My Husband Is My Biggest Enem...

By JustUnUglyGirl

64.3K 1K 175

[R-🔞, MATURED CONTENT] ON-GOING Alam ni Synier Fruxell na kaya lang siya pinakasalan ni Xander ay dahil gust... More

MY HUSBAND IS MY BIGGEST ENEMY
PANIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11 [R-🔞]
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22 [R-🔞]
KABANATA 23 [R-🔞]
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43 [R- 🔞]
KABANATA 44
KABANATA 45 [R-🔞]
KABANATA 46 [R-🔞]
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57 [R-🔞]
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75

KABANATA 49

375 12 0
By JustUnUglyGirl

SYNIER FRUXELL-HENTROV

"Miss Red, nakita nyo po ba si Pink?" Tanong sa akin ni Purple sa akin paglabas ko ng opisina.

"Huh? Wala ba siya sa kuwarto niya?" Taka kong tanong. Hindi lumalabas ng mansion si Pink dahil dito na siya pinatira ni Red. Wala na siyang ibang pamilya kaya saan naman pupunta ang bata na yun?

"Nakita ko pa siyang naglalaro kanina kasama ang pusa niya don sa garden, pero nung tatawagin ko na para kumain ay wala na siya." Sagot naman ni Purple.

"Hanapin natin." Una akong umakyat sa kuwarto niya, ngayon lang ako nakapasok dito.

Nilibot ko ang buong kuwarto at puro pink yun. She really love pink color.

"Pink?" Tawag ko dito, pero walang sumasagot, naglibot pa ako sa buong kuwarto niya at doon ako nakarinig ng mahinang pag-iyak galing sa banyo niya. Mabilis akong naglakad papasok doon at sakto naman dahil hindi yun naka lock. "Pink, anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.

"Miss Red," mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako. "W-Wala na po si Black." Umiiyak niyang sabi sa akin.

"Huh? Bakit? Anong nangyari sa kaniya?" Tukoy ko sa pusa niya.

Umiling siya bago sumagot. "Hindi ko po alam,"

"Kaya ba nando'n ka sa garden kanina?" Tumango naman siya.

"Nakita ko na lang siyang walang buhay sa garahe kanina, Miss Red, hindi ko po alam ang nangyari." Hindi ko alam kung paano ko siya iko-comfort.

"Bumaba na muna tayo, baka alam ni Purple." Tumango naman soya at sumunod na sa akin pababa.

Nakahinha naman ng maluwag si Purple ng makita kaming dalawa.

"Akala ko kung saan kana pumunta eh." Sabi niya.

"Alam mo ba kung anong nangyari kay Black?" Tanong ko sa kaniya.

"Sinong black?"

Oo nga pala, si Ace yung isa.

"Yung pusa ko po." Nakangusong sagot ni Pink.

"Oh? Bakit anong nangyari sa pusa mo?"

"Wala na po siya."

"Huh? Anong nangyari?" Umiling naman si Pink.

"Sige na, kumain kana muna." Sinamahan naman ni Purple si Pink sa hapag at tanong pa rin ng tanong ang isa.

Uuwi na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ni Red. May nag text.

Master
   I need to see you. Met me at the mansion.

Napakunot naman ang noo ko, ito ba yung sinasabing Master ni Ace? Jinzu? Saang mansion naman ako pupunta?

Nakakainis talaga 'to si Red, bakit kasi hindi muna ako tinuruan at sinabi sa akin lahat ng dapat kong gawin? Bwisit.

Tinawag ko si Brown at sinabing ipag-drive niya ako, baka alam niya dahil siya naman ang driver ni Red eh. Lagi ko kasi silang nakikitang magkasama akala ko nga siya hung personal assistant ni Red eh.

"Saan tayo Madam?" Nakangisi niyang tanong.

Paano ko sasabihin na sa Jinzu kami pupunta?

"Kay Master." Walang buhay kong sagot. Hindi ko alam kung alam niya ba ang tinutukoy ko, pero nagulat ako ng bigla na lang niyang buhayin ang makina.

