Faith and Frat (2019)

By GaleCloud6

53 116 2

Loving someone is both a blessing and a curse. A blessing for others when love is reciprocated and a curse wh... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 1

9 6 2
By GaleCloud6

"I love you, Wina Dominguez!" said an idiot using a megaphone. He was on the rooftop, smiling widely like the confession he did in front of many students and teachers was a brilliant idea.

Kasama niya pa ang mga teammate niya na tagahawak ng mahabang pink na banner na may nakasulat na: Wina, Can I Court You?

Wala na ba siyang ikaka-corny pa?

"Hindi ba si Nathan iyan ng baseball team?"

"Hala! Oo nga! Ang suwerte naman ni Wina!"

"Kainis naman, lahat na lang ng guwapong lalaki nagkakagusto sa babaeng iyon."

"Ang sweet naman! Sana ako na lang si Wina!"

"Nathan ko! Bakit siya pa!"

Napangiwi ako at napailing nang marinig ang mga sinasabi ng mga estudyanteng babae sa paligid ko. Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung anong pinakain ni Frat sa mga ito at patay na patay sa kanya.

Ito ang unang araw ng klase ko bilang Grade 10 student sa Heris High. Ito rin ang huling taon ko sa junior high. And we are here gathered outside the class; typical scenario for first day of school.

Nasa stage na ang representatives para sa gaganaping flag ceremony, nakapila na nang maayos kada section ang bawat estudyante, at nakaayos na rin ang mga teacher pero, dahil kay Frat, naudlot iyon. Kaya ngayon, lahat ng tao rito sa school ay nakatuon ang atensyon sa isang Frat Nathan Lorenzo na nasa rooftop ngayon.

Who would have thought that this supposedly typical scenario will be used by Frat to profess his undying love for Wina?

Well, no one.

"Faith, minsan ba kinahiya mo si Frat?"

Napangisi ako nang marinig ang sinabi ni Laarni, a closed friend of mine. Nakatingala ang tingin niya kung nasaan si Frat.

I heaved a sigh. "Ano sa tingin mo?"

Nilingon ako ni Laarni at tinapik-tapik nang marahan ang aking balikat, na para bang sinasabi nito ay okay lang iyan, Faith. Naiintindihan kita.

Napailing at kiming ngumiti na lang ako sa dahil ginawa niya.

"Ms Santillan, puntahan mo si Mr. Lorenzo sa rooftop. Pababain mo. Unang araw palang ng pasukan ay gumagawa na agad siya ng eksena. At papuntahin mo na rin sa office ko pagkatapos ng flag ceremony," problemadong sabi ni Mrs. Lourdes sa akin, advisor namin.

Napabuntonghininga ako at tumango.

Balik na naman ako sa dati kong role sa school na ito. Ako lang naman daw kasi ang dakilang best friend ng idiot na iyon kaya lahat ng teacher na may kailangan sa kanya, sa akin palagi lumalapit.

Nakakasawa na.

Simula bata kami, lagi na lang siyang nagiging pabigat sa akin. Gusto ko ngang pabilisin ang oras at nang makatapos na ng junior high nang sa gayon ay mahiwalay na ako sa Frat na iyon.

I just want to enjoy my last year in here pero, hanggang nandyan si Frat, imposible iyong mangyari.

Kainis.

"Sige po, Ma'am," magalang na tugon ko.

"Samahan na kita, Faith." Tumango lang ako sa sinabi ni Laarni at nagsimula nang tumakbo papasok ng building.

Tumungo kami kung nasaan ang elevator, agad na pumasok doon, at pinindot ang number ng floor na pupuntahan namin.

"Anong tingin mo kay Wina?" Medyo nabigla ako nang tanungin sa akin iyon ni Laarni pero, nang makabawi ay nginitian ko siya.

"Si Wina? Mukha siyang mabait, maganda siya, at mukhang bagay naman sila ni Frat. Ba't mo natanong?" kaswal na sabi ko.

Laarni shook her head and a strange smile painted on her lips that made me question my own answer.

Pero, hindi ko na lang pinansin ang naging reaksyon niya. Ewan ko, ayaw ko nang pahabain ang conversation namin. Baka kasi may sabihin siyang ayaw kong marinig.

Ilang saglit lang ay huminto na ang elevator. Nauna akong lumabas at nagmamadaling lumakad papunta sa rooftop. Hindi ko na hinintay pa si Laarni na narinig kong tinawag ang pangalan ko.

Pagbukas ko ng pinto ng rooftop, malamig at medyo may kalakasang hangin ang bumungad sa akin . . . at ang halimuyak na amoy ng rosas.

Doon ko lang napansin na may mga rosas palang nakakalat sa sahig.

Bigla akong kinabahan. Bakit pakiramdam ko may hindi magandang nangyari?

Hinanap agad ng mga mata ko kung nasaan si Frat, at sa may gilid ng rooftop, nakita ko ang mga lalaking nakayuko, teammates ni Frat na may hawak ng banner kanina, si Wina na puno ng pagtatakang nakatingin sa akin, at si Frat na gulat na gulat nang makita ako.

Bumababa ang tingin ko sa sahig at hindi nga ako nagkamali, nandoon ang pumpon ng rosas na siguro ay hindi tinanggap ni Wina.

Muli akong tumingin kay Frat at doon ko lang napansin nap pulang-pula ang kaliwang pisngi niya.

