Three Colors of Love

By TheWritePatrick

89.8K 1.6K 1.1K

"No girlfriend since birth" This has been Julian's tag for 20 years. Being a hopeless romantic, he is bound t... More

(Chapter 1) - My Girl, My Sister, and My Friend
(Chapter 2) - Crushes and Courtships
(Chapter 3) - I Love You, Girl
(Chapter 4) - When Stars Fall Down
(Chapter 5) - That Strange Feeling
(Chapter 6) - Hearts Will Find A Way
(Chapter 7) - Action and Reaction
(Chapter 8) - Eleventh Hour
(Chapter 9) - Hidden Desires
(Chapter 10) - Food For The Heart
(Chapter 11)
(Chapter 12)
(Chapter 13)
Special Chapter - Part 1
Special Chapter - Part 2
(Chapter 14)
(Chapter 15)
(Chapter 16)
(Chapter 17)
(Chapter 18)
(Chapter 19)
(Chapter 20)
(Chapter 21)
(Chapter 22)
(Chapter 23)
(Chapter 24)
(Chapter 25)
What's Next

(Chapter 26 and Epilogue)

2.7K 71 67
By TheWritePatrick

Ito na po ang last chapter, kasama na din ang EPILOGUE sa huli. Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay at pagsuporta. I love you all :)

Three Colors of Love

(Chapter 26 – At The End of the Rainbow – The Series Finale)

JULIAN

“To all passengers of this flight from New York, we have now arrived in Manila. Welcome, and mabuhay!” sabi ng isang voice-over sa eroplanong sinasakyan ko.

 Hay, Manila. I’m finally back… back after 5 long years of staying in New York. Hindi ko na namalayan ang oras, ang mga araw, buwan at taon. Everything happened so fast, mula sa pag-alis ko noon hanggang sa aking pagbabalik.

Madami na ang nangyari, and I can say na madami na din ang nagbago sa ‘kin. Pero, I can’t say na I’ve become a better person. Hindi ko alam. May mga gumugulo pa din sa isip ko.

After 5 years, eto ako ngayon – isang established and well-known author who is based in New York. Madami na akong librong naisulat – romantic dramas, romantic comedies, inspirational books, at pati na rin mga fantasy at horror stories. Malayo-layo na din ang narating ko since the My Girl, My Friend era, but I have to admit, na hindi pa kumpleto ang aking portfolio.

May isa pa akong librong hindi ko matapos-tapos. I’ve been writing this novel for 6 years, pero hanggang ngayon ay wala pa din akong ending. It sucks, right? Pero ganun talaga ang buhay. Lahat may tamang panahon. Pero hanggang kailan ako maghihintay para maisulat ko na ang ending nito? Para mai-publish ko na siya nang tuluyan? Walang nakakaalam.

Siguro nga, ibang-iba na ako ngayon. But I still want to go back to my roots, that’s why I’ve decided to come back to the Philippines. Aaminin ko, na-miss ko ang pamilya ko. Alam kong mahirap itong paniwalaan, lalo na on this age of fast communication. Pero, bihira ko na lang makausap ang pamilya ko. Simula kasi nung mabaril si Louise sa bahay namin, I’ve decided to seclude myself from the people I love, kaya ako pumunta ng New York, to live a new life.

Na-miss din kaya nila ako? Nagme-message din naman ako sa kanila minsan, pero sa sobrang dalang naming mag-usap, ay hindi ko na rin alam ang mga nangyayari sa pamilya ko.

As I pull my bags and other things in the airport, I’m very excited to go home.

After 45 minutes, I arrived at our subdivision. Ganun pa din naman. Walang masyadong nagbago, except sa mga bagong bahay na itinayo.

Una akong pumunta sa riverside, sa lugar kung saan kami dating madalas tumambay nina Louie at Louise. How I’ve missed the twins! Nasaan na kaya sila? Ang huling balita ko, lumipat na daw sila ng bahay pagkatapos ng aksidente. Lumayo na sila para makaiwas sa gulo.

