bago nanaman ang cover :XX patawarin nyo ko hoho. PANG #69 TAYO SA FANFICTIONS. I REPEAT #69! \m/
__
Baekhyun's POV
[The Next Day]
"Ingat kayo ha.. 'Wag kayong magtitiwala sa mga tao dyan sa labas. Kay Yifan ko nalang ikaw ipapasundo" sabi ni Chanyeol. Hinatid nya na kasi kami ni Jesper dito sa clinic ni Luhan para sa check-up. "Ikaw din daddy, magingat ka. Maraming malandi sa paligid kaya 'wag mo silang papatulan. Sige na." sabi ko at hinalikan sya sa pisngi. Hindi pa pwede sa lips before going to work :X
Tumango si Chanyeol tapos pinaandar nya na yung kotse nya. Pumasok kami ni Jesper sa loob ng clinic ni Luhan. Buti nalang kaunti lang ang tao kaya kami na ang sunod na titignan. Dapat talaga kay doctor Jongdae kami pupunta kaso baka magloko nanaman yung dinosaur na 'yon.
"Kinakabahan ka?" tanong ko. He sighed then he nodded. "Okay lang 'yan. Eomma is here." I said then I kissed his forehead. "Park Jesper" tawag nung nurse. Binuhat ko sya tapos pumasok na kami sa kwartong may nakakabit na 'Oh Luhan'
Ngumiti si Luhan nang makita nya 'ko. Umupo kami doon sa harap nya. "Eomma *coughs* lulu? *coughs*" Jesper asked pointing at Luhan. Tumango naman ako tapos hinimas ko ang likod nya. May ginawa sakanya si Luhan. Nakatingin lang ako sakanila.
"Anong meron,Luhan?" kinakabahan kong tanong. Bumalik sila sa harap ko tapos napakagat naman si Luhan sa labi nya. "Baekhyun, bago mo pa sya ipanganak you're already lack of alpha1-antitrypsin protein. Nadevelope na sya bago mo pa ipanganak si Jesper kaya sya ngayon ang may sakit. Sabi ko nga dati, yung lungs nya di pa gaano nabuo kaya mahirap. May sakit sya na emphysema. Symptoms nya yung pag-ubo tsaka shortness of breath. If not treated, it can be fatal."
Napakagat naman ako sa labi ko pagkatapos nyang sabihin 'yon. Fatal? 'Wag naman sana. Hindi ko papabayaan si Jesper. Mahal na mahal ko sya kaya tutulungan ko syang mapagaling ang sakit nya. "Don't worry,Baek. Tutulungan ko kayong dalawa. Just be strong at 'wag mo masyadong dibdibin ang sakit." sambit nya. Huminga ako ng malalim tapos tumango nalang ako. May binigay sya sa'kin na mga gamot at kaung ano-ano pang mga gamit. "Salamat Luhan. I trust you" I said then left the room.
Napatingin ako kay Jesper na ngayon ay kumakain ng sandwich. Wala namang magbabago kung sisisihin ko yung sarili ko diba? Kailangan ko lang magpakatatag. Bilang isang magulang, tutulungan ko ang anak ko.
"Baek!!" narinig kong may tumawag sa'kin. Wait- alam ko yung boses na 'yon! Lumingon ako at nakita ko ang isang kwago na may bitbit na nognog. Napakunot naman ang noo ko nang lumapit sila. "Bakit kayo nandito?" tanong ko. Tumawa naman sya tapos hinampas yung braso ko. "Di ba halata? Syempre magpapacheck up! San na kayo pupunta ni Jepser?" tanong nya at pininch ang pisngi ni Jesper. I shrugged my shoulders. "Uuwi na kami."
"Ahh.. Sige mauna na kami! Ingat kayo ha. Babye Jesper~" sabi nya. Kumaway-kaway naman si Jesper.
Naglakad ako papunta sa labas ng clinic. Tinext ko si Yifan na sunduin na kami. Nakatingin ako sa kalsada nang may biglang nadapa sa harap ko.
Tatawa pa sana ako kaso pinigilan ko ang sarili ko. "Okay ka lang?" tanong ko. Tumayo sya at ngumiti sa'kin. "Haha. Okay lang ako." sagot nya. "Anong pangalan mo?" tanong ko
"Ako si Yixing. Hindi ko nga alam kung nasaan ako ngayon eh. Ang naalala ko lang bumaba ako sa airplane. Kilala mo ba si Suho?" tanong nya. Umiling ako. "Ahh sige salamat. Uhmm. Pano nga tayo nagkakilala ulit?"
Napapoker face ako. Kawawa naman 'tong batang 'to. "Nagkakilala tayo nung madapa ka! Ako si Baekhyun." sagot ko. Napakamot naman sya sa ulo nya tapos natawa. "Ahh sige. Bacon babye na. Hahanapin ko pa si Suhong mahal na mahal ko" sabi nya at naglakad.
Bacon? O.O pwede na rin.
"Yifan ang tagal mo naman" I mumbled. "Hi Byun" tangina. Ilang tao ba ang makakasalubong ko ngayon? Tinignan ko yung taong tumawag sa'kin at nakita ko ang isang Yoda number 2 da gurl version. "hello" sagot ko. "Pwede ko bang dalhin si Jesper sa mall? Lalabas lang naman kami eh."
Umiling ako. "Hindi." sagot ko. She smirked. "Manonood kami ng starwars sa big screen."
Pumalakpak bigla si Jesper. "Eomma~~ yoda! Yoda!" sigaw ni Jesper. T_T ano? Papayagan ko ba? "Sige. 'Wag na wag mong ilalayo sa'yo si Jesper. Wag na wag mo syang papakainin ng masyadong matatamis na pagkain. Wag mo syang iwawala."
"Jusko. Sa tingin mo ba gagawin ko 'yon?" she asked. I sighed. Binigay ko sakanya si Jesper . "Babye eomma" Jesper waved his hand. Kumaway ako sakanila habang lumalayo na sila. May tiwala naman ako sa babaeng 'yon eh. Alam ko naman na hindi nya iwawala si Jesper.
Lumipas ang ilang minuto at dumating na si Yifan. Agad akong sumakay dito at nagdrive na sya pabalik ng bahay. Pumasok ako sa loob at naabutan ko ang isang panda na nagvavacuum sa lasa. Tumingin ako sa kabilang side at nakita ko si mrs. Park na nakaupo sa sofa .
Agad akong lumapit sakanya at nagbow ako sa harap nya. "Hi po mama" I greeted. Ngumiti naman sya "Hello anak. Upo ka dito, dali!" sabi nya at tinuro yung bakanteng space sa tabi nya. Umupo ako doon.
"Ba't po pala kayo napapunta dito?" tanong ko. Huminga sya ng malalim tapos hinawakan nya ang dalawa kong kamay. "Magpakasal na kayo"
Magpakasal na kayo
Magpakasal na kayo
Magpakasal na kayo
"Please?" she pleaded. I smiled a bit. This is too fast. "Ma hindi pa po kami nagiisip ng ganyan" sabi ko. "I know. Pero gusto ko maging totoong pamilya na kayo. Gusto ko mapalitan na ang apelyido mo, Park Baekhyun" she said. I pursed my lips. "Kailan po ba yung kasal?" tanong ko
"Next month"
__
T B C