Melodies of Unconditional Love

By theGreatMedusa

323 43 0

Pag-ibig sa Musika? Musikang may pag-ibig? Pag-ibig at Musika? Musika ng pag-ibig. More

Paalala
Una
Pangalawa
Pangatlo
Pangapat
Panglima
Pang-Pito
Pang Walo
Pang Siyam
Pang Sampu
Labing Isa
Labing Dalawa
Labing Tatlo
Labing Apat
Labing Lima
AUTHOR'S NOTE
Labing Anim
Labing Pito
Labing Walo

Pang-Anim

20 3 0
By theGreatMedusa


"Mashaaaa!"

Aghh!! Ano bayan? Napaka aga pa!!

Pakiramdam ko ay wala akong tinulog. Mag aalas dos na kami nakauwi ni Hope, buti at hindi ako inaantay ni Lolo sa gate, kung hindi yari ako non 'pag ganon.

"Hoy ano, Masha? Aba, bangon bangon kanina pa kita ginigising" sigaw ni Ate mula sa pinto at nakahawak pa sa pinto

"Ano ba 'yon 'te? Ka-aga mo naman magingay." kamot sa ulo kong bangon at umupo muna kasi pakiramdam ko ay naliliyo ako sa pagkakabangon

"Ay sis, may nag aantay talaga sayo. Kanina pa nag aantay si Philip sa salas"



Philip? Si Philip? Nasa salas???

Nanlaki ang mga mata ko at dali daling tumayo para maghanda ng damit at kumuha ng tuwalya para makapag ligo na agad.



Oo nga pala, shems. Nakalimutan ko



"Palabas na 'yon, nasa banyo na e. Kape gusto mo ba?" rinig ko pang usap ni Ate kay Philip

Hindi ko na narinig pa ang pinagusapan nila dahil nagbuhos na ko ng tubig kahit na napaka lamig. 

Bakit kasi nakalimutan ko? Hindi ko tuloy napaghandaan. Napag antay ko din sya. Nakakahiya!

Kasalanan 'to ni Hope e. Kung ano anong sinasabe. Patay sakin 'yon mamaya!

Hindi na ko nagtagal pa sa banyo at lumabas na din ako. Buti nalang at maayos kong naitutupi ang mga damit kong panglakad kaya kahit hila lang ng hila ay maganda ang nakukuha kong mga damit. Nagmadali na din akong magblower at mag lagay ng sunscreen. Konting blush on sa pisngi, liptint at polbo.

Kinuha ko na ang bag ko at tumingin muna sa salamin bago lumabas. Simple lang naman ang suot ko kasi may klase din kami mamayang after lunch. Nag polo cropped top at high waist maong pants lang ako at vans shoes. Nilabas ko ang perfume ko sa bulsa ng bag ko at nagspray sa leeg, sa may pala pulsuhan at sa may balikat bago lumabas ng kwarto.



'Pag kalabas ko ay nag cecellphone na lalakeng gwapong gwapo sa black tshirt at maong pants ang nakita ko.



"Philip" tawag ko sakanya

Nilingon nya ko at binaba ang cellphone bago ngumiti.

"You ready?" nakangiting tanong nya saakin

Halaaa, bakit nakangiti! Parang tanga 'to!

Tumango lamang ako at ngumiti din sakanya. Tumayo sya at inayos ang bag na dala.

"Oh andito na pala ang prinsesa. Aalis na ba kayo?" labas ni ate mula sa kusina

Siniringan ko lamang sya at hindi sinagot

"Ah opo, alis na po sana kame. Salamat nga po pala" magalang na sagot ni Philip sakanya

Tumango lang si ate sakanya at lumabas na din kame.

Naabutan nya kaya sila Mama ?

Habang naglalakad palabas ng compound namin ay nag check muna ako ng phone para tingnan kung may nag chat or text sakin.

From: Bestie

Te, ano? Nakauwi kaba ng buhay?

From: Hopyanget

Tandaan mo ang sinabe ko.

Natigilan ako sa text ni Hope at napaisip sa sinabe nya kagabi. Hindi ko maintindihan kung bakit nya kailangang sabihin yon. 

"Tara na?" tanong sakin ni Philip bago nag para ng tricycle na masasakyan namin pabayan

"Nag break fast kana ba?" tanong ko sakanya ng makasakay kami nang trike

"Hindi pa. Diba sabi ko sayo mag breakfast tayo ngayon. Pambawi ko kahapon" nakangiting sagot nya parin saakin

Napaka masayahin naman nitong lalaking 'to! Baka ako na nagpapasaya sayo ha! HAHAHA

"Ah ganoon ba. Pasensya na ha. Napag antay pa kita. Late na kasi ako nakatulog kagabi e" ngiwi kong kamot sa ulo

"Bayan" sigaw nung driver, nasa bayan na daw kami

"Eto po bayad, dalawa po yan" abot ni Philip

Nag simula ng maglakad si Philip kaya naman sumunod naman ako.

