AlaSais : Nightfalls at Six (...

By Zorendiano

40 0 0

2015. Makalipas ang ilang taon na pamumuhay sa siyudad pinagdesisyunan na rin ni Michelle ang umuwi sa lalawi... More

Introduction
Prologo
Kabanata Isa
Kabanata Dalawa
Kabanata Tatlo
Kabanata Apat
Kabanata Lima
Kabanata Anim
Kabanata Walo

Kabanata Pito

4 0 0
By Zorendiano

ANDY VII

Ang kamay-oras ng orasan na nakasabit sa ibabaw ni Ely ay lumampas na sa alauna't alas dos, sa paisa-isa nitong lagitik ay ang paisa-isang pagdating ng mga bisita't unti'unting napuno na ang bahay at umingay na ang paligid. Mga karatig-bahay, kabaranggay at mga malapit na kaibigan ng tatlong Joaquin ang nagsidating. Ang mga inimbita ay nangimbita na rin, mga kasamang tutulong sa pagubos sa mga handa.

Medyo madami para sa espasyo ng bahay ang mga nagsipuntahang mga bisita. Sa handaang pagsasalubong sa pag-uwi ni Angge at ng mga anak nito sa probinsya.

Ang mahabang lamesang itinago ay inilapag na sa harap ng bahay. Mga lechon kawali, adobo't KBL ay nagsitabi na katulad ng mga bisita nagsitabihan sa mga monobloc chair na inihain sa harapan ng bahay, parang mga unggoy na may balun-balunan dahil sa puno ang mga pisngi't ngumunguya. Patuloy rin ang ka nilang dadang sumasabay sa kanilang kain.

Ang ingay ng bahay, at sa kada sulok na puntahan mo ay maingay talaga. Lalo na yung mga maliliit na anak na pinapataas ang alikabok sa kada yapak nila sa buhangin ng bakuran, naghahabulan.

Baka nga magkaappendicitis ang mga batang yan', kakakain pa lang ng mga yan.

Kanina pang may mga kausap si Michelle sa loob ng kwarto. Isa pa ay kasama niya rin doon yung nakita ni Andy na nakaupo sa hagdanan ng nakaraan lang.

Dumadagundong ang tawanan nila Angge, Maye at ng mga bisita sa buong bakuran na sinawsawan ni Iling na natapos na sa pagsasampay, masayang kumakain.

Pwede na rin siguro sila magapply bilang human siren sa bus, yung lalamunan na mismo yung pinipihit ng driver tas titilaok sila ng parang manok dahil sa ingay nila. pagiisip ni Andy sa sariling ina.

Kahit na may saksak ng valenciana sa bibig ay panay pa rin ang tawa hanggang sa umabot sa isang beses kung saan si Maye na puno ang bibig ay biglang nabugahan ang kaharap dahil sa natatawa at mas napalakas pa ang kanilang pagtatawanan.

Antagal na ring di nakita ni Andy ang inang namumuo na ang mga kulubot sa ilalim ng mata dahil sa ngiti't halakhak nitong di papaawat. Napaiwas na lang ito ng tingin kay Angge habang tinatamasa na ang itinabing mga cheese stick kasama ng kanin at adobo.

Yung mga nakasama ni Andy maglaro ng nakaraang araw sa nirerenovate na court ay mga anak rin pala ng mga kakilala ni Angge. Kasama ng kaniyang ina ang mga magulang nito sa kusina. Papunta na si Andy sa pintuan para makaupo kasama ang apat na mga nabarkada nito sa basketball court, dala ang mga platong pagkakainan nila't pinagsasaluhan ang kinolektang pagkain.

"Ito na lang ang mga kinuha ko, di kasi ako makapagdesisyon kung anong gusto niyo kaya paiba-iba na rin ang kinuha ko..." rason ni Andy habang iniiwasang di tumagilid ang platong hawak na may umaapaw na pinagsama-samang cheese-stick, mga maliliit na hiwa ng fried chicken, lechon kawali, at adobong manok. Papunta siya sa apat para maupo sa tabi nila sa pintuan. Si Sandro, Jambi, Ejay, at Cedric.

Sa kalagitnaan ng pagsasalita ni Andy, biglang dumaan si August sa gilid niya para maunang pumasok sa bahay at dumeretso sa kwarto nila Michelle at makausap. Ito ang dalagitang nakita niyang nakaupo sa hagdanan ng balkonahe ng kanilang berdeng bahay. Ito ang dalagitang napagkatulalaan niya. Napatayo lang ng parang tanga ang binatilyo habang naglakad papasok ng kwarto si August.

