Korrine's POV
Naglakad ako ng mabilis para makahabol sa first subject namin. Hindi ko alam kung bakit hindi tumunog yung alarm ko. Hindi tuloy ako nagising ng maaga. Damn it. Mamaya may surprise quiz na naman yung magaling naming teacher. Minsan ang hirap din pag may topak teacher mo eh, kahit wala pang tinuturo magpapaquiz agad. Asan ang hustisya?
"Ay sorry!" Paghingi ko ng paumanhin sa nabangga ko. Aish! Kung bakit ba kasi naisipan ko pang magpa-bangs. Ang hirap tuloy mag-adjust.
"Ang aga aga ang lalim ng iniisip mo." Napa-angat ako bigla ng marinig ang boses ni Brake. Wow, sa dinami dami ng tao sa school na to siya talaga agad ang bubungad sakin? Ngumiti siya sakin kaya umirap ako. Ugh! Hindi ako sanay na ganito siya. Kung tutuusin dapat sinusungitan niya ko ngayon eh. Tsk, mas gusto ko naman yung ganun kesa sa ganito siya no. Ang creepy!
Pinitik niya ng mahina ang noo ko at sinamaan ako ng tingin. Nababasa niya ba yung nasa isip ko?!
"Yah! Ano?" Pagsusungit ko kunwari sa kanya. Duh, hindi ko parin nakakalimutan na nakipag-date siya habang nasa hospital ako.
"Anong ano? Wala ka bang napapansin sakin?" Lalo pang kumunot ang noo niya ng tinitigan ko siya. Ano namang bago sa kanya? May mata parin siya, kilay, ilong at bibig. Kumpleto pa naman yung kamay at mga daliri niya ewan ko lang sa paa. Si Brake parin naman siya ah? Ano bang pinagsasasabi niya? Tsk. Kung hindi ko lang siya mahal hindi ko siya pag-aaksayahan ng oras.
"Ano bang meron? Si Brake ka parin naman." Tinulak niya ang noo ko at umirap. Napangiti naman ako bigla. Ano bang pinuputok ng butsi niya? Pft, ang totoo bagong gupit siya. Pero dahil madami siyang atraso sakin, iinisin ko siya. Sino ba namang hindi makakapansin? Lalo kaya siyang gumwapo!
"Tss. Wala, tara na." Hinila niya bigla yung bag ko at sinabit sa balikat niya. Napatigil ako sandali at ngumiti. Malala na nga talaga tong si Brake. Napansin ko rin na pinagtitinginan na siya ng mga estudyante pero as usual, siya si Brake kaya wala siyang pakialam.
Pero nagulat ako ng matapat ako sa mga nagkukumpulang babae ng marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam pero bigla kong naikuyom ang kamao ko.
"Oh my gee! Siya nga yon! Yung babaeng na-rape right! And guess what?! Nabasa ko sa isang blog na hindi siya totally na-rape! Gusto niya lang daw mapansin! Pathetic right?"
"Really? But I heard, hindi naman talaga siya ni-rape? She's a flirt daw kaya ganun."
"Ohh. Well, halata naman. And base sa mga nakikita ko ngayon, si Brake naman ang next target niya. Oh gosh!"
"Nakakaawa siya."
"Bawiin niyo lahat ng sinabi niyo." Nakita ko si Brake na nasa harapan ng mga babaeng pinag-uusapan ako. Kitang kita ko ang galit sa mukha niya. "Babawiin niyo ba o masasaktan kayo?" Nilapitan ko si Brake at inawat. Mukhang natatakot narin sa kanya yung mga babae. Kahit ako din naman, para na siyang kakain ng taong buhay.
"B-brake stop."
"S-sorry. Hindi naman naming sinasadya." Paghingi ng paumanhin nung babaeng maliit. Mukhang freshman siya.
"Sinabi lang naman naming yung mga nabasa naming about her. We didn't mean it." Singit din nung isa.
"Bago kayo manghusga ng ibang tao siguraduhin niyong alam niyo ang buong nangyari. Babae rin kayo kaya dapat alam niyo kung ano yung pinagdadaanan niya ngayon." Kalmadong sabi niya. Hinila niya ko at iniharap sa mga babae. Damn it, masyado ng madaming tao ang nakatingin samin. "Lahat kayo! Wala kayong karapatang pag-usapan tong babaeng to. Kung hindi, may kalalagyan kayo."
