uno
"Oh, sorry." binawi niya agad ang kamay nang napagtantong hindi ko rin iyon matatanggap dahil may hawak nga ako.
Nilapag niya ang bote ng tubig sa lounger bago kinuha ang nakatuping towel ang nagsimulang magpunas ng buhok. Nilagay ko na rin ang tray doon.
"Am I mistaken? But I'm pretty sure I am right." dugtong pa nito dahil sa dami ng sinabi niya wala pang lumalabas ulit sa bibig ko.
I think I was too shocked.
Maybe I judged him too early.
Sa tingin ko tama si Jayen.
Tumikhim ako at umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko tuyo na ang lalamunan ko. Ilang segundo pa ay binalik ko na ang mata sa kanya at nakitang pinapanood rin ako habang nagtutuyo ng buhok.
"A-Ako nga... Ako 'yong may-ari ng Special Services na account." bawi ko at tumikhim.
Tumango siya sa akin bago sinampay ang tuwalya sa balikat niya. Humalukipkip ito.
"Thank you. I will send my payment later."
Pinagdikit ko ang dalawang palad at tumango rin.
Nanahimik ako dahil medyo nagapangan na ako ng konsensya. Ang simple lang ng ginawa ko pero ang laki ng bayad niya. Alam kong barya lang 'yon sa mga katulad niya, pero sa akin mabubuhay na ako sa tatlong libo ng ilang linggo.
"P-Pwede mong bawasan 'yong rate..."
Kumunot ang noo niya sa akin. "No. I made you run errands for me. And even went here at this hour. I think the fare was just right."
Kinagat ko ang ibabang labi.
"K-Kahit na... paki-bawasan pa rin. Hindi pa kasi ako nakakatanggap ng gano'n kalaki sa account ko. Hindi ako sanay... tsaka ang dali lang naman ng ginawa ko! Masyadong malaki ang three thousand pang one time payment."
He sucked his teeth like he remembered something. "Actually, that's one of the reasons I asked you to come personally..."
"H-Ha?" naguguluhan ko siyang tinignan.
"I raised the rate expecting you'd come." naging mariin ang titig niya sa akin. Parang lalabas na ang puso ko. "I have an offer. Do you want to elevate your services?"
Napalunok ako. "Depende sa offer. Ano ba 'yon?"
Umisang hakbang pa ito palapit. Bumaba saglit ang mata ko sa katawan niya pero binawi din agad.
"I need someone here, with me, everyday. And I think I just found the best choice for it." aniya.
Napakurap-kurap ako. "Ako?" turo ko sa sarili.
He pursed his lips. Water dripped down his forehead. "Yes, only if you want. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. Miss Anonymous."
Teka, sandali. Gusto niyang may kasama rito araw-araw? At ako 'yon?!
"P-Para saan? Bakit kailangan mo ng kasama?"
"I scanned your portfolio. You know how to swim?"
Natahimik ako at tumango. Inaral niya ata talaga ang background ko sa account bago niya ako minessaged.
"Oo,"
He nodded in satisfaction. "Good. Because that's what I need. And I want this to be confidential for the two of us. So, I think you're really the perfect candidate to be my companion. You want things secret, I want things secret."
Napaisip ako sa sinabi niya. Pero masyadong pang maaga para basta-bastang pumayag.
"Ano'ng gagawin ko rito? Tuturuan kang lumangoy? Mukha namang marunong ka na." sagot ko at ginaya ang pagkakrus ng braso niya sa dibdib.
Ngunit nawala lahat ng naipon kong lakas nang humakbang itong muli dahilan upang kabahan ako. Halos tawidin niya rin ang nag-iisang dipang pagitan namin.
He looked down at me. "Hindi mo ako tuturuan. Pero orasan mo ang langoy ko. Lalo na pag nasa ilalim o gitna ako. Wag kang aalis." mariin niyang utos.
Nagsalubong ang kilay ko. Medyo naguguluhan na talaga sa pagkatao niya.
"Bakit? Takot ka ba?"
Pinagdikit nito ng dalawang labi. "I believe that's another thing to discuss if you accept my offer. Miss Anonymous."
Ako na ang humakbang paatras. Hindi ako nakasagot agad.
Bumuntong hininga ito.
"I'll pay you everyday. Three thousand." habol niya.
Nanlaki ang mata ko. "H-Hindi! Masyadong malaki 'yon!" tanggi ko agad.
Three thousand?! Everyday?! Seryoso ba siya? Ganito ba siya ka desperado para lang may pumayag sa kanya?
Tinignan niya ako na parang naguguluhan siya at hindi na alam ang sasabihin.
"How much then? To make you agree?"
