Marrying Mr. Stranger

By ceeejaywrites

5.5K 161 18

What's happening? Di agad nagrehistro sa isip ko kung anong nangyayari habang nakapikit pa rin ang mga mata... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 9

170 5 0
By ceeejaywrites

"MAGNANAKAW!" Sigaw sa akin ni Claire, my half sister who's five years older than me. She's tall with a slender body, brown wavy hair, perfectly shaped eyebrows, pointed nose and pouty lips. She looks very feminine and soft but not the words that usually come from her mouth. Masyado itong spoiled at entitled.

"Hindi ako magnanakaw!" Depensa ko sa sarili ko.

"Then explain to me bakit nawala ang ilan sa mga alahas ko at malalaman ko na lang may malaking pera ka sa banko? Ninakaw at ibinenta mo ang mga alahas ko noh? Sabagay, isa ka lang namang inggiterang anak sa labas!" Bintang nito.

Isa man akong anak sa labas ngunit hindi ako masamang tao. Hindi ko kailanman magagawang magnakaw. Lahat ng pera sa banko ay ipon ko galing sa binibigay na allowance at pagpapart-time job bilang kahera sa malapit na coffee shop sa university. Ipon ko iyon para sa plano kong paglabas ng bansa pagkatapos maka-graduate.

"Wala akong ginalaw sa mga gamit mo, Claire. Ni minsan hindi nga ako nakapasok sa kwarto mo. At yung pera ko sa banko ay ipon ko ng ilang taon. Tinitipid ko ang sarili ko sa binibigay na allowance para makapag-ipon. Dagdag dun ay ang sahod ko sa trabaho. Di ako nagpapakahirap para lang sabihin mong nakaw yun." Pagpapaliwanag ko.

"Sinungaling!" Singhal nito.

Alam kong walang mararating ang pag-uusap namin kaya't tinalikuran ko na ito.

"You bitch! Kinakausap pa kita!" Sabay hablot ni Claire sa buhok ko.

Galit na galit na hinihila ni Claire ang buhok ko. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nito sa akin. Nasasaktan ako sa ginagawa nito. Hanggang sa nakita kong papalapit sa amin si Mr. Perez.

"That's enough!" Malakas na sigaw nito.

Nagulat kami pareho ni Claire. Agad nitong binitawan ang buhok ko.

"Damarah, sa study room!" Utos nito habang pinandidilatan si Claire.

Nauna na itong nagtungo sa study room at dahan-dahan akong naglakad para sumunod rito.

Pagkapasok ko sa study room, nakatayo sa harap ng bintana si Mr. Perez. Nasa labas ang tingin nito. Lumapit ako sa matanda ngunit nag-iwan ng ilang hakbang na distansya mula rito. Nakita kong nagpakawala ito ng isang malalim na hininga.

"I can't escort you to your graduation tomorrow." Anito nang makabawi sa nangyari kanina lamang.

Ilang araw nang bumabagabag sa aking isip kung dapat ko bang imbitahin ang matanda sa aking graduation. Kung ako lang, hindi ko naman talaga gusto lalo na't magiging usap-usapan ang pagdalo nito sa graduation ng anak sa labas. Ngunit iniisip ko ring baka masabihan akong walang utang na loob o respeto. Buti naman at ito na mismo ang nagsabi na di makakadalo.

"It's alright, sir." Maikli kong sagot.

Bigla-bigla ay bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Claire.

"Daddy! Palayasin mo sa pamamahay ang magnanakaw na 'to!" Giit ni Claire.

"That's enough, Claire. Go outside. I'll talk to you later." Madiin nitong sambit.

"But Daddy?!"

"I said go outside." Ulit nito.

Padabog na lumabas ng study room si Claire habang yamot na yamot na nakasunod ng tingin sa akin.

Nang makalabas si Claire ay bumaling ang tingin sa akin ni Mr. Perez.

"I've heard you're going abroad for work." Mahinahon na ulit ang tinig nito.

"Yes, pero hindi pa po sigurado kung kailan." Maikli kong sagot.

"According to Mrs. Flores who referred you to the pharmaceutical company that you applied to, you were accepted." Anunsyo nito.

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Di ko akalain na ganun kabilis ang magiging proseso.

"And so, I just want to say that I want you out of this house as soon as possible. Alam ko namang simula pa lang ay di kayo magkasundo ni Claire at ayoko nang mangyari pa ulit ang nangyari kanina."

Wow, this is how Mr. Perez will get rid of me...

"I have already called Sam, my assistant, to arrange everything for you- ticket, allowance, accommodation. Most likely next month, you'll be flying out of the country."

"You don't really have to Mr. Perez. I can book my own ticket and I have my own savings for myself. As soon as possible, aalis po ako."

Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman. Masaya dahil natanggap ako at makakaalis na rito? O malungkot dahil hinihintay talaga ng 'ama' ko na makaalis ako sa poder niya?

"Anything else you want to say, sir?" Pinili kong maging masaya para sa sarili. Sa wakas, malaya na ako.

"I just wanna let you know that I believe you. I may not have been a good father but you've always been a good child. Alam kong di mo magagawang magnakaw."

Akala ko manhid na ako sa lahat. For the first time, Mr. Perez, my father, said something nice about me. Minsan na akong naghangad na makaramdam ng pagmamahal o mabigyan ng atensyon mula rito ngunit tinatak ko sa sarili na wag nang umasa. Iba rin pala talaga kapag nakarinig ng ganoon mula sa magulang. Biglang nangilid ang luha sa aking mga mata.

"Makakalabas ka na." He said and looked outside the window again.

Bago pa man tumulo ang mga luha sa mga mata ko, tumalikod ako rito at agad na nagpahid ng mga mata. Humakbang ako palabas ng study room. Di ko na pinansin si Claire na pumasok na rin ng study room. Dire-direcho akong nagtungo ng kwarto ko para mag-ayos ng gamit.

KINABUKASAN, mag-isa akong umattend sa aking graduation at tinanggap ang diploma.

Masaya ako but I can't help to wonder how it feels to have your family celebrating with you on your graduation. It's an important milestone to everyone's life.

Naglakad ako palabas ng hall nang may matanggap akong email mula kay Third.

- Congratulations, beautiful! - Third

- Beautiful? How did you know? Haha. Thanks, by the way. - Damarah

- I just know. Unless you can send me a picture to counter that . Hehe - Third

A picture! We've never sent pictures of each other before. As a matter of fact, we both don't know how each other looks like. Pero di naman siguro masamang mag-send ng graduation picture ngayon. At least may makakaalam at makiki-celebrate man lang sa akin sa araw na ito.

And so, I took a selfie wearing my cap and toga, smiled and sent it to him.

- Please see the attached file. Haha! - Damarah

Nakatutok lamang ako sa cellphone ko. Matagal itong hindi nagreply. Pangit nga yata ako kaya ayaw na akong makausap. Pwes! Wala akong pakialam.

Ilang saglit pa'y nakita ako ni Mrs. Flores at dali-daling lumapit sa akin.

"Congratulations Ms. Perez! You're hired." Masaya nitong bati.

"Yes, I've heard Mrs. Flores. Thank you so much for the referral." Saad ko nang nakangiti.

"And you know what's the good news? A ticket has already been booked for you and shoulder ng company ang travel expenses mo." Excited nitong sabi.

"Talaga po? Kailan?" Excited ko ring tanong.

"Next month on the 25th. Just check your email for details." Anito. "O siya, congratulations ulit! Enjoy the rest of your graduation day." At umalis na ito.

Kinuha ko agad ang cellphone to check the email for my flight details. At meron nga! I'm expected to depart on the 25th next month at 1pm.

Nakita ko rin na nagreply na si Third.

- Woah! I'm right! You're beautiful and gorgeous. I hope you know that, Damarah. I'm excited to see you. I'll be arriving on the 25th next month. :) - Third

25th?! Next month? Oh no! Aalis ako sa mismong araw na darating din siya ng Pinas!

- Hey, what time will you be arriving in the Philippines? - Damarah

- Based on my ticket, it will be at 10am in PH. Why? Susunduin mo ba ako? Hehe. - Third

- I hate to say this but I'll be flying to the UK on the same day. But it will be at 1pm pa naman. We'll still have an hour or two to meet at the airport. - Damarah

- What?! That's so sad. You're the only one I'm excited about going home to PH. - Third

- I'm sorry, Third. - Damarah

- Promise you'll meet me at the airport by then, okay? - Third

- Promise. - Damarah

Subalit sa araw na yun, hindi nangyari ang plano. Yun na ang naging huli naming komunikasyon sa isa't isa. Di ko man lang siya nakita at napasalamatan nang personal sa lahat ng naitulong niya. Kumusta na kaya siya? 

Continue Reading

You'll Also Like

196M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
3.7M 123K 34
Lori's just looking for little time to focus on work after a bad breakup - until a steamy encounter with a sensual stranger leaves her looking for mu...
319K 8.1K 73
From unexpected spark to passionate flame, Veronica and Caleb's love story has seemed like a dream come true. But when Veronica's old fears and Caleb...
559K 12.2K 32
Rosie is meant to hate famous rockstar Will O'Connor, who killed her father in a car crash, but she finds herself falling in love instead. ...