My Boss is a Millionaire (Com...

By Alisahjin

887K 14.2K 455

Hindi ko naman pinangarap na mahulog sa kanya , hindi ko pinangarap na maging bahagi ng buhay nya at hindi ko... More

Prologue
Chapter 1 : Meeting the Boss
Chapter 2 : His Offer
Chapter 3 : Accept His Offer
Chapter 4 : First Day
Chapter 5 : Preparation
Chapter 6 : Make-Over
Chapter 7 : Dinner with his Mom
Chapter 8 : Arguing the Problem
Chapter 9 : I'm Lying
Chapter 10 : New Proposal
Chapter 11 : Preparation
Chapter 12 : One Day before the Announcement
Chapter 13 : The Announcement
Chapter 14 : That Kiss
Chapter 15 : Surprise Gift
Chapter 16 : Palusot dot Com
Chapter 17 : Moving into House
Chapter 18 : The Fake Married
Chapter 19 : Were Living Together
Chapter 20 : Breakfast failed
Chapter 21 : His Waiting
Chapter 22 : We're Okay
Chapter 23 : A Month Later
Chapter 24 : Go out with Him
Chapter 25 : The Alien's Problem
Chapter 26 : Our Feelings
Chapter 27 : His not Okay
Chapter 28 : Its a Date
Chapter 29 : Lunch date with his Mom
Chapter 30 : Im Guilty
Chapter 31 : The Big Revelations
Chapter 32 : Giving up
Chapter 34 : Runaway
Chapter 35 : Full of Love
Chapter 36 : Our Plans
Chapter 37 : Wish Tree
Chapter 38 : Hold Together
Chapter 39 : I'm not Alien
Chapter 40 : The Other Side
Chapter 41 : Fight for Love
Chapter 42 : Behind The Secrets
Chapter 43 : The Condition
Chapter 44 : Comfort
Chapter 45 : Operations
Chapter 46 : Moving On
Chapter 47 : The Alien is Back!
Chapter 48 : Romantic Date
Chapter 49 : Danger
Chapter 50 : Killing is a Crime
Chapter 51 : The Answer for a Question
Chapter 52 : Be Strong
Chapter 53 : Warrant of Arrest
Chapter 54 : The Devil's Game
Chapter 55 : Forgive and Forget
Chapter 56 : Lead
Chapter 57 : Escape Plan
Chapter 58 : Game Over
Chapter 59 : Tears and Joy
Chapter 60 : Rewards Date
Chapter 61 : New Life
Chapter 62 : Wedding Proposal
Chapter 63 : Dinner with the Family
Chapter 64 : The Necklace
Chapter 65 : Perfect Couple
Author's Fact
Chapter 66 : Engagement Party
Chapter 67 : Orphanage
Invitation
Chapter 68 : The Royal Wedding
Extra Chapter : The Honeymoon
Epilogue
Author's Note

Chapter 33 : Tita's Offer

10.9K 165 14
By Alisahjin

Hindi pa rin mag sink-in sa utak ko yong mga bagay na nangyare this past few days lalo na yong time na malaman ni Tita Fiona ang totoo. Hindi ko alam pero nagiguilt ako sa nangyare, minsan nga naisip ko na sana hindi ko na lang yon ginawa, na sana hindi na lang ako pumayag sa gusto ni Brett na maging Fake Wife niya pero wala na kong magawa dahil nangyare na.

Ganon nga siguro, siguro tama sila na hindi nagtatagumpay ang mga may maitim na plano pero diba isa din naman akong biktima dito dahil unang una hindi ko naman ginusto na mangyare yong ganon eh.

Minsan naiisip ko na layuan na lang si Brett para hindi na lumala pa ang gulo dahil pakiramdam ko na sa tuwing kasama ko si Brett kasabay non ang malaking gulo. Hays, ano ba tong pinag iisip ko.

"Ahhhh !!! "

Halos habol ko ang hininga ko. Sobrang natatakot ako. Akala ko totoo yun.

