Wala namang bago ngayong araw na to. Akala ko hindi dadating tong si Kingkong yun pala nauna pa sakin. Excited ang peg!
Andito kami ngayon sa park. Ang bata daig pa inosente. Wag nyang sabihing... Hindi ko na napagpatuloy ang naiisip ko dahil bigla na lang syang nag salita.
"Thalia alam mo bang pangalawang beses ko pa lang pumunta dito sa lugar na to?" Kaya naman hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Sus! Baka mamaya nyan eto din sinasabi nya sa mga dinadala nya dito eh.
"So?" I said with a boring tone.
"Wala nasabi ko lang." Tapos bigla na syang tumayo. Good makakauwi na din ako.
Mag-iiba na sana ako ng way ko ng bigla nya kong hawakan sa kamay ko. "Where do you think you're going?"
"Home!" I said while my eyes stopped to our hands.
"Sino may sabi sayong uuwi ka na?" Bwisit na lalaki to makasigaw akala mo ang kausap nasa kabilang ibayo.
Sa bwisit ko tinapakan ko ang paa nya. "Aba! Malay ko bang may pupuntahan pa tayo tsaka tumayo ka na di'ba? Alangan namang hintayin kita sa kinauupuan natin kanina?" Kung maikli ang pasensya nya, pwes! MAS MAIKSI ANG PASENSYA KO SA KANYA!
"Kaya ako tumayo para bumili non." Sabay turo nya sa mga lobo.
"Teka ano naman ang gagawin mo sa lobo? Ano ka balik pagka bata?" He laughed. Antipatiko! Tapos bumili na sya ng lobo.
"Yung tanong mo pala. Hindi ibibigay ko don sa dalawang bata. Mukhang gustong gusto kasi nila to." Bago pa ko makapag salita umalis na sya. Minsan pala may pagkabait din pala tong lalaki na to.
"Tara balik na tayo sa pwesto natin." He winked at me.
"Obviously,hindi ko naman talaga gusto dito pumunta tsaka sa dinami-daming babae sa school hindi ko maintindihan kung bakit kita niyakag dito?" He sighed. Problema nitong lalaki na to.
"Sana iba ang niyakag mo,may fans club ka di'ba? Yung president o vice-president sana ag niyakag mo at hindi ako!" Sabi ko in a sarcastic way pa yung AKO.
"Ayoko. Maiba ng usapan,alam kong iniisip mo na marami na kong dinadala dito sa lugar na to pero sa totoo maniwala ka man o hindi ikaw pa lang ang nayakag ko sa lugar na to." Halata ba sakin na ayun ang iniisip ko kanina?
Ah. Okay.
"Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita kaya sorry kung napahiya ka. hmm, Can I be your friend Thalia?" Ano nakain nito at nag sorry.
Okay.
Habang nag-uusap kami ni Kingkong bigla namang tumawag si Lensha.
Oo. Alam kong andito ka kaya wag ka ng magtago dyan. Sana kagatin ka ng munchangchang. Chismosa!
Sa dami dami ba naman kasing tataguan bakit sa likod pa ng puno. Abnormal talaga tong babae na ito.
All in all masaya naman pala syang kasama kahit mainitin ang ulo ng impakto.
"Thank you sa pagsama sakin Sungit." He smiled and winked at me.
"My pleasure Kingkong." I smiled at him.