Safe Place

By _lhuluu

24 0 0

Safe Place June 10, 2024 - Started Writing More

Safe Place
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 2

1 0 0
By _lhuluu

"Kumusta na pakiramdam mo?", bungad ni Sasha nang madatnan ako sa salang kumakain.

"Medyo umo-okay naman na. Musta first day?", hindi ko kasi nakayanang pumasok ngayon dahil sa sakit ng puson ko. Kadalasan kasi bago ang dalaw ko ay nakakaramdam ako ng pagkahilo at pananakit ng buong katawan at sa unang araw naman ng dalaw ko ay pananakit ng puson ko at sa mga susunod na araw ay maayos naman ako. Sabi naman ng doctor ay normal lang daw ito sa akin at kailangan ko lang uminom ng uminom ng tubig.

"Ayun, same section din dahil para tayong block section na pero maraming transferee kaya may limang nadagdag sa'tin and guess what?", tuwang-tuwa pang sabi niya at kuminang pa ang mga mata.

"Ano?"


"Ang popogi nilaa omaygashhhh!!! Nagbalik na ang Serenity Band!!!", aniya at tumitili pa na ikinailing ko at natatawa sa kanyang itsura.


"Manahimik ka nga haha. Sino ba ang mga yun?", takang tanong ko dito kaya naupo siya sa tabi ko at umayos.


"Oo nga pala hindi mo sila kilala. Actually dati pa sila dito at batch namin noon pero pagkatapos ng junior high school ay napunta sila sa ibang bansa dahil sa isang offer para sa kanilang banda. Nagulat nga kami at ngayong taon sila bumalik dahil akala namin ay 2 years sila doon pero buti nalang talaga at bumalik na nga sila. Batch pa rin natin sila ngayon dahil nag-aral pa rin naman sila doon."


"Bakit daw napaaga ang uwi nila?"


"Ayun nga nabigla rin kami pero bali-balita ay dahil sa trato ng kanilang boss doon dahil nakukulangan daw sila ng oras sa practice at gusto niyang huminto muna sila sa pag-aaral pero kahit gaano man kaloko ang mga yun ay importante pa rin sa kanila ang pag-aaral nila kaya ayun pinili nalang daw nilang umuwi at mag-aral muna. Total pwede rin naman silang kumanta kahit nandito lang sila sa Lavin.", mahabang sabi nito at napatango naman ako.

(Note: Lavin is just an imaginary place for me and I will use it as their place where they belong and it is a province located still here in Philippines. Kunware lang hehe.)

"Serenity Band. Ganda ng pangalan ng banda nila ah?"


"Kung gaano kaganda ang pangalan nila ay ganon din kaganda ang performance nila. Bukod sa hindi ka magsasawa sa nagguguwapuhang mukha nila, ang sarap din sa tainga ng bawat kinakanta nila.", kitang-kita ko sa mukha niya ang paghanga kaya naman hindi ko maiwasang macurious kung sino ang mga ito at kung ano nga ba ang itsura ng mga ito.


"Oh siya hindi pa maayos ang pakiramdam ko kaya mabuti pa ay umuwi ka na muna at magpahinga din."


"Grabe ha pagkataoos kitang kuwentuhan paaalisin mo ako? Hansel your hurting me na!", kunwari pang maktol nito kaya binatukan ko at bahagyang natawa.


"Sira! Umuwi ka na nga! Hahah!"


"Pasalamat ka talaga at mahal kita.", aniya at inayos ang gamit niya. "Oh eto pagkain mo, para sayo lahat yan kaya ubusin mo!", binigay niya sakin ang nakapaper bag ng Mcdo na hindi ko napansing bitbit niya kanina.


"Naks naman, kaya gusto ko lagi kapag nagkakasakit ako eh. Libreng pagkain— Arayyy!!", binato ba naman ako ng unan sa mukha.

"Dsurb!"

"Nagbibiro lang eh."


"Nyenye! Ubusin mo yan at uminom ng gamot at maraming tubig! Uuwi na'ko byeee!", aniya habang palabas ng pinto. Napangiti naman ako sa iniasta niyang yun.


Kinain ko lahat ng binili niya at uminom ng gamot at tubig gaya ng bilin niya. Medyo maayos na rin ang pakiramdam ko kaya nagawa ko pang mag-ayos ng konti bago dumeretso sa kwarto ko at binuksan na ang laptop ko. Curious ako.


"Serenity Band", bulong ko habang tinatype ito.  Ang daming results na lumabas pero pinili ko yung isang nasa top.


Serenity Band Members

Zarhen Zynx Salvador(18) - vocalist
Vincent Laurel(20) - lead guitarist
Dareen Laurel(17) - bass guitarist
Cyrus Montemayor(19) - drummer
Raijan Trev Zaquias(19) - pianist


Ito ang lumabas at kalakip niyon ay ang mga mukha naman nila na napakaguwapo nga pero hindi ko na pinansin. Nalaman ko lang na nagkakilala sila noong Grade 7 pa sila at unti-unting nabuo ang kanilang group pero walang nabanggit kung bakit Serenity ang pangalan ng banda nila pero hindi rin naman nakakapagtaka dahil music makes us feel serenity nga naman.


Hindi ko nakita ang mga mukha nila ng maayos dahil ang daming lumabas at hindi rin naman ako interesado sa kanila lalo na at nagpaparamdam na naman ang puson ko. Hayst.


