Chapter 13: Forgiven
Nakatanga pa rin ako na nakaupo sa couch sa sala namin. Actually, nakabihis na ako ng pang alis. Balak ko na kasing bumalik sa bahay nila Alex. Nangako pa naman ako na babalik agad para kay Aki. Pero hindi ko magawang kumilos agad. Nagdadalawang isip kasi ako. Naisip kong baka si Alex naman ang galit sa akin ngayon.
'Nakakatakot pa naman siyang magalit.'
"Sumire-chan. Anong tinutunganga mo dyan?" Untag ni Kuya Travis ng mapadaan ito.
"Nani? (What?)" Wala sa loob na tanong ko pabalik.
Umiling iling ito. "Nagmamadali ako. Hindi na kita maihahatid. Si Youichi kanina pa nakaalis. Walang maghahatid sayo."
Tiningnan ko siya saka tinanguan. "Okay lang Kuya. Kaya ko namang magcommute."
Nang makaalis na si kuya ay naiwan na naman akong mag isa. Nasa taas pa kasi sina Mommy't Daddy at tulog pa.
Hindi ko namalayan kung gaano na ako katagal na nakatunganga doon ng may marinig akong busina sa labas ng paparating na kotse.
Agad akong napatayo at kinabahan.
'Oh my God! Sino yun? Si Alex kaya? Sinusundo ako?'
Hindi naman siguro si Kuya yun. Pero napaisip ako, imposible din namang si Alex yun. Alam niya ba ang bahay namin? Pero magkaibigan sila ni Kuya, alam niya naman siguro?
'Hoy Sumire wag kang assuming dyan. Feeling mo naman susunduin ka ni Alex? Bakit sino ka ba?'
Napapikit ako ng mariin at umiling. At bago pa ako mabuang sa kakausap sa sarili ko ay nilapitan ako ng kasambahay namin.
"Ma'am may bisita po kayo." Imporma nito.
Tiningnan ko siya. "Sino daw?" Kinakabahan ko pang tanong.
"Si Sir Natsume po. Papapasukin ko na po ba?"
"Ah sige papasukin mo na."
Umalis na ito doon. Napaisip na naman ako kung ano ang ginagawa dito ni Natsume. Naupo nalang ako ulit habang hinihintay na makarating si Natsume.
"Eheem.."
Napalingon ako ng may tumikhim. Hindi ko na naman maiwasan na mapatulala sa kanya. Hindi ako sanay na ganito na siya kagwapo ngayon. I mean, gwapo naman na talaga siya noon pa, kita naman yun even behind his nerdy looks pero iba na kasi ngayon na ang gwapo na ng porma niya. Wala na yung malaking glasses nito at ang buhok na napabayaan yata dahil sa haba nun.
Napakurap ako ng may pumitik sa may mukha ko.
"Hey, nagwapuhan ka sakin noh?" Nakangiting sabi nito.
Tinikom ko ang bibig ko na hindi ko namalayan na napaawang. Tumayo na din ako at tumikhim bago magsalita.
"Natsume. Uhm. Bakit ka naparito?" I asked him.
He chuckled. "Can we sit down first?"
"Oo nga pala. Upo ka muna. What do you want? Coffee, tea, juice o tubig nalang?" Alok ko sa kanya.
Ngumisi ito. "Pwede bang ikaw nalang?"
Napatulala na naman ako. Ngeeks.. Nakakapanibago talaga ang isang to.
"Ha?"
He chuckled again before sitting down. "Grabe ka ha. Ilang taon lang naman tayong hindi nagkita, hindi naman siguro dekada para maging ganyan ka sakin." Tudyo pa nito.
Pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko dahil ramdam ko ang pag iinit nito. "H-hindi ah. N-nakakapanibago ka lang kasi."
"Sus, anyway, wag ka ng mag abala pa. Maupo ka na lang." Anito at hinawakan pa ang kamay ko at hinila ako paupo.
"T-teka lang naman." Naupo ako ng maayos sa tabi niya. "Ano na nga ang sadya mo dito? Umalis na kasi sila Kuya eh."
"Hindi din naman sila ang sadya ko. Sila Tita at Tito, hindi ko nga inaasahan na nandito ka pa. Nang makausap ko kasi si Youichi kanina sa phone ang sabi niya baka daw nakaalis ka na." Pahayag nito.
"Aalis naman na dapat ako kaya lang natagalan lang kasi may ginawa lang ako saglit." Pagpapalusot ko. "Anong kailangan mo kina Mommy?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala naman. I just want to have some chat with them since it's been a long while that I've been here." Sagot nito.
"I.. I see. Do you want me to wake them up for you?" Nag aalangang tanong ko.
Umiling ito. "Wag na. Nandito ka naman eh. Teka, saan ka na ba nagwowork? Bakit nga pala nakita ko kayo dati ni Alex na magkasama?" Sunod sunod na tanong nito.
Pagkabanggit sa pangalan ni Alex ay naalala ko na naman ay pinoproblema ko. Naghihintay ito sa isasagot ko kaya mabilis nalang din akong sumagot bago pa man ito makapag isip ng kung ano.
"Nagwowork ako sa kanya. Uhmm.. Yaya ako ng anak niya."
"What?" Di makapaniwalang tugon nito. "Y-yaya? Is that for real?"