Panaginip lang pala.

'Hindi pwede. Ayukong mawala siya sa akin. '

Agad naman akong napalingon ng bumukas ang pinto at nakita ko si Brett na sobrang nag-aalala sa akin.

"Bakit ??? Bakit ka sumisigaw ?? " puno ng pag-aalalang sabi niya.

"Brett !? " sabi ko at dali dali akong naglakad palapit sa kanya sabay yakap at kasunod nun ang panginginig ng buong katawan ko.

"Bakit ?? "

"Brett, wag mo kong iwan. Wag mo kung iwan. " nanginginig kong sabi.

Alam ko hindi niya naiintindihan kong anong sinasabi ko at kung bakit ako ganito katakot ngayon.

Masamang panaginip.

"Grace " hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya.

I know, nagbabadya na naman ang mga luha ko na bumagsak.

"Ano bang nangyare ?? Okay ka lang ba ?? Bakit takot na takot ka ?? " sunod sunod niyang tanong.

Naramdaman ko na lang na bumagsak na pala ang mga luha ko at kasunod nun ang paglakas ng kaba ko.

"Brett, nanaginip ako. H-hindi daw tayo magtatagal... Iiwan mo rin ako sa huli. Brett natatakot ako. Natatakot ako. " puno naman ng pagtataka ang mukha niya na para bang hindi makapaniwala kung bakit ko 'to sinasabi sa kanya ngayon.

"Diba mahal mo ko ?? Diba hindi mo ko iiwan ?? Diba ako lang ?? Ako lang diba ?? " nanginginig na ang buong katawan ko.

At bigla na lang niya akong niyakap. Natatakot ako na para bang ayuko ng harapin ang mga bukas na darating pa sa amin.

"Grace, panaginip lang yun. Hindi yun totoo. " pagpapakalma niya sa akin.

"B-brett paano kung t-totoo ?? Iiwan mo ba ako ?? " sabi ko habang umiiyak.

Sa panaginip ko na nakita ko si Brett na iniwan ako at hindi niya talaga ako mahal, na hindi kami para sa isat-isa. Takot na takot ako nung iniwan niya ako, na para bang pasan ko na ang bigat sa dibdib ko.

Inilayo niya ako mula sa pagyakap. Nakatingin ako sa kanya habang hinahayaang dumaloy ang mga luha sa mata ko.

"Listen to me. Panaginip lang yun. Lahat gagawin ko wag lang mangyare ang nasa panaginip mo. Kaya wag kang matakot...... " seryusong sabi niya.

"Brett kasi ------- "

"Sshhh " he said.

Hindi na ako nakasagot kaya naman sumandal na lang ako sa balikat niya.

Sobrang OA ko siguro dahil sa panaginip na yun. Masyado akong nadala dahil dun.

Sinamahan niya ako hanggang sa maging okay ako.

Wag daw akong mag-isip ng mga kung anu-ano dahil kahit kailan hindi mangyayare ang bagay na yun.

Hindi niya ako iiwan.

Sobrang swerte ko sa kanya. Siya ang isang bagay na meron ako na ayukong mawala.

Sa mga pinapakita sa akin ngayon ni Brett ay mas lalo ko siyang minamahal.

Tunay nga na kahit kailan hindi matutumbasan ng kahit anong salapi ang pagmamahal ng isang tao at ganon ako sa kanya.

Pero....

Hanggang kailan ba kami ganito ?? Hanggang kailan kami hihiram ng mga sandali upang maging masaya lalo na kung ang lahat ng 'to ay walang kasiguraduhan.

'Hindi ko alam kong anong gagawin ko. ' lalo na sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti.

Ayukong ako yung dahilan kung bakit siya masasaktan.

'Mahal ko si Brett. Mahal na mahal. '

Inaliw niya ako para wag daw akong magmukhang manang dahil nakasimangot ako.

Pinatawa niya ako sa abot ng makakaya niya.

