Chapter 40
Sandra
When finally theron turn three months old. I can finally visit shiloh. Tj and i already talk about his parents, i finally convinced him to forgive his parents. Sadyang mainitin lang talaga ang ulo ni tj. Ngayon ay hinihintay nalang namin ang mga magulang ni tj, dahil sila muna ang mag aalaga kay theron. Also theron has a nanny, so parang guide lang ang mga lolo at lola nya.
"Are you ready?" Tanong ni tj sa'kin. Tumango naman ako bilang sagot. " Tapos kana mag pump?" Tanong ulit nito.
"Actually parents mo nalang hinihintay natin."
"I'm sure shiloh will be surprised by this..." Sabi ni tj habang buhat-buhat si theron. Ako naman ay sinisigurado ko ang mga dadalhing mga gamit ni shiloh.
Kahit ilang oras lang akong makakasama ni shiloh ay pinagpapasalamat ko na rin. Sobrang pagtitiis ni shiloh sa hospital tapos wala man lang akong magawa. It's kinda unfair to shiloh kaya ngayon ay babawi ako.
Nang dumating na ang parents ni tj ay, agad na rin kaming umalis. For sure magugustuhan ni shiloh ang dala kong food syempre ako nagluto nito.
"You really miss her?"
"Sobra... Gusto ko ng yakapin si shiloh... Never pa kami nagkalayo ni shiloh, ngayon lang. Alam kong nagtatampo na sya sa'kin, ni hindi na sya nakikinig sa mga pangako ko na bibisitahin ko sya." Nalulungkot kong sabi kay tj.
"We're still thankful cause she's still fighting. I really admire her so much. She's so strong, she's a fighter."
"About her birthday? We can still celebrate it? I think late na. Nextweek na ang birthday nya." Tanong ko kay tj. Wala namang balak si shiloh mag celebrate ng birthday nya. Ang sabi lang nya sa'min ay gusto raw nitong magpakain sa mga kasama nyang mga bata hospital. Sa sobrang tagal na ni shiloh sa hospital ay nakahanap na ito ng mga kaibigan, at nakakatuwa iyon para sa amin.
"We can, gagawa ako ng paraan. May nakausap na rin ako for buffet, and sa iba i will ask ms. Palma about that. So, don't worry okay?"
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Tatawagan ko sana si grace, para sana kamustahin sila ni shiloh pero bigla nalang may bumangga sa likod ng kotse. Hindi naman sobrang lakas, pero sapat na para mag bump kami ni tj. Buti nalang at naka seatbelt kami.
"Are you okay? Nauntog ka ba?" Biglang tanong nito sa'kin. Hindi na hinintay ni tj ang sagot ko dahil lumabas ito ng sasakyan at alam kong hindi maganda ang mangyayare. Kaya kahit gulat pa rin sa nangyare ay pinilit kong lumabas, and guess what? Tama nga ako ng iniisip dahil inaaway na ni tj ang tricycle driver.
"Tj! Tj! Calm down..." Suway ko kay tj. But still.
"Sir, ma'am, pasensya na po. Nawalan po kase ako ng preno." Paliwanag ng driver. Sumilip din ako sa loob ng tricycle at nakita ko ang batang lalaki na mukhang may sugat sa bandang noo. Agad kong binitawan si tj, at lumapit ako sa bata na hindi man lang magawang umiyak, dahil na rin siguro sa takot.
"What are you doing?" Sigaw ni tj. Pero hindi ko ito pinansin.
Binuhat ko ang bata na mukhang na-shock sa nangyare. Hinaplos ko ang likod ng bata. At kinakausap ko ito. Then ilang segundo lang ay bigla itong umiyak ng malakas. Tama nga ako nabigla ang bata sa nangyare.
"Tay! Dalhin po na tin ang bata sa hospital, may sugat po ito, at mukhang nagulat sa nangyare." Sabi ko sa driver.
"Sege po ma'am, pasensya na po sa abala."
"Tj! Let's go." Wala na kaming sinayang na oras at dinala na namin ang bata sa hospital. Nakailang punas at takip na ako sa noo ng bata pero hindi pa rin tumitigil ang pag dugo. Sinabihan ko na rin si tj na bilisan dahil medyo nanghihina na ang bata. "It's okay, baby... Malapit na tayo..."
Nang makarating kami sa hospital ay agad na dinala namin sa emergency room ang bata. At sakto namang kapapasok lang ng driver na nakabangga sa amin.
"Ma'am, sir, kamusta po anak ko?..."
"Nasa emergency room pa ho. Hintayin nalang po natin." Sabi ko. But tj reminds me that we need to go to shiloh, dahil malapit na rin mag lunch. Buti nalang at same building ang napuntahan naming hospital. Kaya aakyat nalang kami ni tj sa room ni shiloh.