Hinila niya ko at mabilis na naglakad palayo sa lugar na yon. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Pero sobrang sarap sa pakiramdam na pinagtanggol niya ko kanina. Pero hindi parin maalis sa isipan ko yung mga sinabi nila. Saang blog naman galing lahat ng yon? At sino ang gumawa? Posible kayang si Kirstin din? Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Sa isang iglap biglang nagbago ang pagtingin sakin ng mga kapwa ko estudyante. Ang sakit pala talaga mahusgahan.
"Don't cry. They don't deserve your fucking tears." Tumigil kami sa paglalakad. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang pisngi ko. But damn, hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Akala ko maayos na lahat dahil hindi naman nakita ni lola ang mga pictures pero hindi parin pala.
Nagulat ako ng bigla niya kong hilahin papalapit sa kanya at yinakap. Hinaplos niya ang buhok ko kaya lalo akong naiyak. Ayoko talaga na may nagcocomfort sakin, lalo lang akong naiiyak. Yung tipong hindi mo mapigilan yung sarili mo kasi naiiyak ka talaga. Damn it.
"I said stop. Kapag di ka tumigil hahalikan kita." Parang tumigil ang tibok ng puso ko ng marinig ko yung sinabi niya. Nang makakuha na ko ng lakas tinulak ko kaagad siya. Kahit naman mahal ko siya hindi parin okay sakin na halikan niya nalang ako. Gusto ko pag nangyari yun, kami na. Yung tipong nasa napaka-romantikong lugar kami. Hindi dito no!
"Sabi ko nga titigil na ko. A-akin na nga yang bag ko!" Ngumisi siya bigla at tinitigan ako. "Kung makukuha mo." Tinaas niya ang kamay niya at nginitian ako. Ayan na naman yung ngiti niyang pamatay. Tumingkayad ako at sinubukang abutin ang bag ko. Kapag nakuha ko talaga to susuntukin ko siya sa mukha!
"Amin na nga kasi!" Napapagod na kong abutin. Ngalay na ngalay na yung kamay ko eh. Parang anytime mapuputol na!
"Abutin mo." Napatigil ako sa pagtalon ng mapansing ang lapit na pala ng mukha naming sa isa't isa. Bigla akong tumalikod at pinaypayan ang sarili ko. Shet, bakit biglang uminit?! Those fucking eyes of him, bakit sobrang nakaka-inlove?! Ahh! I am going crazy!
Napatingin ako sa kamay niya nasa balikat ko.
"Tara na. Late na tayo second subject." Oh shoot! Paano ko nakalimutang may klase pa pala kami?! Hindi tuloy ako nakapasok sa first subject naming aish!
Naabutan naming nagkakagulo sa loob ng classroom. Don't tell me wala na naman kaming klase sa English? Aba naman! Malapit na ang sembreak naming pero wala parin kaming lesson sa English. Ngangabels na naman kami sa exam.
"Lq yung dalawa?" Nilapag ko yung bag ko at tiningnan kung sino ang tinuturo ni Brake. Napakunot ang noo ko ng makitang hindi magkatabi ang dalawa. Naka-earphone si James habang si Darlene busy'ng busy sa pakikipag-usap sa mga katabi niya. Anong nangyari sa dalawang to? Wala naman silang nakukwento sakin or what, break na ba sila?
Nilapitan ko si Darlene at hinila palabas ng room.
"What?" Inirapan ko siya. Siya pa may ganang tarayan ako eh siya nga tong madami di sinasabi sakin. Aba, simula ng maging sila ni James nakakalimutan niya na ko. Ni hindi na siya nagkukwento sakin eh, bihira nalang din kami magkasama. Tsk, dapat marunong kang maghati ng oras sa pagitan ng boyfriend mo at ng kaibigan mo. Hindi porket naka-botfriend ka, kakalimutan mo na agad yung mga kaibigan mo.
"Break na kayo?"
"Ewan ko sa kanya. Tsk. Ang taas ng pride!" Nag-cross arms siya at umirap ng umirap. Argh! Ako ang nahihilo sa ginagawa niya.
"Ano bang nangyari?"
