Shadows Of Doubt (Shadows Ser...

By JDOSCIENTOS

829 88 44

Sa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na p... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27

Kabanata 22

9 1 0
By JDOSCIENTOS

Sayaw

Isang araw ang makalipas ng pag-amin namin sa isa't-isa, para pa din akong hinehele sa galak. Hindi ako makapaniwalang ang dating estranghero na kinaiinisan ko ay unti-unti ng nahulog sa 'kin.

Bumangon ako sa kama ng may nakakabit na ngiti sa labi ko, kahit alam kong nakakapagod ang araw na 'to.

"Gumising ka na!" narinig ko si mama na isang normal na pananalita ng isang nanay kapag tanghali mg nagigising ang anak niya, isa 'to sa mga ma mimiss ko sa mama ko, ang pag-iingay  sa pagsikat ng araw.

Bumangon ako dahil napagtanto ko na ngayon ang pre-pageant namin, kung saan ipapakita namin ang talento namin sa harap ng madla.

Agad nanlamig ang mga paa at kamay ko sa naisip ko, wala akong talento sa pagkanta pero kahit papaano marunong akong sumayaw. Pero it takes time para mapag choreo ng sayaw dahil wala ng sapat na oras  para mag ensayo.

"Chel, you there?" napatingin ako sa likod ng pintuan kaya napaigtad ako sa gulat.

Oh my gosh.

Kahit hilamos at toothbrush wala ako, bakit kasi napakaaga ng lalaking 'to.

"Chel, wake up, you have talent performance now"

"Yes, i know" nagmamadali akong naligo, kahit malamig ang tubig, binuhos ko na agad sa katawan ko, ramdam ko ang panginginig ko dahil sa lamig ng tubig.

"Faster, it's already 6:30 am" madiin niyang sabi kaya agad akong nagbihis ng baggy pants and oversized na  shirt na white, at hindi na nag ayos ng mukha, kahit pag pulbos sa mukha at tint ay hindi nakapag lagay. Hinaklot ko ang shoulder bag ko na maliit kasama na din ang suklay na nasa mini table ko, at nagsusuklay ako habang palabas ng kwarto. Agad akong napahawak sa mukha ko dahil nabangga ako sa dibdib ng lalaki na ngayon ay humahagikgik sa kalokohan niya.

Inirapan ko siya dahil kay aga-aga ay binabadtrip ako.

Naglakad siya pauna sa akin sa hagdan at inabot ang kamay niya sa kawalan na parang prinsipe sa isang palabas na aalalayan ako.

Natawa na lang ako ako inasta niya dahil hindi naman siya ganito, masiyadong nagpapakilig.

"Ano'ng ka cornyhan yan" tugon naman ni papa sa amin, napahagalpak na lamang ako sa tawa at namula naman ang buong mukha ni Gio sa kahihiyan, napatakip na lamang siya sa mukha niya habang tumatawa ng tahimik.

"Wow, corny! Ang corny mo nga dati noong nanliligaw ka, binibigyan mo ako ng tuyo, eh ano'ng gagawin ko doon?!" sigaw naman ni mama, napatingin naman ako kay papa na nagkakamot ng ulo.

"Eh paborito ng mama mo yun dati, hon" sabi niya habang papalapit kay mama na akmang yayakapin siya pero umiwas siya habang umiirap.

"Huh sino bang nililigawan mo, si mama ko!" nakita ko ang paglaki ng mata ni papa at agad nama akong humagalpak sa tawa, dahilan para matawa kaming lahat sa eksena nilang dalawa.

****

"You have a good and kind parents" nakasakay na ako sa kotse ni Gio upang pumunta sa school, para sa talent portion, para sa pre-pageant.

"Yes, they are, sana ganon na lang lagi, sana makasama ko sila, hanggang sa maging isa na akong flight attendant, pero tanggapin na natin habang nadagdagan ang edad natin, tumatanda na sila" tinitigan ko siya habang nag d'drive habang nakangiti.

"I'm sure, your parents will be proud of you, when you become a flight attendant, and i'm also one of those people who will be proud of you" napangiti ako sa tinuran niya.

Isa 'yan sa mga gusto kong marinig sa mga tao, dahil kapag naririnig ko yan ay pakiramdam ko ay nasusuklian ang mga pagod ko.

"PEEP! PEEP!" bigla akong nagulat sa mga busina ng sasakyan sa likod namin miski ang mga motorsiklo na dumadaan sa gilid namin, ang pinagtataka ko bakit ngumingiti sila sa akin.

Halos buong byahe ay na w'weirdohan ako sa mga tao ngayon kaya puno nanaman ang isip ko  ng pag-iisip.

Nakarating kami sa school namin at dinig namin ang hiyawan ng mga tao habang tumutugtog ang isa sa mga sikat na banda sa pilipinas ang Sunkissed Lola.

Bumaba ako ng kotse ni Gio at sumalubong sa akin ang ilaw ng camera. agad akong tinutukan ng mic ng isang estudyante na nagbihis reporter. Nagtataka ako dahil hindi ko alam kung para saan ito.

