31 - So Frightened
We occasionally make love--Geeo and I. It's part of all relationship for me. Nirerespeto ko ang 'No Sex Before Marriage'. Pero aminado ako na isa ako sa mga taong tinraydor ng sariling katawan. We're having safe sex na after that moment when Gia went on his condo. Bukod sa nailang ako ay natakot din ako na baka mabuntis ako. I love babies. But I am not yet prepared to have one. S'yempre mas okay na ikasal muna kami bago kami magkaanak.
May pinaniniwalaan pa ring mga pamahiin sina Mommy. Hindi rin makakatakas sa mga tsismosang kakilala na minsan nga ay kahit kamag-anak pa, ang mga ito pa ang nagpapasimula.
But the night of my birthday...happened. And we made it...as in! Sa loob! That's the first time! And I am really nervous.
"Kayo ang tumingin. Kinakabahan ako," seryoso kong sabi kina Charlie at Janine.
Nandito kami sa ospital dahil nanganak na si Charlie. Normal ang panganganak niya at napakahealthy ni baby Godfrey. Laging nakabantay si Ezekiel sa kaibigan ko. Ngayon lang ito umalis ng room dahil may kailangan itong pirmahan. Nasa tabi ni Charlie si baby at mahimbing itong natutulog.
Lumayo si Janine kay baby. Kanina pa nito ito pinagmamasdan. Parang amaze na amaze ito kay baby.
"Akin na." Kinuha nito sa 'kin ang PT kit pero hindi pa nito tinitingnan. I didn't look at it yet. Kaya sila ang pinapatingin ko. I was freaking nervous! Naririnig ko na ang mabilis na tibok ng puso ko.
"Ano bang inaasahan mong result?" Charlie asked, half lying on the bed with her son. "You're face is blank. Di ko alam kung ano'ng ine-expect mo."
Hindi ko rin alam! Ang alam ko lang ay kinakabahan ako ngayon! Bakit ba kasi napansin pa ni Janine na blooming daw ako at parang nananaba ang pisngi. Di ko 'yon napapansin! Wala akong ibang nararanasang weird maliban sa...
I suddenly hate the smell of my favorite ripe mangoes.
I sighed. 'Yon na nga.
So the two of them insisted that I should test my urine. The PT kit was Charlie's.
S'yempre alam na nilang Geeo and I made out dahil tinanong nila kung kailan daw namin huling ginawa. We're adults already kaya wala nang malisya ang mga ganitong bagay.
"No'ng...ginawa niyo ba 'yon ni Kel, nagsisi ka ba? Anong naramdaman mo nang malaman mong buntis ka?"
Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kaya kailangan kong malaman ang napagdaanan ni Charlie. Nagulat ako sa sinapit niya dahil wala naman siyang boyfriend pero nang makita kong nangniningning ang nga niya ay hindi na ako nagduda kung tunay nga ba siyang masaya.
Ako? Masaya ako. Hindi ko pinagsisihan ang may mangyari sa amin ni Geeo. We both want that. Kahit na alam kong mahal niya ako ay hindi ko mapigilang isipin ang nasisira niyang career pag nagkataon. Hindi ko alam. Ang gulo-gulo ng isip ko.
"I gave myself to a stranger. 'Yan ang una kong naisip no'n," Charlie began, "hindi naman talaga stranger dahil kababata ko si Kel pero after so many years, noon na lang kami ulit nagkita at ilang araw lang, may namagitan na agad sa amin. We had an adventure. Alam niyo na 'yon, right? Pero s'yempre, 'pag dalawa lang kayo at alam niyong may something kayo, may something ding mangyayari."
"We did it and we didn't regret anything. Pero nang malaman kong buntis ako, kalagayan niya agad ang naisip ko. He's almost done on his studies pero pakiramdam ko pa rin ay nasira ko siya."
See? 'Yon din ang kinatatakot ko! He was a famous band vocalist and a professional photographer for God's sake.
