"Ugh... kailangan bang umalis tayo ng kapitolyo bago sumikat ang araw?" tanong ni Lyfa halata sa boses na medyo inaantok pa.
Anim na araw na ang lumipas simula nung sabihin ko sa hari ang nalaman at ang plano ko, at sa loob din ng anim na araw na iyon ay itinuro ko kay Lyfa ang mga alam ko sa bayan. Pinag-aralan din namin ang nga letra dito kahit na 'di ko na iyon kailangan dahil sa titulo ko, ewan ko ba kung dahil sa taas ng INT ko o sadyang fast-learner ako pero natutunan ko ang mga letra sa loob ng isang araw, samantalang si Lyfa ay inabot ng dalawa at isa naman para matutunan ang language dito nang magawa niyang makipag-usap sa mga tao. Sinanay na din namin ang teamwork namin at masasabi kong perpekto iyon dahil matalas ang senses niya, kaya nagagawa naming madetekta ang mga kaaway at agad ko ring napapaslang dahil ako ang damage dealer at support si Lyfa. Hindi ko rin alam kung pwede ang power leveling pero from level 15 naging level 30 na si Lyfa.
"Oo, kailangan, kasi ayokong isama si Adelaide," sagot ko habang inaayos ang bag ng mga potion para kay Lyfa.
"Bakit ayaw mo siyang isama?" tanong niya.
"Mabuti na ang hindi mo alam," sabi ko dahil naalala ko nanaman yun.
"... Ikaw ang masusunod," sabi ni Lyfa at nilagay na sa quiver ang mga binili naming mga palaso nitong nakaraang gabi.
Pagkalabas naming ng inn ay napanganga ako dahil nag-aantay sa labas ay si Adelaide at si F-guy.
"Utos ng hari ay ihatid kita sa bapor, at dahil ikaw ay isang taong maagang nagigising, naiisip kong bago pa magliwanag ay aalis ka na," sabi ni F-guy.
"At andito ako kasi tulad ng sinabi ko noon, sasama ako sa inyo," sabi ni Adelaide kaya napabuntong-hininga ako.
"Asaan nga pala ang mga sasakyan niyong chirtso?" tanong ni F-guy.
"Wala kaqming sasakyan, maglalakad kami," sagot ko kaya napatingin sakin si Lyfa.
"Tulad ng sabi ni ama," sabi ni F-guy at lumapit sa puno kung saan may mga nakataling mga ostrich "tara, mag-sama kayo sa isang chirtso ni Lyfa," at sumakay na siya sa isa, at si Adelaide naman sa isa pa at dahil pang-bata ang katawan ni Lyfa ay nagkasya kami sa natitirang chirtso na kulay itim.
Agad kaming lumarga palabas ng tarangkahan sa timog. Ayon kay F-guy na ponangalawahan din ni Adelaide, dalawang bayan ang kailangan naming daanan bago makapunta sa bayang kinalalagyan ng bapor.
"Incoming, seven enemies at 3 o'clock," sabi ni Lyfa matapos gumalaw amg tenga niya kaya tumingin ako sa silangan namin at nakita ang ilang <Devil Wolf>, isang aso na may dalawang sungay na katulad ng sa isang kalabaw.
"<Ping-pong Mana Bolt>!" sigaw ko at lumabas sa nakaturo kong daliri ang isang mana bolt, at nang tumama ito sa isa ay bumanda iyon nang paulit-ulit hanngang sa narating na nito ang max bounce leaving 4 dead <devil wolf> at heavily injured na tatlo kaya tumakas na sila.
"Wow... tulad ng dapat asahan... kailangan ba talagang ihatid kita," tanong ni F-guy na bumaba at sinimulang tanggalan ng sunggay at balat ang mga halimaw.
"... Siguro?" sabi ko dahil hindi ko alam kung saan ang Nocturia at aasa lang ako kay Lyfa para sa direksyon.
"Tara na," sabi ni F-guy matapos ang pagbabalat sa mga halimaw at sumakay uli sa chirtso.
