IKATATLUMPUTSIYAM
Nang matapos sa boutique ay sa hotel ang aming diretso. Mabilis lang naman kami roon para magbihis. Masaya ako sa pag-aasikaso kay Justine. Her yellow dress plus polkadots headress gave it all! She's so cute!
"Ikot ka, baby." sabi ko.
Sinunod ni Justine ang aking gusto. Umikot siya sa harapan ng vanity mirror at nakita rin ang sarili kaya naman sabay kaming tumawa.
"I'm pretty, tita. Like you! Thank you! Love you!" Pumunta ito sa aking pwesto at yumakap sa aking binti.
I watched our reflections and bit hard on my lips. Hinaplos ko ang kanyang ulonan at sinabing siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. She insisted that I'm the fairest! Pumapalo ang puso ko.
After thirty minutes, ako naman ang bumaba. Simpleng tshirt at pants lamang ang suot ko as I wanna look simple as possible.
"Isn't that what we want....." dinig kong bulong ni Justine mula sa labas.
Ishmael and Justine were walking side by side and hand by hand. Its a warming sight.
"Yes, it is. But, baby....." tuloy-tuloy niyang sabi.
Suminghap ako at hinayaann na lamang sila sa kanilang oras para sa isa't isa. Namataan ko ang isang staff ng hotel na paparating kaya naman tumayo akong diretso.
"Good evening po, ma'am! Ito na 'yung pina-deliver si Sir Ishmael." Minuwestra nito ang puting box na hawak.
Sumulyap ako sa box tapos ay kina Ishmael at Justine na nagbubulungan pa rin. Tumango ako sa staff tapos ay kinuha ang box. Pumirma lamang ako tapos ay umalis na ito.
I had the chance to peek inside the dress. Inangat ko ang takip at nakitang isag kulay monza'ng dress. Simple lamang ito at walang kung anu-ano.
I remembered what he said earlier. Iyong kami lang? Wala si Justine? Hindi na ako nakapagtanong pa dahil ayaw niyang mamansin matapos ng isang inosenteng insidente. Its bad but I can't help the butterflies flooding me inside and out. I can't help but to be excited!
"Tita! Tara na po. Gutom na ako." Pasigaw ang boses ni Justine na nagbalik sa akin sa realidad.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya tapos ay kumaway saglit. "Wait lang, baby!"
Inakyat ko muna ang box sa kwarto. Bukas ba ito? O mamaya? I don't know! I feel too giddy about it!
"You like it?" anang malalim na boses sa aking likod.
Umikot kaagad ako para harapin ito. It was no other than Ishmael of course. He's wearing three fourths and khakis. He's so casual yet it hurt too. Bawat pasada ng aking mata mula sa kanyang mukha pababa ng mga sulok ng katawan ay nakakamatay.
"O-Oo. Salamat!" Suminghap ako.
Kuminang ang kanyang mga mata dahil sa liwanag ng buwan. Gusto kong ipasuot sa kanya ang kanyang stud ngunit pinigil ko ang dila.
"I'm glad. Maganda ang city sa gabi. Its it's asset, actually. Kaya dinadayo ng mga foreigners." pahayag niya.
"The city is great, Ish, all in all. Malinis at walang masyadong mausok. You should really visit here more often...." sabi ko naman.
Tumango siya roon. Napasulyap siya sa box na kanyang pinadala tapos ay sa aking mga mata. I blinked.
"We'll...go out later." buntong hininga niya at saka nag-iwas ng tingin.
I bit my lips. My heart did a deep deep dive in the ocean then back again! Alam kong masamang umasa pero kung uuwi man ako ay alam kong hindi ako uuwing talunan.
Diretsong bumaba na si Ishmael kaya naman naiwan ako rito sa itaas na nalulunod sa naiisip. Matapos ang ilang segundo ay sumunod na rin naman ako.
Ang paboritong sasakyan ni Ishmael ang aming sinakyan ngayong gabi papunta sa kanilang bahay. Marahil, baka mahamugan si Justine at sinoli na rin ang 4x4.
"Rock and roll to the world!" bunghalit ni Justine habang shina-shot-an niya ang scenery.
