Sa hardin na puno ng bulaklak at halaman;
doon tayo naglalaro at nagtatawanan,
ang bilis talaga ng paggalaw ng orasan,
Ang saya natin noon, pero bakit ka lumisan?
Aking hiling na maibabalik pa tayo sa panahon;
sa mga alaala ng ating pagkabata,
kung saan ang tunay na ligaya ay nakatuon,
tumigil na ito simulang ika'y nawala.
Sana'y natatandaan mo pa,
ang mga pangak zooo mong isinumpa,
na hindi hadlang ang distansiya,
sa pagkakaibigan nating dalawa.
Ang mga sandali na ito ay aking natatandaan;
magkahawak kamay sa dalampasigan,
inukit mong puso sa punong mangga,
at ang inalay mong gumamela na maganda.
Sana'y magbabalik pa sa kanlungan,
Kahit sa huling pagkakataon,
Habang sa mata natin dumaraan;
ang gunita ng ating kahapon.