Nagtama ang mata namin. Mukhang seryoso talaga siya dito. At kung hindi man ako pumayag, hahanap at hahanap rin siya ng tatanggap sa offer niya. Parang gano'n na siya na determinado na may magbantay at magdala ng mga kailangan niya dito.
Kapag nangyari 'yon sayang ang kikitain ko. Wala na akong trabaho. At mahihirapan akong maghanap ng panibago. Malapit na ang exams at kailangan ko ng oras magreview. Wala na akong panahon mag-apply ulit.
Hindi ko na ito matatanggihan. Trabaho naman ito. Trabaho.
Humugot ako ng malalim na hininga at pumikit ng mariin. Tsaka ako tumango. "One thousand five hundred."
Nanliit ang mata niya. "Two thousand five hundred."
"Masyadong mataas!"
"I think it's just enough."
"Hindi nga, Juan. Hindi ako komportable sa gano'n kalaking bayad." halos makiusap ako.
Alam kong isang hapunan lang nila sa restaurant iyon, pero isang linggong stocks ko na iyon ng pagkain.
Bumuntong hininga siya ulit. "Alright. Two thousand. Okay?" bawi niya sa masuyong tono.
Natigilan ako at dahan-dahang tumango. Sige na nga! Mukhang sagad na iyon para sa kanya!
"Deal." pagsuko ko.
Tumango siya agad at seryosong lumapit sa akin kaya hinayaan ko na lang siya. "Your duty starts tomorrow. I'll see you every after class at six thirty. Just bring me water and something to eat. Change my towels everyday. And monitor my time, is that clear?"
"O-Oo..."
Bumaba ang mata niya sa akin at para akong nalulunod sa lalim ng titig niya. "And one more thing, Miss Anonymous... no one will know about this. Except the two of us."
Halos hindi ako nakatulog buong magdamag. Paano ba naman ako makakatulog? Parang panaginip lang ang nangyari kanina. Hanggang sa pag-uwi ko nga, tulala ako.
"Ate... anong oras na. Puyat ka na naman." saway sa akin ni Moris nang maalimpungatan siya sa tabi ko.
Ngumiti ako sa kanya at niyakap ito. "Hindi. Ito na matutulog na. Goodnight, bunso."
"Goodnight, Ate..."
I heaved a sigh silently. Para sa'yo, Moris. Gagawin lahat ni Ate. Kaya kahit ilan pa ang katauhan ni Juan na 'yan o kung sino talaga siya, hangga't mabibigyan niya ako ng trabaho... hindi ko siya iiwan. Tulad ng sabi niya.
Umiling-iling ako habang nakapalumbaba sa mesa ng cafeteria. Lunch na at tapos na rin kami kumain ni Jayen. Vacant naman namin ang susunod na mga oras kaya tumambay na lang kami dito.
"Parang hindi talaga..." bulong ko sa sarili habang minamasid ang bawat galaw ni Juan.
Balik normal na siya. Complete uniform, ni walang kusot ang polo niya. Makapal at itim na salamin at backpack na animo'y nakadikit na sa likod niya.
Kumunot ang noo ko nang tawagin siya ng grupo ng mga lalaki at may binulong sa kanya. Tumango lang ito at nang makaalis ang magkakagrupo isa-isa niyang niligpit ang mga tray nila.
Ano ba 'yan? Pumapayag siyang utus-utusan siya?
"Martyr, ano bang trip niya?"
"Bakit nagsasalita ka mag-isa?" nilapit ni Jayen ang mukha niya sa gilid ko kaya napaatras ako sa gulat.
"Jayen! Kailangan idikit mo mukha mo sa 'kin?" reklamo ko at sinandal na lang ang likod sa backrest ng upuan.
"Kinakausap mo kasi sarili mo. Nandito naman ako. Ano ba nangyayari sa'yo? Parang kanina ka pa may iniisip."
Umiling lang ako at kinuha ang pineapple juice. "May tanong ako." turan ko habang ang mata ay nanatili kay Juan.
He walked towards the counter to bring back the trays he didn't even used. Looking naive and ignorant. Sobrang inosente niyang tingnan ngayon nakakaloko na. Mali ba kung hirap na hirap akong tanggapin na si Juan ang nakausap ko kahapon? Para kasi talagang hindi.
The man yesterday was a hot-drop-dead-gorgeous, pero ang lalaking pinapanood ko ngayon ay nilalampas-lampasan lang ng mga tao at inuutusan lang.
"Ano 'yon?"
Hinilot ko ang sintido. "Anong buong pangalan ni Juan?"
Ngumuso siya. "Bakit mo natanong?"
Nagkibit-balikat ako. "Wala lang. Mukha kasi siyang mayaman. Ano'ng apelyido niya?" palusot ko at ininom ang pineapple juice.