Sumisingkit ang mga mata ko sa ilaw na aming nadaraanan. Ishmael is so right! Nagkalat ang mga ilaw. Buhay ang bawat kalye. The soft streetlights and the whispers of the people made it all possible. The city is very much alive without looking too much crowded. Its great!
"Told you." Sumilip sa akin saglit si Ishmael.
Tumango ako. Can't I keep the excitement for myself only? Oh!
Matapos ng labing-limang minutos ay pumarada na ang sasakyan ni Ishmael sa harapan ng ancestral house na kanyang pinaglakihan. Akay-akay ko si Justine at nasalubong kaagad namin ang abalang bahay. From then, kumaripas na siya ng takbo patungo sa mga pinsan.
"Aga niyo ah? Mamaya pa 'to." Lumapit sa amin si Macoy. Gutay-gutay ang kanyang damit ngunit hindi 'yon hadlang para sa nananalaytay na kakisigan.
"Ano, aalis na kami? Pinapaalis mo yata kami. Ayaw mo ba?" Nagkibit-balikat si Ishmael.
"Joke lang! Matampuhin talaga 'yan, Justice." Lumingon sa akin si Macoy.
"Siguro nga." Ngumiti ako.
Umikot kaagad ang kamay ni Ishmael sa aking bewang. Humagod ang kuryente sa buo kong katawan kahit na pinanunuod ang tinging nanghahamon ni Ishmael.
"Ukkinam! Hindi na mabiro." halakhak ni Macoy tapos ay itinaas ang dalawang kamay. Bumalik na siya sa kanyang gawain.
Binalingan ko kaagad si Ishmael at tinaasan ang kilay. But he raised his brows to me too! Like a challenge!
"What was that for, Ishmael?" pabulong kong sabi.
Inilingan niya lang ako tapos ay nagtuloy sa pagbati sa mga kasama namin sa dinner. Well! Umikot ang mga mata ko. Then, I remembered, I have to face his mother. Para akong pinagsukluban ng langit at lupa.
"Untie, saan si Mama?" tanong ni Ishmael sa isa sa kanyang tita.
Ginto rin ang balat nito tapos ay matangos ang ilong. Iyon ang uso sa kanila rito o iyon lamang ang asset ng kanilang pamilya?
"And'yan lang 'yan, nagpapaganda. Pero mas maganda itong dala mo, Luis." Kumindat ang kanyang Untie sa akin.
Pumula ang pisngi ko.
"Untie...." Humihigpit ang hawak ni Ishmael sa akin bewang.
Gusto kong alisin iyon ngunit ayoko namang maging bata-bata. Pero hiyang-hiya na talaga ako.
"Ikaw ba ang mommy ni Tine? Kamukha mo." Para itong walang nadinig. Hinawakan niya ang mga kamay ko tapos ay ngumisi.
Dumagundong ang puso ko at humanap ng sagot kay Ishmael at sa buong kwarto. Did Justine and I really looked alike? Because I saw more of Ishmael in her than in me. Siguro ay sa iba't ibang mata ay may nakakahalata na rin. I felt so ashamed stepping inside this house.
"Untie? Tinatawag kayo ni Betty." Tumango si Ishmael sa direksyon ng kusina.
Nilingon iyon ni Untie tapos ay nagpaalam saglit saka binitiwan na ang mga kamay ko't umalis. Kinagat ko ang labi habang kinakalma ang puso.
"Ishmael..." singhap ako para sa kanyang sagip.
Binabaan niya ako ng tingin. "I got this, Justice. Don't worry."
Pinaglaruan ko ang aking mga daliri. I know that he's got everything but not everything under control. Mabait sa akin ang turing ng kanyang magulang and it would upset them that we've lied. But that wasn't the case. Ang kaso ay ang kanyang Mama na lumalamon siguro ng panata dahil narito ako sa kanyang pamamahay.
"Okay." sabi ko na lang.
I'm scared that Tita Allison would convince Ishmael that I'm bad for her grand daughter. Forbid me to any of my rights. Felt like it was past unfolding again but this time to her beloved son done by me.
Maaga nga naman kami sa dinner kaya imbes na tumunganga ay tumulong ako sa preparasyon. Ani Betty ay huwag na raw dahil kami ang bisita ngunit umiling ako. This is the least I could do? Lucky me, hindi ko pa nakikita ang Mama ni Ishmael.