Louie was my buddy and best friend. We shared a lot of interests, at lagi kaming magkasundo sa mga bagay-bagay. We even loved the same girl once.

Her twin sister, Louise, is a special someone. At first, she was one of the boys, pero as time passed, she became my girlfriend.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa swing. Umupo ako at tiningnan ang tahimik na ilog. Memories suddenly flashed in my mind, habang pumapatak ang mga tuyong dahon mula sa mango tree.

When we were in high school, hilig namin nina Louie at Louise na humiga sa damuhan pagkatapos umulan. We loved the feeling of wet grass habang pinapanood ang rainbow sa kalangitan.

“Julian, sa tingin mo, totoong may pot of gold sa dulo ng rainbow?” inosenteng tanong ni Louise noon. Hanggang ngayon ay malinaw pa din ang boses ng dalaga sa isip at puso ko.

“Aba, ewan ko. Hindi pa ako nakakarating dun. Ikaw, pumunta ka mag-isa.” pabarang sagot ko. I always treated her like that, especially in high school.

Louie would just smile ang tease us. Bagay na bagay daw kami ni Louise. Itutulak pa niya si Louise para kunwari ay magkakadikit kami.

“Pare, ako ang best man sa kasal niyo ni Louise ah.” natatawang sabi ni Louie.

Asar na asar ako noon. Ngayon, I would do everything just to bring those days back.

Louise was really a late-bloomer. It took time bago ko na-appreciate ang worth niya. Even now, I have to admit that I still love her. I want her in my arms right now. Gusto ko siyang makita, after missing her for so many years.

“Julian…” sabi ng isang maliit na boses. Kilala ko kung kanino galing ang tinig na ‘yun.

“Louise?” gulat na pagkasabi ko as I turned my head around. I was right. It was her. Ang ganda pa din niya, kahit medyo nag-mature ang kanyang itsura.

“Louise!” natutuwang sigaw ko sabay yakap sa kanya. I really missed her. At that moment, ayaw ko na siyang pakawalan.

“Anong ginagawa mo dito, Julian?” nagtatakang tanong ni Louise. Hindi naman sa ayaw niya akong makita. She was even smiling, at alam kong natutuwa din siyang makita ako.

“Bumalik na ako. Dito na ulit ako titira. Na-miss kita, Louise. Na-miss ko kayong lahat!” natutuwang sabi ko.

“Ako din, na-miss kita… sobra!” nakangiting sabi niya. 

“Talaga?”

“Oo.” sagot niya.

We looked at each other. Habang lumilipas ang panahon ay lalo siyang gumaganda sa paningin ko. She is the lady I want to marry, soon.

“Akala ko lumipat na kayo sa malayo? Don’t tell me, dito lang pala kayo lumipat sa subdivision namin.” natatawa pa ako habang binibiro si Louise. Na-miss ko din na asarin siya. 

“Sa Cavite kami lumipat after nung aksidente. Nakabili si Papa ng malaking bahay at lupain doon.” paliwanag ni Louise.

“Eh bakit ka nga nandito?”

“Kaya ako nandito, eh dahil nga…” hindi pa tapos sa pagsasalita si Louise nang biglang may sumigaw na batang lalake.

“Mommy! Mommy!” sigaw ng batang lalake na sa tingin ko ay mga 2 years old lang. Tumatakbo siya papunta kay Louise.

“Dahil nga may sarili na akong pamilya. Dito napiling tumira ng asawa ko.” biglang sabi ni Louise.

Her words struck me like lightning. Para akong pinagbabaril ng ilang beses. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. The little boy was hers, and she is now settling with her husband dito sa subdivision.

“Bakit? Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin?” tanong ko.

“Hindi naman sa bitter ako, pero… diba… ikaw ang unang umalis? Ikaw ang unang nang-iwan sa ‘kin?” malungkot na sabi ni Louise.

“Oo… pero… it was for your own good. Para hindi ka na madamay sa mga gulong kinasasangkutan ng pamilya namin. Nabasa mo naman yung sulat ko, diba?” paliwanag ko sa kanya.