"Oy, Pre. Tinatanong ka," biglang putol ni Sandro sa pagkatulala ni Andy.

"O, Ano... ano yon?"

"Gaano ba kaganda ang buhay Maynila sabi ko?"

"Baho-baho kaya sa Manila kung alam mo lang. Pero marami kang makikilala, ganun. Kahit tahimik dito sa probinsya. Mas maganda talaga yung hangin," sagot ni Andy sa kanila sa gitna ng usapan tungkol sa buhay ng isang alog na taga-maynila. Wala ring aasahan ang apat na maayos na sagot pagdating sa usapang city boy.

"Kala ko makakapagplano nako' ng lilipatan ko eh," sabi ni Ejay, ang pinakamatangkad. Kakaubos lang nito ang adobo katulad ni Andy, katulad ng bolpen sa papel ay kinukuskos niya ng paikot-ikot ang kutsara sa hawak niyang plato, natatabig ang mga butil na nagkulay-kape dahil sa katas ng manok.

"Wala kasi na kahit anong posible dito. Inang' Lingana yan, lugar ng mga taong bukid," salita ni Jambi na siyang nilingon ni Andy, ang kulot, na nagsalita bago sipsipin ang natitirang katas sa buto ng hita ng manok, palipat-lipat nang posisyon ng manok sa pagdampi sa kanyang bibig. Sarap na sarap sa luto ng Tres Marias.

"Kahit yung sa bayan di niyo trip?" dagdag ni Andy sa kanya.

"Ano naman mayroon doon? Iilan lang naman mga magandang mapupuntahan doon, kung kakain man ako'y sa bahay na lang at wala pang gastos," parang may tali sa bibig na pagungot naman ni Sandro. Ayaw pa kasi lunukin ang pagkain pag' nagsasalita, katulad ng asong ngongo. Hindi muna si Andy tumugon sa sinabi niya.

"Ang sakit sa tainga ng ingay dito," Ilang sandali't reklamo ni Andy. Liningon nito ang mga naguusap na matatanda na nasa kusina bago tiningnan ang mga naghahabulan sa bakuran sa harap ng bahay.

"Tas isa pa, ayoko pag' gumabi dito," lunok ni Sandro bago bumanat, di pinansin ang reklamo ni Andy.

"Ay babae ka? Takot sa dilim," biro ni Andy, hindi pansin ang seryosong intonasyon ni Sandro. Tumawa si Andy ng bahagya, napapikit ng isang segundo bago minasdan ang mukha niyang hindi medyo tinanggap ang biro.

"Lingana to, pre. Ano pa ba inaasahan mo dito pag' lumubog ang araw," kunot niya ng mukha.

"Ano ba mayroon dito pag' gabi?" natanong nito ng parang may humalong toyo sa asukal, sa usapan nilang napalitan na ng pagtatak. Bukod sa ingay ng pagnguya ulit ni Sandro na bukas ang bibig kapag kumain ay ang ingay ng mga batang naglalaro at usapan ng mga mtatanda sa kusina ang maririnig sa ilang segundong pagiging tahimik ng apat kay Andy.

"Ilang araw na ba kayo nandito?" inumpisahan ulit ni Ejay.

"Dalawa pa lang,"

"Hindi ka ba nagtataka bakit walang nagbubukas ng mga pintuan kahit bintana kung gabi na?" napatanong si Sandro. Tumahimik muna ng ilang segundo si Andy bagon tumugon, iniisip kung ano ang isasagot sa tanong ng kakilala.

"May mga kung anu-ano sa gabi. Ganon?"

"Bakit ano ba sa tingin mo?" maktol ni Ejay

"Eh" pagkukunot ni Andy ng noo.

"Kahapon pa ingay ng ingay yung baka na iyan," turo ni Andy ng nguso sa bakang nakatali sa kahoy sa kabilang banda ng kalsada. Kanina pa ito sawsaw ng sawsaw sa usapan nila at ngayon niya na itong hindi hahayaan. Walang tigil sa pagunga nito na parang may dinaramdam na karamdaman.

"Ah, ayaw kasi alisin ni Noy Abuel dyaan," - Jambi

"Noy Abuel?"

"Basta, kilalang matanda dito sa barangay. Kahit otsenta na malakas pa rin," - Jambi

"Malakas ang saltik sa utak," biglang komento ni Sandro.