"Para saan po 'to" tanong ko at  ngumiti sa akin ang lalaki na nasa harap ko ngayon at pinahinto niya ang camera na nakatutok sa 'kin.

"For documentary po kasi, isa po kasi ito sa task ng mga journalism sa school po, konting interview lang po kasi nakita namin sa kotse na sinasakyan niyo ang tarpaulin niyo sa likod, which is very witty po" pumunta ako sa likod at nakita ko ang nakalagay.

"Isang busina, isang good luck, para sa pageant ni Chelsea" pagbabasa ko sa tarpaulin sa likod na pakulo ng lalaking ito na ngayon ay nakangisi sa likod ko.

Nakangiti ako na humarap sa may hawak ng mic, iba talaga 'tong lalaking ito.

"What's your name po and ano po'ng inaasahan niyo na struggle this talent performance" napalunok ako ng malaki dahil tumataas nanaman ang anxiety ko, dahil lahat ng atensyon ay nasa aki ngayon.

"I'm Chelsea Hillary Ferrer, siguro ang isa sa mga inaasahan ko na paghihirap sa ngayong ganap ay ang labanan ang takot at kaba, dahil hindi madali ang humarap sa maraming tao para ipakita ang talento mo, dahil hindi mo alam kung ano ang iniisip ng iba sayo, negatibo man o positibo. Siguro ang  mabisang paraan para labanan ay  magtiwala lang sa sarili, dahil kapag meron ka nito ay magaan mong matatapos ang gagawinmo ng hindimo iniisip ang sinasabi ng ibang tao" nagpalakpakan ang mga tao sa harap na ngayon ay naagaw na namin ang atensyon ng mga nanonood sa banda

"Very well, said" sabi ng nag iinterview sa akin habang dahan-dahang pumapalakpak.

Ngumiti na lamang ako at hindi mapakali ang mga mata at pawis na pawis na.

"Sino po ang may ideya ng nasa likod ng kots-

"Ako" biglang sulpot ni Gio sa akin at agad hinawakan ang kamay ko na nanginginig.

"Shh it's okay, i'm here" bulong niya sa akin dahil hindi na kami magkarinigan sa sobrang ingay ng mga tao sa paligid.

"Ako ang may ideya niyan, Chelsea is the girl who doesn't have the courage to face many people and has low confidence, I just want Chelsea to feel that there are many people who admire her, many people support her and i am one of them" sa hindi inaasahan ay agad nanubig ang mata ko pero pinigilan ko ito dahil ayokong gumawa ng ikakakuha ng atensyon ng mga tao.

Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Gio dahil nandito nanama ang kuryente na kanina pa dumadaloy buong katawan ko.

"Isa na lang po na tanong, ano po ang status niyong dalawa" diretsahang tanong ng lalaki sa amin.

Napaubo ako bigla.

"We're friends, special frie-

"Ganon din yun, daming alam, special friend? Kaibigan din yun" biglang sulpot ng lalaki sa likod namin ni Gio.

"Van, stop this, binabalaan kita" madiin at ma awtoridad na sabi ni Gio habang nakatiim ang panga na tila pinipilit hindi sumabog sa galit.

"Chill bro, wala pa akong ginagawa. nagngingitngit ka na sa galit" nakatingin ako ng walang emosyon sa lalaki na nasa harap namin ngayon.

Ang mga tao ngayon ay nasa amin na ang atensyon, lahat ng camera ng cellphone ng mga tao ay nakalatutok na sa amin na para ba kami ay isang sikat na artista na sikat sa telebisyon at social media.

"Kung nandito ka lang para manira ng araw, pwede bang iba na lang?" hindi na ako makapagtimpi dahil sa loob ko ay punong-puno na.

Ang kaninang kilig na nararamdaman ay napalitan ng inis dahil sa mokong na 'to.

"Balang araw, hindi na inis ang mararamdaman mo sa 'kin kapag nakikita mo ako, Chelsea, hahanap-hanapin mo na ang presensiya ko, ipagtabuyan mo pa ako, dahil sa susunod na mga panahon, pupunta ka sa 'kin at hahanapin ang yakap ko"

"Back off Van!" tiim bagang na sigaw na sigaw ni Gio.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pangamba at takot.

Hindi ko hahayaang mangyari ang sinabi ni Van, kahit siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo, hindi ko pa rin siya pipiliin dahil si Gio, si Gio ang lalaking may puwang na sa puso ko.

Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil sa ilang oras ang dami ng nangyari, paano pa kaya kapag tuluyan na akong pumasok ng covered court.

"Are you okay, Chel?" kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala dahil sa mga nangyari kanina.

Inalalayan niya na ako para pumunta sa covered court, dahil magsisimula na daw 

"Ayos lang ako, pero iniisip ko kung ano ang talent ko mamaya" hindi na niya ako narinig dahil sa alingawngaw ng tugtugin, patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami.

"Bago nating pormal na buksan ang patimpalak na ito, magbigay pugay tayo sa mga nangasiwa para maging posible ang patimpalak na ito, ang ating mga organizer, sa ating butihing mayor at vice mayor at sa mga kandidatang mga sasali, bigyan natin sila ng masigabong palakpakan" nagpalakpakan ang mga madla na siyang naging ingay sa loob ng covered court.

