**School
“Guys, mauna na ako sa baba ha, tignan ko pa kasi task ko ngayon e”, saad ko kina Alaine bago ako dumiretso sa baba
“O, Sige”, sagot ni Alaine
Task?
Part kasi ako ng Student Council namin, at every week may iaasign na task sayo,
OD- Officer of the Day- yung magchecheck ng mga late, improper uniform etc.
Mic- yung magsaalita sa mic among the whole student body
Bell- yung magriring ng bell pag time na magbreak, pumila, o magdismiss
Rounds- yung magpapababa ng mga staying sa kanikanilang classroom
Stairs- yung magbabantay sa staircase tapos mananaway sa maiingay
<higpit no? kahit saan may nagbabantay>
Mahirap? Medyo. Ok lang may week-off naman e.
~~~First Floor
Nanghinahanap ko ang task ko nakasabay ko si Angel
*Si Angel Lopez kaklase ko, part ng student council, president namin, kaibigan ko daw dati,(dati?daw? haha kasi hindi ko naman feel yung presence niya as a friend e. Such a bully siya actually), so demanding, bossy, chikadora, basta I can sense a dark side. Yun lang ang masasabi ko *
“Saira, rounds ka”, sabi niya sa akin nangmakita niya ang task ko
“Ahh, ok, thank you”, sabi ko
“Pakisabihan na rin si Daniel Guevarra, na OD siya ngayon”
“Ha? ” ako?!, geez!!! “Ahh e sige”
“Thank You ” sabi niya ng akmang aalis na
“Wait, Angel” tapos lumingon siya “Asan si Daniel?”
“Nandoon siguro sa room nila tignan mo nalang pagnagrounds ka” sabi niya
Eh?! Ako talaga! Kainis!!!!!!
“Sige bye puntahan ko na sila Cham”
Wala siguro siyang task!
Ano ba yan?
Makapag-rounds na nga. KAINIS!
Nang makarating na ako sa 3rd floor ay nakita ko sa classroom niya si Daniel
Ang awkward naman nito. babae ang tumatawag sa lalaki, ang dami pang tao sa classroom nila.
‘Saira kaya mo ‘to.’kalma ko sa sarili ko
Katok muna
*tok* *tok* *tok*
“Kuya Daniel?”
Hay bakit lumabas yung kuya?! Tss. Kakahiya e. masyadong FC.
Lumingon sila sakin lahat ng mga katropa niya at medyo tumigil sa pagtawa mula sa di naman yata nakakatawang topic
Ehh? Ang dami na palang Daniel Guevarra ngayon?
“Kuya DANIEL” with emphasis kasi ang dami nilang nakatingin e. yun bumalik sa pagkukwentuhan nila ng marinig yung diin ng pangalan. Kasi naman hindi pangalan lumilingon. Yung totoo?!
Sabay tingin sa akin ng ‘ano-yun’ look
“Ahh- e- OD daw po kayo ngayon”
“OD ako ehh?”
Ayaw pa maniwala e. mukha ba akong nagsisinungaling ha?
“opo”
“ahh e sige thank you”
“ok” sabay alis ko sa classroom nila na may namumuong malaking AWKWARDNESS.
“Guise, alis na muna ako OD daw ako e”, rinig kong sabi niya sa mga katropa niya habang nasa hallway ako
Wew!!! Nakakhinga rin.
Matapos ko magrounds ay bumaba na rin ako
Nang makababa na ako….
“Huy. Saira ang tagal mo?”, pambungad na tanong ni Alaine
“Nagrounds pa ako e”
“Yun lang?”, sumbat naman ni Lorrayne
“Kinausap ko pa kasi si Daniel-” hindi na ako natapos sa sinasabi ko
“GUEVARRA?!”,sigaw ni Jaira ng p0abulong habnag kumikinang ang mga mata. Yung tipong nakakabingi pero kaming pat lang ang nakakarinig. Hehe ang gulo.
