I've Fallen For You (JhaBea)

By iAmUrs

23.2K 603 203

istorya ng dalawang taong magkaiba ang mundo.. iba ang pananaw sa buhay, hindi magkasundo sa lahat ng bagay... More

I've Fallen For You (JhaBea)
Prolouge
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one

Chapter Twenty-eight

475 16 7
By iAmUrs

eto ang isang kabaliwan ni Luke sabi ni Berna :)

^_^_^_^_^_^_^_^_^

Luke’s POV:

Grr, nakakainis! >_< sino siya para palitan ako ng ganun? Sigurado namang mas gwapo pa ako dun sa lalaking yun. Ginayuma lang siya, wala na kayang mas ga-gwapo pa sakin! Kailangan kong patunayan kay Misty na niloloko lang siya nung lalaking yun! Pero paano? Suntukan nalang kami. Ang daya naman kasi eh, bigla-bigla nalang niyang sinabi na engaged na siya. Bakit di nalang sakin? Alam ko naman meron siyang feelings para sakin, malakas ang appeal ko noh!

“sir!” grr, isa pa to! Nag-iisip nga ako ng paraan mapalayo lang si Misty dun sa fiancé niyang panget kahit di ko pa nakikita tapos sisirain lang netong Berna nato. >_<

“BAKIT BA?!”

“bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? Kanina pa kaya ako kausap ng kausap di ka nasagot. Tss” nagcross arms siya. Aba sino boss dito?

“KAILANGAN BA LAGI KITANG SINASAGOT? GAGAWIN KO KUNG ANONG GUSTO KO! TANDAAN MO AKO ANG BOSS MO! KAYA KAHIT TEN YEARS KANG MAGHINTAY DIYAN SA ISASAGOT KO, HINTAYIN MO OK?! MASYADO KANG ATAT ALAM MO YUN?!”

“sus, di ako magaaksaya ng ten years kahihintay sayo noh! Kahit sira ulo hindi ka iintayin dahil sa ugali mo!”

“anong sabi mo?” hindi ko kasi narinig dahil pabulong niya lang yun sinabi.

“wala po! Nagtatanong lang kung anong gagawin ko eh. Sungit!”

“ano?!”

“wala! Lalayas na ako, tawagin mo ako kung may kailangan ka mahal na hari! Maghihintay ako!” she said sarcastically. Hays, badtrip na nga dinadagdagan pa netong sungit nato. Lumabas na siya, bahala siya sa buhay niyang maghintay. Nag-iisip ako ng paraan para di matuloy yung kasal nila. Tama! Ayun nga! Siguradong magtatagumpay ako sa gagawin ko! Bwahaha!

Berna’s POV:

Nakakainis yung lalaking yun! >_< kanina nagtatanong ako kung ano ang gagawin ko tapos bigla-bigla nalang magagalit kahit na wala namang ginagawang masama sa kanya! Tapos ngayon naman na umalis na ako at nasa baba eh tinatawag ako at may gagawin daw! Ano bang trip neto? Badtrip ah!

“ano pong maipaglilingkod ko sa inyo mahal na mokong este hari pala” pagdating ko naman ang ganda ng ngiti. Laganap sa kanya ang bipolar virus ah. Kailangan ko na atang uminom ng vitamins at baka mahawa ako.

“have a seat ms. Cortez.” Ngayon naman pormal na pormal.

“ano bang kailangan mo?” iritado kong tanong, umupo ako dun sa sofa. Tumayo siya at lumapit sakin na may ngiting tagumpay. Problema neto? Oy, bakit palapit siya ng palapit? Nakatingala na ako dahil nga naka-upo ako tapos siya nakatayo.

“a-anong iuutos mo?”

“I need you!” sabi niya na may mabibighaning boses. Napalunok ako ng laway, anong I need you ang sinasabi niya?

“baliw ka ba? A-ano ngang kailangan mo?”

“ikaw nga! Bingi ka ba?” yumuko siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nikakabahan ako.

“I need you to be mine.” He smirked. Parang meron nanamang gagawin tong kalokohan ah.

“o-oy, di ako nakikipagbiro sayo Velasco. Kahit bo-boss kita di ako papayag” nakayakap ako sa dibdib ko. Huhu, baliw na ba to? TT____TT Nasira na ang ulo dahil sa sobrang bipolar? Na-overdose na ba to? O nakalimutan lang uminom ng gamot?

