Chew on Something | ✓

By JonalynYan

887K 17.5K 2.7K

COOK SERIES UNO: Vermont Mabry Z. Villavicencio Meet Khione, a cooking student from La Union who has been dea... More

PROLOGUE
Early Years
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
FOR VERMONT'S POV

Chapter 13

17.6K 436 44
By JonalynYan

—Chapter 13—

[Kumusta ka riyan, apo?] tanong ni lolo sa kabilang linya.

“Ayos lang po, lolo. Kayo po diyan? Kumakain po ba kayo nang maayos?”

[Oo naman, apo. Ikaw ba ay kumakain pa ng masustansiya diyan?] si lola ang sumagot.

“Opo. Hindi po ako pinapabayaan ni Vermont, lola. Nagkita po kami ulit dito.”

Bigla naman akong nalungkot dahil ngayon ko na lang ulit narinig ang boses nilang dalawa. Nakitawag pa kasi ako sa mama ni Chi para makausap ko sila. Ayaw kasi nila ng cellphone dahil wala naman daw sila tatawagan noon kaya ako lang ang binilhan nila.

[Mabuti naman kung ganoon, apo. Sa susunod na sahod ng mama mo, bibili na kami ng cellphone at sim card para makatawag sa ‘yo lagi, apo. Miss ka na namin]

Hindi ko na mapigilang hindi mapaluha. Simula bata hanggang sa magdalaga ako ay silang dalawa na ang nag-alaga sa akin. Samantalang si mama ay nasa abroad at hindi ko pa alam kung kailan siya uuwi sa amin. Ang tatay ko naman ay tumakbo na sa kaniyang responsibilities.

“M–miss ko na rin po kayo, lolo at lola. Nami-miss ko na po ang luto niyong bulalo,” sabi ko, hindi pinapahalata ang pag-iyak.

[Hindi ka ba nakakapagluto riyan? Gusto mo bang dalhan kita?]

Marahan akong natawa. “‘Wag po kayong mag-alala sa day-off ko po, bibili ako.”

[Oo nga at alam ko naman na alam mo na ang recipe ko. Apo ko, ibababa na namin ang tawag, nakakaabala na kami kay Chida]

“Sige po, lola. Kaunting tiis na lang po at makakabili na kayo ng cellphone.”

[Mag-iingat ka diyan, apo. Oo nga, apo. Mahal ka namin ng lola mo.]

“K–kayo rin po. Love you both.”

Nang maibaba ko na ang tawag ay mas napahagulhol lang ako lalo. Na-homesick ako bigla. Araw-araw ba naman kasi akong inaalagaan ng lolo at lola ko. Miss na miss ko na sila. Tatlong linggo pa lang akong nandito pero ‘yong pagka-miss ko sa kanila, grabe na.

Narinig ko ang katok mula sa pinto. Marahan akong tumayo mula sa kama at nagtungo sa pintuan. Nang buksan ko iyon ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Vermont.

“Why are you crying?” he asked softly.

Nagpunas ako ng mga luha ko. “Na-miss ko lang sina lolo at lola. Pati ‘yong bulalo na niluluto ni lola. Na-homesick lang ako bigla,” paliwanag ko habang tumutulo na naman ang mga luha ko.

He reached my body and hugged me. “Do you want to go La Union?”

Marahan akong umiling. “Baka hindi na ako makabalik dito kasi gusto ko na lang mag-stay roon. Basta matapos ko lang muna OJT ko.”

Pagkatapos kong umiyak ay bumili na lang din kami ng regalo para kay Chef Madi. Hindi ko alam kung ano ang bibilhin ko pero bumili na lang ako ng customized chopping board. May pangalan iyon ni Chef Madi. Hindi naman gano’n kamahalan kaya binili ko na.

Pupunta rin ang ilan sa mga trainees na kasama namin at doon na sa bahay nina Chef Madi magkikita-kita. Bukas ay sarado ang VM’S restaurant para bigyang araw ang birthday ni Chef Madi.

“Khione!” salubong kaagad ni Chi at ni Akira sa akin nang makarating kami ni Vermont sa bahay nila.

