KAHIT nagsasagot sa test paper ay nakangiti parin ako. Ginawa ko talaga siyang inspiration para gumising nang maaga at mag-aral kahit 1 hour lang ang tulog ko.
Pagkatapos namin lahat magsagot ay nagcheck agad kami at in-announce na agad ng professor namin ang lahat ng nakapasa.
“ Good job, Miss Melena. You got the highest score and a perfect score!” Anunsiyo ng prof namin.
Yey! I did it! Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ko.
“ Sa mga hindi nakapasa, siguraduhin ninyong babawi kayo sa finals. Okay? You can go now.”
Iniligpit ko na kaagad ang ballpen at correction tape ko sa bag atsaka lumabas. Agad naman akong kinalabit ni Cesza.
“ Hoy! Grabe ka! Talagang ginalingan.” Tinawanan ko na lamang si Cesza.
“ Ginalingan mo rin naman,” ani ko.
“ Oo, kaso kulang parin. Two mistakes away! Sayang! Pero oks lang, at least nakapasa ’di ba?”
Tumango ako. Okay lang din naman sa’kin na hindi ma-perfect basta maipasa ko lang. Pero mas maganda parin kung ma-perfect ko. Jk.
“ Kain tayo? Gutom na ’ko e. Doon tayo kay Manang Gina?” Tanong ni Cesza.
“ Tara.”
Kumakain na kami ngayon sa madalas naming kainan sa labas ng campus. Ang karinderya ni Manang Gina. The foods here are so affordable at presyong estudyante talaga at masarap at malinis pa. Plus mabait pa si Manang Gina.
“ O mga hija! Kumain lang kayo d’yan. Gusto niyo ba ng sabaw?” Ani Manang Gina.
“ Salamat po, Manang.”
Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang mapangiti at mapatitig sa bracelet na bigay ni Chelli. Baka ito ’yong lucky charm ko.
“ Hoy, parang tanga ’to. Ba’t ka nakangiti d’yan?” Napaayos naman ako ng upo nang magsalita si Cesza.
“ Anong nakangiti? Sinong nakangiti? Hindi ako nakangiti ’no,” pag-dedeny ko.
Inirapan naman ako ni Cesza.
“ O ba’t ang defensive? Ngingiti-ngiti ka d’yan. ’Pag ikaw nasaktan ulit...”
“ Hindi. Masaya lang talaga ako dahil sa result ng exam.” Pagpapalusot ko.
“ O kanino galing ’yang bracelet?” Pag-uusisa pa ni Cesza. Ang kulit talaga ng kaibigan kong ito.
“ Sa ano...”
“ Sige. Try mong magsinungaling sa’kin.”
“ Bigay ng new found friend ko,” iyan na lang ang nasabi ko. Friends lang naman talaga kami.
“ May bago ka nang kaibigan?” She pouted. Kinurot ko naman ang ilong niya.
“ Ito naman. Selosa!”
“ Heh!”
Tumawa na lang ako.
“ Sino nga ’yan? Pakilala mo naman,” pangungulit pa ni Cesza.
“ Ayoko baka ma-jinx...”
Kinunutan niya ako ng noo at tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “ Ang OA naman nito.”
“ Hindi mo ata siya kilala.”
“ Kaya nga ipakilala mo sa’kin. Adik ka ba?” Parang galit na s’ya ah.
Grabe naman ’to.
“ Chelli ang name niya. Nagtatrabaho siya sa PRIME. Tas nagkausap kami kahapon dahil invited sila sa birthday ni Tita Caloi. ’Yong Tita ni Steven Rivamonte,” sabi ko.
“ So, nagkita kayo ni Steven kagabi?”
Tumango ako. “ Oo.”
“ Ay! Ayaw niyang pagchismisan siya,” bulong ni Cesza. Naguluhan ako sa sinabi ni Cesza.
“ Ayun oh.” May nginuso siya sa likuran ko. Paglingon ko ay nandoon pala si Steven sa labas ng karinderya. Parang hindi natutuwa ang mukha nito sa nakikita. He looks... disgusted?