"Juan Theodore——-ayos ka lang?!" nagulat siya nang bigla kong mabuga ang iniinom kahit hindi niya pa natatapos ang sasabihin. Inabot niya ang panyo sa akin kaya pinunasan ko ang bibig.
"Sorry." wika ko.
"Mag-ingat ka nga! Mamaya mabilaukan ka!"
"N-Nasamid lang..." patay malisya kong sagot.
Siya nga si Juan Theodore.
Pumikit ako ng mariin. "Juan Theodore?" binalik ko ang usapan namin nang maka-recover na ako.
Kumunot ang noo niya sa akin na halatang naguguluhan pero sumagot rin naman. "Valcarcel." aniya.
Tumango-tango ako at umiwas na nang tingin. Nagtataka na si Jayen sa akin.
"Na-cu-curious ka sa kanya?" dugtong pa nito.
Umiling ako. "Hindi naman masyado. Natanong ko lang kasi nakita ko siya ngayon."
"Ah, okay."
Hinanap ko muli sa cafeteria si Juan pero bigla na siyang nawala. May klase na siguro.
Nang mag-uwian ay pinauna ko nang makaalis si Jayen bago ako bumili ng mga kailangan ni Juan. Wala pa namang six thirty.
Naglalakad na ako patungong private pool nang makatanggap ako ng message galing sa kanya.
User0711199500:
You don't have to bring a towel. There's a new bunch of stocks in the changing room.
Anonymous:
Oks.
Ipapasok ko na sana sa bulsa ng pantalon ang cellphone nang tumunog ito ulit.
User0711199500:
What?
Bumuntong hininga ako.
Anonymous:
Okay po.
Oks = Okay
"Marami lang pera pero hindi maka-gets ng simpleng wordings." komento ko.
Tumaas ang kilay ko nang magreply siya ulit.
User0711199500:
Oks.
Sinilot ko ang sintido.
Six twenty eight nang makarating ako sa mismong pool area. Nakalusob na ito sa tubig at mukhang hindi na ako nahintay. Hindi pa ako nagsasalita huminto na ito sa paglangoy at hinarap ako.
"Good evening. You can put that on the lounger." bati nito habang naglalakad patungo sa direksyon ko.
Parang nakalimutan ko na naman huminga nang makita siya. Hindi na naman siya naka-uniform at wala ulit salamin. Ibang katauhan na naman siya. Kailan kaya ako masasanay? Ano kayang magiging reaksyon ni Jayen kapag nakita niya ang ganitong side ng crush niya?
Pakiramdam ko magbabago ang ranking niya. Dahil sa totoo lang, kung ganito ang ayos ni Juan araw-araw. Siya ang pinaka-gwapo dito sa campus. Mas gwapo pa siya kela Kuren.
Tumango na lang ako at pinatong ang mga dala doon. "Magandang gabi," balik ko. "Kanina ka pa? Hindi pa naman ako late, 'di ba?" pinilit kong maging normal ang tono ng pananalita.
He shook his head and brushed his fingers through his wet hair pulling it backwards. "No. I was just warming up till you came."
Hinubad ko ang suot na backpack at tinabi iyon sa tray sa may lounger. Bago ako naglakad palapit sa kanya.
"Natanggap ko na pala ang payment mo kahapon. Salamat."
"That's good to hear. And that was your hard earn you don't have to thank me." sagot nito sa malalim at malamig na boses.
Binasa ko ang ibabang labi at nag-squat sa gilid ng pool. "So, o-orasan kita? Iyon lang?" pag-iiba ko.
Baka pwede na kaming magsimula para mas maaga rin kami makauwi? Hindi pa ako sanay sa presensya niya at kung magtatagal ako dito ngayong gabi baka mas gugulo lang ang utak ko.
Inangulo nito ang ulo upang mas makita ang mukha ko. Nasa gilid na rin siya ng pool pero hindi siya lumapit ng husto sa akin. Ang tubig ay natatakpan ang katawan niya hanggang bewang. Wala ulit siyang suot pang itaas.
"Record my time and look out for me. I might drown myself in the middle."
Natawa ako ng bahagya. "Mas marunong ka nga ata sa akin? Malunod talaga?"
Imbis na sagutin ako ay nanatili lang seryoso ang mukha niya. Natigilan tuloy ako at naglaho ang ngiti sa labi.
"Sorry." paghingi ko ng pasensya.
His lips were pursed. "I don't like being under water. That's why I hired you to be with me. In case something happens." hindi niya pinansin ang sinabi ko.
Naguguluhan ko siyang binalingan ng tingin. "Bakit mo 'to ginagawa kung gano'n?" I bent my knees, leveling his eyes in curiosity.
His gaze lingered on me. Heavy and hooded lids. Silence came until he decided to answer my question. "It's better to die fighting your fears, than to live running from it."