"Sabi ko na nga ba eh, pinapatawag ka na naman." Natatawa niyang sagot.

"Anong nakakatawa?" Kunwari kong inis na tanong.

"Eh kasi sa tuwing pinapatawag ka ng Jinzu lagi ka na lang nakabusangot kapag bumabalik ng kotse, hindi ko naman alam kung anong nangyayari sa loob dahil hindi mo ako pinapasama." Sagot niya naman habang nagmamaneho

Bakit kaya?

"Ede sumama ka ngayon para malaman mo kung bakit ako laging nakasimagot kapag bumabalik." Sagot ko naman na ikinagulat niya.

"Hindi kaya nila ako patayin?" Tanong niya at tumingin sa rare mirror. "Gusto ko pang mag-asawa Madam." Natatawa niyang dagdag.

"Wag kana mag-asawa," natatawa kong sagot sa kaniya at natahimik naman siya kaya kinabahan ako. Nakatitig lang siya sa daanan at di na nagsalita. "May nasabi ba akong mali?" Kinakabahan kong tanong.

"A-Ah wala po, hindi lang ako sanay na nakikipagbiruan ka sa amin haha, you changed a lot Madam." Sagot niya naman.

Oo nga pala, masyado pa lang seryuso sa buhay si Red. Paano ko naman gagawin yun? Hayst, ang hirap mag adjust.

"Hayaan mo na, anyway prepared yourself, baka mapa-away tayo do'n." Sagot ko sa kaniya.

Hindi ganito ang Brown na kilala ki kapag nasa seryusong usapan kami, masyado kasi siyang seryuso kagaya ni Red.

"Isasama mo talaga ako sa loob Miss?" Gulat niyang tanong.

"Ayaw mo ba? Kanina nagtatanong ka, ngayon parang takot na takot ka,"

"It's because they're our enemy, you know that."

"Pero sumasama ka pa din kapag hinahatid ako?"

"Eh wala naman akong ibang choice."

"Wala kang choice ngayon kundi ang sumama sa akin." Sagot ko at tumango naman siya.

Ano kayang mangyayari mamaya?

Kinakabahan ako at the same time, excited, hindi ako natatakot kung dito man ako mamamatay.

Maya-maya pa ay pumasok na si Brown sa isang malaking mansion, it's really big.

"Hooo, kinakabahan ako Miss." Bulong ni Brown ng makalampas kami sa gate.

"Wag kang magpahalata." Sagot ko naman sa kaniya. Nang tuluyan kaming makapasok sa loob at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko na para bang may mangyayari talaga mamaya.

Nang makarating kami sa garahe ay pinagbukasan naman niya ako ng pinto.

Naka ready ako.

May kutsilyo sa dalawang hita ko at may baril sa likod ng kapa ko.

Kung sakali man na may mangyari, alam ko na ang gagawin.

Some of their maids escorted us, dinala nila kami sa malawak na swimming pool kaya nagtaka ako.

"Deritso na lang po kayo." Nauna akong naglakad sa tinuro niya dahil nakikita ko na rin ang ilang mga tao na nando'n.

"What's with this?" Tanong ko kaagad nang makalapit sa kanila.

"Welcome back, Miss Red." Nakangising sabi ng isang lalaking sa tingin ko ay matanda sa akin ng isang taon.

Who the fuck are you?

Napangisi ako bago siya sinagot. Di ko alam kung tama 'to pero bahala na.

"Tsk, do you miss me?" Nakangisi kong tanong.

"Umupo ka Red." Utos ng katabi niyang matanda. Senenyasan ko si Brown na wag ng sumunod sa akin at dito na lang siya magbantay.

"Bakit mo'ko pinapapunta?!" Tanong ko nang maka-upo ako.

"Hindi ka na dumadalaw dito ah?" Natatawang sabat ng katabi nitong matanda. Hindi ko siya tinitingnan dahil alam kong siya ang tatay ni Xy. Malakas ang kutob kong walanghiya ito.