Dahil sa paulit-ulit na pag-atake ng mga halimaw ay inabot kami ng dilim sa daan kahit na expected kong makakarating kami agad sa baryo.
"Natapos na ako sa paglalagay ng alarm spell," sabi ni Adelaide habang nagaayos kami ng camp site namin, at dahil wala kaming kaalam-alam ni Lyfa kaya laking pasalamat naming dahil nandito si F-guy.
"Alarm spell? Ano yun?" tanong ko
"Isang uri ng salamangka na kung saan bibigyan babala ang caster kung may pumasok sa teritoryo nila, maliban na lang kung party member," sagot ni Adelaide kaya tumango-tango ako.
"Pwede mong maituro -"
"Sure!" sabi ni Adelaide, hindi ako pinatapos sa sasabihin.
"Pero... may disposition ka ba sa mga supporting magic?" tanong ni Lyfa, siguro native language niya ang ginamit dahil tinabingi nina Adelaide ang ulo.
"Hmm... ano disposition niyo sa magic?" tanong ko
"Healing and supportive spells," sagot ni Adelaide.
"Wala," sagot ni F-guy.
"All-around, may disposition ako sa attack, healing at support, pero elemental based." sabi naman ni Lyfa at ako naman ang napatabingi ang ulo.
"Elemental based?" tanong ko.
"Sila yung mga spell caster na lahat ng spells, attack, healing or support, pwede nilang gamitin, pero tanging nasa linya lang ng elemento nila," paliwanag ni Adelaide "example, yung kaibigan ko, isang elemental based, at ang element niya ay water, lahat ng water spells pwede niyang magamit at yun na yun."
"Ahh... then ibig sabihin... fire elemental based ako?" tanong ko
"Hindi namin masasabi, bakit hindi mo tignan sa may magic shop at tignan ang magic disposition mo bago ka magpaturo ng magic?" sabi ni F-guy.
"Saan meron?" tanong ko
"Sa kapitolyo, pero may mga branch yung magic shop, di ko lang alam kung asaan," sagot ni Adelaide.
"I see..." sabi ko at biglang tumayo si F-guy.
"Adel, ihanda mo na ang apoy, nang makapagluto na tayo," sabi ni F-guy sabay kuskos sa suot na singsing at biglang lumitaw ang ilang kaldero, mga karne at iba pang gulay at pampalasa.
"<Inventory>?" tanong ko.
"Anong mahika iyan? Pero kung ano man yun nagkakamali ka dahil ang tawag sa singsing na ito ay <Storage Ring>, isang singsing na binasbasan ng <Dimensional Storage>, pagkinuskos mo ng tatlong beses ang singsing ay gagana ang salamangka at makikita mo ang <Dimenstional Storage>," sagot niya.
"Ano itsura nitong mahika na ito?" tanong ko.
"Ano ba nakikita mo nung ginagamit mo ang salamangka?" tanong niya sakin "pero para matapos na, isang box na nahahati sa limampung maliliit na box na siyang kinalalagyan ng mga gamit."
'<Inventory> nga yun,' sabi ko sa isipan "pasubok nga," sabi ko at hinubad niya ang singsing at binigay sakin na agad kong sinuot at kinuskos iyon pero wala akong nakita na kung ano, kaya ginamit ko ang <Judge>:
<Storage Ring>
A ring imbued with the spell of <Dimensional Storage> increases <Inventory Slots> by 100.
Dahil sa nabasa ay agad kong binuksan ang <Inventory> and true enough, nagkaroon pa ng isang tab sa inventory containing all the items stored in the ring.
"Saan mo nakuha 'to?" tanong ko
"Binigay sakin ito ni lolo noon nung malaman nilang wala akong kakayahan sa mahika," sagot niya "kung tama ang memorya ko, nasa milyon ang isa nito," sabi niya at bigla akong nawalan ng pag-asa dahil ang pera ko na lang ay nasa 1,000 Zeny, salamat sa pagbili ng equipments ni Lyfa at necessary items tulad ng potion.