“bakit ayaw mo? saglit lang naman to eh, siguradong mag-eenjoy ka. Swerte mo at ako pa ang nag-aalok sa’yo, yung iba pinipilit pa ako pero ayaw ko talaga! Tsaka pasalamat ka at ako pa ata ang makakauna sa’yo.” nakasmirk parin siya. Hala sinasapian na siya, hindi pala, dati na siyang may sapi.

“ano ba kasing kailangan mo?” naiinis na ako.

“are you deaf? Sinabi ko na nga diba? Tss” so totoong may pagnanasa siya sakin? Huhu, etong pervert na to. Di ako napatol sa mga playboy at kulang ang turnilyo ng utak! Huhu somebody help me, hindi pwede to. Sa kanya lang mapupunta ang kinaiingatan ko, huhu hindi para sa kanya to. Sa mahal ko lang ibibigay ang----

Kailangan ko nang makalabas dito pero baka nilock na niya ang pintuan tapos-tapos paglabas ko dito, wala-wala na ang pagkababae ko tapos-tapos magkakaroon ng baby. Isang Luke din na bipolar tapos-tapos dadami na sila tapos lalaganap na ang virus niya tapos di na ako makakawala. Waaaahhhhhhh.

“WAAHHHHHHH! Wag po, bata pa ako!”

“ano bang pinagsasabi mo?” sabay hampas nito sa noo ko, aray ha!

“siguro meron kang pagnanasa sakin noh?” tanong niya, yabang! Baka nga siya yun eh.

“aray, sa tingin mo may papatol sa’yo?”

“sus, if I know gabi-gabi mo akong pinagnanasaan.” Tss, talagang makapal na ang libag neto sa mukha.

“ano ba kasing kailangan mo?!”

“ang kulit sabi ngang ikaw eh!” as in ako talaga? Pero saan?

“ha? A-ako? saan?”

“ikaw kung anu-ano ang iniisip mo. akala mo papatol ako sa’yo! Yung tinutukoy ko, kailangan kita para sa plano ko.”

“plano?”

“yes, plano! At ikaw ang alas ko para makuha ko yung gusto ko”

“anong plano ba? Tsaka bakit ako?”

“ganito kasi yun, I have a girl that I like.”

“weh, ikaw may gusto?”

“shut up, ganito kasi makinig ka ah.”

“this girl, I’m 100% sure na meron din siyang gusto sakin” kapal ah.

“paano mo nalaman na may gusto siya sa’yo?”

“nararamdaman ko bakit?” naku,kakapalan na yan ng libag kaya ganyan ang nararamdaman mo.

“pero engaged na siya.”

“oh diba, makapal lang ang libag mo. feeling mo lahat ng babae may gusto sa’yo, pati tuloy ako nadadamay.”

“ano ba! I’m serious. She’s engaged pero ako ang gusto niya.” Oh diba? Engaged yung babae tapos meron daw gusto sa kanya.

“tanga! Paano magkakagusto sa’yo yun kung engaged na siya.” Binatukan ko nga.

“aray, bakit mo ako binatukan?”

“eh, yung utak mo kasi lumilipad eh, maniwala ka sakin. Kung gusto ka niya, sa’yo sasama yun. Pwera nalang kung arrange marriage sila, pero imposible yun noh! Unang-una haler 2013 na kaya, panahon pa ni kopong-kopong yung mga yun. Pangalawa,nasa Pilipinas tayo. It’s a free country and you can do what you want kaya kung ayaw niya dun sa lalaki, lalayo at lalayo yang babaeng gusto mo at sasama sa’yo”

“hindi, I’m sure nahihiya lang siyang sabihin sakin yun dahil ginayuma lang siya nung panget na fiancé niya” at ngayon papasok na ang gayuma?

“anong gayuma pinagsasabi mo? tsaka makapanget ka naman gwapo ka? nakita mo na yung lalaki?”

“hindi pa, pero sigurado akong ginamitan niya si Misty ng magic spell kaya siya nagustuhan neto. Sigurado namang mas gwapo ako dun sa lalaking yun how come na siya parin ang magugustuhan ni Misty?” so Misty pala ang name ng kinababaliwan ng baliw nato? Magic spell, magic spell. Sampalin ko to eh.

“Tol, walang magkakagusto sa’yo sa ugali mong yan kahit na ganyan pa kaganda ang mukha mo,  eh ako mas pipiliin ko rin ang pangit pero mabait kesa sa gwapo nga kaugali mo naman. Nangangarap ka lang ng gising ok? Kaya tigilan mo na yang plano mong bulok at mas corni pa sa mais.”