“oo?”, sagot ko
“ang swerte mo naman”, saad pa ni Jaira
“Bakit naman?”
“Siya lang naman yung campus hearthrob”, sabi niya habng may mga kumikinang na mga mata
“Ehh?”
“Oo!”, sigaw niya
“Teka anong pinagusapan niyo?” tanong ni Lorrayne
“Ahh, e-”
“SIguro close na kayo noh?”, sabi ni Jaira
“Hindi, kasi-”
“Baka naman crush mo na?”, sabi naman ni Lorrayne
“Crush? -”
-_______________-
Hindi talaga ako makasingit. Huhuhuhuhu
“Oo crush mo na siya noh?!” sabi ni Jaira
“Hin-”
“Himala ang tulad mong NCSB ang gumagawa ng first move”, tingin ng matalim nilang tatlo sa akin
“Ehh-”
“Hindi ka na NCSB!”
“Ha?-”
“No need to explain!” sigaw nila
Ehhhh?!!
Kawawa naman sila. Nakashabu! Help!!! Help!!!! SOS!!!! 911!!!!!
Nababaliw na sila!!!! Mental Hospital!!!!!
“ANO BA?!” sabi ko. Napatingin sila sa akin.
Nung akamamg magsasalita na sila ay pinangunahan ko na
“Ano bang pinagsasabi niyo?! Anong crush ko si Daniel Guevarra?! ”
“ehh kasi-”
“Nagusap kami?”
“Sabi mo”
“Oo sinabi ko lang naman ang task niya kasi ako ang pinasbi ni Angel e.”
“Pero-”
“Saka yung first move? Mga baliw! Hindi ko gagawin yon no”
“Kasi-”
“Oo campus heartthrob siya. Eh ano?! Itong mga ito kung ano-anong iniisip e. Oo gwapo siya kaya nga naging campus heartHrob e. So what?!”
“Puede na?” tanong ni Alaine na medyo nagdadalawang isip pa. natakot ata hehe
“Oo, kasi naman ayaw niyo ako magpaliwanag e.”
“Seryoso kang hindi mo siya crush?” saad ni Jaira
“Oo nga. Hindi ako magkakacrush sa taong hindi ko naman ganon kilala”
“wehh? E pano, pag naging close kayo?”
“Ewan?” sabi ko “Basta ayaw ko tumingin sa pisikal”
“ehh, ano?”
Hmm. Ano nga ba?
“Ahh-”
*Kring-kring*
Nagring na yung bell.
Eh? Pati ba naman yung bell ayaw ako pag salitain. Kampi talaga ang bell sa kanila. Huhuhuhuhu
Daniel Guevarra? Oo gwapo siya, malamang campus heartthrob e. Maraming nagkakacrush sa kanya mapa babae man o lalaki, in short nababading sa kanya haha. Yuck. Haha. Hindi ko pa naman siya crush. Este. Hindi ko siya crush at malabong mangyari yon na magkagusto ako dun. Hindi naman kami close e. at wala akong alam sa kanya. Inshort. He’s just an acquaintance. TARAY! Haha
~~~~Pauwi na kami. Yehey.
Nanag papunta na ako sa service ay nilapitan ako ni Alaine.
“Bye. Saira” *kaway-kaway* “Sana hindi ka na magng NCSB” sabay bigay ng isang mapangasar na ngiti.
“Bye Saira” sulpot nila Jaira mula sa likod ni Alaine.
Kagulat e. San naman sila nangaling?! -____-
“Halika ka na” hila ni Jaira kina Alaine
“San kayo pupunta?”, tanong ko
“Maghahunting ” ^_^ ngiti nilang tatlo
“Ehh?” -________-
“Sama ka?” alok nila
“Ha? Ahh. Eh, Hindi na. ” palusot ko nalang “Aalis na ang service namin e”
“O sige. Ba-bye” sabi nila na halatang excited sila sa gagawin nila
Hunting? Haha. Hunting nang fafable aka crush aka boylet. Ewan. Basta maghahanap daw sila ng gwapo. At kapag wala silang mahanp naku mantitrip ang mga iyan. Tsk. Ayaw ko magaya sa kanila. Hahaha.