Tumango lang si Louise. Nabasa nga daw niya ang sulat, but she was not convinced. She said I was so immature to do that. It was like I can’t handle a tough situation.

“I’m sorry to say this… pero… duwag ka, Julian. Sayang. Sinayang mo lang yung relationship natin. Kung hindi ka naging duwag, eh di sana, isang pamilya na tayo ngayon, tapos may anak ka na din sana.” nakayukong sabi ni Louise.

Doon na ako naluha. Sa bawat salitang binibitawan niya, unti-unti kong pinagsisisihan ang mga ginawa ko. For 5 years, it was just now that I realized na I was wrong.

“I’m so sorry!” humahagulhol na ako sa pag-iyak. I really felt so bad.

“Ayan ka na naman. Be strong! Face the consequences, Julian. Be a man!” sabi ni Louise sabay hawak sa mukha ko.

“Pero… I hurted you so badly! I’m so sorry!” patuloy ang pag-iyak ko. Hindi na ako nahiyang maglabas ng takot at lungkot. Even Louise’s little son was looking at me.

“Matagal na akong hindi galit sa ‘yo, Julian. At alam mo, I would be happy if you would find someone na makakasama mo habang buhay. I’m sure there is a girl out there na deserving sa pagmamahal mo. Go find her.” nakangiting sabi ni Louise.

“No, Louise! Ikaw ang mahal ko!” sabay yakap ko ulit sa kanya.

“Wala na akong magagawa. Kasal na ako. May anak na ako. Hindi na tayo pwede. We’re not in high school or in college anymore. And to be honest with you, wala na akong nararamdaman para sa ‘yo. We’re just friends right now.” paliwanag ni Louise.

“Hindi! Hindi!” malakas na pagsigaw ko.

“Give me reasons kung bakit deserving ka pa sa pagmamahal ko!” biglang sigaw ni Louise. She was getting serious.

“Marami akong rason… una… ahh… ahh… ahh………………..sfjshfasfvasv….”

Wala na akong maisip. Hay, papaano ko ba sila pagsasamahin ulit? Gusto ko silang magkabalikan. Gusto ko, sila pa din sa huli, kahit na mali ang naging desisyon ng lalake. Pwede pa ba ‘yun, o sadyang we have to face the effects of our past actions and decisions?

Tsk. Last page na lang, oh! Kailan ko ba talaga matatapos itong novel na sinusulat ko?

Nga pala, ako pa rin po si Julian Anthony Ignacio, isa na ngayong well-known author na nagsusulat ng mga romantic at inspirational novels. 26 years old na ako. I’ve matured, and I’ve learned my lessons from the past.

‘Yung nabasa niyo kanina, wala ‘yun. Part lang ‘yun ng novel ko na Three Colors of Love. Based naman ito sa buhay ko, at sa buhay namin nina Louie, Louise, Denise, April, Andrew, at marami pang iba. Ito na din ang parang sequel sa buhay nina Alvin, Julie, Enzo at Lia. Last chapter na kasi, kaya sobrang madrama.

I was just imagining on what life was like kung tuluyan kong iniwan si Louise nung wala siyang malay sa ospital. Ang hirap pala. Malamang, habang buhay kong papasanin ang krus. Mamamatay na lang ako nang hindi ko nakakasama si Louise. Buti na lang at ganito ang nangyari. Tandang-tanda ko pa.

“Saan ka pupunta?” matapang na tanong ni Ninong Enzo. Nagmamadali na sana akong makalabas ng ospital nang bigla niya akong makita. Sa sobrang kaba at takot ko eh nanginginig na ang katawan ko.

“Ahh… ehh… pasensya na po! Alam ko pong ako ang may kasalanan kung bakit nabaril si Louise!” naiiyak na sabi ko habang nanginginig ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay sasapakin ako ni Ninong anumang oras.