"Saan kayo nagkakilala ni Luis?" Nakapokus ang kulay gintong mga mata ni Betty sa mga gulay.
Hindi ko alam ang sasabihin. Should I make something up?
"University? Matagal na...." My mouth decided to go with the truth. It was this second that I got to reminisce such old and good times.
"Ang tagal niyo na! Ngayon ka lang dinala?" Nanlalaki ang mga mata ni Betty.
Napapatingin sa amin ang iba pang mga pinsan at pamangkin ni Ishmael kaya naman gusto kong lagyan ng tape ang bibig ni Betty. Tumango na lamang ako atsaka yumuko.
Binangga niya ang katawan ko atsaka humalakhak. "Swerte mo, Justice."
"Bakit naman?" pabiro kong sabi.
Obvious naman na lahat sila'y tinitingala si Ishmael kaya nga heto pa't paspasang maghahanda. Swerte ang kung sinong tatapat ang kanilang pambato. But what really lies within their treasured Luis?
Umiling si Betty at nginitian ako na para bang matgal na kaming magkakilala. I missed Lacey in her smile.
"Mabait, syempre. Daming pera! Gwapo! Pero may extra baggage." Sumulyap siya kay Justine na nakikipagtawanan sa kanyang mga pinsan. "Ayos lang sa'yo?"
Kumunot ang noo ko. Magaan ang pakiramdam ko kay Betty sa mga taong narito pwera na lang kay Tita Allison syempre. Pero iba ang himig ko sa tanong ni Betty. Extra baggage ba ang bansag ko sa batang laman at dugo ni Ishmael? Give it, hindi ko talaga anak si Justine, would I think of her as that? An extra baggage?
"Mabait at matalinong bata si Justine." simple kong sagot.
Ayokong sagutin ang katanungang iyon dahil hindi na ito kailangan pang tanungin o sagutin. You don't open a question like that 'coz it will simply dry and hang.
"Hindi namin alam kung sino nanay n'yan e. Hindi rin nagsasalita iyang pinsan ko. Minsan lang bibisita. At lasing pa kung uuwi! Hindi namin alam d'yan." Nagkibit-balikat si Betty.
Kumunot ang noo ko. Nalukot naman kaagad ang mukha niya.
"Hindi ko sinisiraan 'yung pinsan ko ha? Ang daldal ko kasi! Ano ba 'yan!" Nagtuloy si Betty sa kanyang niluluto.
Pinawala ko ang kunot sa aking noo. Of course they would think like that of Justine's mother. I'm beyond reason. But I don't stop at that. And only to Ishmael will I apologize.
Maya-maya pa ay nasa loob ako ng banyo para ayusin muli ang sarili. The dinner is ready finally! Winasiwas ko ang lahat ng negatibong pag-iisip. I'd go home after this. Hopefully with an approval.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto. Hindi ako nag-lock pero huli na ang pagsisisi. Pumasok si Ishmael nang sa bawat hakbang ay siyang siya pa rin.
"Saglit. Patapos na ako...." Hinawi ko ang buhok. Inayos ko ang bag na dala atsaka pumihit na patungong pinto.
Nalalanghap ko ang kanyang pabango na sinamahan ng alak kaya nanlambot ang tuhod ko. Bago ko mahawakan ang seradura ay mabilis niyang nahawakan ang aking braso.
"Dito na lang matulog. Is that okay, Just?" aniyang hindi steady ang mga mata.
"Lasing ka ba, Ishmael?" sabi ko kaagad.
Bumuntong hininga ito tapos ay binitiwan ako. Tinungkod niya ang braso sa sink at naghilamos. Pulang-pula ang kanyang tenga! He's drunk!
"Lasing ka na kaagad? That fast? How about our..." I stopped myself. Obviously, wala na sa katinuan si Ishmael para mag-drive. And I can't blame him for that. Hindi dapat kasi ako umasa. Though tumitigil ang mga tibok ng puso ko.
"Justice..." Hinuhuli niya ang aking tingin.
Ngumiti naman ako. Dasal ko na hindi tagilid ang labas noon. "Okay lang! May gagawin din naman ako mamayang gabi. "
"I'm sorry." aniya. Hinawakan niya ako sa bewang at pinataas pababa ang kanyang kamay.