Alien nga talaga siya.

Syempre ako namang si ewan tudo ngiti din kahit ang totoo may kirot akong nararamdaman sa tuwing ngumingiti ako.

Sinabay na niya ako sa sasakyan. Hatid na daw niya ako dahil iisa lang naman ang dadaanan ng way namin.

Kakausapin niya daw si Tita Fiona pero sabi ko wag na.

Dahil baka ako na naman ang lumabas masama.

"Sigurado ka bang ayaw mong samahan kita ?? " sabi ni Brett nung nasa tapat na kami ng mall.

"Wag na. Marami ka pang gagawin sa office. Sige na kaya ko na 'to. " pagtutulakan ko sa kanya para umalis na at ang kulit eh.

"Are you sure ?? " kunot-noong tanong niya na parang nagbibiro ako.

"Ang kulit ?? Sige na baka kunin ka na ng mga kalahi mo, wala na akong alien na makikita at makakasama. " Biro ko tapos tiningnan naman niya ako ng nakakaasar.

"Okay. I'll go with you.... Let's go. "

"Huh ------- " Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil hinawakan na niya agad ang kamay ko at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng mall.

Sinamahan niya ako sa dapat kung puntahan at kung anu-ano pa. Napaka kulit pa dahil ayaw niyang umalis. Hays.

Ewan kong bakit ganito ang nararamdaman ko kahit na kasama ko siya hindi ko magawang maging masaya.

Nakaupo kami sa isang restaurant, tahimik lang ako habang kumakain. Wala kasi ako sa mode para maging makulit ngayon.

"Grace ang tahimik mo, may problema ba ?? " Brett

Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko sa mga mukha niya ang labis na pag aalala sa kin.

Umiling ako sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Yah I'm okay " mahina kong sabi

"Come on, I know your not okay, may masakit ba sayo ?? Gusto mo umuwi na tayo ?? Ayuko kasing nakikita kang nahihirapan, diba sabi ko sayo na I will make you happy in every single moment together with me " Brett

Bumuntong hininga ako sa binalik ko yong tingin sa kanya.

"Brett, are you happy ?? " sabi ko

Tiningnan niya ko ng malalim.

"What ?? Yes I'm happy, what's wrong ?? " Brett

"Brett kasi hindi pa rin mawala sa isip ko yong mga nangyare nong nakaraan, would you think magiging masaya tayo ?? Si Tita ------- " pinutol niya yong sasabihin ko

"Yan ba yong gumugulo sa isip mo ?? " Brett

"Oo nakukunsensya ako " sabi ko

"Weird, listen to me, wala kang kasalanan don, is all my fault okay, I don't care ang importante ay kong gaano natin ka mahal ang isat isa and that's the most important " Brett

Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at pinag masdan ko siya.

Siguro nga tama si Brett, tama siya pero normal lang naman na makunsensya ako diba dahil unang una naging part din ako ng mga plano ni Brett para lukuhin ang BC kaya ganito ako ka guilt ngayon kahit na palagi niyang pinapalakas ang loob ko.

After namin kumain, nag bayad na si Brett ng bills namin. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya.

"Just wait for me, I go first in a Comfort Room " Brett

"Yah " nakangiti kong sabi

Nag lakad na si Brett papunta sa kong saan ang CR ng resto habang ako nag umpisang mag lakad palabas ng Resto dala dala ko yong mga pinamili ko kanina. Sa labas ko na lang siya hihintayin.

"What a small world "

Tumingin ako sa nag salita at nagulat ako ng makita ko si Tita Fiona. Hindi ko alam kong anong gagawin ko.

"Tingnan mo nga naman, sa dinami dami ng pwede kong makita ikaw pa talaga " pag tataray niya

"Ma----- " pinutol niya ang sasabihin ko, hindi ako makapag isip kong anong sasabihin ko.