"Pati pangalan bago sa pandinig ko a, alam kong ganyan edad, de-tungkod na," - Andy

"Yung lola ko..." biglaang naudlot na dagdag ni Cedric. Nagumpisa lang itong umimik ng wala nang kahit isang butil na natitira sa kanyang plato. Napalingon ito kay Jambi't nagtanong, "Natatandaan mo si Lola Basyang?" na siyang tinanguan lang ni Jambi, "Ulyanin na nga iyon, sitenta'y nwebe pa lang,"

"Himala nagsalita ka na't di na pipi," asar ni Sandro dito. Isang maiksang tawa lang ang iningay ni Cedric sa biro ng kasama.

Hindi na si Andy makaisip ng kung anong isasagot sa mga sinabi nila, napatingin na sa alikabok na sumasayaw sa hangin at maya-maya'y mawawala na. Bumabaligtad naman ang umaalingawngaw na tawanan nila Angge't mga nakatatanda sa kusina sa katahimikang namuo sa limang binatilyo sa ganoong oras na iyon.

Hiningi niya na lang isa-isa ang mga plato ng kasama't malapag na ang mga ito sa lababo't makapagpatuloy na sila ng kanilang paguusap ng walang sumasagabal na mga buto ng manok na gustong lumiyat sa panahon na matabingi lang nila ang kanilang mga plato.

MICHELLE VII

Kapangalan rin pala ng ate ni Michael itong kabarkada niyang si Sandra.

Puro mga tapos na kumain dahil sa parehong mabilis at kaunti lang ang laman ng mga plato ng mga ito. Ang tatlong bisita ay nakaupo sa sahig ng kwarto samantalang si Michelle naman ay nakaupo lang sa higaan, si Michael ay nasa paanan lang niya't ang kanyang mga daliri sa paa'y naaabot ang likod ng pinsan.

"Guys, si ano... si ano, Michelle. Pinsan ko," malambot na pagpapakilala ni Michael.

Nginitian na lang ni Michelle ang mga ito at tumango-tango, umpisa mula sa kaliwa papuntang kanan.

"Hello... uhh... taga-Manila ka di ba?"—umpisa ni Sandra na tinanguan lang niya at hinunihan bilang sagot—"Saan banda sa Manila?"

"Tondo kami banda,"

"Ah..." dadagdag na sana ng sasabihin si Sandra nang biglang siningitan ito, napangiti nalang sa sumapaw sa kanya. "Di ba, palaging may mga riot at nagsasaksakan daw pag' gabi sa Manila," ukay ng medyo di mapakaling si August. Maya-maya't ilalagay sa likod ng mga tainga ang buhok niyang parang ayaw sumunod sa pagaayos niya dito.

Lumipat kay August ang nanghuhusgang mata ni Michelle. Sa pangalan nitong mayaman pakinggan at sa porma nitong mas maayos at malinis kaysa sa dalawa nitong kasamang si Sandra at Ely, di pansin ang inis nito sa sarili dahil sa bata nitong mukha. Mukha ay nagsasabing kaedaran lang ito ni Andy.

"Ah hindi, parang ano lang naman yan, galing internet ganun. Tsaka ang Tondo, hanggang reputasyon lang naman yung mga nanggigripo sa gilid eh. Hindi naman kasi buong Tondo delikado sa gabi," sagot ni Michelle.

"Tsaka kahit ganoon parang ligtas rin naman kahit may mga riot sa gabi, may mga rumoronda rin namang mga tanod," dagdag ko pa.

"Buti naman sa inyo, paano naman dito? takot rumonda sa gabi yung mga tanod,"

Tumango-tango lang si Ely at ngumuso. Habang si Michael ay sumumbat, "Takot sila sa dilim ganun? Paano ba kasi ng pinapili ng Mayor ng Lingana ang baranggay kung saan ifofocus yung budget imbes na sa mga streetlight eh sa Covered gym ipinunta yung pondo,"

Sa kalagitnaan ng pagsasalita nito, Si Michael ay hinugot na ang librong nasa ilalim ng higaan ni Michelle, ang libro ni Neng Tela, para haplusin ang balat nitong nadapuan na naman ulit ng manipis na suson ng alikabok.

"Dalawang taon na nung napagkasunduan di, ba?" Tanong ni Ely sa kaniya.