Papatayin ko na sana ang laptop ko nang may mahagip ang mata kong isang file kaya sinubukan kong iopen pero need ng passcode? Sa tagal kong gumamit ng laptop na'to, parang ngayon ko lang napansin ito.


Sinubok kong itype ang pangalan ko pero wala, birthday ko pero wala din. Hindi kaya?? Sinubok kong itype ang alam kong isang espesyal na araw sa amin noon. What the hell?!



Kusang bumukas ang file pagkatapos kong itype ang araw na iyon at tumambad sa akin ang ilang mga pictures at may ibang videos doon. Wala akong matandaang sinave ko dito kaya paniguradong siya ang gumawa nito.



Wala pa man akong nabubuksang litrato pero ramdam ko na ang pangingilid ng mga luha ko. Isang taon na ang nakalipas ngunit bakit parang nandito pa rin yung sakit? Inisa-isa kong binuksan ang mga litrato at kusang tumulo naman ang mga luha ko.


Kitang-kita ko ang saya sa bawat ngiti sa litrato namin. Kitang-kita ko kung gaano kami kalapit sa isa't-isa noon. At higit sa lahat ay kitang-kita ko kung gaano kami kainlove sa isa't-isa noon.



Ngunit kusang napawi ang namumuong ngiti ko nang maalala lahat ng pinakita niya noon ay peke. Kung magaaudition ka ng pag-aartista, panigurado akong papasa ka agad dahil isa kang mapagpanggap.


Pinahiran ko na ang mga luha ko at dinelete ko na lahat at oinatay na Ang laptop ko saka nahiga. Wala ng dahilan pa para itago ko ang mga iyon. At isa pa, hindi ko na nakita pa ang mukha niya na ipinagpapasalamat ko dahil natatakot akong baka sa oras na makita ko ang mukha niya, baka mawala ang galit ko.



Daphnie... Kumusta ka naman kaya? Nawa ay hindi na maulit pa sa inyo ang nangyari sa atin noon. Gaano man kagalit ang nararamdaman ko, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sayo. Pero bakit sa kabila ng lahat ng pinagdaanan natin, sa kabila ng ilang taong pinagsamahan natin ay nagawa mo'kong traydorin? Mas masakit pa ang ginawa mo kaysa sa kanya dahil higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko ang pagmamahal ko sa'yo pero nagawa mo pa rin akong saktan. Paano mo nga ba ako nagawang saktan pagkatapos kong gawin ang lahat para hindi ka lang masaktan? Tinuring kitang parang kapatid pero hindi ko alam na sa simula pa lang, sinasaksak mo na pala ako ng patalikod. I am the most fragile person in our family and even in our whole barangay that time and everyone was aware of that na kahit kagat lang ng lamok ay iniiyakan ko na pero nang lapitan mo ako noon at makikala kita, nagawa kong lumakas at pinangako sa sarili kong may kakampi na ako at kailangan kong maging malakas para protektahan ka sa lahat ng bagay at walang pwedeng manakit sayo dahil ikaw lang ang kauna-unahang tumulong at nagpakita ng awa at pagmamahal sa akin. Pero hindi ko alam na ikaw rin pala ang wawasak sa akin ng lubusan gaya ng ginawa ng pamilya ko sakin nang dahil sa kagagawan mo rin pala.

Continue Reading

You'll Also Like

326K 13.3K 33
๐˜ฟ๐™ž๐™˜๐™–๐™ก๐™ข๐™š๐™ง : ๐˜๐˜ง ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฌ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฌ ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต ๐˜ด๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ต, ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฌ ๐˜ช๐˜ด๐˜ฏ'๐˜ต ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ. ๐˜๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ท๏ฟฝ...
1.4M 13.1K 79
๐ข๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐๐ž๐ฌ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐›๐จ๐ฒ๐ฌ โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ don't forget to vote, share and comment. ๐Ÿค
112K 1.9K 16
Thea Alvarez, a hardworking and dedicated employee at one of the town's biggest companies However, her life takes an unexpected turn when Jayden Madr...
274K 13.5K 20
แ€€แ€ญแ€ฏแ€šแ€บแ€€ แ€™แ€„แ€บแ€ธแ€›แ€ฒแ€ทแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธแ€€แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€™แ€–แ€ผแ€…แ€บแ€›แ€›แ€„แ€บ แ€”แ€ฑแ€•แ€ซแ€…แ€ฑ ....แ€”แ€ฑแ€แ€„แ€บแ€…แ€ฌแ€ธแ€แ€ฒแ€ทแ€œแ€แ€ฑแ€ฌแ€ท แ€™แ€–แ€ผแ€…แ€บแ€แ€ปแ€„แ€บแ€˜แ€ฐแ€ธแ€€แ€ฝแ€ฌ.... แ€€แ€ญแ€ฏแ€šแ€บแ€ทแ€กแ€œแ€„แ€บแ€ธแ€›แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€”แ€ฒแ€ท แ€™แ€„แ€บแ€ธแ€›แ€ฒแ€ทแ€กแ€€แ€ผแ€Šแ€บแ€ทแ€œแ€ฑแ€ธ แ€แ€œแ€ฏแ€แ€บแ€แ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€™แ€ญแ€›แ€„แ€บแ€€แ€ญแ€ฏ แ€€แ€ปแ€ฑแ€”แ€•แ€บแ€•แ€ซ...