Pumikit akong mariin. I could smell the alcohol plus his scent. Dumudungaw na siya sa akin at sinasandal ako sa pader. I felt his hands on my back going lower and lower, his lips hovering above mine as he closed his eyes. Pumapasok na ang kanyang mga kamay sa loob ng aking pants ngunit pinigilan ko iyon.
"Its okay." pirmisang kong sabi.
He's very much drunk! Pumikit akong mariin. Lumabas na rin ako. Nagpakawala ako ng hiningang hindi alam ay naipon pala. Mabigat ang dibdib ko na nagpuntang dining room.
Nakaupo na ang iba tapos ay nags-serve na. Kinawayan ako ni Betty at ni Macoy. Namataan ko ang kanyang Mama na may kausap na dalawang taong hindi kilala ngunit ang isa ay pamilyar. Inintay ko si Ishmael na igaya ako sa mga upuan.
Papang was in the head of course. Sa kanyang kanan ay si Tita Allison, isang hindi kilalang babae isang bakante tapos ay si Justine na. sa kabila naman ay isang bakanteng upuan, isang pamilyar na lalaki tapos ay si Betty at susunod si Macoy.
"Luis....dito si Justice." sabi ng kanyang Mama nang papaupo na kami sa dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Justine. Dinuro ni Tita Allison ang bakanteng lugar sa tabi ng lalaking hindi ko alam kung saan ko nakita.
"We seat here, Mama." matigas na sabi ni Ishmael.
"Justice, ija, pwede bang doon ka umupo sa tabi ni Gendry?" Malamyos na ang boses ni Tita Allison ngunit matigas ang mga mata.
Pabaling-baling ang tingin ko sa mag-ina at hindi alam ang susundin. Nakatingin na sa amin ang nasa table. Tinaasan ako ng kilay nang isang magandang babae.
"O-Okay po...." Sinunod ko si Tita Allison.
Humiwalay ako kina Ishmael at tinawid ang kabilang gilid. Tumayo ang pinakilalang Gendry upang ipaghila ako ng upuan. Nag-igting ang panga ni Ishmael.
"Upo, Luis." Nakangiti si Tita Allison.
Umuusok ang mga mata ni Ishmael ngunit sa ginawang pagsunod sa ina ay nawala ang tensyon sa hapag. Nagserve na ng pagkain tapos ay naaliw na rin ang mga kasama. They began to ask Ishmael or Luis how he had been. Bawat sagot ay may tinatagong inis ngunit dahil kay Justine ay alam kong kinakalma niya ang sarili.
"I'm Gendry, by the way. Iyon si Diana." biglaang sabi ng lalaking katabi ko.
Sumulyap ako sa babaeng katabi ni Ishmael na ngayon ay masayang nakikipag-usap dito. Tita Allison laughed along with them.
"I'm....Justice." singhap ko.
Humalakhak ang aking katabi. "Ang bilis mo namang makalimot! Para kang si Tita Allison na kinalimutan ka na kaagad." puna niya sa aksyon.
"I'm sorry?" Bumaling ako sa kanya at kinilala ang kung sino mang poncio pilato itong pagmumukhang ito.
"Nalaglag 'yung mga dala mo? I helped you!" Ang gintong balat ay akma lalo na nang siyang ngumisi.
I squinted my eyes. Then, it clicked! Siya 'yung lalaking tumulong sa akin kanina sa boutique! I thought I wasn't gonna forget that pretty face. Seemed that I did? Binalingan ko si Ishmael na ginagalaw-galaw lang ang kanyang plato. Tapos kay Justine na nakatingin sa akin.
I smiled at her and waved. She waved back.
"Sorry. Hindi ko naalala." sabi ko kay Gendry, masaya na may kumakausap na sa akin.
"Its okay! Kaano-ano mo si Luis? Boyfriend? Asawa? You look liked Justine." sabi niya.
Kumunot ang noo ko sa kanyang dila ngunit dahil na rin sa tawag kay Ishmael. Surely, hindi naman sila magkakilala dahil hindi naman sila nagpansinan?
"Hindi kami magkapamilya, don't worry. Family friend lang kami at naimbitihan. My sister, Diana, mostly. Kita mo, ang landi." Humalakhak si Gendry.