"Oo pero kakaumpisa pa nga lang ng gym na iyon eh. Ewan ko don," reklamo pa ni Michael, napaikot sa buong kwarto ang mga matang may hinahanap.

"Tondo rin pala kayo, doon rin kasi tumutuloy si Papa, nagtatrabaho kasi siya sa Maynila. San' ba banda doon?" Maaliwalas na dagdag naman ni Sandrang nais ipagpatuloy ang sasabihin. Napatingin lang sa mga mata ni Sandra si Michelle, nakaramdam ng kaunting inggit sa tinig nitong pwede na maging DJ sa radyo.

"Ah, Barangay 91 kami. Wait, Papa mo si Tito Presto?" matinis na sagot ni Michelle, nahihiya pa rin makipagusap.

"Oo," sagot ni Sandra. Napanguso tumango si Michelle sa nalaman.

"Malapit lang kasi bahay nila sa amin tas' siya rin palagi kasama ni Mama doon," medyo nakampanteng salaysay na nito't kakilala rin naman pala.

"Eh ba't di siya umuwi dito, si Papa mo?" dagdag pa ni Michelle, natatago pa ang nagkakainteres na tono nito.

"Ayaw rin naman nun' umuwi sa ganitong panahon, kada tatlong buwan kasi pag umuwi si Papa,"

"Ganun pala," tugon na lang ni Michelle habang nakatingin sa sahig at nagiisip kung anong idadagdag sa usapan bago napatanong ulit. "Bakit takot yung mga tanod dito sa dilim, kung dito sila lumaki, di sila sanay sa dilim?"

Natahimik muna ang mga kasama niya't nagtinginan bago napasagot.

"Ewan ko doon sa kanila, kala mo di na mga magkakwarenta anyos eh," putol ni Sandra.

"Saan ba gusto mo, Michelle, dito sa probinsiya o sa Maynila?" tanong ulit ni Ely.

"Uh, dito siguro, maganda dito eh. Tahimik, walang ingay."

"Kala mo mga aswang mga tao doon, puro mahilig magpuyat. Videoke, sound system kung di ka sanay sa ingay, wala, mahihirapan ka talaga.," dagdag pa ni Michelle sa kaniya.

"Tas isa pa kapag bumabiyahe ka doon, isang pahid ng tissue sa mukha puro dumi at alikabok, dumi ng hangin,"

"Ay ganun, isa pa dahil gusto mo dito sa probinsya kasi andito ako no?" dagdag pa ni Ely, sabay posing mala-sirena sa lapag at inayos yung buhok ng parang diyosang nakadroga. Mabilis naman siyang hinampas ng naaasar na si Sandra, mga kilay ay nagtatabi.

"Asa ka, mukha kang asong nagkastroke, ampangit-pangit mo," gadgad nito.

"Hmm, pake mo ga ka,"** ganti ni Ely pabalik dito at humampas na iniwasan lang ni Sandra, nakangiti.

"Madami ba gwapo doon?" dagdag pa ni Ely sabay paganda at tumiling hindi maririnig sa kusina.

"Landi mo teh, ewan ko sayo," Natatawang asar naman ni Sandra.

"Luhh, sinabi ko bang para sa akin, antahimik ni Michael saglit o," pagpapasawsaw naman ni Ely kay Michael.

"Hoy, ba't ako, kala mo naman o, ano? ano?!" pagtaas ng baba ni Michael kay Ely, nagaakmang hahampasin ito.

"Ano?! Ano?!" akmang iwas rin ni Ely sa mukhang tatamang kamay sa kaniya habang naghahandang manghampas rin. Umakma si Ely para humampas pero dali-daling nilayo ni Michael ang sarili at napababa ang sariling kamay. Maliksing naabot ng palad ni Ely ang braso ni Michael at umurong agad bago pa ito makaganti.

"Eh, t*a mo kasi," asar sabay hampas ni Ely. Humagikhik lang sa gilid sa Sandra habang pinapanood ang dalawa.

"Kala mo naman eh, T**** mo,"** maririnig na ang natatawang pagkainis sa tono ni Michael.

"Pikon," asar pa ni Ely sabay tawa.

"Ikaw una nanghahampas, nu' ba?!" sabi ni Michael habang nangangapa sa lapag sa likod niya ng kung anong matatapon kay Ely, iniiwasan na matapon nito ang libro.

