MIKA
"Vic, yung bola!"
Sigaw ko at tuluyan ngang natamaan ko si Vic sa mukha. Agad-agad naman akong tumakbo para lapitan siya.
"Uy Vic!" Tawag ko sa kanya at tinapik-tapik ko ang pisngi pero ayaw niya talaga magising.
"Grabe ang lakas mo talaga, Ye!" Sabi ni Kim at binuhat nila ni Carol si Vic.
Sumunod naman ako sa kanila papuntang clinic. Hindi ko maintindihan kung bakit parang lutang ngayon si Vic. Wala namang away na nangyari sa amin pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya ganyan. Kapag tinatanong ko siya, pagod lang daw siya. Nakumbinsi naman niya ako sa rason niya dahil nga naman busy kaming lahat sa academics namin. Lalo na siya, may balak kasi mag cum laude kaya todo aral.
"Miss, bakit po kaya nagkaganyan si Vic?" Tanong ko sa nurse.
"Halata sa mukha, lalo na sa mga mata niya na pagod na pagod talaga. Na-over fatigue lang siya." Paliwanag ng nurse.
"Baka nga sobrang pagod lang talaga si Vic. Sobrang busy din kasi tayo sa acads eh." Sabi naman ni Kim.
Umalis na yung nurse at kami na lang ang naiwan dito sa clinic. Ipinatigil na rin ni Coach Ram ang training namin ngayon dahil sa nangyari.
"Guys, saan tayo kakain?" Tanong ni Carol. "Dinner na oh."
Kinuha ko ang phone ko at oo nga, halos magseseven na.
"Dito na lang Kimmy noh?" Tanong ko kay Kim.
"Oo, dito na lang. Hintayin na natin 'tong si Vic. Gigising na rin yan." Sabi niya.
"So, ano bibilihin ko?" Tanong ni Carol.
"Bahala ka na. Basta bilhan mo rin si Vic." Sabi ko at inabot namin sa kanya ni Kim ang bayad namin.
Tahimik lang kaming nagbabantay ni Kim dito nang biglang bumalik si Carol.
"Ang bilis mo naman?" Tanong ni Kim.
"Hindi. Mika, may gustong kumausap sayo sa labas." Sabi ni Carol at umalis na rin agad.
"Kim, ikaw muna dito ah." Bulong ko kay Kim at tumango lang siya.
Naglakad ako palabas ng clinic at may mga taong sumalubong sakin. Mga mukhang photographer dahil meron silang mga hawak na cameras.
"Uhm.. Hi Miss Reyes!" Bati sa akin nung babae. Bumati rin ako sa kanila bilang ganti ko.
"I'm Jenna, from Chalk Magazine, we would like to inform you na we want you to be in the cover of the magazine for the next month issue."
Medyo nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Seryoso ba 'to? Nakapagpictorial na ako sa mga magazines pero ngayon lang ako magiging cover ngayon.
"And add ko na rin na may kasama ka sa Cover. Dalawa kayo doon. We're still not sure kung pumayag na yung makakasama mo eh." Sabi nung babae.
"Sino po ba?" Tanong ko.
"Ah, we're still not sure. Pero lalake 'to. Wala pa kasing sagot yung isa naming kasama. But maybe tomorrow you'll know, kapag nandun na kayo sa pictorial."
"Bukas na po agad?" Tanong ko. Grabe naman kung bukas na agad. Wala man lang paanyaya agad.
"Oops wait." Sabi nung babae at chineck niya ang phone niya. "Miss Reyes, sa susunod na araw na lang pala yung pictorial. So, deal ka ba dito?"
Wala ng isip-isip o kaya consent ng iba. Agad na akong pumayag. Minsan lang kasi mabigyan ng ganitong offer, aayaw ka pa ba.
"Yes. Thank you Mika. See you in the next day!" Paalam ng babae at nung nga kasama niya.
"Mika!" Biglang tawag ni Kim sa akin. "Gising na si Vic."
Agad akong tumakbo papasok sa clinic para makita si Vic. Naabutan kong medyo nag-uunat si Vic at bumangon na rin siya.
"Ano nangyari?" Mahina niyang sabi. Papikit-pikit pa nga eh. "Bakit tayo nandito?"
Linapitan ni Kim si Vic at pinagmasdan siya ng mabuti.
"Kilala mo ba kami?" Seryoso niyang tanong.
Nakipagtitigan din si Vic sa kanya na para bang kinikilala niya si Kim at ako.