“Wala naman akong sinasabi ah. Aksidente yung nangyari, at yung tarantadong Nathan na ‘yun ang dapat sisihin. Wala nang iba. Ang sa akin lang, saan ka pupunta, eh walang magbabantay sa anak ko? Ngayon niya tayo kailangan. Ngayon ka niya kailangan!” matuwid na sabi ni Ninong habang tinatapik pa ang balikat ko. Pinagpapawisan na talaga ako nung mga oras na ‘yun.

“O-opo! Opo! Papasok na po ako! Babantayan ko pong mabuti si Louise!” nauutal kong sabi sabay pasok ulit sa kwarto ni Louise. Whew! Para akong nasa boot camp!

Agad kong kinuha ang sulat na binigay ko kay Louise. Agad ko itong pinunit at ifinlush ko sa toilet bowl. Magdamag kong binantayan si Louise, at nangako ako sa kanya, pati na rin sa Panginoon, na hindi ko na siya iiwan kailanman.

That’s the real story. That’s what really happened, and I’m really thankful for what happened.

“Daddy! Ano ba? Kakain na! Kanina pa kitang tinatawag!” sigaw ng isang malakas na boses. Kanino pa ba ang boses na ‘yan. Of course, eh di sa minamahal kong asawa na si Mrs. Louise Gutierrez-Ignacio.

“Teka lang naman. Tinatapos ko pa ‘tong sinusulat ko.” sabi ko sa kanya.

Lumapit si Louise sa laptop ko at binasa ang last parts ng novel.

“So, talagang ayaw mo akong makasama, ha? Bakit mo iniba yung ending natin dyan?” mataray na sabi ni Louise.

“Papalitan ko din ‘to. Gusto ko lang kasi na medyo dramatic yung ending niya eh.” paliwanag ko.

“Eh kung binabatukan kaya kita dyan? Hindi lang dramatic, maaksyon pa.” natatawang biro ni Louise.

“Daddy, Mommy, let’s eat!” sigaw ng isang maliit na boses. Pareho kaming lumingon ni Louise. It was our son.Pinapababa na niya kami sa dining room para nga naman makapag-lunch na.

Siya si Patrick Louis Ignacio, ang 2 year-old son namin ni Louise. He is really cute. He got his round, puppy eyes from me, na nakuha ko din sa lola niya na si Julie. Yung face shape naman niya ay kapareho ng sa lolo niya na si Alvin.  He is also fair-skinned gaya namin. Sobrang kulit nitong si Patrick, manang-mana talaga sa nanay niya.

“A… B… C…” natutuwang pagbigkas ni Patrick habang pinipindot ang mga keys sa laptop ko. Sa isang iglap, na-delete niya yung contents ng last part. Mabuti na lang at di siya marunong mag-save.

“Patrick! No!” biglang hawak ko sa mga malilikot niyang kamay. Tawa lang nang tawa si Louise. Buti nga daw sa ‘kin. Bahala nga silang mag-ina. Hmm, pero mukhang may potential din na maging writer itong anak ko.

Binuhat ko na si Patrick para makakain na din kami ng tanghalian. Habang kumakain kami, may itinanong ang asawa kong si Louise.

“Daddy, anong ireregalo natin kay Diana bukas?” tanong niya.

“Ite-text ko na lang si Louie. Mamaya, bibili tayo ng gift.” nakangiting sagot ko.

After 5 years, nakatapos na ng Medicine ang best friend kong si Louie. Ang alam ko’y nags-specialize na lang siya para maging isang OB-Gynecologist. Hanggang sa chosen field ba naman, eh babae pa din ang nasa isip nitong kaibigan ko. Pero huwag ka, very loyal pa din siya sa kanyang asawa na si Mrs. Denise Allen-Gutierrez, na isa na ngayong theater or stage director.

Pagkatapos ng kanilang first experience, ayun, naka 3 points kaagad ang mokong. Kaya naman, agad na nagpakasal sina Louie at Denise. Siyempre, ako ang best man, at si Louise ang maid of honor. Nagpatuloy pa din naman si Louie sa kanyang pag-aaral kaya on time pa din ang kanyang pagtatapos.