“Bakit magkasama kayo ni?” nang-aasar na bulong ni Chi bago tumingin kay Vermont na nasa likuran ko.

“Sabay lang,” sabi ko.

“Lah? Sabay lang pero parang araw-araw na? Akala mo hindi namin napapansin ang pag-alis n’yo ng sabay kapag uwian na, ha?” dagdag naman ni Akira.

“Khione, I will go inside first,” paalam ni Vermont sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti.

Hinila naman ako ng dalawa kong kaibigan at naupo kami sa may iisang long chair malapit sa pool. “So, ano ang chika? May utang kang chika sa amin,” pangungulit ni Chi.

Ngumiti ako sa kanila. “Basta ‘wag kayong maingay, ah. Nakatira ako sa condo ni Vermont.”

“What?!” sabay nilang sigaw.

“‘Wag nga kayong maingay!” saway ko sa kanila.

“Paano?” tanong ni Akira.

Napalunok ako bago ikwento sa kanila ang lahat.  Simula no’ng naghiwalay kami ng landas ni Akira.  Ngumisi naman si Akira. “Kaya pala, ah. Kaya pala para kayong may hidden connection dalawa,” sabi niya.

“Ang hidden connection?” tanong ko.

“Teh, hindi mo halata? May gusto sa ‘yo si Vermont. Hindi pa ba umaamin?”

Kumunot naman ang noo ko. “Napapansin ko naman ang mga kilos niya pero ayokong mag-assume dahil lang doon. Gusto ko sabihin niya sa akin nang harap-harapan.”

Umayos nang pagkakaupo si Chi at talagang humarap sa akin. “Sabihin mo nga sa ‘min, may nangyayari na ba sa inyo?”

“Nangyayari?” taka kong tanong.

“Like kisses? Hugs? Or more than that?” malisyosong sabi ni Akira.

Halos mamula na naman ang mga pisngi ko. No’ng nakaraan ay pahalik na sa pisngi si Vermont at lately lang ay madalas niya akong yakapin kapag malungkot ako or umiiyak.

Nahihiya naman akong sabihin sa kanila dahil wala namang ibang ibig sabihin iyon. Napabuntong-hininga na lang ako bago magsalita.

“Wala naman,” pagsisinungaling ko.

Parehas silang parang nagwawalang bata dahil sa pagpadyak nila. “Hindi kami naniniwala,” sabi ni Akira.

“Wala nga.”

They’re babbling something pero hindi ko na iyon pinansin at tinawanan na lang silang dalawa.

“Khione...” Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Pare-parehas kaming napatayo nang makita kung sino ang kasama ni Vermont. It’s Chef Madi and Sir Vladi! The powerful couple! Ang lakas talaga ng charisma nilang dalawa.

Lumapit kaming tatlo sa kanila at nagmano. “Happy birthday, Chef,” bati ko.

Ngumiti naman siya. “Ang formal naman masiyado, Khione. Just call me, Mita,” aniya.

Binati rin sila ng dalawa kong kaibigan. “My students from La Union? Tama ba?” tanong ni sir Vladi.

“Yes, sir,” sagot agad ni Chi. “Halah, sir naalala mo pa pala kami. Ako lang ‘to, ‘yong pinakamaingay sa room dati.”

“I remember you! Hindi ko makakalimutan ang isang Archive Raniel.”

Bigla naman kaming nagtawanan dahil ayaw ni Chi na binabanggit ang buo niyang pangalan. “Sir, omg! Alam kong pogi ang name ko, pero sir babae na po ako,” sagot niya.

Tinawanan naman siya ni sir Vladi lalo. “Itong dalawa ay mahiyain naman. Buti at natiyaga ka nila?” tanong nito kay Chi.

“Siyempre, sir ako pa ba? I’m stretchable.”

Kahit kailan ang kulit talaga nitong si Chi pero mabuti na lang at naging kaibigan namin siya at nabawasan ang pagiging sobrang introvert namin ni Akira.

Naramdaman ko naman kaagad ang presensya ni Vermont sa tabi ko. “Gusto mo na bang kumain?” malambing niyang tanong.

