong napunta rito ang responsibilidad, mas nagbago ito at naging matigas.

Mabuti ngayon ay mukhang naibalik na nito ang Wynn na palaging nakikita nilang ngumingiti at nakikipagbiruan.

Love really changes people.

"So, what are you planning to do with your baby mommy?" nakasandal silang dalawa sa pader at umiinom siya ng tubig nang magtanong si Wynn sa kaniya. Pareho silang pawis na pawis dahil may halos isang oras ang itinagal ng session nila.

He shrugged and leaned on the wall again after closing his tumbler. Hindi pa rin naman niya alam kung ano ba ang dapat na gawin kay Olivia sa mga sandaling iyon.

Hindi maikakaila na totoo naman ang sinabi nito tungkol sa donation niya at posible naman talaga na siya ang ama ng ipinagbubuntis nito. She said she was sure, too, because she mentioned she and Jerry didn't have sex for months after his donation.

Ibig sabihin ay napakalaki ng tsansa na sperm niya ang nakabuntis sa babae.

But why the heck they're not having sex?

If I have a wife like Olivia, I will probably fuck her every night.

"Hey, I am asking you a question," tinapik ni Wynn ang balikat niya kaya napabaling siya sa kapatid at napatikhim. Lihim na napamura sa isipan dahil sa ideya na pumasok doon.

He should not be thinking those things about her. Hindi tama dahil kaya naman lumapit sa kaniya ang babae ay dahil kailangan nito ng tulong nito.

"I will help her," sabi niya sa kapatid. "And you will help me help her," sabi pa niya na tinawanan naman ni Wynn.

"Why am I involved in this? Hindi ko naman nabuntis 'yon, ah?"

Tinitigan niya ng masama ang kapatid. "Are you forgetting the fact that Kate married you because I left? Kung hindi ako umalis, wala kang asawa ngayon, gago." Iyon naman din ang palagi niyang pinang-aasar kay Wynn na tinatawanan lang nito at sinasabi sa kaniya na kahit hindi naman siya umalis ay hindi siya pakakasalan ng asawa nito dahil ito ang mahal nito.

"Why don't you just tell them about your donation? Tangina kasi, pumunta ka ng Maynila para sa trabaho, bakit nag-donate ka ng sperm mo?" iiling-iling si Wynn habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"Can you fucking keep your voice low?" asik niya rito dahil ito lang ang sinabihan niya tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya magawang sabihin sa ibang mga kapatid niya dahil kapag nalaman ni Wren iyon, hindi na mapapakali ang dila nito na sabihin iyon sa mga magulang nila.

Unless he will buy him the latest model of BMW.

"Ginawa-gawa mo, ngayon kinahihiya mo?"

He scoffed and took the towel to wipe his face and neck again. Mabuti na rin na nakapagpapawis siya ngayon at narito si Wynn na kahit malapit na niyang pagsisihan na tinawag niya ay may nakakausap siya tungkol sa nangyayari sa kaniya.

"You know mom and dad, Wynn. They won't let her go once they find out that she's really carrying my child. And her leaving the house is inevitable. Kasal na siya at hinahanap niya ang asawa niya."

"And that contradicted the plan you have, brother," he chuckled. "You want mom to let her go, and yet you asked her to just go with the flow and make them believe that she's carrying your child? Mas lalong hindi sila papayag na umalis si Ollie sa ginawa mo, e. Gusto mo bang umalis siya o ayaw mo?" he asked him.

Napakunot naman ang noo niya sa tanong ni Wynn sa kaniya.

"What kind of question is that, Wynn? I did that to help her. Mas mahihirapan nga siya kapag nalaman nila Mommy na anak ko talaga ang dinadala niya."

"Then what–"

"I need your help with that," putol niya sa sinasabi ng kapatid niya. Si Wynn naman ang nangunot ang noo sa kaniya. Para bang maging ito ay naguguluhan sa plano niyang gawin pero kakailanganin naman talaga niya ang tulong ng lalaki.