After one year, ipinanganak na si Diana Sophia Gutierrez, na bukas ay magce-celebrate na ng kanyang 4th birthday. Magandang bata si Diana, pang child star material. Lagi nga siyang inaalok na maging commercial model pero tinatanggihan lang nina Louie. Gusto kasi nilang mag-focus muna ang bata sa pag-aaral.

“O, bakit ka nakangiti dyan?” tanong ko kay Louise habang kumakain.

“Wala lang. Naalala ko lang kasi yung text ni April kanina. Tuwang-tuwa kasi confirmed na magkaka-baby na ulit siya.” kwento ni Louise.

Last year lang ay kinasal na din si Mrs. April Alvarez-Vergara sa kanyang handsome prince na si Andrew. Sa ngayon, silang dalawa na ang nagpapatakbo ng Food Shoppe, na mas lalo pang dumami ang branches pagkatapos bilhin at i-take over ang mga branches ng Sonia’s Restaurant. Iba talaga kapag accountant gaya ni Andrew. Magaling sa business strategies. The couple is also expecting their first child. Hindi pa lang nila alam kung babae o lalake ang magiging anak.

I’m really happy for my sister. Alam kong madami na siyang pinagdaanang hirap at a young age. Now that she’s 22, she already found her happy ending.

“Eh teka nga muna, sina Kuya Anthony ba, aattend?” tanong ko kay Louise.

“Hindi daw eh. Next month pa daw sila makakauwi ng Pilipinas.” sagot niya.

Matagal nang nag-migrate ang mag-asawang sina Anthony at Nikki Alvarez sa Paris, France. Pareho silang may stable job at career doon. Kasama din nila ang 6-year old son nilang si Bryan Alvarez. Dapat ay ngayon sila uuwi, pero dahil sa conflict ng kanilang schedule at mga appointments, na-postpone ito at next month na sila makakauwi.

“Saka nga pala, nagpapabili si Mama sa ‘tin ng art set para kay Liam. Isama na natin sa listahan ng bibilhin mamaya.” nakangiting sabi ni Louise.

Si Liam Nicholas Gutierrez ang 4-year old son nina Enzo at Lia Gutierrez. Siya ngayon ang bagong joy and inspiration ng mag-asawa. Muntik na siyang hindi maipanganak. Buti na lang at nakayanan pa ni Ninang. Nakuha niya ang pagiging fair-skinned ng nanay niya, pero parang Little Enzo ang itsura ng bata. Tahimik lang siya at walang masyadong kibo. Mahilig lang siyang mag drawing.

“Daddy, may kumakatok!” gulat na sabi ni Louise habang nakatingin sa pinto.

“Kuya Julian! Ate Louise! Patrick! Knock knock!” malakas na sigaw ng isang batang babae.

“Ate Apple!” natutuwang sigaw ni Patrick sabay takbo papunta sa pinto. Pilit niyang inaabot ang doorknob kahit hindi pa niya ito abot.

“Patrick, finish your food!” sabi ni Louise.

Ako na ang nagbukas ng pinto. It was Apple. She is now a growing kid. At 10 years old, na-accelerate na siya sa 6th Grade. Ganun siya katalino. Mahilig siyang mag-memorize ng kung ano-ano. Presidents of the United States of America, Periodic Table of Elements, at marami pang iba.

“Sina Dad, nasaan?” tanong ko.

“Susunod na.” nakangiting sabi ni Apple sabay pasok sa bahay naming para makipaglaro kay Patrick.

Laging pumupunta dito si Apple. Paano, magkapitbahay lang kami. Dito kasi kami nakatira ni Louise sa dating bahay nina Mommy, ang dating Vergara residence na katabi lang ng Alvarez residence.

“Good afternoon.” masayang pagbati nina Dad at Mommy.

And at last, my parents are here. Kaka-retire lang ng father ko na si Alvin Alvarez. He is now 60 years old. Senior citizen na. Araw-araw na siya ngayong nasa bahay lang, kasama ang mother ko na si Julie Alvarez, who is now 52 years old. Masayang-masaya sila ngayon sa buhay nila. Everyday, they get to be with each other.