"Akin na lang 'to," sabi ko.
"Hinde! Bumili ka ng sa iyo!" sabi ni F-guy.
"Inuutusan kita bilang tagapangalaga ng apoy, ibigay mo sakin itong singsing,"
"Tiraniko!" reklamo niya na may mga luha ang mga mata.
"Joke lang," sabi ko at binalik na ang singsing.
"Kuya, kumuha ka na ng panggatong," sabi ni Adelaide na agad sinunod ni F-guy.
"Tutulong ako," prisinta ko sabay lapit kay Adelaide "sa pagluluto," dugtong ko nang titigan ako ni F-guy.
Tinutulungan ko si Adelaide sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos niya, nang bumalik si F-guy ay agad ko iyong pina-apoy gamit ang mahika at agad inihaw ang karneng hinaguran nang mga pampalasa.
Kakatapos ko lang mag-ihaw nang:
<Cooking> skill acquired
"Huh..." sambit ko at tinignan ang description ng cooking skill.
Cooking
Passive
Level: 1
Proficiency: 0/100
A semi-passive skill that indicates the quality of food the user creates. Double-click to view the learned recipes.
"Anak ng tinapa," sabi ko dahil sa nabasa at sinubukang i-double click at lumabas nga ang tanging recipe na alam ko: Roast Meat.
"Sevilla, luto na ba ang inihaw?" tanong ni Adelaide.
"Ah, oo" sabi ko, di napigilang gamitan ng judge ang inihaw:
<Roast Meat>
HP recovery +10%
MP recovery +10%
Duration: 3 hours [Effect don't stack on same type]
Quality: Normal
"... Adelaide... Anong pampalasa ang mga ginamit mo?" tanong ko
"Green herb at alfakrimaris, pinatuyo muna sila, tapos dinurog, isinama sa paminta kasama ang isang sikretong sauce ng pamilya, bakit?" tanong niya
"W-wala naman," sabi ko at hinalungkat ang memorya paukol sa green herb at alfakrimaris, at kung tama ang pagkakatanda ko, ang alfakrimaris ay isang sangkap sa MP recovery pills and potion, at ang green herb, well common herb siya sa lahat ng games na nalaro ko pati ang use pareho rin, HP recovery potions and pills.
"Eto ba yung secret sauce?" tanong ko kay Adelaide nang makita ang isang sauce sabay gamit ng judge.
<Nightcloud Traditional Roasting Sauce>
Attack Up
Defense Up
Magic Up
Speed Up
Quality: Best
'Hmm... ano to? item na nagpapaganda ng effect sa item?' tanong ko sa sarili 'then, bakit wala yung effect sa pagkain?'
"Mark," tawag ni Lyfa "nakakarinig ako nang yabag ng tao, marami sila, at nasa paligid lang," at dahil sa sinabi ni Lyfa, doon ko lang napansin ang mabigat na atmospera ng paligid.
"Adelaide, gaano kalaki ang range nung spell?" tanong ni F-guy.
"Sakop ang buong camp," sagot ni Adelaide.
"Ibig sabihin, gusto nila tayong patayin, malaki ang camp natin ngunit ramdam ko ang presensiya nila," sabi niya kaya lumapit ako kay Lyfa.
"Gaano kadami?" bulong ko at nakaramdam ako ng lamig sa likod, at ang pinakamalapit sa pakiramdam ay killing intent.
"Di ko matiyak, sobrang lambot nila maglalakad, nagawa ko lang malaman dahil sa hangin," sabi niya "at... medyo pamilyar ang amoy," bulong niya sakin at naramdaman ko uli yung lamig sa likod ko.
Binunot ko ang espada at agad na nilapitan ang mga nagtatago sa labas ng camp, at nang ilapat ko na ang talim sa leeg ng isa ay agad akong tumalon palayo upang maiwasan ang espada ng kasama niya at natigilan nang makita ang itsura nila, mga werebeast sila at ang tenga at buntot ng isa ay kahalintulad ng kay Lyfa.