"Saan nga pala tayo?"

"Sa tapsilogan sana. Nakain kaba non?" lingon nya saakin habang patuloy paring naglalakad

"Ha? Oo naman no! Masarap nga iyon eh!" masigla kong sagot sakanya

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa hindi ko alam. 

Kahit saan nya naman ako dalhin sasama ako! HAHAHAHh 

Ito palang ang unang beses na lalabas kaming dalawa. As in yung kaming dalawa lang. Kaya siguro medyo awkward pa.

"Saan ka nga pala galing kagabe? 2am kana daw nakauwi sabi ni Ate Tasha e" tanong nya habang ginaguide ako paliko sa kaliwa ng kanto bago kami huminto sa isang parang karinderya

"Ah, ano kasi. Nilibre ako ni Hope." mahina kong sagot

Hindi naman sa nahihiya ako. Pero baka kasi anong isipin nya samin ni Hope e. Hindi nya pa ko mapormahan.

Tumango lamang sya at pumasok na sa loob bago nag hanap ng mauupuan namin. Sinundan ko lang sya hanggang sa pinaupo nya na ko sa upuan.

"Anong gusto mo? Libre ko." nakangiting tanong nya

"Tocilog nalang hehe. Nakakahiya naman nilibre mo pa ko" pabebeng sagot ko sakanya

Tumawa lang sya atyaka tumayo at pumunta doon sa unahan ng karinderya para umorder ng pagkain namin. 

Nilibot ko ang tingin ko at mukha nga syang karinderya lang. Hindi naman 'to malayo mula sa bayan kaya konti lang yung nilakad namin kanina. 

Shet! Kinikilig talaga ako! First time 'to e! Diba dito nag sstart ang lahat?

Ito na ata ang matagal ko ng inaantay HAHAHAHA

'Pag balik ni Philip ay dala dala nya na yung order namin. Isang tapsi at isang tocilog. May isang kape at isang softdrinks.

"Ahm hindi ko kasi alam kung gusto mo ng kape. Kaya softdrinks nalang kinuha ko sayo" nahihiyang sambit nya nang makaupo

"Ano kaba! Okay lang yon. Libre mo naman ito. Kahit ano naman ibigay mo sakin tatanggapin ko hihi!" ngingisi ngisi pa kong nakatingin sa pagkain at softdrinks na binigay nya

Nag simula muna kaming kumain ng tahimik. Maya maya pa ay nagsalita si Philip.

"Sorry talaga kahapon ha. May emergency lang e."

"Okay lang yon. Ahm, kung hindi mo sana mamasamain. Kasi parang ilang beses ka na nag kaka-emergency. Okay kalang ba? Ano bang nangyari?" takang tanong ko sakanya bago magsalin ng softdrinks sa baso para doon uminom

Nagkibit balikat lang sya at nagpatuloy kumain.

Ay, hindi nya gusto pagusapan? O ayaw nya lang sabihin sakin kasi hindi naman kame close?

Nagpatuloy kame sa pagkain ngunit hindi na ganoong kasaya ang nararamdaman ko dahil sa naisip. Hindi narin naman nagtagal ay natapos na kami kumain at nagbayad na sya sa kahera bago ako balikan.

"May klase pa tayo mamayang 1pm diba?" tanong nya saakin na parang naiilang nadin

"Oo hehe" 

Tumango lang sya at kinuha ang bag. Ginaya ko din ang ginawa nya at inayos lang ang damit. Nang makita kong lumabas sya ay lumabas na din ako.

"Gusto mo ba milk tea o mango shake?" tanong nya saakin habang naglalakad kami

"Kahit ano nalang" walang ganang sagot ko

Hindi parin mawala sa isip ko ang naging paguusap namin kanina. Nang dahil kasi doon ay pakiramdam ko na napakalayo talaga namin sa isa't isa.

Huminto lang sya sa i love milktea para bumili ng dalawang wintermelon milk tea at binigay sakin ang isa.

"Salamat." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad

"Teka lang" pigil nya sakin at humawak pa sakamay ko

"Huwag ka mag alala, sasabihin ko din naman sayo yung emergency na yon. Hindi pa nga lang ngayon kasi hindi ko pa sya kayang isipin." nakangiting paliwanag nya saakin

"Madami pang araw na pwede nating mapag usapan yon. Huwag ngayon. Huwag sa unang araw ng date natin. Baka mamoblema ka kaagad sakin kaayawan mo pa ko" dagdag nya pa



Ay te, hindi kita kakaayawan!

Continue Reading

You'll Also Like

66.5K 2.6K 104
This is not a story. Puro echoes lang ang laman nito. ©2015 [12/20/15] STATUS: COMPLETED "Dear Crush, alam kong you can't love me back (__ __ ||)"...
7.3M 306K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
29.3M 924K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...