Bigla namang nagtama ang paningin namin at agad umaliwalas ang kaniyang mukha at kumaway. I glanced back at Cesza.
I raised my eyebrows at her. “ Pinapunta mo ba siya dito?”
Tinaas naman niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. “ No! Hindi ah,” she said defensively.
Nakalapit na pala sa amin si Steven.
“ Hi girls!” Bati nito.
“ Hi, Steve. Upo ka. What brought you here?” Si Cesza iyon.
Tumingin si Steven sa akin.
“ I'm guessing na wala kayong klase now kasi lunch time so pumunta ako rito para yayain ka,” itinuon niya sa akin ang kaniyang paningin,“ Riyana, na mag-lunch. But it seems like tapos na kayo. So, yayayain na lang kitang mag-dessert.”
Tumaas ang kilay ko.
“ Ako lang? What about Cesza?” Tanong ko. Ayokong sumama.
“ It's a date, Riya,” sagot ni Steven.
“ Gagawin mo pa akong third wheel,” bulong naman ni Cesza.
“ Sorry, Steven pero---” Cesza cut me off.
“ Sumama ka na, Yana. Wala na naman tayong exam mamaya.”
Pinandilatan ko ng mata si Cesza. The heck! Magpapalusot na nga ako e!
“ Don't worry, Riyana. It's just a friendly date.” Seryoso ang mukha ni Steven nang sinabi niya iyon.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Friendly date lang naman. At saka libre rin naman niya. Sayang ang libre. Wala rin naman akong gagawin ngayong hapon except sa pagrereview para sa huling exam namin bukas ng hapon. Mamayang gabi na lamang ako magrereview. Kakain lang naman kami. Wala naman atang masama doon.
“ Sige na nga,” pagsuko ko.
Lumawak naman ang ngiti ni Steven.
“ Ayown!” Pinandilatan ko na lamang si Cesza. Hindi pa ata siya sumusuko sa pag-match make niya sa amin ni Steven kahit na sinabihan ko na siya.
Tumayo na kami at lumabas ng karinderya. Nagpaalam na rin sa amin si Cesza dahil nariyan na raw ang sundo niya.
“ Good bye, Yana, Steven!”
“ Bye!” Pareho naming sabi ni Steven.
Pumunta na kami kung saan ni-park ni Steven ang sasakyan niya. Shala! Rich kid talaga ’tong lalaking ’to. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan at agad naman akong pumasok doon.
Nagsimula na siyang mag-drive.
“ Saan nga pala tayo pupunta?” Ako na ang unang nagsalita.
“ I know a place where they sell delicious mango pudding.”
Napatango na lamang ako. Naging tahimik ulit ang biyahe nang magsalita ulit siya.
“ Bakit kayo roon kumakain? You know...in that nasty... crowded... little eatery? There's a bunch of restaurants around FIC na decent and you know...clean.” He said it with a disgusted look on his face! Napakunot ang aking noo at tumaas ang aking kilay.
What the heck? Is he for real?
“ Anong sinabi mo?” I'm really upset right now. I can't believe him.
Napansin ata niya na may halong galit at medyo tumaas ang boses ko kaya he glanced at me and defended himself.
“ I-I’m sorry... I didn't intend to offend you or anyone...I-I’m sorry...” Nauutal niyang sabi.
I closed my eyes to calm myself. I admit it. I really do get upset easily. At sa sinabi niya, nag-iba talaga ang mood ko. The way he said it... really says a lot about him. About who he really is.
“ I'm sorry, Riyana...”
I sighed deeply. “ Alam mo, ang sinasabi mong ‘nasty’, ‘ crowded ’, at ‘little’ na kainan ay siyang bumubuhay at pumapawi sa gutom ng maraming estudyante o empleyado o simpleng mamamayan around that ‘little eatery ’. Napakamarangal ng negosyo at trabaho nila. At malinis at masarap ang kanilang mga luto. Alam mo rin bang iyang karinderyang iyan ang bumubuhay at nagpapa-aral sa mga anak ni Manang Gina at ng mga anak ng dalawa niyang katulong sa karinderya?” Hindi ko napigilan ang sarili ko.