“Lolo! Lola!” natutuwang sigaw ni Patrick habang tumatakbo papunta sa grandparents niya.

Agad naman siyang binuhat ng Lolo niya. Favorite kasi siya nito. Palibhasa, siya ang unang apo.

“Hello, little boy.” natutuwang sabi ni Dad habang kinikiliti ang bata. Maya-maya ay may inilabas na sa kwintas si Dad at isinuot ito kay Patrick.

“Ayan. Ingatan mo ‘yan. Gift namin ‘yan sa ‘yo ni Lola.” sabi ni Dad.

Tumango lang ang bata at nagpabuhat din sa Lola niya. Pero dahil mahina na din ang mga buto niya, ay ibinaba na rin niya ito.

My parents kept Doggie in their house. Pagkatapos kasing makulong ni Nathan, ay napabayaan na ito ng kanyang amo. Nagulat na lang kami isang araw, na pumuntang mag-isa ang aso sa bahay. We also checked kung may collar or kung may nakalagay na hidden camera. Wala na naman. Siguro ay mas masaya lang ang aso sa piling ng pamilya namin.

Seeing myself with my family and friends makes me feel happy and contented. Lalong-lalo na kapag nakikita ko si Louise. It makes me realize how blessed I am.

Kumpleto na din pala ang experience ko sa sinasabi nilang “three colors of love”. I have great and loyal friends, I have a loving and caring family, and at last, I’m now with my soulmate, Louise. She is the complete package. She’s my girl, my sister and my friend.

EPILOGUE

(Sixteen Years After)

 16 years after… 16 years after… Am I just dreaming? Is this true? Hay, masyado lang siguro akong puyat kagabi. Kailangan ko nang matapos itong sinusulat ko. Deadline na sa isang araw. They say that a 5-hour sleep is already good for a 42 year-old man, pero mabigat pa din ang pakiramdam ko. I need more sleep.

“Julian! Julian! Can you hear me?” tunog ng voice message sa phone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan. Galing ito kay Mommy. Nag leave din siya ng message.

She was calling for a grand lunch for her 68th birthday sa may riverside, which is now called as the Alvin and Julie’s Park. The name was given by the local government. Nabasa kasi nila ang story ng parents ko, and they were very touched with it.

I immediately told Louise and Patrick to hurry up. Halos lahat yata ng mga malapit na kaibigan ni Mommy ay inimbita niya. Nagmamadali din si Louise while dressing up. Si Patrick naman ay inihahanda ang gift niya.

In times of stress, kahit papaano, I always see to it na nakaka-attend ako ng mga ganitong special occasions. Stressful, because of my work, and because of raising an 18 year-old high school kid. Hindi talaga madali, diba. Lalo na kung may mga sariling pananaw at desisyon na rin ang anak mo. Wala ka nang magagawa.

Senior high school student na itong si Patrick sa St. Andrew’s Academy. He plans to take up AB Communication Arts or Multimedia Arts sa college. Okay lang naman sa ‘min ni Louise. As long as kaya namin siyang pag-aralin, go lang. Malaki naman din ang kinikita ko sa mga librong sinusulat ko, combined with Louise’s income. World-class architect yata ang asawa ko.

We arrived on time. Madami nang tao sa park. Nakita ko na ang barkada kong sina Louie at Andrew, kasama ang mga asawa nilang sina Denise at April, kasama ang kani-kanilang mga anak.

Diana Gutierrez is now a 20 year-old famous local celebrity. Sobrang gandang bata. At kahit nakikita siya gabi-gabi sa isang soap opera, she is still studying in a prestigious university. She knows how to balance her career and studies.  

Si Princess Athena Vergara naman ang anak nina Andrew at April. She’s a 16 year-old sophomore high school student sa St. Andrew’s Academy. Balita ko’y running for queen bee pa rin itong si Princess, but in nice manner. May pagka-politician kasi ang bata.

