Naramdaman kong nagba-vibrate ang phone ko sa ilalim ng aking unan. Pinatay ko naman ito dahil nagising na ang diwa ko't hindi na makatulog ulit kahit pasado alas-dose na ako naka-uwi kagabi!
As expected, though, I'm a bit on my lows, but I'm more on my highs dahil late ko na nainom ang gamot ko kagabi't ilang oras lang ang tulog ko! Ang ending, ayan! Medyo hyper ako! Gamitin ko na lang 'tong energy na 'to mamaya para maging productive ako sa paggawa ng artworks! Hahaha!
And even though I'm on my highs right now, nakikita ko pa rin si Cyan ngayon dahil may bagyo! And I'm also hoping for it to rain later as I do my jogs! Hahaha!
Which it really did that made my day even more great!
I'm currently working on another artwork for my Rainbow Man Series right now. Just a simple rising black sun giving white light to this black and white world. And everything it touches changes colors! From black to white and vice versa! Still, just those two colors with some touches of grays here and there!
And there, at the top of a rocky plateau, Rainbow Man's waking Mono up for him to see the sunrise, too! Sadly, Mono doesn't budge at all! Hahaha!
'captn80: Whiack World's Sunrise
Rainbow Man Series Entry #7
Get your copies on Print on Demand sites now.
#art #artph #siningph #digitalart #digitalartph #expressionism #rainbowman #captn80'
Ang post ko sa IG!
'Ang ganda! 😍🥰'
'On the previous entry, Rainbow Man and Mono are eating their dinner at the bottom of the plateau! Now, they're on top of it! I like the small storytelling over there!'
'Love the scenery of this artwork! Great job, Captn!'
Ang ilan sa mga comments dito!
"'Yong totoo? Kailan kita ginising?"
Ang tanong sa'kin ni Cyan habang nakahiga kami sa kama't nakikibasa siya sa phone ko!
"Kahit nga sumisigaw na ako dito habang kumakanta, hindi ka pa rin nagigising, eh!" Dagdag niya pa!
"It's not about us. I just used that idea to tell a story."
"At parang alam ko na ang susunod na entry mo sa Rainbow Man Series!"
"What's your guess, then?"
At nginitian niya ako bago niya sabihin sa'kin ang hula niya!
And he's quite right! But I won't confirm it! Hahaha!
"Dali na kasi, Navy! Gawin mo na 'yong susunod na entry mo para sa Rainbow Man Series! Gusto ko nang malaman kung tama ba ang hula ko o hindi!"
Ang pamimilit ni Cyan!
"No can do as I already accepted two art commissions yesterday."
"Pero 'pag natapos mo na 'yong dalawang 'yon, pwede na?"
"Uhm... It depends on my mood, though." Sagot ko na ikinainis naman ni Cyan! Hahaha!
Lumipas ang araw, nagdaan na ang bagyo. At ngayo'y sumisikat na ulit ang Haring Araw! I'm still on my hypomania and whenever I'm on this state, I also can't see Cyan. And I still need to wait for the weather to be gloomy, for the rain, or for myself to be on my lows to see him again. Which is kinda sad...
Kanina ko pa binibigyan ng snacks si Cyan para malaman kung nandito pa ba siya sa kwarto ko pero walang kumakagat dito. Baka bumalik na ulit siya sa playground...
I'm currently working on an art commission right now. And its concept is about forbidden love.
My client wants a forbidden love between water and fire elementals. I recommend my client to message my friend, Luna, as Fantasy stuffs is her forte, but he doesn't want it. That he really wants me to do this artwork and for it to be part of Rainbow Man's universe! So, I accepted it!
For this artwork, I drew a cartoony female water and male fire elementals hugging each other just like what my client wanted! Knowing this artwork is not that realistic, I don't need to put more details into it. But I still need to make it look great, believable, and for the message to be conveyed perfectly.
And as I look at the finished product of my artwork, it made me wonder...
Does a love between a still living person and a ghost be successful, too?
At napabuntong-hininga na lang ako sa iniisip ko...
At ito na rin ang nag-trigger sa'kin para medyo mag-low ang mood ko...
To be honest, ilang araw na ring tumatakbo sa isipan ko ito! Hindi ko lang siya pinapansin dahil medyo high pa nga ako nang mga panahong 'yon! Ngayon ko lang talaga siya nabigyan ng pansin dahil na rin sa theme ng ginawa kong artwork!
And it's quite sad as the answer I got from myself is a no. Sigh...
Umupo na nga ako sa bakanteng swing sa tabi ni Cyan. At hindi ko mapigilan ang sarili kong bumuntong-hininga.
"Ang lalim n'on, ah!" Sabi niya sabay tawa!
"Anong problema? Anong nag-trigger sa'yo at on your lows ka na naman?" Tanong pa ni Cyan sa'kin!
"The... Art commission I just finished. As I could somehow relate to it..." Sagot ko naman.
"Tungkol saan ba 'yong ginawa mo?"
"A forbidden love between two different elements."
"Could you relate to it, too?" Tanong ko pa kay Cyan habang direktang nakatingin sa kanya!