“hoy, ikaw nilalait mo ba yung plano ko? hindi ako nagbibiro ok? Seryoso ako! tsaka mukhang hindi mo naman ako tinutulungan eh.” Ay seryoso pala siya? Mukha kasing hindi, meron ba naman kasing gayuma, magic spell na sinasabi tong lalaking to.

“hehe, problema mo na yan. Wag mo na akong dinadamay-damay diyan sa kabaliwan mo! pati lovelife mo ako magsusulosyon? Sana ako nalang yung umibig dun sa gusto mo.”

“hey, utos ko yun sa’yo!”

“sir, ano naman po ba ang maitutulong ko diyan? Ni hindi pa nga ako nagkakaboyfriend eh.”

“ngayon meron na!” confident niyang sinabi. Ha? Ano daw? Siya alam niya na may bf ako pero ako, sarili ko hindi ko alam?

“ako!” dagdag pa niya. Napanganga lang ako sa sinabi niya.

“haha, haha, bwahaha.. wahahahah” haha sakit sa tiyan.

“oy, hindi ako nagbibiro.”

“haha, sige na ikaw na corni.. haha”

“hey, I’m serious”

“haha, loko kala mo mabibiro mo ako.. bwahahaha” grabe siya manjoke. ^_____^

“STOP!” sumigaw na siya, naku seryoso na yung mukha niya. di ba talaga siya nagbibiro? Tumigil narin ako sa kakatawa, pigil na pigil.

“I’m serious ok? I’ll be you boyfriend.”

“HA? SIRA KA BA? AYOKO NGA!”

“you must follow the command of your employer.”

“EH GRABE NAMAN KASI YANG INUUTOS MO! AYOKO NGA.”

“just do it!”

“NO!”

“YES!”

“NO!”

“I SAID YES!”

“NO! NO! NO!”

“YES! YES! YES!”

“NO!”

“GRRR. I’ll lesser your debt 5%! and I’ll pay you.”

“20”

“10”

“15”

“grr. Ok ok. 15%”

“deal” at dun natapos ang debate namin. Pumayag akong maging girlfriend niya, yuck ang pangit pakinggan pero oo magiging fake lovers kami. Isang araw lang naman ako magpapanggap, sasama lang naman ako sa birthday daw nung girl at pagseselosin daw namin siya. At paglumapit yung girl kay Luke na baliw at sinabi na siya ang totoo niyang mahal, ayun na edi sila na daw. hay, sinakyan ko na. total ang habol ko lang naman eh yung mabawasan yung utang ko sakanya at may instant talent fee pa ako. diba? Bahala siya kung failed man ang gagawin niya pero sure naman akong mission failed ang mangyayari, sa plano ba naman niyang bulok.

“waaah, grabe Berna iniisip ko palang na magiging kayo kinikilig na ako!”

“hindi kami magiging kami Clarissa! Walang magiging kami dahil wala naman. Ginawa ko lang yun para mabawasan yung utang ko sa kanya!”

“sus, ganun parin yun noh. Naging kayo rin sa ibang tao kahit peke at pagpapanggap lang.”

“iba yun, walang love na namamagitan” – Charles

“sus, ewan ko sa inyo pero ako boto kay sir Luke.. kyahh.. aray, makabatok naman Berna?”

“loka ka kasi, magsama kayo ni Luke mokong.”

“haha, ok nga yun eh. Ganun na ganun ang nangyayari sa palabas diba? Nagpapanggap tapos mahuhulog sa isa’t isa tapos ayun na voila. And they live happily ever after.”

“sa palabas lang yun. Walang mangyayaring ganun, asa pang patulan ko yun at nangangako ako sa bato na hindi ako mahuhulog sa kanya. Kahit ipako niyo pa ako sa krus.”

“OA much? Bahala ka, conclude ka nang conclude agad-agad.” – Clarissa.

Totoo naman diba? Nararamdaman niyo rin yan mga readers? Alam niyong loyal ako kay sir Santi. At bago ako pumirma ng kontrata sa author sinabihan ko na siya at pumayag naman. Diba author?

^_^_^_^_^_^_^_^_^

oh kayo na ang sumagot kay Berna! payag ba kayo sa Luke at Berna loveteam? haha o Berna-Santi?   magpapanggap silang magbf-gf. exciting! :)

Continue Reading