"Uy, ano ba yan umayos kayo!" awat ni August sa mga nakatatanda sa kaniya habang naguumpisa nang mas umingay ang kwarto dahil sa ingay na namumuo sa kanilang lima. Nakangiti lang si Michelle habang tinitingnan ang bangayan ng dalawa.

Napadaan ang ina ni Ely na si Tita Martel at si Tita Maye sa harap ng kwarto at pabirong sinuway ang mga nagiingay sa kwarto at mabilis namang bumalik sa lamesa ng mga matatanda "Uy ano yan?!" mabilis na paglampas ni Maye sa harap ng pintuan.

"Si Michael po Tita ano..." sigaw ni Ely na dali-daling tinayuan ni Michael para abutin sa paghampas at hindi ito magingay.

"...Nagmumura po si Michael," pabulong na dugtong ni Ely na natatawa.

"Yan kasi..." dagdag pang asar nito.

Pagkatapos ng pagdaan ni Maye ay ang pagtigil ni Angge sa harap ng kwarto, hinahanap ang panganay nito.

"Hello sa inyo," bati ni Angge sa mga kasama ni Michelle sa kwarto. Nakamasid lang si Michelle sa kanyang ina.

"Magandang hapon po, tita," nagagalak na bati ng tatlong dalagitang nakaupo sa sahig at tinatangla ang byuda.

"May natitira pang fried doon sa lamesa, kuha lang kayo doon," aya nito.

"Opo tita," tugon ni Sandra't humagikhik lang na sinabayan ni Ely at August.

"Meleng, nainom mo na ang gamot mo?" banggit naman ni Angge sa anak.

"Alas tres na ma, kaninang tanghali pa ako nakainom ng gamot ko," may pagkabanas na tugon ni Michelle.

"Siguraduhin mong walang laktawan maintenance mo ha?" huling pangaral nito kay Michelle bago nawala sa paningin ng mga bagets at bumalik sa kusina.

Lumingin naman si Sandra kay Michelle at nagtanong, "May sakit ka?"

"Ay hindi, ano lang iyon... Vitamins. Reseta lang sa akin ng doktor. Medyo sipunin pa naman ako," sagot ni Michelle dito.

"Hindi ka naman mukhang may sakit, ate," mahinhing salita ni August.

"Si Ely mukha rin namang walang sakit pero tingnan mo... kapag binuksan ang bibig, matutuklasan ang sakit sa utak," turo ni Sandra kay Ely na aabutin naman nito ulit para hampasin. Tawanan na naman ulit ang tatlo habang gustong abutin ang isa't isa na matamaan ng hampas ng kanilang mga kamay.

"Seryoso. Gaano nga ba kaganda mamuhay dito sa probinsya kung kayo ang tatanungin?" putol ni Michelle sa tawanan, medyo seryoso na ang intonasyon ng tanong. Sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita bigla siyang nakaramdam ng matinis na pagkuliling sa kanyang tainga. Dahilan para biglang lumayo ang kanyang isipan.

Napatingin sila sa kisame.

"7 out of 10, ganun ate," panguna ni August.

"Ako rin. Ganun rin yung buhay probinsya para sa akin," dugtong ni Ely, tumatalima na rin sa pagkaseryoso ni Michelle.

"Mas mataas para sa akin," sabi naman ni Sandra.

"Basta, probinsya ganoon, di pa masyadong mabahay," - Ely

"Madilim, pag' gabi," - August

"Psst, okay ka lang?" biglang haplos ni Michael sa kamay ni Michelle. Tulala si Michelle sa sahig at mukhang di napakinggan ang mga sagot nila Sandra, Ely, at August. Sa gulat ng pagdikit ng balat ni Michael sa kanya, napaurong naman agad ang kanyang braso para malayo sa mga daliri ng kanyang pinsan.

"Ah, oo. Okay lang ako,"

_______________

ANGGE VII

"Malaki-laki na rin ang planong renovation dyaan sa baranggay, Sa oras na matapos na ang ating court," anya ni Kapitan Banse sa usapan ng mga nakatatanda sa kusina.

Nasa kusina sila Angge at pito sila. Kasama ng byuda ang anim na mga kababata nito habang si Iling at Maye ay may mga kausap rin sa labas. Kasama ni Angge ang kapitan ng baranggay Subtangan

"Ano ba ang sinabi ni Tansiyong para sa susunod na buwan?" sagot naman ni Zabet, ang ina ni August na hindi simpleng bestida o t-shirt at maong na pantalon ang suot kundi ay longshirt na galing sa mall at pants na dekolor.