"Mauna na po kami." Pagpapaalam ko sa tatay ng bata. Pero pinigilan kami nito.
"Ma'am, sir. Babayaran ko nalang po ang gasgas sa sasakyan nyo, kaso... Pwede po bang hulugan? Medyo... Kapos po kasi ngayon." He still willing to pay?
Umiling ako sa tatay ng bata at hinawakan ko ang mga kamay nito. Kasabay ng hindi naman masyadong malaking halaga ang inabot ko sa kanya. But im sure sapat na iyon sa pagbayad dito sa hospital. "Keep that ok? Take care of him. Mag iingat po kayo sa susunod."
"Salamat po ma'am, sir. Pasensya na po ulit" umiiyak na sabi ni tatay. "Salamat po..."
Nasa lobby ako ngayon ng hospital dahil hinihintay ko si tj, kinukuha nito ang mga gamit ni shiloh pati na rin ang tanghalian na dala namin. Nang makaeating si tj sa lobby ay biglang tumawag si grace, siguro gutom na sila.
"B-babe... where are you?... Si shiloh..."
"Why? What happened?" Kinakabahan ako sa boses ni grace. "Babe!! Answer me!..."
"Nag aagaw buhay si shiloh ngayon... Please nasaan na kayo!?..."
Agad na akong tumakbo papuntang elevator si tj ay iniwan na ang mga dala namin. Bahala na. Nang marating namin ang floor kung saan ang room ni shiloh ay nadatnan naming nirerevive na si shiloh.
"SHILOH!..." Sigaw ko. Patuloy pa rin ang mga doctors sa pag revive kay shiloh. Lumapit sa'kin si grace at pinigilan akong makalapit kay shiloh...
"Babe... Please... Calm down..." Sabi ni grace habang pinipigilan ako. Si tj ay sinisigaw rin ang pangalan ni shiloh, habang pinapanuod nito kung paano nila pilit na binubuhay si shiloh.
Wala na akong ibang ginawa kung hindi ang isigaw ang pangalan ni shiloh. Umaasa ako na baka sakaling marinig ni shiloh ang boses ko.
"Shiloh... Please!..." Sigaw ko. The doctors still doing a ( CPR ) Cardiopulmonary Resuscitation. Halos mawalan na kami ng pag asa dahil halos sampong minuto na ang nakalipas ay wala pa ring response si shiloh at nanatiling flatline ang machine. Then we heard a vital signs monitoring machine beep again...
The doctors stop doing CPR, napahinto ako sa pag iyak at pinagmamasdan ang anak kong nananatiling walang malay.
"Doc, ano pong nangyare? Okay lang po ba ang anak ko?" Magkasunod kong tanong.
"The patient is still unconscious, and we need to wait for six hours. Kung matapos ang anim na oras at hindi pa rin nagigising ang pasyente. We will consider that the patient is in coma."
Coma? Si shiloh? Teka lang... May hindi ba ako alam? Bakit? Paano? "Doc! Coma? P- paano po nangyare 'yon?"
"Mrs., this is the third time. That your daughter had a seizure." What? Third time?" Paanong?... "And as you can see. She almost lost her life earlier." Magtatanong pa ulit sana ako, dahil hindi ko maproseso lahat ng sinasabi sa akin ng doctor pero, biglang nagsalita si grace.
"Can i talk to you doc? As her pedia." Biglang aabi ni grace.
"Sure" the doctor said. And then lumabas na sila ng kwarto. May mga naiwan pang nurse sa kwarto para i-monitor ang kalagayan ni shiloh. After they check everything then lumabas na sila.
Lumapit ako kay shiloh na walang malay. Dahan dahan kong hinawakan ang kanang kamay nito na may nakakabit pang swero. Sobrang nanginginig ako sa nakikita kong kalagayan ng anak ko ngayon. Ang hirap ng sitwasyon mo anak... Alam kong mahirap, pero wag kang sumuko please... Hindi ko na napigilan ang paglakas ng iyak ko. Humahagugol ako sa harap ni shiloh na parang dito ko nalang kinukuha ang natitirang lakas ko. Naramdaman ko ang paghaplos sa'kin ni tj. Pero hindi ko 'yon pinansin. How dare him, para mag sinungaling sya sa kalagayan ng anak ko!. Wala akong alam na ilang beses na palang nag aagaw buhay ang anak ko!. Pero ni isa sa kanila wala man lang nagsabi? Kung sakaling hindi ko nadatnan si shiloh ngayon, ay wala pa rin silang balak na sabihin sa'kin? Putangina nila!!
See you next...
By the way, guys please follow my TikTok account it's "Dalchu_95" may mga spoiler po akong ipopost doon. If gusto nyo ng mga pasilip every chapter. Thank you...