"I will ask Olivia to do a DNA test, sasabihin ko rin kina Mommy iyon," sabi niya sa kapatid bago tumingin sa pader na naroon sa may loob ng gym nila. "I want you to talk to the doctor who will do the test and make sure it will turn out negative," nilingon niyang muli ang kapatid niya na nakatingin lang sa kaniya.

"You want me to conspire with you in fooling our parents? And to also put a doctor's license at risk once our parents found out the truth and–"

"Wynn, they will believe the result if it will be done at the Esquillona's hospital," sabi niya naman kaagad sa kapatid niya na mukhang dudang tutulungan siya pero kailangan niya ang tulong nito.

Kailangan niyang masigurado na magiging negative ang resulta para na rin makaalis si Olivia sa bahay nila at pabayaan ito ng mga magulang niya. Then he will probably just look for an apartment for her to stay in while he's looking for Jerry.

May kinausap na siyang mga tao para hanapin ang lalaki at wala pang update mula sa mga ito kaya wala pa rin siyang masabi sa babae.

"Just tell them the truth, Wyatt. I am sure mom and dad will understand. Apo naman nila iyon, e."

He shook his head. Gustuhin man niyang isipin na anak niya ang nasa sinapupunan ni Olivia, alam niyang nakiusap sa kaniya si Jerry noon at pinagbigyan niya ang kaibigan. Wala siyang plano na angkinin ang anak ng mga ito ngayon.

He just wants to help them have a complete family.

Para naman kahit iyon ay magawa niya para sa anak niya.

"You know that I will do this with or without your help, Wynn. It would be easier with your help, though," sabi na lang niya sa kapatid dahil sigurado siya sa plano niyang iyon. He also feels bad about it, though. Lalabas na hindi sigurado si Olivia sa nakabuntis dito at mababahiran ng dungis ang babae sa mata ng mga magulang niya. Kailangan niya lang na palabasin din na biktima lang si Olivia.

Like someone pretended to be him, that's why Olivia knew his name, but it wasn't really him.

He sighed and clenched his fists. Who would've thought that his donation would turn out like this? Naging problema pa niya ngayon ang pagmamagandang loob niya sa kaibigan.

"When are you planning to bring her to the hospital?" tanong ni Wynn sa kaniya mayamaya lang kaya naman napangiti na lang din siya at tinapik ang braso nito dahil mukhang tutulungan siya ng kapatid niya. Tinulak naman siya nito habang seryoso ang mukha. "I won't tell this to Katherine, so make sure to do everything right, Wyatt."

He nodded his head.

Kailangan na lang din niyang makausap si Olivia para sa plano niyang iyon.

Nagtungo na rin siya sa sariling silid para makaligo na rin matapos na magpahinga. Nagpaalam na rin naman sa kaniya si Wynn na uuwi na ito sa kanila dahil ilalabas nila ni Kate si Wynea papunta sa mall.

Naiisip niyang talagang malaki ang pinagbago nito simula noong dumating si Wynea sa buhay nito. He's still an ass, though. But he's now a responsible ass.

He stayed under the shower, letting the cold water soothe his aching muscles. He put both hands on the cold tiled wall as he was bowing down his head as images of Olivia flashed through his mind that very moment.

She needs his help.

And even though he doesn't want to involve himself in their problem and situation, he feels obliged to help her now.

Maybe it was because of the baby she's carrying. Maybe because of the invisible string that connects him and the baby, it's making him want to help her.

He sighed heavily as he simply nodded his head.

"Yeah, I will help you and after that, I can go back to my old life," sabi niya bago tinapos ng mabilis na ang pagligo para puntahan na rin ang babae at sabihin dito ang planong naisipan niya.

With the towel on his waist, he walked towards his wardrobe to get his pants, underwear and shirt. Wala naman din siyang lakad kaya simpleng faded blue jeans at white T-shirt na lang ang napili niyang suotin. Inilapag niya lang ang mga iyon sa may kama nang makarinig ng katok sa pinto.