Ngumuso ako. "Oo naman noh. Mukha ba akong nagjojoke?"
Umiling ito. "No. What I mean is.. Bakit yaya ka? I thought you want to work on a hospital? Why did you ended up as a nanny?" Tila naguguluhang tanong nito.
"Nag work naman talaga ako sa hospital. Kaso lang kinailangan ni Alex ng magbabantay kay Aki, eh hindi basta basta nagtitiwala si Alex sa kung sino lang. Ako ang nirecommend ni Kuya since friends naman sila." Paliwanag ko sa kanya.
'God. Why do I have to lie?'
"So desu ka? (Is that so?)"
Tumango ako.
"Anyway. Hindi ka pa ba aalis? Pwede kitang ihatid doon." Anito.
"Ha? Wag na. Nakakahiya naman. Tsaka di ba sabi mo kakausapin mo pa sina mommy at daddy?"
Ngumiti ito. "May next time pa naman. Ihahatid na kita."
"Okay sige na nga." Sang ayon ko nalang at saka tumayo.
-
-
-
"Arigato gozaimasu. (Thank you)" Kinalas ko sa ang seatbelt ng huminto na sa tapat ng bahay nina Alex ang sasakyan.
"Do itashimashite. (You're welcome.) Sige na. Pasok ka na. Mukhang hinihintay ka na ng amo mo." Then he chuckled. He was looking outside.
Tumingin ako sa tinitingnan niya at kitang kita ko si Alex mula dito. Open kasi ang gate nito na as in makikita mo ang bahay mula sa labas ng gate. At kitang kita ko na nakatayo sa may entrada ng bahay si Alex at mukhang dito nga nakatanaw as if he was waiting for someone.
"Sige Natsume. Salamat ulit sa paghatid sa akin. Sayonara. (Goodbye)." Paalam ko at nagmadaling bumaba ng kotse.
Hinintay ko munang makalayo ang sasakyan ni Natsume bago nagpasyang pumasok na. Laking gulat ko ng paglingon ko ay naroon na agad si Alex sa likuran ko.
"Oh my God! Ano ba Alex, bat ba ang hilig mong mang gulat?" Agad kong sita.
Napatingin ako sa seryoso na naman niyang mukha na nakatunghay sa akin. And as usual bumilis na naman ang pagkabog ng dibdib ko sa simpleng tingin pa lang nito.
"Why are you with Higarashi?" Tanong nito imbes na sagutin ang tanong ko.
'How did he know it was Natsume?'
Napakunot noo ako. "How did you know?"
"I recognized his car. So, why are you with him?" Ulit nito sa tanong.
"Y-yun ba? Nagpunta kasi siya sa bahay para makausap sana sina mommy kaso tulog pa. Tapos alam naman niyang aalis ako kaya nag offer siya na ihatid ako." Paliwanag ko.
"Really?"
"Oo naman."
"Then let's go." Anito at tumalikod na agad.
Haay. Ungentleman talaga. Walang nagawang sumunod nalang ako sa kanya. Habang naglalakad ay napansin kong hindi kami sa loob ng bahay papunta kundi sa garahe nito.
"T-teka Alex. Saan tayo pupunta? And by the way, where's Aki?" Tanong ko.
"He's at my parents house. I brought him there yesterday." Walang lingon likod na sagot nito.
"Bakit?"
"I have an important meeting today. And I thought you won't be here today."
"Sana tinawagan mo ako."
Bigla itong huminto at nilingon ako. "You're the one who should do that." Mariin nitong sabi.
"Teka. Wag ka namang magalit dyan. Wala naman kasi akong number mo kaya di kita natawagan." Palusot ko.
Ang totoo, pwede naman akong humingi ng number niya kay Kuya kaya lang nag aalala kasi akong baka galit siya sakin kaya di ko nalang ginawa.
Naningkit ang mga mata nitong naglalakad na ngayon palapit sa akin. Napapaatras tuloy ako.
"I have number on Travis. Why didn't you get it?"
Patuloy ako sa pag atras na hindi ko namalayan na nakarating na kami sa may garahe at napasandal ako sa kotse nito.
'Hindi ko man lang namalayan yun. Ang alam ko papunta pa kami sa garahe with him on the lead tapos lumingon siya sakin tapos ngayon nasa likod ko na ang kotse?'
Pag angat ko ng tingin ay ang lapit na ng mukha nito na halos magkandaduling na ako. Muli akong napayuko. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Gusto kasing kumawala ng puso ko.
"Gomen nasai Alex-san."
"What?"
"S-sorry. Sorry sa inasal ko the last time. Sorry. Sorry. Gomen ne." Hindi pa rin ako makatingin sa kanya.
Maya maya ay naramdaman ko na inangat niya ang mukha ko sa pamamagitan ng isang kamay nito.
He was standing straight close to me. Nakapamulsa na ang isang kamay nito at ganun nalang ang pagkakatulala ko ng makita kong nakangiti siya sakin.
"It's okay. You're forgiven, after all it's also my fault." Anito saka nito ibinaba ang isang kamay na nakahawak sakin. Tumalikod na ito at nagpunta sa kabilang side at narinig ko nalang ang pagtunog ng sasakyan, ang pagbukas at pagsara ng kotse.
'What was that?'