CHAPTER TWENTY-EIGHT
JAZZLENE
Sa buong buwang nagdaan, hindi ko na mabilang kung ilang beses nang may nangyari sa amin ni Adam. Kulang ang mga daliri ko sa paa at kamay kung bibilangin ang mga rounds na nagawa namin sa tuwing dadalhin niya ako sa hotel. Ayaw na niya sa bahay namin dahil iniiwasan niya na mahalata ng parents ko na may something na nangyayari sa amin.
Kung minsan, after ng klase ko sa hapon, kapag sinundo niya ako ay dumideretso na kami sa hotel para doon niya ako gamitin.
Being with Adam was an experience unlike any other. It was primal, visceral—so intense it felt almost transformative. It dismantled every idea I had about myself, reshaping me into something darker and more unrestrained. One moment he would tenderly call me sweetheart, and the next, he'd use a name that felt both shocking and liberating.
And I can't quite explain it, but... I found myself craving every moment of it.
Ang kagandahan naman sa kaniya ngayon, even at his coldest, he had always treated me with respect outside the bedroom. Kapag sinusundo niya ako sa school, pinagbubuksan na niya ako ng pinto ng sasakyan, gano'n din kapag lalabas ako. Pero kapag nasa loob na kami ng kuwarto, para na lang akong isang laruan na gagawin niya ang lahat ng gustuhin niya sa katawan ko, sa paraang naliligayahan siya. Wala siyang pinipiling lugar. He'd f*ck me in the shower, up against the window, bent over the desk—and I reveled in it just as much as he did.
Nasa bahay na sina Mommy at Daddy. Nakauwi na sila last week dahil tapos na ang case na inasikaso ni Mommy. Isa rin 'yon sa dahilan kung kaya hindi na naglalagi sa amin si Adam dahil may kasama na ako. Pupunta lamang siya roon kapag inimbita siya ni Mom na doon mag-dinner. Pero ang alam ko, hindi pa niya hinahakot lahat ng mga gamit niyang nasa guestroom. Ilan pa lang ang nakuha niya, 'yong mga importante.
Kani-kanina lang din ay naka-receive ako ng text kay Adam. Pinagagayak niya ako at pinapupunta sa convenience store sa ikalawang street para doon niya ako daanan. Bahagyang kumunot ang noo ko at nagtaka dahil Sabado ngayon at masyado pang maaga para sa s*x namin. Kadalasan ay gabi namin 'yon ginagawa.
Ganunpaman, gumayak pa rin ako. Nagsuot lang ako ng simpleng sundress na white na hanggang kalahati ng hita ko ang haba. Tinernuhan ko ito ng flat shoes at old rose sling bag. Light makeup lang din ang ini-apply ko. Nang makapag-ayos, pinuntahan ko si Mommy sa law office niya para magpaalam. Sinabi kong kakain kami sa labas ng mga kaibigan ko at agad din naman siyang pumayag.
"Get in."
Nilingon ko ang sasakyang huminto sa tapat ko, nakababa ang salamin ng bintana kaya nakita ko agad si Adam. Mga tatlong bahay na ang pagitan kaya hindi na kami makikita sa CCTV kahit sumakay ako. Smart, Adam.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya noong nakasakay na ako sa loob. Inaayos ko ang seatbelt sa katawan ko.
"Clinic."
Nilingon ko siya. "Clinic? Bakit? May sakit ka ba?" Pinagmasdan ko siya. Ngayon ko lang napansin na simple lang ang gayak niya. Jeans at polo-shirt na Guess, black and white na sneakers. Hindi pang-CEO ang gayak niya. Para siyang college dude. Cool.
"Hindi ako. Ikaw."
"Huh?" Kumunot ang noo ko
"For contraceptive implant." Sinulyapan niya ako. "Pina-appointment na kita last week pa. Pero na-busy ako kaya ngayon lang tayo makakapunta."
"Teka? Hindi ko maintindihan." Bahagya kong ipinihit ang katawan ko paharap sa kaniya. "Ano'ng contraceptive implant?"
"Para hindi ka mabuntis kahit hindi ako gumamit ng proteksyon."
"Sandali, Adam." Sumeryoso ako at medyo kinabahan dahil hindi niya 'to diniscuss sa 'kin. "Sino nagsabi sa 'yo na magpapa-implant ako? Bakit nag-decide ka nang hindi ko alam?"
"Who do you belong to anyway?" malamig niyang sagot sa 'kin na ikinatahimik ko. Reminder 'yon na sa kaniya ako, ang katawan ko, isip at kaluluwa. Pero... kahit na. Dapat man lang sana ay alam ko 'yon. Katawan ko pa rin 'to kahit pagbali-baligtarin ang mundo.
