Allyson's POV
Mabilis akong nagulat nang palibutan ako nang limang itim na mga sasakyan bumaba agad ang isang lalaki at mas lalo akong kinabahan nang makita may dala itong mga baril.
Hindi na umabot si Lucy sa pangako niya, batid kong nag tagumpay siya sa plano niya.
Nabenta na ang Hotel at plano na itong gawing Casino. Umiiyak kong tiningnan ang mga lalaking papunta sa akin agad akong tinutukan ng baril kaya naman sumuko na ako.
Wala akong laban sa mga to.
Mangiyak ngiyak kong binuksan ang pinto ng aking sasakyan saka lumabas agad naman akong tinutukan ng baril sa tagiliran saka naman ako pinasok sa sasakyan kulay itim.
Maya maya ay nakarating naman kami sa malapad at alam kong malayong lugar. Tulad dati ay iginapos nila ako saka ako nakarinig ng yapak.
Halos mapamura ako nang makita kong sino ang taong nasa harap ko ngayon.
Mr. Wilson Henoroso?
Sabi ko na nga ba.
"Matinik ka din e noh napaikot mo ang anak ko." tawang tawa na sabi niya.
"Why you're doing this?" galit na tanong ko sa kanya.
"Isa lang ang sagot diyan, dahil kinuha mo ang karapatan ko sa aking anak." sigaw na sagot niya.
Pumitik naman siya saka lumabas ang dalawang lalaki at agad na lumapit sa akin.
Tila nag manhid ang aking katawan sa suntok na binigay nila s sa akin, mangiyak ngiyak pa ako nang makitang nag labas ng kutsilyo ang isa sa kanila.
Napapikit ako nang maramdam ang sakit na ininda ng aking hita. Hiniwa nito ang aking hita saka naman ako nagsimulang lumuha.
"Hahaha hindi kapa mamamatay diyan Allyson, hintayin mo si Mellisa para makita niya kung anong gagawen ko saiyo bago kita patayin." banta niya pa pero napapikit na ako.
Maya maya ay narinig kong may isang sasakyan na pumarada sa hindi kalayuan at nakapasok ito mismo sa loob. Nagulat pa ako nang makita ko na lumabas ang red carpet at agad na lumabas si Mellisa.
"Dad?" gulat at naiiyak na tanong niya sa kanyang Ama. "Dad anong ginawa mo?" sigaw niya pa. Sumenyas naman si Wilson at hinawakan nila si Melissa.
"Ito ang kapalit ng pag suway mo sa akin, Mellisa." galit na sagot nito sa anak.
"Dad, I can't believe.. Why?" umiiyak na tanong niya at tumingin siya sa akin nang may awa.
Umasta pang papunta sa akin si Melissa pero hinawakan siya ng dalawang lalaki. Muling may lumapit sa akin at nagsimula na naman na masaktan ang aking katawan.
Walang awa nila akong pinagsusuntok sa tiyan hanggang sa mawalan ako ng lakas.
"Allyson!" malakas na sigaw ni Mellisa habang umiiyak.
Nagtagal ng ilang minuto ang iyon saka muling may dumating na sasakyan patuloy padin sa pag iyak si Mellisa.
Maya maya ay lumabas si Congressman Henoroso kasama ang kanyang mga bodyguards.
Agad siyang lumapit kay Mellisa at saka niya ito sinampal nang napakalakas dahilan para mapasigaw ito. Nakita ko namang nakatalikod si Wilson sa kanyang anak.
"Why you're doing this to us?" tanong ni Mellisa kay Congressman.
"You betrayed me!" malakas na sagot nito.
"Ginawa ko lang kung ano ang tama!" pangangatwiran niya.
"Kailan naging tama ang ang ilaglag ang pamilya para lang sa babaeng iyan?" at saka ako tinuro.
"Wag mo siyang duruin!" sigaw ni Mellisa at muli siyang nakatanggap ng sampal.
"Mellisa..." mahinang usal ko
Wala akong magawa, nanghihina ako at hindi ko na kaya pang dumilat sa pagkakataong ito tumutulo na din ang aking hita.
"You're such a desperate!" pagalit na sabi ng Congressman.
At umiiyak lang si Melissa na nakatingin sa akin.
"Wala ka na ngang naging ambag sa pamilyang ito yan pa ang gagawin mo. Hindi ka man lang naawa sa pinsan mo. He's the victim here!" malakas na sigaw ni Congressman.
"Yes he's a victim pero aksidente ang nangyari-" putol na sabi ni Mellisa
"Kailanman hindi ko kakalimutan na pinatay ang aking anak." diin nito sa salitang anak.
"You're so greedy." si Mellisa.
"Yan ba, yan ba ang ipagmamalaki mo sa akin Mellisa?" galit na sigaw niya.
"Kahit kailan hindi ko aakuin ang pangalan niyo at kahit mamatay ako hinding hindi ko babangitin ang pangalan ko kasama ang apelyido mo." matapang na sabi niya at nagalit lalo ang Congressman.
Please, Melissa stop.
"Wala kang utang na loob!" sigaw nito dahilan para sampalin ulit ito.
Tatlong sampal, sa pangatlong sampal ay nakitang lumingon na si Wilson at tumingin sa anak nang may pag aalala.
"Napakasama mo, ito ba Daddy? Ito ba ang sinasabi mong idolo mo mas masahol pa sa demonyo." muli siyang lalapitan ni Congressman nang tumayo na si Wilson at pumagitna sa anak.
"Nagpalaki ka ng anak na bastos, Wilson!" sigaw ni Congressman at saka naman ito tumingin sa akin.
"Ikaw..." saka naman siya dahan dahan na lumapit sa akin.
"Wag!" muling sigaw ni Mellisa
Nanghihina nya akong hinawakan sa mukha saka naman siya nagsimulang magsalita.
"Papahirapan muna kita bago kita dispatsyahin!" banta nito at hindi ako makagalaw.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sakit ng aking katawan at aking hita saka tinulak niya nalang ako saka sinipa saka niya ako tinalikuran.
Inimulat ko ang aking mata at nakita kong umiiyak ng malakas si Melissa. Maya maya ay sumakay ng sasakyan si Congressman saka ito umalis.
Nilapitan naman ni Wilson ang kanyang anak at akmang hahawakan ang mukha nitong pulang pula dahil sa sampal pero agad itong itinabig ni Mellisa.
"Don't touch me!" malakas na sigaw niya sa kanyang Ama.
"Para sa iyo lahat ng ginagawa ko anak." sabi niya pa.
"Para sakin ito salamat ha ang saya." sarkastikong sabi niya.
"Para sa ikakabuti mo ang lahat ng ito." sabi niya ulit.
"From now on, wala na kayong anak." pagtatapos niya saka naman sumigaw na pakawalan siya at nang makapunta sa akin pero hindi siya nagtagumpay. Maya maya pa ay pumitik ulit siya para ipasok si Mellisa sa sasakyan.
Ang sakit na wala akong magawa. She's screaming for me.
"Allyson!" huling narinig ko at isinara ang pinto ng kotse.
Nawala ang kotse sa aking paningin saka naman muling lumapit sa akin si Wilson. "Hindi pa ngayon." hindi mo maintindihan ang sinasabi niya.
Tinalikuran niya ako at wala akong magawa kundi ang pumikit nalang sa sakit ng aking pakiramdam.
Lucy, i need you right now.