“ I am really sorry, Riyana,” iyan na lamang ang nasabi niya.
“ Pasensiya na kung naging ganito ako kasi nasasaktan lamang ako para sa kanila. Ayoko kasing ginaganon lamang ang mga tao that I care about or those people na alam kong...naghihirap...para makasurvive.”
I really get emotional kapag ganito ang topic. Hindi ko ma-imagine ang hirap na pinagdaan ng katulad ni Manang Gina araw-araw. Nagpapasalamat ako to my parents dahil kahit hindi naman kami mayaman ay naibibigay parin nila ang pangangailangan namin. What Steven Rivamonte said is an insult to them. Porket mayaman siya.
“ Sorry, Riyana...”
Naging tahimik ang biyahe namin hanggang sa huninto na ang sasakyan. Bagong bukas pala itong sinasabi niya.
Umorder na siya nagsimula na kaming kumain ng mango pudding. In fairness, masarap naman ang pudding.
Nasa sasakyan na ulit kami at tahimik parin kaming dalawa.
“ Oh, I totally forgot. May kailangan pa pala akong daanan. Okay lang ba sa’yong matagalan tayo? Baka may lakad ka,” baling ni Steven sa akin.
“ Wala naman. It's fine.”
“ Okay. Let's go.” Agad niyang pinaandar ang kaniyang sasakyan.
Napakunot ang noo ko nang ma-realize na nasa sentro kami ng San Jose, ang municipality kung saan ako nakatira. Nasa kabilang municipality kasi ako nag-aaral. Ano kaya ang ginagawa namin dito?
Mas lalong nangunot ang noo ko nang mapagtanto na huminto ang sasakyan sa harap ng PRIME. Sa dami-rami ng mga bakeshops na nadaanan namin, dito pa talaga siya bibili? Bakit? Anong trip ng lalaking ito?
Pero okay na rin iyon para makita ko si Chelli. Huiieeee.
Pinagbuksan niya agad ako ng pinto ng sasakyan. Napangiti ako nang makitang si Chelli ang nagbabantay. Ngumiti naman ito nang makita ako.
Wala na. Buo na ang araw ko.(*˘︶˘*).。*♡
Kanina ay naiinis ako. Ngayon, ewan, napalitan ng saya. Wews. Iba talaga ang epekto niya sa’kin.
“ Hi, Riya! Nagagalak akong makita ka,” ani Chelli na mas lalong nakapagpalawak sa ngiti ko.
Pa’no ba ’yan! Nagagalak daw siyang makita ka, Riyana!
“ Masaya rin akong makita ka... Chellina.”
Ngumiti naman siya sa akin. Pwede dito na lang ako? Gustong-gusto ko talagang tumitig sa mga mata niya. (๑♡⌓♡๑)
Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang tikhim ni Steven. Nandito pa pala ’to?
Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan at mas hinapit palapit sa kaniya. Bwiset. Anong problema ng lalaking ’to?
“ Mom’s craving cinnamon rolls and what do you call that...uhm...pan de monggo ata ’yon. She asked me to buy some for her. I heard masarap daw ’yon dito,” nasa kay Chelli ang atensiyon niya nang sabihin niya iyon.
“ Naku, sorry po, sir. Naubos na po iyong cinnamon rolls at pan de monggo namin kanina pa po. Late lang po kayo ng kaunti,” Chelli replied.
“ Oh... Too bad. Nagdate pa kasi kami ni Riyana kanina e. But, it's fine. We'll look for it na lang in other bakeshops. Good bye.”
Nag-date??? We'll nagdate naman kami talaga pero friendly date lang! Pero, kailangan ba talagang sabihin niya ’yon kay Chelli???
“ Sige po. Good bye po Sir, Riyana.”
Ngumiti si Chelli sa akin at ginantihan ko naman siya.
“ Good bye, Chelli. And thank you...”