"Mangungurakot na daw siya kapag pumuti na ang uwak," dugtong naman dito ni Pedrino na pinagkakadiskitahan ang itinabing mga pang-ulam sa gabi ng mga Joaquin.

"Pasalamat ka barkada kayo niyaan kundi't pektos ka," sagot naman ni Gimo kay Pedrino, inaasar rin ito.

"Pektos naman kay Quentina," Si Martel na katabi ang asawang si Yosi naman ay dumagdag na rin. Parang mga nagaaral pa sa sekondarya kung magtabi ang magasawa.

"Kung mayor din ang asawa ko pepektusan rin kita minu-minuto," abat rin dito ni Yosi na ang mga kamay ay nakabalot sa tiyan ni Martel na kanyang hinahagkan habang sila'y nakaupo sa mahabang kahoy na upuan. Napalingon naman si Martel sa asawa, gumagana ang pagkanagger nito't nakarinig ng kung anong butas mula sa pahayag ni Yosi.

"Bakit ako? Ako ba si Tansiyong?" pagtataas nito sa asawa ng kilay sa na pinagawa pa sa salon sa bayan.

"Hindi naman, anak ni Tansiyong lang pag' gumastos," asar dito ni Yosi at ng inalis ni Martel ang mga kamay nitong nakapalibot sa kaniyang tiyan at sumimangot habang inoobserbahan lang ng mga kasamahan sa usapan. Si Yosi naman ay patuloy na nilalapit ang ilong at bibig sa leeg ng asawa para hindi na ito magtampo habang nakikiliti si Martel.

"Ay, oo" pagliliko ni Martel nang may biglang pumasok sa isipan nito, "Nakaabot na ba sa iyo ang balita, Angge?" habang nagsasalita ito ay pinagdidiskitahan ng kanyang asawa ang leeg, parang di pansin ang dami ng mga tao sa paligid kaya't mabilis na hinayaan lang ni Martel.

Naglibot naman ang mata ni Kapitan Banse sa mga pader at kisame ng kwarto, iniiwasang tignan ang lampungan ng mag-asawa. Nagkita ang mga mata niya't mata ni Gimo na medyo nasusuya rin kay Yosi at Martel.

"Balita? Wala pa akong natatanggap. Ano ba nangyari?" tanong ni Angge kay Martel.

"Itinakbo daw ng nobyo," pagiidid ni Martel na parang tsismosa.

"Si Tansiyong o si Quentina?" biro ni Gimo at humalikhik ang grupo. Mabilis naman siyang sinagot ni Pedrino at napadagdag ang kanilang tawa "Si Tansiyong,"

"Yung anak nila si ano..." pagpapatuloy naman ni Martel na nagkakaway para hinaan nalng nito ang kanilang pagtawa at marinig ang kanyang sinasabi,

"Kumpletuhin mo kasi. Ayan tuloy, akala natin may Ala-sharon at Cherie Gil na iskandalo," pagkaklaro ni Kapitan Banse na nakaismid rin.

"Ano nga bang pangalan nun? Sabel... Sa... Sabet?" paguutal ni Martel habang nagiisip ito't tinapik sa kamay ni Zabet na nasa kanyang tabi.

"Isabel. Kailan lang ako naging anak ni Tobias at Kintin?" pagtatama ni Zabet sa kanya at patuloy na nagtawanan ang mga ito sa kusina dahil sa matigas nitong pagbigkas sa pangalan ni Tansiyong at Quentina.

"Magpapaampon na ako kung ako ikaw," sulsol naman ni Pedrino sa biruan.

"Wala pang naiistoryang ganoon si Tansiyong sa akin tungkol kay Isabel 'a," nakangising pagbabanggit ni Ange.

"Ay nagusap na ba kayo ni Tansiyong?" mataray na sarkastikong tanong ni Kapitan, nakangiti rin.

"Di pa nga," sagot ni Angge't humalakhak.

"E, kay Kap Malen? Ano na nangyari doon?" dagdag na pagtatanong ni Angge. Hindi medyo biro ang dating ng kanyang pagbigkas kaya maya't maya'y nawala din ang ingay ng tawanan.

"Bumalik kayo ng Manila bago ang eleksyon dito no? Alam ko nang matatapos na ang term ni Malen, nirekomenda itong si Kap, pagkatapos noon ay wala na," tugon ni Gimo, tinutulungan si Pedrino na pagdiskitahan ang itinabing lechon kawali at ginagawang meryenda.