Tumingin ako sa kaniya. Dahil nga medyo malapit siya ay kailangan ko siyang tingalain nang bahagya.

“Sabay-sabay na lang siguro. Ikaw ba? Nagugutom ka na?” tanong ko.

Marahan siyang tumango. “Medyo. I already told the cook to prepare bulalo. Luto na rin.”

“Ha? Nagpaluto ka?”

Ngumiti siya. “Mom wants it too.”

“Wow. Nga pala, kumain ka na,” sabi ko.

Ngumuso siya. “Let’s eat together.”

Tumingin ako sa mga magulang niya na nakatingin na rin pala sa amin! Maging ang dalawa kong kaibigan.

Narinig ko ang pagtikhim ni Vermont sa tabi ko. “Mom, Dad... This is Khione,” pakilala niya. “The girl— you know.”

Ha? Bakit kailangan pang ipakilala ako? Babaeng ano?

“Good evening po ulit. We’re friends po,” sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan ang mag-asawa at nagtawanan. Maging ang dalawa kong kaibigan ay natawa na rin. May mali ba sa sinabi ko?

“Until when, Vermont? Friends, huh?” sabi ni sir Vladi, halatang nang-aasar.

Napatingin ako kay Vermont na nakakunot naman ang noo at seryosong-seryoso. “Let’s go,” aya niya. “I’m hungry.”

Nagpaalam na lang din ako sa mga kasama namin dahil mukha na talaga siyang nagugutom. Nang makarating kami sa loob ay dumiretso kami sa may dining area. Maraming namang mauupuan pero sa mismong dining area nila kami pumunta.

“Vermont, anong ihahain ko sa inyo?” tanong ng isang matandang babae.

“All the foods na lang po, manang especially the bulalo.”

Ngumiti lang ito at dumiretso na sa kusina. Maya-maya pa ay may pumasok na dalawang matanda. They’re wearing semi-formal clothes. They’re genuinely happy.

Napatayo na lang din ako nang tumayo si Vermont. “MamaLa, PapaLo,” bati nito sa dalawa at nagmano.

Grandparents niya rin? Father’s side siguro.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at nagmano rin. “Good evening po.”

“MamaLa, PapaLo, si Khione po.”

“Girlfriend mo, Vermont?” tanong ng kaniyang lola.

“Hindi pa po,” mabilis na sagot ni Vermont.

Napanganga ako nang bahagya dahil sa kaniyang sagot. Hindi pa po? Anong hindi pa po? Bakit?

Nakahinga lang yata ako nang maluwag nang umalis na sila. Nanghingi lang pala ng ice cream dahil kanina pa hinahanap sa labas.

Naupo na ulit kami ni Vermont at sakto namang nakahain na ang mga pagkain sa lamesa. Nagsimula na akong sandukan ni Vermont ng bulalo.

“Thank you. Kaya ko naman na,” sabi ko.

“It’s just a simple thing, Khione. It’s fine.”

Naglagay rin siya sa main plate ng kanin at ulam. Inurong niya malapit sa akin ang mangkok na maliit kung nasaan ang bulalo.

“Taste it,” aniya.

Kinuha ko ang kutsara at marahang tinikman iyon. Napalunok ako lalo nang malasahan ko ang sabaw. Parang kay lola na luto! Ang sarap sobra!

“Kalasa ng kay lola.”

“Yeah. Itinuro sa akin iyon ng Lola mo and I instructed it to our cook. He made it, right?”

“Wha! Sobra...” Ngumisi ako. “Thank you so much. I love it.”

“You’re welcome. Enjoy the food.”

Continue Reading

You'll Also Like

77.5K 626 12
Khol Ducani is the black sheep of the family. A walking red flag as most people say. Sadly, Chandria is one of those girls who fails to see how big o...
885K 20K 87
Beauty is meant for the sun to shine, for the people to flaunt, for the boys to want, And for the the Beast to have. Is Beauty truly a blessing? Or a...
974K 43.4K 41
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
122K 8.4K 20
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...