"No. Sorry, pero hindi ako nakaka-relate doon." Diretsahang sagot naman niya habang nakatingin sa'kin nang diretso!
"So, this love of mine is really just one-sided, huh?" Sabi ko habang nag-iiwas ng tingin sa kanya't mapait na tumatawa.
"Sorry, Navy..."
"You've just said your true feelings for me, you don't need to feel sorry about it. I should be thanking you for being frank with me and not sugarcoating it or giving me false hopes."
"Can't we really be together?" Pangungulit ko pa sa kanya kahit alam ko naman ang sagot! Hahaha.
"Tangina mo, Navy! Multo nga ako, buhay ka pa! Hindi tayo pwede!"
"But what if... You're still alive... And... We've met... Do I have a chance on you if that's the case?"
"Alam mo, Navy, gwapo ka naman, eh! Medyo masungit ka nga lang, pero mabait ka naman! Artistic pa! May promising future sa career na pinili mo! Pero..."
"You're straight. Yeah, I know. Sorry for still pushing myself to you."
Ang pagputol ko sa sinasabi niya.
"I... Won't do it again as I try... To move on from you if there's really no hope for us..." Dagdag ko pa.
Bumuntong-hininga ulit ako't tumayo na kinauupuan ko.
"I'm going home now as it's getting dark already. Wanna come with me?" Tanong ko sa kanya.
"Teka lang! Walang treats? Walang pagkaing pang-pain sa'kin para sumunod sa'yo sa inyo?"
"If you want me to share some of my dinner with you, then follow me."
At umuwi na nga ako kasama si Cyan!
Pumaling ako pakanan para gumawa ng tulog. Pero sa halip na isang unan ang madantayan ko, mukhang si Cyan pa ang napatungan ko ng braso.
Mukhang malungkot siya ngayon dahil nagawa ko talaga siyang hawakan! At parang nakatagilid din siya paharap sa'kin! And by the looks of it, mukhang magkalapit din talaga kami! Pero hindi ko binuksan ang aking mga mata para tingnan kung gaano kami kalapit sa isa't-isa! At hindi ko rin tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya dahil gusto ko rin naman ito! Hahaha!
Oo, nagpapanggap akong tulog para lang mayakap ko siya! Minsan lang naman kasi kami magka-moment, so susulitin ko na ito! At kahit sinabi ko nang magmo-move on na ako sa kanya, hindi naman ganoon kadali na mawala ang feelings ko kay Cyan! So, okay lang 'to! A li'l bit moment with my one-sided crush before I really move on from him! Hahaha. Sigh...
At nagulat na lang ako nang may biglang malamig na dumampi sa'king mga labi! At nang buksan ko ang aking mga mata, nakita ko ang mukha ni Cyan na sobrang lapit sa'kin!
Cyan...
Just kissed me..?!
And as I pressed my lips on his to answer his kiss, that's the time Cyan realized that I'm awake and just pretending to sleep! Tinanggal ko naman ang isang earplug ko para marinig ang sasabihin niya!
"Ay, putangina! Akala ko, tulog ka na! Bakit gising ka pa?!"
Ang tanong niya habang lumalayo siya sa'kin! Pero niyakap ko siya pata hindi siya makalayo sa'kin!
"Why? Why did you kissed me?" Tanong ko naman sa kanya na nagpatahimik sa kanya't hindi na kumawala sa pagkakayakap ko sa!
"Do you like me, too, Cyan?" Tanong ko ulit sa kanya nang hindi siya sumagot!
"Tangina mo! Sinubukan ko lang kung tulog ka ba talaga at kung tatagos ba ako sa'yo o hindi! Sino bang mag-aakalang nagtutulug-tulugan ka lang pala!"
"Really?! With a kiss?! And on the lips, too?!"
"And we both know you could really touch me when I'm holding you. So, why did you try it even if you already know the answer?!" Dagdag ko pa!
Pero nag-iwas lang siya ng tingin at hindi ako sinagot!
"Again. Do you like me, too, Cyan?"
At bumuntong-hininga muna siya bago ako harapin at sagutin ang tanong ko.
"Hindi. Hindi tayo pwede, Navy. Hindi." At sinubukan na niyang kumalas sa pagkakayakap ko, pero mas hinigpitan ko lang ito!
"I'm not asking if a living person and a ghost can't be together. I'm asking you if you like me, too!"
"So, do you like me, Cyan?" Tanong ko pa ulit sa kanya!
At bumuntong-hininga ulit siya bago ako sagutin!
"Oo na, oo na. Sa tingin ko, nagugustuhan na rin kita. Okay na ba?" Sagot niya na ikinatuwa ko!
"Really?! Since when?!"
"Hindi ko alam! Basta, isang gabi, may nararamdaman na akong kakaiba habang pinapanood kitang matulog!"
"Like your heart's beating fast?"
"Tangina mo! Wala na akong puso! Kaluluwa na lang ako!"
Agad naman akong nag-sorry sa kanya't nagtawanan kami! Hahaha!
"So, you really like me?"
"Oo nga! Sinagot ko na tanong mo kanina, ah!"
"I just wanna hear it again!" At tumawa ako!
We looked at each other's eyes for quite some time, and ended up kissing each other again...