"Don't you dare to call me MA, your such a BIG GOLD DIGGER, MANLULUKO " Tita Fiona

Diniinan niya talaga ang mga salitang yon kaya naman nakaramdaman ako ng panliliit sa sarili ko at dahil don napansin ko na pinag titinginan na kami ng mga taong nasa paligid ng mall.

"Tita wag po kayong mag iiskandalo dito nakakahiya " nanginginig kong sabi

Tiningnan niya ko ng malalim. Yong tingin na nakakaasar

"Bakit pag iiskandalo ba ang tawag mo dito ?? Nag sasabi lang ako ng totoo at sa pag kakaalam ko ang babaeng kagaya mo hindi marunong mahiya" Tita Fiona

Naramdaman ko na nangingilid na ang mga luha ko dahil sa sobrang hiya, hindi ko alam kong paano ko ipag tatanggol ang sarili ko. Pinipigilan ko lang ang luha ko na wag bumagsak. Wala akong magawa.

"Its not true " sabi ko

"Whatever Grace Castro " tumingin si Tita Fiona sa buong paligid habang ako hindi ko alam kong anong susunod niyang gagawin. "Nakikita niyo ba ang babaeng to ??? SHES A USER, A GOLD DIGGER, MANLULUKO " binalik niya ang tingin sa kin habang ako hindi ko na napigilan ang luha ko dahil sa sobrang pagkahiya.

"Stop , please " sabi ko

May kinuha siya sa bag niya na hindi ko alam kong ano.

"Total mukha ka namang pera " iniabot niya sa kin yong hawak niyang papel "half a million 500 thousands pesos stay away from my son Brett Calvien " Tita Fiona

Tumingin ako sa mukha niya at kitang kita ko yong pagmuhi niya sa kin, nasa ganon posisyon lang kami. Hindi ko alam kong kukunin ko ba yong check na nasa kamay niya. Hindi ako makapag isip ng maayos, nanginginig ako.

"Ganon ba ang tingin niyo sa akin ?? Mahal ko si Brett dahil yun ang nararamdaman ng puso ko. " sabi ko habang ramdam ko na yung buong panginginig ng buong katawan ko.

Ngumiti naman siya ng malapad na para bang nakakatawa yung sinabi.

"Kulang pa ba 'to ?? Sige ibibigay ko lahat ng gustuhin mo LAYUAN MO LANG ANG ANAK KO !"

Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya lalo na at kita ko ang galit sa mga mata niya na para bang kakainin niya ako.

Tumingin ako sa buong paligid at gaya kanina lalo pang dumami ang mga tao saka pinunas ko yong luha ko saka binalik ko yong tingin kay Tita Fiona.

"I love him, Hindi mo kayang pantayan ng kahit anong halaga ang pag mamahal ko kay Brett. Mahal ko ho siya.  " sabi ko

Nagulat ako sa sumunod na nangyare.

Pakkkk !!!!

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. At nakita lo na lang na bumagsak yong check sa sahig.

"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo. Kahit kailan hindi maaaring pumantay ang langit sa lupa! "

Sabihin niyo sa akin kung paano ko ipagtanggol ang sarili ko gayong tama naman si Tita Fiona.

Kahit kailan hindi ko sila mapapantayan.

"Pagsisihan mo na tinanggihan mo ang offer ko Grace Castro... I WILL MAKE YOUR LIFE MISERABLE " Tita Fiona

Tumingin ako sa mukha niya at nakita ko yong reaksyon niya na alam kong hindi magiging maganda. Hindi ko alam kong anong gagawin ko, wala akong magawa.

Hindi ko na nga napansin na nag walk out na pala si Tita Fiona. Habang ako tulala pa rin dahil sa sampal na yon, nakaramdaman ako ng panliliit sa sarili ko dahil unang una alam ko naman na mali ang pinasok ko dahil hindi kami mag ka level. Wala akong magawa kong hindi ang umiyak na lang.

"What happen ?? "

Pinunas ko yong luha ko at dahan dahang lumingon at nakita ko si Brett. Kitang kita ko sa mga mata niya ang labis na pag aalala.