"Pero sinabi ko pa rin agad sa kanya dahil mahal ko siya at mahal niya ako. I don't have to face that alone. Hindi naman nagalit sina mommy sa 'kin. Natuwa pa nga, e. Nagtatrabaho na naman daw ako. Wala na raw masama ro'n. Ang mama ni Kel ang nagpalaki sa akin kaya wala ring naging problema sa kanya. I guess, everything was settled bago pa man nabuo si Godfrey."
I saw her sweet smile and her twinkling eyes. Bakit mukhang hindi gano'n ang itsura ko ngayon?
"Don't stress yourself, Alex. You're pregnant!" Janine jumped happily.
Tama si Janine. Hindi ko dapat pinapagod ang sarili ko at pinagaalala nang dahil sa--
"Ano?"
"You're pregnant. Dahil nandito na rin naman tayo sa ospital, magpatingin ka na rin. Sasamahan kita."
Hindi ako makapagsalita. Agad na lang akong napahawak sa tiyan ko. Janine could be wrong, right? The PT kit, I mean?
"Mabait 'yong OB ko. Sasabihin kong siya na lang din ang tumingin sa 'yo," Charlie said, relaxed.
Bakit mukhang okay na okay lang ito sa mga kaibigan ko? Ang kalmado nila! Parang matagal na nilang alam!
"Hindi ka mukhang masaya, Alex." Naningkit ang mga mata ni Janine na nakatangin sa akin. Nawala rin ang labas-ngipin nitong ngiti kanina.
"Hindi naman sa gano'n..."
Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko!
I am so happy. Pero... Nag-aalala lang ako. Baka lang magkaproblema...
Gusto ko nang magkaanak pero hindi pa ako handang maging isang ina.
Ang pagiging magulang ay hindi biro. Kailangan itong paghandaan. You should be physically and mentally prepared. Even socially and spritually.
Hindi pa ako handa sa kahit ano.
"I am just...afraid."
Bahay. Sasakyan. Negosyo. Trabaho. Kasal.
'Yan ang mga sinabi kong kailangan kong mapundar muna bago ako lumagay sa tahimik at bigyan ang sarili ko ng isang mabigat na responsibilidad.
I just got one over five. I...ugh!
"24 ka na. Hindi na masamang mabuntis sa ganyang edad, ani Janine sabay tingin kay Charlie na nginitian nito. "14 years old nga nakakapanganak ng ayos."
"You should be happy Alex. The baby is God's blessing. Hindi lang sa 'yo, hindi lang kay Geeo kundi sa mga pamilya niyo."
Alam ko. Alam ko.
I just don't know why I am so frightened.
Napaupo na lang tuloy ako sa sofa.
I need to calm my mind. Hindi ko na maalis ang kamay ko sa tiyan ko.
"Pinagiwanan niyo na talaga ako. Kayo na may boyfriend. Kayo na may baby."
Narinig ko ang pagtawa ni Charlie dahil sa sinabi ni Janine.
"Sabihin mo kay Ely, gumawa na rin kayo! Haha! Joke!"
"Hindi pa kami, ano ba."
"Seriously?"
"Yeah. I don't wannna talk about it."
Bahagya ko nang napaprocess ang pinaguusapan nila. Nakatuon ang atensyon ko sa natutulog na si Baby Godfrey.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.
"Magkaka-baby na rin ako," mahina kong sabi sapat na para marinig ng nga kaibigan ko.
Natahimik silang dalawa. Nilapitan at tinabihan ako ni Janine. Hinawakan nito ang aking kamay. Charlie was looking at us, parang iiyak na rin.
"We're happy for you, Alex. Alam kong masaya ka rin. Wala kang dapat ikatakot."
"Magkaka-baby na rin ako."
Para akong baliw. 'Yan lang ang nasasabi ko.
"Magkaka-baby na rin ako."
I'm crying.
Tears of joy it is.
"Please don't tell Geeo," I finally said. "I don't want to tell him."