⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙
┌─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┐
*After school*
└─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┘
⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙
Haaaay! Sa wakas natapos din ang isang araw sa school.
Inunat ko ang katawan ko at pinagmasdan ang mga kaklase ko na nag-aayos ng kanilang mga gamit at mga nagsisialisan na ng classroom namin. Napatingin naman ako rito sa dalawa kong kaibigan na si Sam at Makki.
Don ko lang napansin na naka head down pala 'tong si Sam sa kanyang arm chair. Tila natutulog yata siya. "Maks. Kanina pa tulog si Sam?" tinanong ko si Makki na nagaayos din ng kanyang bag.
"Oo Jae, kanina pa nung last period. Buti nga 'di siya pinagalitan ng prof." sagot naman ni Makki sakin.
Napakunot ako ng noo kasi... Grabe di ko manlang napansin na nakatulog si Sam sa class namin? "'Di mo napansin kasi busy ka rin sumagot sa mga tanong ni Sir sa satin." Sumingit naman si Makki sa aking pagtataka. Napatawa ako sa sinabi niya.
"Gisingin na ba natin? Diba may practice ka pa?" tinanong ko siya habang sinusukbit ang backpack ko sa balikat ko. "Hmm." matipid na sang-ayon ni Makki.
Inalog ko naman ng onti si Sam para magising ito. "Makki, mamaya mo na ko gisingin." antok na sagot ni Sam. Ngumiti naman itong kasama ko, tinignan ko siya tapos agad niya rin inalis yung ngiti niya.
Nako Makki, 'kala mo 'di ko nakita yon ha!
"Gising na Sam! Mag-ppractice na si Makki!" sinigawan ko siya para naman magising na siya. Nang masigawan ko siya agad-agad naman siyang napabangon ng kanyang ulo. Nilingon niya agad yung pwesto ni Makki. "Nandito ka pa Makki?" antok padin yung boses ni Sam habang nagsasalita. Napaka-cute naman ng bunso namin. 'Di ko napigilan sarili ko na pisilin cheeks niya.
"Aray! Awawy! Ate Yaey ang shakit!" sambit ni Sam habang pilit pumipiglas sa pisil ko.
Umiling-iling naman si Makki sa aming dalawa. "Mauuna na ako. See you there Jae and Sam." Nagpaalam na sa amin si Makki at lumabas na rin ng classroom namin. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko naman na nandon sa labas ng pintuan namin si Nico. Agad ko naman binitawan yung cheeks ni Sam at ngumiti kay Nico. Nagmadali akong maglakad papunta sa kanya. Nakita ko naman na nag fist bump si Nico kay Makki bago tuluyang umalis si Makki sa pintuan namin.
Sinunggaban ko naman ng isang mahigpit na yakap si Nico na kanyang binalik naman din. "Hello By! Kamusta class niyo?" bati naman sakin ni Nico. "Hiiii! Okay naman. Si Sam nakatulog nung last subject namin." sagot ko sa kanya at umalis na rin sa kanyang yakap. Tumawa muna siya bago niya hawakan ang kamay ko.
Ano ba yan? Kinikilig ako.
"Hi ate Coco! Heto nanaman ako 3rd wheel sa inyong dalawa" umikot ang mata ni Sam nung sinabi niya na 3rd wheel siya sa amin.
"Don't worry Sam. Nandito rin ako." Isang pamilyar na monotone voice ang narinig ko galing sa gilid namin. Agad ko rin nilingon ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Yves na nakababa ang kanyang buhok at hindi niya suot ang kanyang salamin.
Baliw ba to? May nakikita pa ba to?
"Ate Yves!" masiglang bati naman ni Sam sa kanya at yinakap niya ng mahigpit si Yves. Laking gulat namin ni Nico kasi yinakap din ni Yves si Sam? Huh? Kasi kahit sa amin ni Nicolai kung hindi pa namin pipilitin si Yves na yumakap pabalik, hindi niya gagawin. Pero kay Sam? Automatic agad ang yakap? Huh?
"Tara na mga ate! Puntahan na natin si bebe Makki." inikot naman ni Sam ang kanyang braso sa braso ni Yves at hinila niya rin ito papunta sa court.
"By, ang sakit. Ang higpit naman ng hawak mo." sabi sakin ni Nico. Nagulat naman ako kasi 'di ko naman namalayan humigpit pala yung kapit ko sa kamay niya. "Sorry by, tara? Sunod na tayo sa kanila?" naka-ngiti kong sagot kay Nico. Tumango naman siya at sabay na kaming nag lakad papunta ng court.
⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙
┌─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┐
*Volleyball Court*
└─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┘
⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙
Nadatnan namin ang mga Volleyball varsity na nag wawarm-up sa court. Hinanap ng mga mata ko kung saan naka pwesto si Sam at Yves. Pero ang nakita ko agad kay si Makki na may hawak na bola at mukhang mag sserve. "Go Makki! Galingan mo!" bigla namang sumisigaw 'tong kasama ko. Napahawak tuloy ako sa tenga ko na malapit kay Nicolai. Agad naman din napansin ni Nico na nagulat ako sa ginawa niya, "Hehe sorry By." sabay nag peace sign siya. Umiling nalang ako habang nakangiti sa kanya.
Hay nako Nicolai, mga galawan mo talaga. Nakakatunaw.