"Yung anak mo, parang ano..." pagbabaliko ni Martel ng topiko, nagiisip ng idadagdag na salita.

"Parang ano?" paguulit ni Angge.

"Kamukha ni ano..." pagpapatuloy sana ni Martel nang dumugtong si Kapitan Banse.

"Nagbubunga kapag nirerekomenda ni Kap Malen, panalo talaga. Kita mo, magsisiyam na taon na akong kapitan," gatong naman ni Kapitan sa unang topiko.

"Kap, siyam na taon na... kailan pa natin ipapasemento itong harap ng bahay nila Iling? Walang budget?" paasar na hiling na Gimo, tinatabingi ang leeg, bibig ay nakanguso, at mata'y nanghihingi habang nginunguya ang lechon kawali.

"Napunta kakalibre sa inuman at pulutan niyo ni Noy Abuel," paasar naman na pagtataray dito ng Kapitan at nagtawanan sila ulit.

"Uy baka andyaan sa labas yung matanda baka marinig tayo," mahinang sagot naman ni Gimo, hinaplos ang braso ni Kapitan para hinaan ang boses nito.

"Kahit balita kung nasaan pumunta ay wala na rin kaming narinig kay Malen e," pagtutukoy naman ni Martel sa kay Angge, ang kamay ay nagwagayway pababa sa pagsasalita tungkol kay Kap Malen.

Sa gitna ng kanilang usapan at ang usapan ng mga kakilala rin ni Maye at Iling na kausap ng mga ito sa labas ng bahay ay ang ingay ng hayop na kanina pa sumasapaw. Ang patuloy na unga nito ay parang musika ng sintunadong trumpetang magulo ang ritmo.

"Ay... kay Noy Abuel yung baka sa labas no?" tanong ni Angge tungkol sa ingay ng hayop na nasa labas ng bahay.

"Bakit? Dahil maririnig mo muna bago makita?" Tugon ni Pedrino at nagtawanan ulit ang grupo sa kusina.

"Ganoon na nga," at tumawa itong parang businang sinusunod ang huni ng matanda na kanilang pinaguusapan.

"Hoy, huli ka na. Wala na kaming tinirang valenciana panguwi mo," sigaw ni Martel kay Mang Ilem na kakalitaw lang sa pintuan at pumasok. Sinusunod ang tono ng matandang kanilang pinaguusapan kapag sumigaw. Isang matinis pero matigas ang pagkabigkas ng mga pantig.

Habang nakaupo sila Andy sa pintuan mismo't tumabi para dumaan si Mang Ilem, nakita ni Angge ang pagtingin sa kanya ni Andy na tila may paninibugho. Ang obserbasyon naman ni Angge ay napupurol ng kanyang pagiging mangmang ng saglit na iyon, hindi makita ang mahirap mapansing panaghili ng anak. Bumalik lang si Angge ng tingin sa mga kausap.

"Ay hindi na ako hihingi, alam niyo naman ibibigay ko sa baboy namin," pangaasar pabalik ni Ilem kay Martel at nabalik dito ang atensyon ni Angge.

"Ginawang pakain, Tarantado," pangangati ni Kapitan sa kanyang kilay habang napatingin sa sahig. Napansin naman ni Ilem ang bulong nito sa sarili at binati ito. "Kapitan! Good afternoon,"

"Asan ang good sa afternoon?" sarkastikong pagtataray ulit ni Kapitan dito habang matalim ang pagtingin sa miyembro ng Toda.

"Good night na lang ho, Kap," biro ulit ni Mang Ilem.

"Ay ihain mo na ang banig matulog ka na," sarkastikong sagot ulit dito ni Kapitan bago ngumiti at itinaas nag kamay nito't makipagkamay na rin sa traysikel driver na dumikit na ang amoy ng goma sa kamay.

"Si... ...Father...!" bigkas ng isang tinig na nagmumula sa labas ng bahay, tinig ito ni Maye na nagagalak.

"Ano daw? Ano sabi?" tanong ni Zabet kay Martel, umiikot ang ulo.

"Si Father Biryong," sagot naman ni Martel habang si Angge ay napatayo't itinuturo kay Ilem ang mga pagkain.

"Ay ayain niyo papasok," pakiusap ni Angge pero ito rin pala ang susunod sa sariling utos.