Sinabi ko bang mabait ang babaeng na ito? Pwes, kung sinabi ko, binabawi ko na. The heck! Anong ginawa niya sa best friend ko?

Napalunok ako at napakuyom ng kamao. Akmang lalapit na ako sa kanila nang mapako ako sa aking kinatatayuan dahil hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Frat.

Is he really that much in love with her?

He knelt down, holding both Wina's hands.

"I'm sorry, Wina. I didn't know you don't like my public confession. Please, forgive me. Babawi ako sa 'yo, promise. I just love you, and I'll do anything you want. Just give me a chance, please?"

He's begging.

Parang tumigil ang mundo ko nang makitang ginawa iyon ni Frat. Para ring bigla akong nawalan ng lakas. Kasabay noon ang pagsikip ng dibdib ko; nahihirapan akong huminga.

I inhaled and exhaled, trying to calm myself, hoping that if I did that, the pain would ease.

Hindi siya ang Frat na kilala ko. Never lumuhod ang isang Frat sa harap ng isang tao at nagmakaawa. Kahit sa parents niya, kahit sa akin na kasama niyang lumaki simula pagkabata.

Matagal ko na namang alam na gustong-gusto ni Frat si Wina. Lagi niya kasing bukambibig ang babae. I am also aware that most of the students here know who owned his heart as he was always giving subtle hints who it was.

Pero, hindi ko akalaing aabot sa puntong handa siyang lumuhod at magmakaawa sa babae para lang pumayag itong magpaligaw.

Gusto kong umiwas ng tingin para hindi ko na makita ang susunod na gagawin nila pero, hindi ko magawa.

Ang mga mata ko ay mataman lang na nakatuon sa kanilang dalawa, na para bang naka-glue na ito roon.

Bakit ang masochist mo, Faith?

Hinawakan naman ni Wina ang kamay ni Frat at tinulungan itong tumayo.

"Okay, basta papasok ka sa tennis team, papayagan kitang ligawan mo ako," nakangiting wika ni Wina. Nakakainis mang aminin, pero parang anghel siya nang sabihin niya iyon dahil sa reaksyon ni Frat. Lumiwanag kasi ang mukha nito at ngumiti nang malapad.

He hugged her. "Thank you, Wina. Thank you. I love you."

"Hoy, hoy! Frat! Itigil mo na iyang kalandian mo! Pinapatawag ka ni Ma'am Lourdes sa office."

Napalingon ako sa likuran at napangiti nang makita si Laarni. Sinundan ko siya ng tingin habang papalapit siya kina Frat at Wina at pinaghiwalay ang dalawa.

Pumikit ako saglit at galit na tiningnan si Frat. Lumapit ako sa kanya at sinapok siya sa ulo. "Ano na namang pumasok sa kokote mo at gumawa ka ng eksena sa unang araw ng klase, ha? Akala mo ikana-cool mo iyon?" sermon ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin at inakbayan ako. Muntik na nga akong mapamura nang iniharap niya ako sa babaeng niluharan niya kani-kanina lang. "Wina, ito nga pala si Faith, best friend ko."

"Uh, hi—

Hindi natapos ni Wina ang sasabihin niya dahil hinila na ni Laarni si Frat at naglakad paalis ng rooftop.

"Tama na ang daldalan, bumaba na tayo," sabi ni Laarni.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Ibinaling ko ang tingin kay Wina at ngumiti rito. Matamis na ngumiti rin naman siya sa akin.

"Una na kami, Wina!" paalam ko.

"Sige, bye, best friend ni Frat!" anito.

Napangiwi ako. Parang sa pagkakatanda ko, sinabi yata ni Frat ang pangalan ko sa kanya kani-kanina lang a?

Umiling ako at inalis na lang iyon sa isipan nang mapansing wala na sa rooftop sina Frat at Laarni.

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa elevator at doon ay nakita ko na naghihintay ang nakangiting si Frat at si Laarni na seryoso ang mukha.

Nang magtagpo ang tingin namin ni Laarni, malungkot siyang ngumiti sa akin, lumapit, at tinapik nang bahagya ang balikat ko.

Kiming ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

Nagpapasalamat talaga ako at nandyan si Laarni. Dahil kung wala siya, hindi ko alam ang gagawin ko. Kung wala siya, baka nasiraan na ako ng bait kakaisip kung paano isu-suppressed ang feelings ko para kay Frat.

***

Gail's Note: hello. thank you for opening this story. i started writing "faith and frat" in 2019 and was published on fameink. i didn't plan to finish the story on the said platform, so i decided to continue writing it here. nasasayangan kasi ako kung hindi ko ito tatapusin dahil kaunting kembot na lang ay matatapos na rin siya (well, kung susundin ko iyong outline na ginawa ko noon). corny pa akong tao noong inumpisahan kong isulat itong kuwento kaya asahan n'yo nang cornetto rin ang story.

anyway, i don't have any plan to edit this story yet, so expect that it's not free from errors. that's all for my note. happy reading! sending you all love and positivity! 

Continue Reading

You'll Also Like

35K 2K 51
Old title: Ms. Chubby "I'm just another promise you couldn't keep" --LECKZY ***** Love cannot be written on paper because paper can be erased. It i...
129K 5.9K 57
| ReaLies Series: First Installment | Completed as of October 12, 2016 This is an Exo and SNSD fanfic story. What is Real? What are LIES? This story...
1.7M 17.5K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
347K 13.9K 42
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.