"Nahuli ko lang naman siya na nakikipagharutan sa parking lot! Kaya pala hindi niya sinasagot yung tawag ko kasi busy siyang makipagtawanan sa panget na babaeng yon!" So obviously, mas pinairal niya ang selos kesa komprontahin yung boyfriend niya. Tss.
"Then, hindi man lang kayo nag-usap?"
"Nag-usap. Pero nainis lang ako. Tama ba kasing sabihin niyang hindi niya alam kung anong kinagagalit ko?! Argh nakakainis na talaga siya! Magsama sila nung panget na yon!" Inirapan ko siya at inwan sa labas. Let me hear the side of James. Hindi naman kasi pwedeng kay Darlene lang ako makinig. Mamaya exaggerated lang talaga siya kung magkwento.
Hinila ko yung earphone niya.
"Babe? Mamaya na pala yung date mo." Ngumiti lang ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Oo nga pala, nagpa-set nga pala ako ng date sa kanya. Well of coure makikipag-date parin ako! Hindi pa ako nakakaganti kay Brake no. Kahit na pinagtanggol niya pa ko kanina hindi parin sapat yon.
"What happened?" Tinaasan niya ko ng kilay kaya hinampas ko siya ng mahina. Ugh, bakit ba kasi ginagawa ko pa to? Malalaki na sila eh, dapat sila yung umaayos ng problema nila. Tsk, pero paano nga ba maayos kung kahit isa sa kanila wala namang balak ayusin? "Sa inyo ni Darlene."
"I don't know."
"What? You know what? You two should talk! Hindi yung ganyan." Umiling-iling siya at dinampot ang bag niya. At talagang lalayasan niya ko? Kinakausap ko pa siya eh! Bastos din talaga tong si James eh! Aish! Pero bago siya umalis, lumingon ulit siya sakin.
"Mahirap makipag-usap sa taong sarado ang puso't utak." Sabay tingin niya kay Darlene. Nakita ko namang lumungkot ang mukha ni Darlene at nag-iwas ng tingin. Tsk, edi siya din nahirapan sa kagagahan niya.
"Minsan kasi Dar, dapat hindi puro sarili ang iniisip. Kung nasaktan ka sa nakita mo, nasasaktan din siya sa ginagawa mo. I hope maayos niyo yan." Tinapik ko yung balikat niya at bumalik sa upuan ko.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng antok. Papikit palang sana ako ng biglang may pumukpok sa table kaya napa-angat ako. Yung president lang pala namin.
"Listen everyone!" Kahit antok na antok na ko, pinilit ko paring gisingin yung diwa ko. Malupit pa naman tong president na to lalo na pag may nakikita siyang hindi nakikinig sa kanya. Si James nga nabato na ng chalk at pentel pen dahil sa kadaldalan niya dati. "May sasabihin ako. Lahat ng makikita kong hindi nakikinig magttwerk dito sa harap hanggang sa matapos ang klase!" See? Umayos ako ng upo at inirapan siya. Kung babae lang sana siya baka nasabunutan ko na siya.
"Sabihin mo na agad!" Reklamo ng isa kong kaklase. Pinandilatan naman siya ng mata kaya nanahimik kaagad siya.
"We have a new classmate. I know sobrang late niya na, to think na magsesembreak na. Pero anak siya ng may ari ng LEU kaya nakahabol siya. Kailangan niya ng tutor at dito sa klase natin kukuha. May gusto bang mag-volunteer?"
Wala kahit isa ang nag-taas ng kamay. Ikaw ba naman kasi magturo sa anak ng may-ari ng LEU diba? Kahit ikaw pa ata pinakamatalino sa klase hindi ka parin magtataas ng kamay. Paano nalang kung hindi mo maturuan ng maayos at bumagsak? Edi nasa sayo pa ang sisi.
"Babae ba?" Tanong naman ni Darlene kaya napalingon ako sa kanya. Don't tell me mag-vovolunteer siya?! Oh common, nagpapatawa ba siya?! "What?! Nagtatanong lang ako okay?" Sabay irap niya.
"Mr. Alonzo, pwede ka bang pumasok?"
Nanahimik kaming lahat at naghintay na pumasok siya. Para ngang may dumaan na anghel sa mga harap namin eh. Pero biglang nagsigawan ang mga babae ng bigla siyang pumasok. Kahit ako nagulat! Anong ginagawa niya dito?! Bakit siya pa? Bakit siya? Bakit?!