Binuksan ko ulit ang unang folder na nakalagay sa harapan ko habang nakasimangot. Sana pala nanuod nalang ako ng karera, nautusan pa tuloy ako ni Kairo.
"Ay Kairo pinalitan mo na pala ang apelyido ko? Kailan pa?"
"The day we got married." Woah iba talaga basta mga mayayaman at may koneksyon.
"Huh? So ibig sabihin, Divinchie na ang apelyido ko. Justine Rose K. Divinchie, ang pangit pakinggan," wala sa sariling saad ko
"Sinasabi mo ba na pangit ang apelyido ko?" nakakunot ang noo na tanong nito sa 'kin
"Hoy hindi ah! Pangalan ko talaga ang pangit," pagbawi ko kaagad. Mahirap na baka ma offend.
Maganda naman ang apelyido niya eh, half spanish kasi si Kairo kaya Divinchie ang surname niya. Actually tatlo ang lahi niyan. Half filipina and half italian ang mother niya while ang dad naman niya ay pure spanish.
Kaya nga marami talaga ang nahuhumaling sa kanya. Bukod sa gwapong mukha nito at kulay asul na pares ng mata. Mayroon din itong perpektong katawan. May malaking tattoo siya sa dibdib na litaw hanggang sa leeg niya na mas lalong nagbibigay ng malakas na dating sa kanya. Idagdag pa ang hikaw niya sa kanang tenga at ang height niya.
Tatlong lahi ba naman ang nanalaytay sa kanya. There's no doubt why he can pull both ladies and gents. Kahit sino, mapapalingon sa kanya kapag naglalakad siya. 'Yun nga lang, noong nagpaulan ng red flags sa itaas sinalo niya lahat, lumangoy pa nga.
Napukaw ang atensyon ko nang biglang may kumatok sa pintuan ng opisina niya. May pinindot si Kairo ng kung ano sa ilalim ng table niya pagkatapos ay narinig ko nalang na mag click ang pintuan ng opisina niya. Pumasok naman si Faye na mukhang nagulat kung bakit nakaupo ako sa tabi ni Kairo habang may hawak na sign pen at tinutulungan siyang pumirma.
"Sir, naibigay ko na po kay Mr. Burguz ang folder," saad nito kay Kairo at winaksi ang nagtataka niyang mukha
Hindi manlang nag-abalang tumingin si Kairo sa kanya at nanatili ang tingin sa binabasa niyang papel bago sumagot. "Get the papers that Justine already done signing and give it to Drake."
"Si Miss Justine po ang pumirma? Sigurado po kayo?Ayos lang po ba 'yon? Pirma po ninyo ang kailangan," sagot naman ni Faye at nagdadalawang isip na kuhanin ang mga papeles na tapos ko ng pirmahan.
Tumigil naman si Kairo sa ginagawa at mariing tiningnan si Faye bago nagsalita. "Are you questioning me? Do you think I'm that dumb to let her sign if I know that she's not allowed?"
Nakita ko kung paano nanginig ang mga kamay ni Faye habang kinukuha ang mga folder na nasa harapan ko. I mouthed, "pasensya na" saka siya nginitian bilang panpalubag-loob at para mawala ang kaba nito.
"I'm sorry, sir. Ihahatid ko na po ang mga papeles kay Sir Drake."
"Faye, Justine is already my wife so she can sign or approved any documents here even without my consent." Pareho kaming nagulat ni Faye nang magsalita ulit si Kairo habang nakatitig sa 'kin. Marahil ay nakita niya ang paghingi ko ng pasensya kay Faye.
"P-Po?"
"I don't need to repeat myself. Go, do your job. I don't need you here," napapahiyang naglakad nalang si Faye palabas dala ang mga folder niya habang ako ay nakasunod lang ang tingin si kanya.
"Kai-"
"Shut it, I don't want to hear it," putol nito sa sasabihin ko
Inis na hinampas ko ng malakas ang braso niya na agad ko ring pinagsisihan dahil mukhang mas nasaktan pa ko kaysa sa kanya. Bwesit! Ang tigas ng braso niya.
"Tigilan mo ko sa ugali mong 'yan ha! Hindi mo ako empleyado. Kapag talaga ako nainis dito, uuwi ako," asar na sagot ko sa kanya saka siya inirapan. Hindi naman ito sumagot at focus lang sa ginagawa niya.
Nakakaasar talaga ang isang 'to, nangangalay na nga ang kamay ko kakapirma dito tapos hindi pa siya makausap ng matino.
"Kairo," tawag ko sa kanya, hindi naman ito sumagot at lumingon lang sa 'kin. "Hoy ano ba! Pagod na 'ko," naiinis na saad ko sa kanya at pabagsak na inilagay sa lamesa ang hawak kong sign pen
"Tsk! You didn't even finish that papers. Mas kaunti nga iyan kumpara sa 'kin," tukoy niya sa ilang papeles na hindi ko pa napipirmahan
Napipilitang kinuha ko ulit ang sign pen at nakasimangot na pinagpatuloy ang pagpipirma sa mga papeles. Ano ba naman 'to, akala ko ba asawa lang ang role ko sa buhay ni Kairo. Bakit parang nagiging instant CEO na ako nito. Napatigil ulit ako sa pagpipirma nang maramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko.
Ano ba 'yan! Ang dami ko namang kinain kanina pero gutom na naman ulit ako.