"Baliw!" Sabi ni Vic at ni-facepalm niya si Kim.
Natawa ako ng bongga sa kanilang dalawa. Iba talaga ang pagkakaibigan nilang dalawa.
"Pero seryoso anong nangyare?" Tanong niya.
"Ganito kasi yun, naaalala mo pa bang nagtraining tayo kanina?"
Tumango naman siya.
"Habang nagtetraining tayo, nagpapractice tayo ng spiking. Tapos pumalo ako, hindi ko naman alam na biglang kang naglakad sa may gitna. Ayun, natamaan ka." Paliwanag ko.
"Ah, kaya pala medyo masakit ang mukha ko." Sabi niya at hinawak-hawakan ang mukha niya.
"Sorry."
Seryoso kong sabi at hinawakan ko ang kamay niya. Ngumiti lang siya at hinawakan din ang kamay ko.
"Cheesy naman nyan!" Biglang singit ni Kim. Talagang nigga na 'to panira lagi ng moment.
"Nga pala, asan yung kambal?" Tanong ni Vic.
"Right after na matapos ang training, agad silang umalis para bisitahin yung mommy nila." Sagot ni Kim.
"Si Carol?"
Pagkatanong ni Vic bigla na ring dumating si Carol na dala ang pagkain namin.
"Guys, eto na oh!" Malakas na sabi ni Carol at inisa-isa niyang nilabas ang mga binili niya. "Oh, gising na pala 'to."
"Ay hindi! Baka tulog pa rin." Bara ni Vic kay Carol at nagtulog-tulugan pa.
Binatukan naman ni Carol si Vic pero mahina lang naman. Kumain na rin agad kami para makaalis na kami dito sa clinic. Pagkatapos namin sa clinic, bumalik kami sa gym dahil kabilin-bilinan samin ni Coach Ram na kapag gumising na si Vic ay agad daw naming dalhin sa office niya. Habang nag-uusap sila, kami ng tatlo nila Kim ang nag-ayos ng gamit ni Vic at ibang kalat sa court.
"Guys! Tara na!"
Nabigla na lang kami nang may sumigaw sa court. Si Vic na pala yun, tumatakbo palapit sa amin.
"Ay wow, inayos niyo na ginamit ko. Salamat guys!" Sabi naman ni Vic at binitbit na ang gamit niya.
Nagmadali na rin kaming makalabas ng Gym dahil medyo dumidilim na. Kailangan pa naming magpahinga dahil training pa namin ulit pwera sa akin dahil may pictorial ako.
Nga pala, hindi ko pa nasasabi kay Vic yun. Mamaya ko na lang sasabihin kapag nasa dorm na kami.
"Alam mo Vic.. lately, napapansin kitang lutang lagi. Para bang may iniisip ka lagi. Masyado kang seryoso." Sabi ni Kim habang naglalakad kami.
"Tama ka, Kim." Pagsang-ayon naman ni Carol.
Ako naman, nakatingin lang sa kanila. Nakikinig lang ng usapan nila. Ayaw kong makisali. Kung meron man akong gustong itanong at malaman, doon na lang sa dorm namin.
"May problema ba Vic? O masyado ka lang nadadala ng acads natin at UAAP?" Tanong ni Carol.
"Yun siguro ang problema ko." Sagot ni Vic sa kanila. "UAAP at acads. Alam niyo naman, isang defense na lang gagawin ko sa major ko, gradWAITING na ako. Tapos UAAP pa. Huling taon na natin 'to kaya kailangan nating magpursigi lalo."
Wala talaga akong masabi sa determination ni Vic. Para sa team namin, sa kanya namin nakukuha yung energy sa paglalaro. Para ngang si Ate Aby siya eh. Quiet version nga lang pero once na magsalita, nako.. words of wisdom na yan! Haha.
"Tama tama!" Nakangiting sabi ni Carol. "Huling defense na nga pala natin noh. Kaya natin yun Vic!"
Magkablockmate kasi silang dalawa sa isang major subject nila kaya magkasama sila. Busy nga rin silang dalawa dahil may group study daw sila na para yata sa thesis nila.
"Kaya niyo 'yan guys!" Nakangiting sabi ni Kim at inakbayan ang dalawa.
"Weh.. porket ikaw, graduation mo na next week!" Sigaw naman nung dalawa.
"Congrats talaga Kim!" Bati ko at tinapik ko siya sa braso. Binati rin siya nung dalawa.