"Shut up for pete sake, Elton!!"

Elton?

"But Dad-"

"I said shut up!" Sigaw ulit nitong Master na tinatawag nila.

Tumingin ulit sa akin ng deritso ang matanda na parang inuusisa ako, kaya nakipagtitigan naman din ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagtitigang dalawa. Nang inalis niya ang tingin sa akin ay uminom siya ng tea at tumingin ulit sa akin.

"Let's straight to the point, what do you want?!" Inis kong tanong.

"Magpakasal tayo!" Mabilis akong napatingin kay Elton ng sabihin niya yun, pati si Brown ay naalarma dahil sa narinig

Tangina niya, nasisiraan na ba siya ng bait?!

"What?!"

"I said shut up!!" Sigaw ng matanda kay Elton.

"Ang tagal mo kasing sabihin eh,"

"Baka gusto mong pakasalan itong baril na dala ko?! Hindi ka ba nandidiri sa sinasabi mo?!" Irita kong sagot sa kaniya.

"What?!" Natatawa niyang tanong. "Matagal na tayong may relasyon." Dagdag niya na lalong nagpanganga sa akin.

Itong hayop na 'to may relasyon kay Red?

"Baka nakakalimutan mong pinapatay mo ang anak ko dahil ayaw mo akong panagutan!" Natatawa kong sabi sa kaniya na ikinagulat ng lahat. "Bakit?! Hindi ba kayo aware sa ginawa ng anak nyo?" Natatawa kong tanong sa matanda.

Napatingin kay Elton na ngayon ay pawis na pawis na, so hindi pala alam ng Daddy niya na pinalaglag niya ang anak ni Red?

"This is fucking bullshit!" Tumayo na ako at handa ng umalis, pero nagulat ako ng bigla na lang pumasok si Ace.

Anong ginagawa nito dito?

Walang emosyon siyang tumingin sa akin at umupo katabi ng inupuan ko kanina.

"What happening here?" Tanong niya at tiningnan ako.

"I'm done here-"

"We're not done yet!" Napahinto ako sa paglalakad nang sabihin yun ng matanda sa nakakatakot na boses.

"Anong gusto nyo, pumayag ako magpakasal sa lalaki na yan?! Eh baka nga hindi lang anak ko ang patayin niyan eh!" Inis kong sagot.

"What?! Sinong tanga naman ang magpapakasal diyan?!" Singit naman ni Ace.

Mabilis na kumilos si Elton at tinutukan ng baril si Ace pero mas mabilis kami ni Ace dahil mas nauna namin siyang natutukan ng baril.

"Don't you dare!" Banta ko.

"Tsk, naka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sa Ama mo." Natatawang sabi ni Ace na ikinapagtaka naming lahat.

Nang ibaba ni Ace ang baril niya binaba ko na din ang akin at tumabi sa kaniya sa pag-upo.

"Bakit pinagkaisahan nyo si Llander?" Tanong kaagad ng matanda.

"Anong sa tingin mo ang gagawin ko? Hayaan kong mamatay ang anak ko sa kamay niya?" Natatawang sagot ni Ace.

"At ano naman ang ginagawa mo do'n?"

"Extra?" Natatawa kong sagot na ikinagulat nila.

Hindi ba ganito sumagot si Red?

"Ang masamang tao, kailangang patayin!" Dagdag ko.

"Pero pumapatay ka ng tao, ede masama ka na din?" Singit ni Elton.

"Hindi pa, kapag napatay na kita." Sagot ko naman.

"Pwede ba?! Kahit isang saglit lang tumahimik kayo!" Sigaw ulit ng matanda. Natahimik naman kami. "Nasaan yung mga binigay ko sa inyo?!" Sigaw niya sa amin.

"Here's mine." Pinakita ni Elton ang suot niyang singsing.

"I lost mine." Napatingin kami kay Ace.

Nasa akin na ang tatlo, pero hindi nila pwedeng malaman yun.

"Kinuha ni Ace ang sa akin." Masama ko siyang tiningnan pero iniwas niya ang tingin sa akin.