Inabsorb ng utak ko ang kanyang sinabi tapos ay tumango. Dinayo ng mga mata ko ang kanyang kapatid na si Diana. She's wearing a red dress that matched her olive skin. Her straight hair is flowing freely. Sa tulis ng mata, tangos ng ilong at pula ng labi ay mukha siyang brazilian. She leaned towards Ishmael and whispered something. Ngumiting bahagya si Ish sa kanya.
"See?" bulong ni Gendry sa akin.
I watched the scene unravel na nauubusan ako ng hanging bubuhay sa akin. Masikip sa dibdib at nagpapayukom ng kamao.
Diana even leaned lowered that showcased her breast. Ang simpleng pagkuha ng champagne ay ginawang senswal tapos ay humawak pa sa braso ni Ishmael.
"Tita Ally? Si Diana po ang tanungin niyo d'yan dahil siya ang nag-aral ng ganyan sa amin." I heard Gendry's laugh. Hindi ko alam ay tuloy-tuloy pa rin pala ang pag-uusap dahil masyado akong engrossed sa pinanunuod.
"Talaga, Diana? Hindi ba at lumipad ka pa sa ibang bansa para doon mag-aral?" ani Tita Allison.
Diana nodded enthusiastically atsaka pinasadahan kami ng tingin lahat na tela mo nagbabalitang manganganak na siya. "Yes, Tita Ally! Marami akong natutong cuisines kaya nga sana ay mas maaga po kaming dumating para tumulong kami."
Humawak muli si Diana sa braso ni Ishmael then it went lower. Pumikit akong mariin at nang ibukas ay nakatingin sa akin si Ishmael habang pinaglalaruan ang labi. Lumunok ako.
"How about you Justice? What do you do?" Ngumiti ng mayabang si Diana sa akin.
I'm surprised that she knew my name! Pumula ang pisngi ko ngunit tumikhim.
"Sa publishing company. Author of---" Suminghap ako.
"Nagsusulat ka?" Humalakhak si Diana tapos nakisali si Tita Allison at iba pang nasa hapag.
Nagtagis ang bagang ko. Tamad ang mga mata ni Ishmael na nagmamasid lamang sa akin.
"What's wrong po sa pagsusulat?" biglaang sabat ni Justine. My eyes went steady.
"Yeah! What's wrong with it, sis?" sabat din ni Gendry sa akin tabi.
Kumunot ang noo ni Tita Allison at si Diana naman ay tumagilid ang ngiti. Uminom akong tubig. I felt hands on the back of my chair. Binalingan ko si Gendry na nagkibit-balikat lamang samantalang sa aking harapan ay pinanuod kong tumalim na ang titig ni Ishmael.
"She's a professional writer, Diana. Every street you go, maraming nanghahabol sa kanya. Even in this dining table." mariing sabi ni Ishmael.
Umakyat na ang dugo sa pisngi ko.
"Oh, Luis? I don't see anyone!" Diana chuckled.
"I see your brother." Tumaas ang kilay ni Ishmael sa akin.
Suminghap ako! I heard Gendry's laughter tapos ay tinanggal na rin ang kanyang kamay. Matalim ang titig ni Ishmael sa akin kahit na binubulungan siya ni Diana. Her hands went to his chest this time and I had to look away. Wala na ba siyang respeto sa pagkain?
"Tama na nga iyan!" pabirong sabi ng kanyang Mama. "Tama na sa mga trabaho at importante ay narito tayong lahat. Luis, huwag kang iinom dahil ikaw ang maghahatid kay Diana." dagdag pa niya.
The breathing almost stopped as Diana cheered. Para siyang nanalo sa lotto! Ngunit naalala kong lasing nga pala si Ishmael kanina sa cr. What does that mean?
"I can't, Mama. Nagkayayaan kami kanina ni Macoy...." Ngumisi si Ishmael sa akin.
"Tama! Lasing na 'yan, kaya dito na raw sila matutulog." sabat ni Macoy.
Diana stopped smiling and looked at Tita Allison as if she's pleading. Kumunot ang noo nito. I bit my lips. I wanna fist pump to the air! Dibale nang walang date basta ay huwag silang magkasama. Wait, date?
"You have a flight early tomorrow, right, Diana?" Kumuha si Ishmael ng brandy. "Cheers!" sabay lagok.