Nandun din sina Ninong Enzo at Ninang Lia, na nakaupo lang sa isang bench. Matatanda na din kasi sila. Madali na ding mapagod. They were with their youngest son, Liam Gutierrez. May pagkatahimik at pagka-emo itong si Liam. Hindi mo alam kung anong gusto niyang gawin sa buhay. He is 20 years old, and he’s studying Fine Arts in UST. Mysterious ang personality ng binata.

Present din sina Kuya Anthony at Ate Nikki, together with their son, Bryan Alvarez. At 22 years old, isa nang sikat na photographer itong si Bryan. Lagi siyang kinukuha ng mga sikat na journals at magazines.

“Hi, Kuya!” nakangiting sabi nitong si Apple, na ngayon lang din dumating.

At 26 years old, Apple Alvarez is the hottest and most beautiful lawyer in town. She topped the bar exam last year, with a record-breaking percentage. Madami nang lalake ang nagtangkang manligaw sa kanya, pero lagi lang silang nabu-busted. Ang gusto kasi ni Apple ay ang professor niya nung nag-aaral pa lang siya. Very intimidating din kasi itong si Apple.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na din si Dad na naka wheelchair. Tinutulak ito ni Mommy na mahina na din ang katawan. Kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras. Ako na ang nagtulak ng wheelchair ni Dad.

Seeing Dad’s face, bigla akong nalungkot. He is now 76 years old. Worse, he is stricken by Alzheimer’s Disease – a disease which attacks the brain of the person.

“Sino ka ba? Bakit ikaw ang nagtutulak? Julie! Julie! Asan ka na?” biglang panic at sigaw ni Dad.

Gusto kong maiyak, pero pinipigilan ko lang ang mga luha ko. I want Mommy’s birthday to be happy. The disease continually eats my father’s memories. Hindi na niya kami kilala. Tanging si Mommy lang ang kilala niya. Dad has a grumpy look nowadays.

“Sige na, Julian. Ako nang bahala. Intindihin mo na lang ang Dad mo.” malungkot na sabi ni Mommy. Kitang-kita din sa mukha niya ang katandaan at kahinaan.

We had lunch and we sang a Happy Birthday song to my mother. She was very happy to see all of us, samantalang nakasimangot lang si Dad, dahil naco-confuse siya kung sino ang mga taong nasa paligid niya. He felt like he was in a sea of strangers.

Suddenly, biglang inilabas ni Patrick ang kanyang regalo. Nagulat kaming lahat dahil ito ang lumang scrapbook na minsang niregalo ni Dad kay Mommy on her 16th birthday.

“Saan mo nakuha iyan?” tanong ni Mommy kay Patrick.

“Sa bodega po.” sagot ng anak ko. My son was smiling habang iniabot niya ang scrapbook sa lolo niya. Nakasimagot pa din si Dad at hindi na rin niya kilala si Patrick.

Even with the disease, my dad became curious with the scrapbook. Binuksan niya ito. He flipped the first few pages.

Nakita niya ang mga pictures nila ni Mommy, habang kumakain sa fastfood, habang naglalaro, habang nagsw-swimming, o basta lang magkasama. Luma na din ang mga litrato. Biglang ngumiti si Dad. Siguro ay naaalala na niya ang mga happy memories nila ng asawa niya. Maya-maya lang ay biglang tumatawa na din si Dad kapag nakikita ang mga wacky pictures nila ni Mommy. 

Tawa lang nang tawa si Dad, hanggang sa pag-flip niya ng fifth page, biglang nagbago ang mga pictures. Ang pagkakatanda ni Mommy, hanggang 5 pages lang yung napuno nila noon. Kaya nagtaka siya kung bakit may ibang pictures pang kasunod.

The sixth page started with photos of Alvin and his ex-girlfriend Kate, Alvin and his best buddy Billy, Alvin and his first wife Cindy. Napapangiti si Dad habang tinitingnan ang mga litrato.

“Kate…” mahinahong sabi ni Dad.

I’m not sure, pero may nakapagsabi sa ‘kin na Kate Gonzales once visited my Dad bago siya namatay because of breast cancer. To prove things, I did a research on Kate and found out na matagal na pala siyang may sakit. She lived in California from 1982 and married a widower named Lucas Bradford in 1991. She acted as a stepmother to Lucas’s son, Luke, na childhood friend ni Denise.