Ang layo ko talaga sa kanila e. Pero masaya naman ako kasi tanggap nila ako bilang isang Bestfriend nila.
HAYYY BUHAY!!!!! Sa wakas nakauwi na ako.
Naalala ko parin yung kanina e. NCSB yun naman yun e. No Crush Since Birth. Tsk.
NCSB nga ba ako???
>>>Flashback
“NCSB ka nalng palagi e” saad ni Alaine habang nasa pair activity naming
“Ano bang NCSB yan? Yan na naman e”
“No Crush Since Birth”
“Oo alam ko yun. E bakit sure ka banag pasok ako dun tss.”
“NCSB? Yun yung mga nerd” sabay tingin sa akin
Umiwas naman ako
“anti- social; walang cellphone, walng Friendster, walang Facebook at iba pang social networking site”
Kakainis to binibigyang emphasis talaga e
“Emo”
“Eh? Hindi naman ah”
“Oo kaya. Minsan nasa isang sulok ka lang walang kausap. Masyadong senti.”
“Hindi kaya”
“Oo. Nakita nga kita minsan na sinabihan ni Angel na emo e pano ba naman magisa ka nagbabasa sa isang madilim na sulok. CREEPY. Well wala akong sinabing gustoko si Angel ha. sumangayon lang ako sa sinabi niya at hindi parin sa ugali niya”
“NO CRUSH”
I CRASHED. xD CORNYMUCH E.
“manhid”
“Inosente”
“Boyish”
“Wierdo”
“Hindi naman ako ganun ahh” sabi ko
“Defensive much? Oo maaring hindi ka boyish o weirdo pero angkop parin sayo ang ibang criteria. Talo kapa ni Gem kahit tahimik at weirdo at least may crush hindi tulad mo.”
“Hindi din naman ako nerd at manhid ah”
“Nerd ka kaya. Lagi kang may dalang libro”
“Malamang estudyante e”
“Kahit pa. may salamin ka?”
“hindi ko naman sinunsuot ha”
“sa ngayon. Basta.”
“haha. Nainis haha”
“hindi kaya”
“Defensive much?”, pangaasar ko
“tsk. Hindi rin. Huwag ka ngang gayagaya.Change topic ka lang e.”
“hindi rin”
>>>>End of Flashback
Hindi naman ako boyish at weirdo. Sabi na rin naman ni Alaine e. Oo nga si Gem may crush kahit tahimik at wierdo. Haba ng hair haha kahit maiksi lang ang buhok hehehe.
Nerd? Matalino daw ako. Ang dami ko ngang kaibigan e lalo na pag may test. Gets n’yo? Haha
May libro laging dala. Malamang estudyante e.
May salamin di ko na nga sinusuot e kahit Malabo mata ko.
Emo? Ehh sa walang lumalapit sa kin boring dawa kasi e. Pero lalapit sila pag may kailangan . Gulo nila e.Well ok na rin yun. Sanay na ako e.Mas okay na rin yun unting kakilala, iwas gulo. Haha. Andami kasi nilang nakakasangkutan lalo na si Angel. SImula talaga nung time na nadamay kami kahit wala namn kasalanan e lumayo na kami. Mas maganda na iwas gulo. Tama ba?
Manhid? Manhid nga ba ako? Paano? Dun talaga ako naguluhan e.
Tara tulog na gabi na pala. Nakak bother yung sinabi kasi ni Alaine kanina e. saka masayadong maraming nangyari ngayon lalo na yung awkward-filled atmosphere sa kwarto nila Daniel Guevarra. Hayyy ayaw ko magkagusto sa kanya masangkot pa ako sa gulo e. tahimik na nga buhay ko e.