Kumunot ng bahagya ang noo niya bago tinungo iyon para silipin kung sino ba ang kumakatok sa labas ng kuwarto niya. Muling kumatok ang nasa labas ng pinto kaya binuksan niya na ang iyon dahil posibleng kasambahay iyon at marahil ay ipinapatawag siya ng mga magulang niya.

"What–" natigilan siya nang makita na si Olivia ang nasa labas ng pinto. Nakayuko ito sa kaniya at mabilis na nag-angat ng tingin nang mabuksan niya ang pinto. Natigilan din ito nang makita ang ayos niya at kitang-kita niya ang pag-akyat ng dugo sa mukha ng babae at pamimilog ng mga mata nang makita ang ayos niya.

"B-Bakit ka nakahubad?" tanong ng babae na nakatingin pa rin sa kaniya. Bumaba pa ang mga tingin nito sa dibdib niya pababa sa tuwalyang nasa may baywang niya.

He cleared his throat to get her attention again. Muli naman siyang tinignan ng babae na namumula pa rin ang mga pisngi.

"What is it?" tanong niya kahit na siya mismo ay hindi maiwasan na hindi tignan ang mga pisngi ng babae na kahit natural na mapula ay mas namumula ngayon.

Kung sa hiya o sa ibang bagay ay hindi niya alam.

Modesty aside, he knew that his body looked good. He goes to the gym regularly and he also plays basketball with his brothers. Alaga niya ang katawan niya at alam niyang walang maipipintas ang babae roon.

"Uhm..." she bit her lip and looked away. Ang mga kamay nito ay nasa nakahawak na naman sa bestidang suot nito. "Pinapatawag ka ng daddy mo sa... sa library raw," sabi nito sa kaniya.

"Hmm. Okay," he said while still looking at Olivia who was still blushing. Napangiti siya ng maliit nang maisipan na asarin pa ang babae. He moved and leaned closer to her. Humarap pa siya rito at halos gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha nilang dalawa.

"Are you okay?" he asked her and her eyes widened when she looked at him. Napaatras naman ito at maagap niyang hinawakan ang kamay at ang likod nito dahil baka matisod at matumba. Kumapit naman din sa kaniya si Olivia at ang isang kamay nito ay nasa dibdib niya.

"Careful, you might fall," sabi niya sa babae bago inalalayan pa itong makatayo ng maayos.

Lumingon naman sa kaniya si Olivia at sinimangutan siya kahit na namumula pa rin ang mga pisngi. "Ikaw kasi, e! Bakit bigla kang lumalapit at ginugulat ako?" tanong nito sa akin at saka napanguso. "Paano kung natumba talaga ako?" tanong pa nito sa kaniya.

He suppressed his smile and stared at her. "I am here, I will catch you, then," sagot niya naman sa babae na inirapan siyang muli. "Now, can you remove your hand on my chest so I can go inside and wear my clothes?" tanong niya sa babae na nanlaki ang mga mata nang makita rin na ang mga kamay nito ay nasa may dibdib niya pa rin.

Mabilis nitong binawi iyon at tumalikod na sa kaniya. Napangiti naman siya habang naglalakad papalayo ang babae.

Matapos siyang magbihis ay lumabas na rin siya para puntahan ang ama sa library nito para alamin kung ano ba ang kailangan nito sa kaniya.

"Do you think Walter will do good in our realty business?" he asked him while he was sipping on his tea. Naupo naman siya sa isang silya sa harap ng marmol na lamesa na naroon. May mga files na nakapatong din doon at may pictures ng buong pamilya nila at may solong larawan si Wynea sa lamesang iyon ng ama.

"He's doing good now, I don't see any reason to be worried, Dad. He's doing great," sabi niya rito dahil iyon naman din ang sinabi sa kaniya ng kinausap niya sa MDO Land Corp. noong minsang pumunta siya roon para kumustahin ang lagay ng negosyo.

His brother Walter is doing his best and he knows that he's doing that because he doesn't want to disappoint their parents, too.

