Way back 2002.
May isang dalaga na nagngangalang Faith na namumuhay sa isang simpleng baryo. Ang mga magulang niya ay sina Pedro at Ancita na namamasukan naman sa hasyenda ni Don Charles na syang namamahala at may ari ng naturang lupain.
.
.
.
Sobrang bait nito sa pamilya nila Pedro dahil kahit hindi nya ito kaano ano ay nagkusang loob syang pag aralin si Faith sa isang pribadong paaralan na labis na pinagpapasalamat nilang mag asawa dahil sa kulang ang kanilang pera para pag aralin ang kanilang anak.
.
.
.
Maagang gumigising si Faith upang hindi mahuli sa inupahang sasakyan ng kanilang amo upang maghatid sundo sa kanya sa paaralan (ganun kabait si charles sa kanila). Tuwing hapon naman pagkatapos ng eskuwela ng dalaga ay nagtutungo ito sa bahay nila Charles upang tulungan ang kanyang mga magulang sa trabaho. Gusto din kasi nitong kahit paano ay makabawi manlang sa kabutihan ng kanilang amo kaya kahit hindi payag si Charles sa nais ng dalaga na tumulong ay ipinipilit din nya ito. Sumang ayon nalang si Charles ngunit binigyan sya nito ng kundisyon na kung maari lang ay pagkatapos nalang ng kanyang eskuwela ay saka sya tumulong sa pagpapakain ng mga alagang hayop sa hasyenda.
.
.
.
Maimpluwensyang tao si Charles at ang kanyang asawang si Samantha. At dahil sa kanilabg natural na kabaitan at katayuan sa buhay ay madami silang naging tauhan. Kasama na ang pamilya nila Faith. Araw araw ay ganun ang nagiging takbo ng kanilang buhay.
.
.
.
Chapter 2 ahead