Lumusot siya sa gilid ni Ilem at nilagay ang palad nito sa likod ng lalakeng balubata, isang senyas na ito na ang bahalang maghanda sa sarili nito para masalubong ang paring nasa labas.

"Father Biryong!" sigaw ni Angge habang napapalibutan na pari na nakaputing polo at naka-maon na pantalon. Ang ibang mga bisita ay tuwang-tuwa rin na dumating ang kinikilalang saserdote sa lugar at napatayo na ang lahat sa harap na bakuran bilang respeto dito.

"Angge! Kailan lang ikaw nakauwi neng?" sagot nito sa bati ng byuda habang ito'y nagmano sa kanya. Bumulong ito ng humina habang ang noo ni Angge ay nasa likod ng kanyang kamay, "Pagpalain ka ng diyos,"

"Noong sabado lang po," malambot na tugon naman ni Angge sa pari.

"Hindi kami nagkaoras na imbitahin kayo. Si Martel na lang ang nanguna sa prayer namin," bigkas naman ni Maye na lumitaw lang at lumapit sa dalawa.

"Paano mababasa ng tao ang imbitasyong hinulog sa pintuan niya'y wala naman siya sa bahay na iyon?" pakulo ng pastor sa kanila. Nagkakamot lang ng ulo si Angge sa loob ng isipin nito't nag-aya kumain "Ay..." bulalas nito habang napatalikod at nagturo ng mga pagkain, "Kain po kayo father,"

"Saktong-sakto, baka may dinuguang kambing kayo dyaan," biro ni Father Biryong sa kanila.

"Mukhang kambing po ang aming baka, iyon na lang muna," pagsisisti nito.

"Pwede na," huling banggit ni Father at humalakhak kasama ang iba sa kusina.

Kitang-kita ang pagtirik ng araw sa ibabaw lang ng mga kakahuyan, ilang metro ang layo mula sa daanan sa harap ng bahay. Ang mga kanluraning pader ay nagiging kulay kahel at ang mga anino ng puno ay nagsihabaan na.

Hinay-hinay ang pag-onti ng mga bisita habang palakas ng palakas ang ingay ng mga palaka at tipaklong. Ang mga kasama ni Angge, ni Andy at ni Michelle ay nagsiuwian na't sa ayaw magpagabi.

"Sige na Angge, magpainom ka naman o. Ngayon ka lang naman nakauwi di ba?" pilit ni Gimo na gustong manatili sa handaan. Marami rin ang natirang pagkain na makakaabot pa ng dalawang araw at gustong sulitin ng lalaki ang pagpunta.

"Huwag na, palubog na ang araw. Ayoko magpainom basta wala tayong videoke dito para malubos na ang saya," pabirong sagot ni Angge sa kaibigan niya, nasa labasan lang ng pintuan at tinitingnan si Gimo na nasa harap ng bahay.

"Ay ganon? Di ba pwedeng kahit kaunting katuwaan lang?" tuloy sa pilit nito sa kanya.

"Yoko pa rin. Alam mo naman ako pag' ginusto kong maingay kung gumabi, Basta pag' nakarenta ng videoke alam mo na ha?" dugtong pa ni Angge ng pagpapauwi sa kanya, tinuturo ang kaunting natitirang kahel sa kanluran ng langit, napapalitan ng madilim na asul.

"Ge' Angge. Sinabi mo yan ha?" sinabi nitong Gimo habang humakbang ng ilang beses papunta sa labasan ng bakuran.

"Nu' kala mo sa'kin sinungaling? Mayroon pang linggo. Birthday ng bunso ko," pabirong pagtataray ni Angge dito.

"Sige uuwi na kami. Salamat nga pala dito sa paextra mo. May ginagawa si Madam e," sigaw ng kaibigan ni Mama na kitang-kita sa bintanang itinataas ang dalang plastic na may lamang pagkain galing sa handaan namin. May ilang mga naghihintay rin na ksama niya sa labas ng bakuran, nakangiti lang kay Mama.

"Baka pagalitan ka na ni Madam Alsing mo. Sige na ingat kayo," wagayway ni Angge dito.

"Mauna na kami, Angge," bati naman ni Pedrino na nasa kalsada na't hinihintay na matapos magpumilit si Gimo.

"Ingat ha," sabi ni Angge bago tuluyang punasok at kinandado na ang pintuan pagkasara nito.

__________End of Chapter__________

Continue Reading

You'll Also Like

227M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
24.3M 842K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
7.3M 305K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
2M 105K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...