"Ayoko," matigas kong sabi. "Stop the car. Ibaba mo 'ko!"
"Watch yourself, Jazz," he cautioned. "I'm serious. You really don't want to see me when I'm fired up."
Totoong hindi ko na nga pag-aari ang katawan ko dahil nagawa niya pa rin ang gusto niya kahit labag sa loob ko. Natuloy pa rin ang contraceptive implant sa akin kahit na ilang beses akong kumontra. May itinanim ang doktora sa ilalim ng balat ko. It was flexible plastic rod about the size of a matchstick and was placed under the skin of my upper arm. Ang sabi sa akin ng doktor, hindi ako mabubuntis hangga't hindi 'yon inaalis.
"Stop crying. Hindi ka maganda kapag umiiyak." Nasa loob na kami ng sasakyan, kalalabas sa clinic. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak gayong mas mabuti nga ito, given sa arrangement namin. Para kung sakali mang makalimot siyang gumamit ng proteksyon, safe pa rin ako. Pero ang ikinasasama ng loob ko, nagdesisyon siya nang hindi man lang ako sinabihan.
-ˋˏ✄┈┈┈┈
"Saan ka mag-o-OJT?" walang kaabog-abog na tanong ni Adam habang tahimik kaming kumakain sa isang restaurant.
"La Vienna," sagot ko. And speaking of OJT, next month na 'yon. Wala pa ring nagbabago sa desisyon naming magkakaibigan na sa La Vienna Hotel pa rin kami mag-OJT.
"You don't want here? Nagbukas na last week ang M-Power Hotel, 'di ba? Mas malapit 'yon kaysa sa La Vienna."
Mabilis ang pag-angat ng tingin ko dahil sa sinabi niya 'tsaka ako ngumisi "Yiiie. Siguro kaya ayaw mo rin akong lumayo, dahil mami-miss mo ako, 'no?" pang-aasar ko sa kaniya.
Nagsalubong ang kilay niya. "Don't make me laugh, Jazz. Ang sa akin lang, mas madali kitang mababantayan kung malapit ka. I'm too busy with the company. Just in case na may mangyari sa 'yong masama at malayo ka, hindi kita agad mapupuntahan."
"Akala ko ba wala nang magtatangkang gumalaw sa 'kin? Siguro naman hindi ako mapapahamak kahit malayo ka sa 'kin." Itinuon ko muli ang atensyon sa pagkain ko.
"Okay. Do what you want," aniya at nagbaba na rin ng tingin sa pagkain niya.
"Ganyan ka ba ka-protective sa mga naging babae mo noon?"
Umiling siya. "No."
"Bakit sa 'kin sobrang higpit mo? Love mo na ba ako?" Nginisihan ko siya uli na tila nang-aasar.
"No. Dahil 'yon sa usapan namin ng mga kuya mo. Kapag may nangyari sa 'yong masama gayong ibinilin ka nila sa 'kin, magiging pananagutan kita."
Napairap ako. "Speaking of mga kuya. Sino sa inyo ang mas maraming naging girlfriend?"
"Girlfriend? Kung girlfriend ang tanong mo, wala. Pare-pareho kaming hindi nag-gi-girlfriend. But if you're talking about flings and one-night stand, mas marami ang Kuya Zane mo."
"How about you? How many women have you slept with?"
"It doesn't matter."
"It does to me. Gusto kong malaman kung nakailan ka na. Kasi ako, ikaw ang first ko. Nagkaroon ako ng manliligaw at boyfriend noon, pero hindi ko isinuko ang sarili ko sa kanila. Sa 'yo ko lang 'to ginawa. Sa 'yo na hindi ko boyfriend. Kaya bilang pakonsuwelo, sana naman sagutin mo 'ko. Ilang babae na ang winasak mo ang kipay?"
"You sound jealous, sweetheart," he purred. "I must say, I'm quite taken with this side of you."
"You didn't answer my question."
"I told you. It doesn't matter." Tinitigan niya ako. "What's important now is that I'm sleeping with just one woman from here on out."
"So, are we just casual partners, then?" Hindi siya sumagot. "Ako lang ba 'yong f*ck buddy mo na dinadala mo sa restaurant or pati 'yong mga dati mo ring babae? Dine-date mo rin ba sila? Pinahahawak mo rin ng card mo?"
"Finish your food. May pupuntahan pa tayo."
I rolled my eyes. Hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko. "Where?"
"My penthouse."
I blinked, and blinked, and blinked again. His penthouse? Excitement rushed over me. Oh my gosh. Hindi pa ako nakapunta sa penthouse niya kahit minsan.
"Ano'ng gagawin natin do'n?"
He turned his gaze to me and smirked. "I'm going to f*ck that sweet little mouth of yours, and then you won't have the chance to be such a jealous little troublemaker."