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero nahagip ng mga mata ko kung paano sinamaan ng tingin ni Chelli ang nakatalikod na si Steven. Delusions ko lang ata ito.
Pinipilit kong umiwas sa braso ni Steven para sana matanggal ang pagkakaakbay niya sa’kin pero ambigat naman. Tambay ata ’to sa gym.
“ Let's go, babe? I mean... Riyana.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Steven.
Babe??? Ano bang pakulo niya?
Nang makapasok na kami sa sasakyan niya ay agad ko siyang binalingan.
“ What was that, huh? Ba’t mo ’ko inakbayan? At bakit mo sinabing nagdedate tayo?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
“ Chill, woman. I'm sorry kung inakbayan kita. And we're dating naman ’di ba?”
“ Yes! Pero friendly date lang at hindi mo naman kailangang sabihin ’yon kay Chelli at babe? Talaga lang ha!” Tumataas na ang boses ko.
“ It just slip out of my tounge, okay? Kinorrect ko naman and ano naman ngayon? ”
Nagsalubong lalo ang kilay ko sa sinabi niya. I can't believe him.
“ Why is it a big deal? You're overreacting.” Parang napipikon na rin ang kaniyang tono ng pananalita.
“ Big deal talaga ’yon! You did it in front of Chelli!”
Napaisip naman ako bigla sa sinabi at inasal ko. Wait... Ngano nga bang kinalaman ni Chelli? As if naman may pake ’yon kung may relasyon kami ni Steven o wala. We're friends lang naman hindi ba? Maybe I'm just overreacting.
“ What about that Chelli? Why are so mad that I did it all in front of her? Ano ba siya, Riyana? Ano ba siya sa buhay mo?” Seryoso ang boses at mukha niya nang tumingin si Steven sa akin.
Ano nga ba siya sa buhay ko? Crush ko lang naman siya at ’yon na ’yon. Bakit ba ako nagkakaganito? Maybe I should learn to calm myself first.
Ilang minuto kaming tahimik.
Steven broke the deafening silence first. “ Sa’n ang bahay ninyo? Ihahatid na kita.”
“ No need. Uhm...may kailangan pa pala akong hiraming libro sa...uhm...lib,” pagpapalusot ko.
“ Okay. Hihintayin na lang kita sa labas ng campus niyo,” he insisted.
“ Hindi na. Maraming estudyante ngayon sa library. Tiyak matatagalan ako at...uhm... kailangan ko rin palang pumunta sa...uhm...Dean namin. Kaya Hindi mo na ako kailangang hintayin.” Phew!
Tumango naman siya. “ Okay.”
Naging tahimik ang biyahe namin pabalik ng school.
“ Salamat nga pala sa libre, Steven.”
Nasa labas na kami ng sasakyan.
He smiled and nodded. “ No problem. It's my pleasure.”
“ Sige. Good bye.”
Bago pa ako makahakbang ay tinawag niya ako ulit.
“ Uh... Riyana! Can we do it again some other time? Maybe this weekend?”
No. I think never again. This would be the last time na lalabas ako kasama si Steven Rivamonte.
Pero hindi ko iyan sinabi, instead,“ We'll see. Depende sa sched ko. Thank you again, Steven and good bye.”
Pagkatapos nun ay tumakbo na ako papasok ng gate ng campus. Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan niya bago lumabas ulit ng gate. Phew!
Ewan ko but I smell red stain. Hindi ko matantya kung mabait ba siyang tao o ano. Bakit nga ba ako sumama sa kaniya? Pinapaasa ko ba siya? Basta...this would be the last time. What was really his motive?
Napagpasyahan ko nang i-dial ang number ni Kuya Ranjo. Para naman makalibre ako ng pamasahe. Makakalibre na sana ako kanina pero ayoko namang dagdagan ang utang na loob ko kay Steven Rivamonte. Lalo na na hindi ko alam ang plano at motibo niya. Baka manghingi siya ng kapalit.
“ Hello, Kuya Ranjo? Sunduin mo naman ako ngayon sa school. Please?”