"Wala to, okay lang ako " pagkukunwari ko.

Wala akong dahilan para ipaalam sa kanya ang ginawa ng Mama niya dahil ayuko lang na mas lalo pang lumala ang sitwasyon.

"Are you sure you okay ?? " Brett

"Oo naman, let's go ??" Nakangiti kong sabi kahit anong totoo, gusto ng sumabog ng puso ko sa sobrang sakit.

Iniwas ko yong tingin sa kanya. Hindi niya alam na sa mga ngiti ko nakakubli ang isang masakit na katutuhanan. Katutuhanan na hindi pwedeng maging kami.

Habang nag lalakad kami palabas ng mall, tahimik lang ako habang nag iisip ng mga bagay bagay. Mga bagay sa ming dalawa.

Minsan naiisip ko, kong hanggang saan ba kaming dalawa, kong kaya ba naming panindigan kong anong meron sa min. Ang hirap eh, naaawa ako kay Brett dahil ako na lang ang nag bibigay pag asa sa kanya. Kahit hindi niya sabihin sa kin ang totoo alam ko marami siyang problema ngayon. Lalo na ngayon maaaring mawala ang lahat sa kanya. Ang BC Group at ang lahat ng pinag hirapan niya.

Hays, ang hirap ng ganito.

"San mo gusto pumunta this summer " nakangiti niyang sabi

Hindi ako tumingin sa kanya, nakatingin lang ako ng deretsu habang nag lalakad kami.

"Kahit saan " sabi ko

"Huh ?? Wala ka pa bang plano?? " Brett

Tumingin ako sa kanya saka umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya saka lumabas na kami ng mall.

Ewan, gusto kong makita siyang masaya pero bakit ganon hindi ko magawa, pinapakita ko lang sa kanya na okay ako dahil ayuko siyang mag alala.

Pinag buksan niya ko ng pinto ng sasakyan saka tahimik akong pumasok sa loob kasunod non ang pagsakay niya.

Tahimik lang ako. Hindi ko nga alam kong paano ako mag sasalita, kong paano ko sasabihin sa kanya ang nangyare kanina.

"Grace "

Nakatulala lang ako habang naaalala ko yong last word na sinabi sa kin ni Tita Fiona.

"I WILL MAKE YOUR LIFE MISERABLE"

Yan yong mga salitang nag papaalaala sa kin. Mga salitang alam ko na hindi magiging maganda.

"Grace??" Hinawak niya ang balikat ko kaya nagulat ako saka napatingin ako kay Brett "Are you okay ?? Napansin ko kanina ka pa tahimik ?? May tinatago ka ba sa kin ?? Come on tell me what's wrong with you?? " Brett

"Wala to Brett, wag mo na kong alalahanin " sabi ko

"I know there's something wrong" tiningnan niya ko ng malalim "sabihin mo sa kin kong ano yang gumugulo sa isipan mo , listen to me Grace diba we promise na walang mag lilihim sa tin. " Brett

"Wala nga to, bakit ba ang kulit mo ??" inis kong sabi

"Hindi tayo aalis dito hanggang hindi mo sinasabi sa kin yong reason kong bakit ka nag kakaganyan " Brett

"Importante pa ba yon ?? Dapat ba lahat ng nasa isip ko alam mo ?? Dapat ba lahat ng ginagawa ko alam mo ?? " sabi ko

Hinawakan niya ang kamay ko saka tumingin siya sa mga mata ko. Naaawa ako kay Brett.

"Oo Grace, dahil boyfriend mo ako at dahil mahal mo ko kaya please sabihin mo na sa kin kong bat ka nag kakaganyan" Brett

Huminga ako ng malalim saka iniwas ko yong tingin sa kanya pero ramdam ko pa rin yong pagkakahawak niya sa mga kamay.

"What if---- What if ayuko na ". Mahina kong sabi

Tumingin ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya ang labis na pagkagulat kahit ako nagulat din ako kong bakit ko yon nasabi.