"Ngayon ay maari na nating simulan ang talent performance ng mga binibini na dalisay, simulan na ang tagisan ng talento!"dumagundong ang nakakakabang musika na siyang dahilan kung bakit simulang kabahan ako ng sobra.

Napatingin  ako kay Gio na katabi ko ngayon kalmado at walang emosyon, samantalang ako maiihi na sa kaba na nararamdaman.

"Ladies and gentlemen, candidate number 1" agad naglabasan ang mga kasama niya na may dalang bamboo stick at nakasuot ng makukulay na damit.

Napanganga ako sa mga props ng unang kandidata na galing sa course na architecture, tamang tama ang kaniyang damit dahil may mga nakapintang mga sikat na simbahan na sabi ay sila mismo ang nag pinta. 

Sa kilos pa lang nila ay halatang praktisado, sa pagliyad at pagsayaw ng kanilang mga kamay na sabay-sabay sa ere ay napakagandang tignan at indayog ng bawat paa na maingat na hindi natatamaan ng nagsasalpukang mga bamboo stick.

Naghiyawan ang mga tao ng matapos ang unang kandidata.

Iba-iba ang talentong ipinakita ng mga sumunod na kandidata, may sumayaw, acting at spoken poetry na lahat ay pumatok sa madla.

"Ako na ang susunod?" agad akong hinila ng mga coordinator dahil ako na ang sasalang sa stage.

Pero nawala ang kasama ko si, Gio.

"Please welcome, pang limang kandidata, from the course of tourism, Chelsea Hillary Ferrer!" nagpalakpakan  ang mga ka-block ko pero saglit lang ito at napalitan ito ng nakakabinging katahimakan.

Sa gitna ng katahimikan ay may sumigaw.

"Boo!" sigaw ng boses lalaki sa madla, agad umingay at nagtawanan ang mga estudyante sa harap ko

Nanunubig na ang mga mata ko at parang nababaliw na ako sa gitna dahil hindi na ako mapakali sa kaba at kahihiyan.

Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa ngayon.

Nanghihina ang mga tuhod ko at nanginginig ang mga kamay ko.

Bago pa man ako matumba ay may agad na sumalo sa akin ang lalaking nagpapakalma ng diwa ko.

"I'm always here, trust me okay?" tinaas baba ko ang ulo ko bilang pag sang ayon sa sinabi niya, may tiwala ako sakaniya dahil alam ko na hindi niya bibiguin ang tiwala ko sakaniya bagkus ay gumagawa siya ng paraan masabing mapagkakatiwalaan siya.

Hinablot niya ang mic sa host na tumatawa dahil sa senaryong ginawa ko.

"Ganiyan ba kayo? Tawanan ang pagkakamali ng ibang tao, sa isang pagkakamali lamang ay huhusgahan niyo na ang isang buong pagkatao, matagal niyang inipon ang lakas loob niya na humarap dito pero dahil sainyo may taong bumabagsak dahil sainyo, hindi niyo alam ang pinadadaanan ng isang tao!" nagbulungan ang mga estudyante at bigla na lamang akong nag breakdown sa backstage.

"Chelsea, stop crying, nanghihina ako kapag nakikita kitang umiiyak" inangat niya ang mukha ko at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko.

"Do you trust me, hmm?" tumingin ako sa mga mata niya puno ng determinasyon na iangat ako.

"Wag mong ipakita sa kanila na mahina ka, lalo ka nilang tatapakan hanggang sa masaktan ka" hinawakan ko ang kamay niya at hinawi ang malaking kurtina.

Nandito kami ngayon sa gitna ng stage habang nagpapalakpakan ang mga tao at biglang may tumutok na spotlight banda sa 'min.

Biglang pumasok ang bandang Sunkissed Lola.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang fan ako ng kanilang kanta.

"Surprise" napahampas ako sa braso niya, kaya pala chill lang siya dahil may balak siyang gawin para sa performance ko at pinabalik niya ang banda kanina.

Teka, ano'ng talent namin.

At biglang tumugtog ang kantang "Pasilyo" na siyang nagpaingay sa madla.

Biglang hinapit ni Gio ang bewang ko at niliyad niya ako at ngayon ay amoy na amoy ko na ang hininga niyang amoy mint.

Sa mga titig niya ay parang alam ko na ang gagawin ko, tumango ako sakaniya at dahan-dahan niya akong inangat at pinilantik ko ang mga daliri ko habang sumasabay sa ritmo ng kanta.

Hanggang sa may nahulog na tela sa gitna ng stage at dahan-dahan siyang umakyat.

Gosh, he knows how to dance.

Continue Reading

You'll Also Like

885K 14.9K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
59.8K 2.6K 51
"kaya pala sabi nila magaling ka sa basketball. magaling ka palang mambola" epistolary #2 + jeon jungkook × lalisa manoban Highest Rank: #47 [1104201...
257K 9.1K 80
The S's #5 Z
82.3K 2.2K 34
Language : Filipino || Genre : Poetry