"Kairo," tawag ko ulit sa kanya
"Damn! What again? Can you just stop talking for awhile," inis na sagot nito at pabagsak na binitawan ang hawak niyang sign pen
"Hoy! 'Wag mo kong anuhin d'yan, ikaw ang tumawag sa 'kin na papuntahin ako rito ha!"
"Fine, what do you want?" napipilitang sagot nito
"Nagugutom na 'ko." Pareho kaming napatigil nang marinig namin pareho ang pagtunog ng tiyan ko na lalong nagpasimangot sa 'kin
"Why do it feels like I'm babysitting a kid?"
"Anong kid? Sa tangkad kong 'to, kid? Eh kung suntukin kaya kita, ano ha!" Tumayo ako at tinaas ang manggas ng suot kong hoody jacket na para bang naghahamon ng suntukan.
"Really huh? What if I'll put you in a sack?" ganti nito at tumayo rin sa inuupuan niya
"Joke lang! Hindi ka naman mabiro," tanging nasabi ko at parang maamong batang umupo sa kinauupuan ko kanina. Ang tangkad kasi ni Kairo nong tumayo siya, hanggang dibdib niya lang ako.
"Aray!" daing ko ng pitikin niya ang noo ko at bumalik sa pagkakaupo bago pindutin ang telepono na nasa lamesa niya.
"Faye, bring me food, anything for lunch. Good for two," salita niya sa telepono dito sa opisina saka ibinaba ang tawag.
Hindi na siya nag-abala pang tapunan ako ng tingin at ibinalik ang atensyon sa mga papeles na kailangan niyang pirmahan. Tapos ko ng pirmahan iyong akin dahil mas kaunti iyon kumpara sa kanya. Napatingin ako sa kamay niya ng pumukaw sa atensyon ko ang kumikinang na bagay na nasa daliri niya.
Suot niya ang singsing na kapares ng sa 'kin. Ngayon ko lang napansin na suot niya pala ang singsing. Iyon lang ang nag-iisang singsing na nakasuot sa kaliwang kamay niya habang ang kanan ay may dalawang singsing pa na malalaki na kulay ginto at may nakalagay na hindi ko masyadong makita.
Iniwas ko ang tingin ko kay Kairo ng lumingon ito sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. Ang talas talaga ng pakiramdam ng isang 'to. Kahit nasa papeles ang atensyon niya nararamdaman pa rin na may nakatitig sa kanya.
Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang katok galing doon. Gaya kanina ay may pinindot lang si Kairo at automatic na bumukas ang pintuan. Bumungad roon si Faye na may bitbit na dalawang paper bag.
"Here's your food, sir." Inilagay nito ang mga pagkain sa maliit na table sa harap ng sofa ni Kairo.
"Just live it there. Since you have nothing to do now, you can take your lunch. Come back here at 1pm," walang emosyong sagot ni Kairo sa kanya habang hindi tinatapunan ng tingin ang sekretarya.
Agad namang nagpasalamat si Faye at ngumiti ng bahagya sa 'kin bago tumalikod. 12pm until 1pm ang lunch break ni Faye dito at ng iba pang empleyado ni Kairo pero ngayon ay medyo napaaga dahil 11:23 pa lang ng umaga.
"Hindi ka pa kakain?" tanong ko sa kanya dahil hindi siya sumunod sa 'kin papunta sa lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain.
"Mauna ka na, tatapusin ko lang 'to."
Tumango naman ako at sinimulang buksan ang mga laman ng paper bag. Napakamot na lamang ako sa noo nang makita ko ang mga pagkain na may sahog na gulay. Mabuti naman at may pork steak na inorder si Faye dahil hindi ako kumakain ng gulay. Ayokong kumain ng gulay lalo na kapag kulay green dahil feeling ko mapait saka para akong kambing.
"Kairo, ikaw na kumain ng mga pagkain dito na may gulay ha. Titirhan nalang kita ng steak."
"Just eat whatever you want."
Tahimik lang akong kumakain habang nanonood ng video sa YouTube. Ganito ang kadalasan kong ginagawa kapag wala akong kasabay kumain. Mas feel ko kasi ang pagkain kapag may pinapanood ako lalo na kapag maganda ang palabas. Mahilig akong manuod ng Turkish Drama, minsan naman ay sa tiktok ako nakatambay.
"Kai, 12pm na hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong kainin ang natitirang kanin sa plato ko. Patuloy lang kasi ito sa pagpipirma at pagbabasa ng mga papeles niya at wala yatang balak kumain ng tanghalian.
Tumigil naman siya sa ginagawa saka tiningnan ang relo niya, pagkatapos ay tumayo ito at tumabi sa kinauupuan ko. Binuksan niya ang mga tupperware at napailing na lamang nang makita niya na walang bawas ang mga pagkain na may gulay at dalawang piraso na lamang ng steak ang naiwan.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumipat sa swivel chair niya. Woah! Ganito pala kalambot ang mga upuan ng CEO, nakakarelax saka ang sarap upuan. Hindi katulad ng mga typical na swivel chair, kapag pagod ka na o sumakit na ang leeg mo ay pwede mong isandal sa likuran.
"Tsk! Childish!" rinig kong saad ni Kairo habang kumakain. Pinapaikot-ikot ko kasi ito at bahagyang tinutulak-tulak gamit ang mga paa ko para gumalaw. Bahala siya riyan, hindi ko naman siya inaano.