"Why ?? Bakit ?? " Brett

"Kasi Brett alam naman natin na hindi tayo mag tatagal diba ?? Mayaman ka, mahirap ako. Ni wala nga ako sa standard mo diba ??" sabi ko

Ang sakit sakit ng mga salitang yon para sa kin.

Ayukong umiyak sa harap niya.

"Ano bang nangyayare sayo ?? " alalang sabi ni Brett

"Tanggapin na lang natin Brett na hindi talaga tayo pwede " malungkot kong sabi

"Ano bang pinagsasabi mo ?? "

"Brett!! Pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa ganito. Hindi ko nga alam kong bakit pinagkrus pa ang mga landas natin eh. Nakakainis naman kasi kung bakit sa dami ng pwede kong mabunggo at matapunan ng coffee. Ikaw pa talaga ?! " naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko at kasunod nun ang pagbagsak ng luha ko.

"Kaya naman siguro nating mamuhay ng malayo sa isat-isa. Kaya nakapag-isip na ako.... T-tapusin na natin 'to. " saka ko iniwas yung tingin sa kanya saka ko naman naramdaman yung paghawak niya sa kamay ko kaya muli akong napatingin sa kanya.

Ganon ba talaga ?? Na pag masaya ka kalakip nun ang sakit at lungkot ??

Tiningnan niya ako ng malalim at ganon din ako sa kanya. Yung mga titig niya na sobrang lungkot.

"Wag mong gawin yan Grace, Hindi ko kaya pag wala ka, you are my strength " mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko habang ako umiiyak, hindi ko magawang tumingin sa kanya. "I don't care, ano bang pakialam nila sa tin, we love each other, look at me Grace " hinawakan niya ang pisngi ko para tumingin sa kanya, nakita ko sa mga mata niya yung full of emotions "nakalimutan mo na ba yong mga sinabi ko, that no matter what happen hinding hindi kita iiwan, diba ?? Kaya kong iwan ang lahat para sayo Grace, ganyan kita ka mahal tapos ngayon sasabihin mo sa kin na itigil na natin to ?? Ang daya mo naman " Brett

Mas lalo pang bumilis ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi ko alam kahit na pigilin ko na wag ng umiyak pero wala akong magawa dahil kusang bumabagsak ang mga luha ko.

Niyakap niya ko bigla. Niyakap niya ko ng mahigpit kasabay non ang paghagulgol ko ng pag iyak.

"I'm sorry Brett, I'm sorry kong hindi ako nag iisip. I'm sorry " sabi ko

"Wag kang matakot dahil nandito ako para sayo. I love you very much " Brett

"I love you too " sabi ko

Niyakap ko din siya ng mahigpit at naisip ko na, hindi ko pala kaya, hindi ko pala kaya pag wala siya sa tabi ko dahil mahal ko siya.

MAHAL NA MAHAL.

Bakit ba ang hirap ng ganito ??

Yung bang gusto mo ng isuko ang lahat pero sa huli hindi mo pala kaya.

A/N :

Nakakaiyak naman si Grace.

Sino nakarelate ??

COMMENTS YOUR REACTION :) BINABASA KO PO LAHAT.

NOTE : 15 VOTES FOR THE NEXT CHAPTER.

Kaya naman siguro diba ??

Thanks :)

#Ali

Continue Reading

You'll Also Like

84.8K 1.8K 43
Everything in my life is fine and steady. Not until I knew that I am a Billionaire's Daughter. Like. What. The. Heck.
759K 13.1K 46
(completed) Isang sekreto ang naging dahilan kaya naging Maid si Rica ng isang... CASANOVA yes! "A Casanova's maid" kung ikaw nasa pwesto niya Magigi...
96.7K 2.2K 37
I'm your twin brother's Fiancee but you can't even love me back because you just said that I'm a Brat. How ridiculous? -Haidee We will just help my T...