"Ikaw Ye, kailan sayo?" Tanong naman ni Vic sa akin.
"Hmm.. mukhang next year pa yata. Ang Graduation namin ay volleyball season natin. Medyo hassle nga." Sagot ko.
"Sus ikaw pa ba?!" Tanong naman ni Kim.
"Oo nga. Running for DL 'yan!" Sabi naman ni Vic.
"Eh ikaw naman.. candidate for Cum La!" Sagot ko naman.
"Eh di kayo na. Kayo na may honors! Leche ha!" Sabi naman ni Carol.
Nakapasok na kami sa dorm building namin at nakarating na kami sa dorm floor namin.
"Goodnight guys!" Bati namin ni Vic kina Kim. Medyo bungad kasi yung room nila kesa sa amin ni Vic.
Narating na rin naman namin ni Vic yung dorm namin at nabuksan niya na rin. Agad na kaming pumasok at nagshower. Ako muna ang nauna at siya ang sumunod. Pagkatapos namin makapaglinis na ng katawan ay agad naman kaming nag-aral. Si Vic sa may sofa at ako naman sa kusina.
"Vic." Tawag ko sa kanya.
"Yes?" At lumingon siya sa akin.
"Bukas pala, wala ako sa training natin ah." Sabi ko at kumunot naman ang noo niya.
"Bakit?"
"May pictorial ako sa Chalk!" Masaya kong sabi.
"Talaga? Yes naman! Solo cover ba?"
"Hindi eh. May kasama raw ako. Hindi naman sinabi nung babae kanina."
"Hmm.. sige sige. Alam na ba nila Coach yan?"
"Ah oo. Kasama namin si Coach Kaye kanina habang kinakausap ako ng mga taga-Chalk."
"Ah ok. Gusto mo hatid pa kita?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Talaga namang ginagawa niya mga duties niya bilang girlfriend ko. Ayieee lol.
"Uhm.. okay lang naman sakin. Pero sayo baka hindi naman. Training niyo bukas."
"Ano ba calltime niyo?"
"Mga 10 yata."
Tinignan niya ang phone niya at may tinype yata siya.
"Okay. Hatid na lang kita. Sinabihan ko si Coach na mga after lunch ako makikitraining sa kanila."
"Ha? Papayag kaya si Coach niyan?"
"Oo naman. Actually, kanina kasi sabi niya okay lang naman kahit magpahinga muna ako bukas dahil napapansin daw niya na parang wala raw ako sa sarili ko. Hanapin ko raw muna ang sarili ko bago ulit ako magtraining. Hindi naman ako nawala sa sarili ko, marami lang akong iniisip these days."
"Pero wala ka ba talagang problema?" Seryoso kong tanong. "Kung meron ka mang problema, wag kang mahiyang sabihin. Partners tayo dito."
"Salamat Mika ah.. pero kung may problema man ako ngayon. Gusto ko, sakin lang muna. Ayaw ko namang problemahin mo pa yung sarili kong problema." Sagot niya at ngumiti sa akin.
"Okay. Tell me those when you're ready na." Sabi ko.
"Yes. I will tell you. Thanks again." Sabi niya at lumapit siya sa akin.
"So, ihahatid na lang kita bukas tapos kapag pwede naman kitang sunduin. Susunduin kita." Sabi niya at inakbayan ako.
"Ikaw bahala. Basta gumising ka rin ng maaga bukas para hindi ako ma-late!" Sabi ko.
"Yes baby." At nagsalute siya. Parang baliw talaga.
"Tara, tulog na tayo." Tumayo na ako sa upuan at niligpit isa-isa ang mga gamit ko. Ganun din si Vic, nag ayos na rin siya ng mga kalat sa sofa.
"Mika.." papasok na sana ako ng kwarto nang bigla akong tawagin ni Vic.
"Goodnight."
"Goodnight din." Sweet kong sabi at pumasok na ako ng kwarto.
"Mika." Tawag ulit ni Vic at hinigit niya ako paharap sa kanya at kiniss niya ako. Medyo matagal bago ako nanigas sa pwesto ko pero hindi pa man ako nakakagalaw agad na niyang tinapos ang kiss niya sa akin.
"Sweet dreams!" Sabi niya at pumasok na siya sa kwarto niya.
Well, siguradong masarap tulog ko neto. Matutulog na lang kami, lakas pang magpakilig ng taong yun. Haaaay Vic! Hihi.