"But you also took mine." Sagot niya naman.

"Because you took mine." Sabat ko.

Hindi niya na ako sinagot.

"Para kayong mga bata kung mag-away." Singit ni Elton.

Masama namin siyang tiningnan.

"Let's end this." Mabilis na tumayo ang matanda at sumunod naman kami, yumuko si Elton sa Papa niya pero kami ni Ace ay nanatiling nakatayo.

"After this, hindi ko maipapangako na rerespetuhin ko pa kayo." Matapang kong sagot bago yumuko.

"What do you mean?" Tanong sa akin ng matanda.

"Kapag nalaman kong kinukuha nyo pa ang pag-aari ng mga Niez, pasensiya na pero kailangan kong gawin ang nararapat." Sagot ko bago tumayo.

"Sana lang hindi kayo biguin ng mabuti nyong anak." Nakangising sabi naman ni Ace. "May balak ho kasi siyang pumanig sa amin para patayin si Red.

Hindi na ako nagulat do'n.

"At walang kasalang magaganap." Naglakad na ako palabas kung saan naghihintay si Brown.

Hahakbang na sana ako ulit ng biglang may humawak sa braso ko.

"Let's talk." Hinila ako ni Elton sa kung saan, mahigpit niya akong hinawakan kaya hindi ako makaalis, susunod pa sana si Brown pero sumenyas na akong wag sumunod.

"What do you want?!" Inis kong tanong sa kaniya.

"Remove that!" Utos niya ng makarating kami sa isang kuwarto.

"Akala mo ba natatakot ako sa'yo-"

"Hindi ka dati ganiyan, anong nangyari at tumapang ka ng husto?!" Nakangisi niyang tanong at lalong lumapit sa akin.

"Kahit ang pusa nagiging tigre kapag inabuso." Nakangisi kong sagot.

"I said remove your clothes." Mahina niyang bulong pero sapat na para masabing galit siya.

"Why? Hindi ba nakita mo na 'to? Hindi ka pa rin ba nananawa? O baka namam hindi ka makatulog dahil sarap na sarap ka habang pinagpapantasyahan ako?" Natatawa kong sagot.

Aktong sasampalin niya ako pero isang kamay ang pumigil sa kaniya. Nang tingnan ko yun at hindi na ako nagulat ng makita si Ace.

"Let me go!" Sigaw ni Elton.

"Sa oras na lumabas kaming dalawa dito sa mansion nyo, asahan mong pagbalik namin papatayin ka namin." Sabi ni Ace at binitawan si Elton.

Hinala na ako ni Ace palabas ng kuwartong yun at dinala kay Brown.

"Let's talk in other time." Sabi niya sa akin at tumango naman ako.

Lumabas na kami ni Brown at kagaya ng sabi niya ay nakabusangot akong sumakay ng kotse dahil sa nangyari.

Ang sarap niyang patayin kanina, ang kapal ng mukhang pakasalan ako, kung di lang ako nakapagpigil malamang bangkay na kami pareho.

"Sabi ko na eh."

"Ngayon alam mo na kung bakit ako laging bad trip kapag uuwi." Natatawa naman siyang tumango.

"Ang kapal ng mukha ng Elton na yun." Dagdag niya.

Continue Reading

You'll Also Like

17.5K 241 23
Trixie Madrigal is a 16 year old student of GOLDEN ACADEMY. A prestigious school for rich people. Siya isa sa mga limang napili upang maging FULL SC...
5.3M 171K 62
Nixon is the 3rd book in the Broken Series. (Ryan is the 1st, Brynn is the 2nd) Nixon leaves rehab early because he can't deal with being there anymo...
361K 4.8K 20
Harper accidentally met Attorney Shaun at the bar. She's broken that time and she wants nothing but a revenge from her freaking ex-boyfriend who used...
291K 5.2K 91
(Y/n) (L/n) doesn't have an ordinary life, he never did. Brought into the Strategic Homeland Division at an exceptionally young age because of his in...