The next pages showed high school pictures of his wife Julie, together with her friends Lia, Josh and Enzo. Meron ding photo na kasama niya silang apat. Abot-tenga na ang ngiti ni Dad. Unti-unti nang bumabalik ang mga alaala niya. He suddenly remembered how he got along with the high school kids back then, and how he formed new friendships with them.

“Enzo! Lia!” nakangiting sabi ni Dad sabay tingin kina Ninong at Ninang. Naluha naman si Ninang nang makilala siya ni Dad.

Nakita din niya ang mga pictures nina Anthony at Nikki, at nakilala na din niya.

Pagkatapos ng ilang pagbuklat, nakita naman niya ang photos ng mga anak niya. Nauna ang mga pictures ko, simula pagkabata hanggang sa pagbibinata, hanggang sa pagtanda.

“Julian!” biglang sabi ni Dad sabay tingin sa ‘kin. He touched my face while he was smiling. “How are you, buddy?” sabi niya sa ‘kin. Naiyak na ako sa sinabi niya. Masayang-masaya ako at naalala din niya ako.  

Nakita din niya ang mga photos niya sa Food Shoppe kasama ako, si Louie, si Louise at si Denise. Napangiti siya at malamang, na-miss din niya ang aming makulit na barkada. We used to hang out sa kanyang restaurant.

Within minutes, he recognized Apple and April. Niyakap niya ang mga ito, at nagsimulang maiyak si Dad nang makita niya ang photos ni April nung naipanganak niya dati si Princess, habang hawak hawak niya ang kamay ng anak sa ospital.

“We missed you, Daddy!” naiiyak na sabi nina April at Apple sabay yakap kay Dad.

There were still other pictures in the last pages of the scrapbook, pero okay na din dahil nakilala na din ng Dad ko ang mga bisita sa party, pati na rin ang kanyang mga apo.

“Thank you, Patrick.” nakangiting sabi ni Mommy at Dad sa anak ko.  Malaking bagay ang nagawa niya para bumalik ang alaala ng tatay ko.

“Julie, swing tayo…” mahinahong sabi ni Dad. We suddenly granted his request. I pushed his wheelchair at isinakay siya sa isang swing. Si Mommy naman ay umupo din sa kabilang swing. They were not comfortable sitting on the swing kaya doon na lang sila umupo sa ibaba ng old mango tree.

What a lovely sight. They are old now, pero still, they enjoy simple things like sitting together and holding hands under a mango tree. Surely, hindi na sila yung dating 24 year-old boy next door and 16 year-old sweetheart. They are already 76 and 68 years old, but the love still remains. Sana pagtanda din namin ni Louise, ganyan din kami.

“Just an ordinary song… to a special girl like you… from a simple guy, who’s so in love with you…” mahinang pagkanta ni Dad habang hawak ang kamay ni Mommy.

Hinayaan lang namin silang magkaroon ng moments habang pinapanood nila ang ilog. Hindi na rin namin namalayan pero biglang tumigil sa pagkanta si Dad. I looked into them, and found out na nakatulog na pala sila. I smiled. They were sleeping so peacefully, that I suddenly touched their hands. May iba akong naramdaman.

Agad kong tinawag sina April at Apple. They also touched our parents’ hands and the three of us looked at each other. Agad namin silang niyakap nang mahigpit, while tears fell from our eyes.

“We love you…” sabi naming tatlo in chorus habang umiiyak.

The wind finally blew and dried leaves fell from the old mango tree. Sa sobrang lakas ng hangin, napagalaw nito ang dalawang swing. The two swings were moving in a natural motion. Hindi ko alam kung iniisip ko lang ito, pero I started to hear laughter – the laughter of a 24 year-old guy and a 16 year-old girl, while running around the tree.

THE END

To see what will be the next story, click "What's Next

Continue Reading

You'll Also Like

38.6M 793K 65
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
10.7M 572K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
9M 326K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...