"Ate Jae! Ate Coco! Nandito kami!" narinig ko naman ang napaka-cute na boses ng bunso namin. Nandoon sila sa kabilang side ng mga bleachers at nakita ko siyang kumakaway sa amin para makita namin siya. Kumaway naman din ako pabalik sa kanya at nakita si Yves na suot na ulit ang salamin niya pero meron siyang kausap na Volleyball varsity sa baba ng bleachers.
Nang makalapit kami ni Nicolai sa pwesto nilang dalawa, narinig narin namin ni Nico yung pinaguusapan ni Yves at nung varsity. Habang inilalagay ni Nico yung mga bag namin sa tabi ni Sam ay umupo na ako sa bleachers na nasa harap ng kinauupuan nila.
Ah, siya yung captain ng Volleyball girls. Ano kaya kailangan nito kay Yves?
"Ano Ricalde? Why not give it a shot?" huh? shot? Iinom ba sila?
"Sure. Now na ba cap?" sagot naman ni Yves dito. Anong nangyayari?
Nagtataka akong tumingin kay Sam, "Ano meron Sam?" bulong ko sa kanya. Sakto naman umupo sa tabi ko si Nico at nakinig sa amin ni Sam. "Mukhang pinipilit yata isali nung captain ng Volleyball si ate Yves sa volleyball team." bulong ni Sam sa amin pabalik. Nanlaki naman yung mata ko sa narinig ko, oo tahimik lang si Yves pero meron din siyang tinatagong pagka-sporty side. Yun nga ang bonding nila ni Nico e, sports. Kahit nung bata pa kami, tanda ko nasa gilid lang ako ng garden nila Yves habang silang dalawa nag lalaro ng Basketball sa makeshift basketball ring sa puno nilang Mangga.
"Yes, Ricalde now. Sama ka sa friendly game namin." ito yung mga huling sinabi nung captain bago siya lumayo at tinawag ang mga varsity. Kinakausap niya ang mga members ngayon. Nakita namin si Makki na biglang sumilip sa gawi namin na sobrang gulat ang itsura niya.
"Sasama ka ate Yves?!" she mouthed silently sa amin. Natawa naman kaming tatlo sa kanya. Kasi sobrang bihira mo lang makita si Makki na sobrang excited. Si Yves naman ay nag thumbs-up lang sa kanya at tumayo na. Pero naka-uniform parin siya?
Maglalaro siya ng naka-uniform?
"Maglalaro ka ng naka-uniform lang tol?" tinanong din ni Nico ang bumabagabag sa utak ko.
"Ah, hindi." Umiling siya at biglang tumingin kay Sam at inilahad ang kamay niya sa kanya. Nakita ko si Sam na aligaga mag halungkat sa bag niya, may inilabas siyang plastic bag at inabot kay Yves. "Thanks Sam. Kahit yung shoes palagay nalang sa floor." Huh? Gagamitin niya damit at sapatos ni Samantha?
Maya't maya ay umalis na rin sa bleachers si Yves para mag bihis. 'Di naman ito pinalampas ni Nico, "Huy Samantha Maxinne, ano meron sa inyo ni Yves?"
Yan, tama. Same thoughts.
"Hmm? Wala naman ate?" Nakatingin na siya sa gawi namin at nag kibit balikat. "Bakit po?" inosenteng tanong niya sa amin. Hay, napaka-cute talaga ng bunso namin.
"Wala ka ryan! Yinakap ka niya kanina, ngayon naman damit mo gagamitin niya pang-laro. Sure ka bang walang meron?" ginatungan ulit ni Nico si Sam para bang pinipilit niyang may aminin si bunso sa amin.
"Wala nga po mga ate! Kayo naman, ang issue ha!" natatawang sagot sa amin ni Sam.
"Sure ba Sam?" 'di ko napigilan itanong din. Naramdaman ko naman na tiningnan ako nila parehas.
"Opo ate. Sure na sure. Saka, crush ko lang naman si ate Yves e."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ha!?" "Ano?!" sabay kaming napasigaw at napahiyaw ni Nico sa narinig namin galing kay Sam.
⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙
┌─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┐
*Warm-up Game*
└─────── ⋆⋅☆⋅⋆ ───────┘
⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙
Nandito na ako sa kabilang side ng Volleyball court. Inaantay namin lumabas si ate Yves from the lockers kasi nagpalit siya ng damit para maka-laro namin siya. Sobrang excited ako makalaro si ate Yves kasi idol ko yan e. Dami nagsasabi na magkaugali kami. Parehas daw kaming tahimik lang.
Well, true naman. Kaya nga kami ni ate Yves yung close e. It's not like I'm not close kila ate Coco, pero mas lang kay ate Yves. Naiintindihan kasi niya ako e, lalo na pagdating sa... basta. Yon na yun. Saka ko na sasabihin.
Nawala naman yung pagddaydream ko nung narinig ko si captain na mag salita. "Oh, Ricalde roon ka sa kabilang team. Sorry ah, mag kalaban kayo ni Lim ngayon."
Narinig ko naman siya mag salita ng "Okay lang cap." nagpatuloy na siya mag lakad papunta sa kabilang side ng court. Nanlaki yung mga mata ko sa nakikita ko. Suot ni ate Yves yung dance troupe shirt ni Samantha. Kitang kita sa likod niya yung mga letrang "CATACUTAN, S." Tinignan ko tuloy si ate simula ulo hanggang paa. Parang napabuka rin ang bibig ko sa gulat kasi kilala ko yung sapatos na suot ni ate, kay Samantha rin yun.
What the heck is going on?
Hello. Disclaimer lang. I do not own the pictures featured in this chapter. They belong to their rightful owners. Credits to them. :)