His dad smiled and nodded his head. "Okay, then if you think I have nothing to worry about, I won't worry about it," sabi nito sa kaniya. Tumango naman siya rito.

"What else do you want to talk about?" tanong niya dahil alam niya naman na hindi lang iyon ang pakay ng ama sa kaniya.

He leaned on his chair and looked at him. "What are you going to do with Ollie?" tanong nito sa kaniya at inaasahan niya na ang bagay na iyon. He's sure that sooner or later, his parents will make a move if he will stay still.

"What do you mean? Mom's taking care of her, Dad. She's going to stay here, right?" sabi niya naman sa ama na napailing sa kaniya.

"You will be having your own family now, Wyatt. I know you've been wanting to move out of here," sabi nito sa kaniya. Napatuwid naman ang likod niya dahil sa sinabi nito.

Totoo rin ang bagay na iyon dahil talaga namang noon niya pa gustong bumukod, nagtatampo lang ang ina kaya hindi niya magawa iyon.

"I already talked to your mom about it. You will be starting a family with Ollie and as much as we want to take care of her, you should start being responsible to your own family. I know you have your own house already, you have my permission to move out."

"You're sure about that?" paninigurado niya sa ama na tumango naman sa kaniya.

"Make sure to take two maids with you to help Ollie and you," sabi pa nito na tinanguan naman niya.

"Yeah, sure," sabi niya sa ama bago tumayo na rin dahil mukhang wala naman na itong sasabihin pa sa kaniya at naglakad na rin siya palabas.

Naiisip niyang may mabuti rin naman palang dulot sa kaniya ang pagsulpot ni Olivia sa buhay niya.

Nakita niya naman ang babae na naglalakad papunta sa kusina kaya sinundan niya ito at pinanuod. Kumunot ang noo niya nang makita na may inaabot ito pero hindi nito makuha iyon.

She frowned and took a stool to probably step on it.

"What the hell?" he asked and walked towards her. "What do you think you're doing?" tanong niya sa babae habang hawak ang braso nito. Napatingin naman ito sa kaniya at napakagat ng labi.

"Are you insane? Paano kung malaglag ka?" tanong niya pa rito.

Nagyuko naman ito. "Hindi ko kasi abot, e..." mahinang sagot naman nito.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa babae.

"Hindi mo abot ang ano?" he asked her and she looked at him and her eyes were wet because of her tears. Tinuro nito sa kaniya ang lata ng gatas na naroon sa may cabinet.

"The milk?" he asked her and she nodded her head. "Olivia, we have milk in the fridge. Hindi mo kailangan na magtimpla ng gatas at–"

"Hindi ko naman titimplahin..." sabi nito habang nakayuko pa rin.

Napatingin na lang siya sa babae habang nakangiti itong pinapapak ang powdered milk na kinuha niya mula sa cabinet. She looked really happy while eating it like that and he couldn't stop her because she's glaring at her after being thankful that he took the can and gave it to her.

"I guess we need to buy cans of powdered milk for you once we move out," sabi niya sa babae na napakunot naman at tumingin sa kaniya.

"Move out?" tanong nito sa kaniya na tinanguan naman niya. "Saan tayo pupunta?" ipinagpatuloy nito ang pagkain ng gatas bago muling tumingin sa kaniya.

"We'll live in one house now, Olivia. Ibabahay na kita."

Nanlaki naman ang mga mata nito at muling pinamulahan ng pisngi.

He looked at her and chuckled.

"You're my baby mommy after all, right?" he added and she blushed again.

My baby mommy. 


***

This is an ongoing story in Patreon, VIP Group, and VIP Spaces. Send a message to Vampiremims Facebook page to join!

Continue Reading

You'll Also Like

31.7K 1.3K 26
"I may not be the first person who color your life, but I'm lucky to be able to enter and color your life." ⎯⎯Beyond the Spotlight: Fine Line Series...
306K 10.5K 27
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
87.9K 5.3K 24
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
33.5K 971 25
Salvatore De Luca and Joana Lumanog stories🖤