Alexis POV
Isang bwan ang lumipas. Nakapili ang bawat section para sa gaganaping parade ngayon.
"Nakakainis naman oh, bakit kasi bulaklak pa yung design ng atin? Para kaming bakla nito eh" reklamo ni Eric
"Bakla ka dyan, ang ganda kaya ng design ng atin, floral" nakangiting sabi ni Brix
"Bakla ka kasi kaya gusto mo ng floral"-Eric
"Bakla ka dyan, gusto mo suntukan tayo? Unang tataob sya yung bakla" pag hahamon ni Brix
"Tama na yan, baka mag ka pikunan pa kayo nyan" awat ni Marco
"Ito kasi" turo ni Brix kay Eric
"Marco, bagay ba sakin yung suot ko?" Tanong ko, napatingin sya sakin. Pero agad naman syang umiwas ng tingin.
"O-oo, maganda" sagot nya
"May problema ba?" tanong ko, simula kasi ng umuwi sya galing samin. Para syang uniiwas na sakin, tuwing lalapit ako sa kanya hindi sya titingin sakin. Tuwing mag tatanong naman ako, nauutal sya lagi
"Wala" hindi pa din sya nakatingin sakin
"Eh bakit parang naiwas ka sakin?"
"Eh kasi aqlkloruzbalp" di na natuloy ni Eric yung sasabihin nya ng takpan ni Marco yung bibigya
"Pre samahan mo ko tara" agad naman hinila ni Marco paalis si Eric
"Haha badtrip torpe!"-Renz
"Sino?"-Riza
"Wala, nasaan naba si Ria? Nakita nyo ba?"-Renz
"Ayan na oh, natakbo" turo ko kay Ria
"Guys" hinihingal na sabi ni Ria pag lapit nya samin
"May nahabol ba sayo? Bakit natakbo ka?" Nag aalalang tanong ni Renz
"Walang nahabol sakin, pero.... hahahahahaha! Nakakainis di ko mapigilang tumawa"-Ria
"Ano ba yung nakakatawa?" Tanong ko
"Eh kasi, hahahahahaha"-Ria
"Ria umayos ka nga tawa ka ng tawa"-Riza
"Sorry, si Patrick kasi, nakakatawa yung suot nya. As in flowers talaga ang suot nya hahaha. Sorry guys I know na mali ang pag tawanan sya, pero di ko mapigilan eh"-Ria
"Pfft... nakakatawa nga" sabi ni Renz kaya napatingin kami sa paparating na si Patrick.
Ok? Flower nga talaga yung suot nya, as in true flower yung nakadikit sa suot nya. Samantalang samin, pinagawa pa namin yung suot namin para maayos tingnan.
"Ahm guys, panget ba?" Tanong ni Patrick
"Oo hahaha" siniko ko ng bahagya si Renz kaya tumigil sya kakatawa
"Patrick kasi---"
"Muka kang paso or flower base haha" putol ni Riza sa sinasabi ko. Napayuko naman si Patrick
"Guys pwde bang wag nyo na syang pag tawanan"-Brix
"Pasensya na kayo. Bago lang ako sa parade na 'to kaya di ko alam yung dapat na i-design sa susuotin natin"-Patrick
"Pero alam mo naman yung maganda sa hindi diba? Mayaman ka naman ata, bakit di ka nalang nag pagawa"-Renz
"Alam nyo guys ok nga yung kanya eh. Unique diba? Sya lang yung naiiba satin" Sabi ko
"Ibang iba" nakayuko at mahinang sabi ni Renz
"Ok guys mag ready na kayo mag sisimula na ang parade, kung gusto nyo by partner kayo ok lang" sabi nung isang teacher na mag ga-guide samin
"Ria partner tayo ha" sabi ni Renz tapos kinuha nya yung kamay ni Ria at nilagay sa braso nya
"Partner tayo?" Tanong ni Brix sakin
"Umm, sige" lumapit sya sakin kaya kumapit na ako sa braso nya
"Ah guys...." napatingin samin si Marco at dun sa kamay ko na naka-kapit sa braso ni Brix. Pero agad din naman syang umiwas ng tingin "ah ano mag sisimula na daw kaya umayos na kayo ng pila"
"Marco partner tayo" lumapit sa kanya si Riza "pwde daw by partner. Ok lang ba?"
"O-ok sige no problem"-Marco
"Sige tara na" humawak na sa braso ni Marco si Riza
"Co si Eric nasaan?" Tanong ni Renz
"Wala pa ba dito? Sabi nya mauuna na sya"-Marco
"Wala pa, saan ba kayo pumunta?"-Brix
"Sa canteen bumili kami"-Marco
"Baka may nakita na namang chix kaya natagalam"-Riza
"Siguro nga"-Ria
"Ahm Patrick sino kapartner mo?" Tanong ko
"Syempre wala. Ito makapag tanong eh, sino ba gusto pumartner dyan"-Renz
"Renz ano ba! Kanina ka pa ha, bakit ba parang nag iba ugali mo? Di ka naman mapang lait nun ha" medyo inis kong sabi
"Kaya nga Renz, pakitang tao ka lang ata eh. Kasi yung crush mo mabait"-Brix
"Ito si Ria? Hahaha malakas din tong mang asar, mas malakas pa mang bully sakin 'to. Saka isa pa hindi ako nanlalait, nag sasabi lang ako ng totoo"-Renz
"Nang damay ka pa, nag bago na ko Renz"-Ria
"Ahm wag na kayo mag away away, ok lang kahit wala akong partner. Sanay na naman ako eh" awat samin ni Patrick
"Oh yun naman pala eh, so wala ng problema?" Tanong ni Renz
Hindi nalang ako umimik dahil ayoko din mag away away kami ng barkada.
+++
Pag tapos ng parade, bumalik kami sa loob ng campus. Lahat ng year and section nandito sa cover court.
"Wala pa din ba si Eric?" Tanong ko
"Wala pa nga eh, nag aalala na ko dun"-Brix
"Wag kayo mag alala, sigurado ako nandyan lang yan sa tabi tabi"-Marco
"Eh bakit hanggang ngayon wala pa sya?"-Renz
"Hindi ko alam... ganto nalang mukang di pa naman ata mag sisimula yung games, hanapin nyo muna sya kung gusto nyo. Tatawagan ko nalang kayo pag mag sisimula na"-Marco
"Ok, sino sasama?"-Renz
"Ako" sabi ko
"Sasama din ako"-Brix
"Umm, sama na din ako"-Ria
"Ako, dito nalang ako"-Riza
"Ganun din ako"-Patrick
"Ok sige, tara na" sabi ni Renz
Tulad ng sinabi ni Marco, hinanap nga namin si Eric. At dahil wala pa din syang cellphone hanggang ngayon hindi tuloy namin sya matawagan... kung saan saan kami nag hanap apat, hanggang mahanap namin sya sa garden kung saan kami lagi natambay.
"Hoy Eric!" Tawag sa kanya ni Renz pero di sya lumingon
"Hoy!" Tinapik sya ni Brix pero wala pa din syang imik. Nakatingin lang sya malayo
"Eric ok ka lang ba?" Tanong ko, pero wala pa din syang imik
"Anong problema nya?" Tanong samin ni Ria
"Ewan, kita mo ngayon lang natin sya nahanap eh"-Brix
"Hoy Eric! Hindi magandang biro yan ha! Pag di ka pa nag salita uupakan na kita!" Inis na sabi ni Renz, pero wala talagang reaksyon si Eric "aba talagang... ayaw mo talaga mag salita ha!" Susuntukin na nya sana si Eric ng...
"Waaahhh! Huhuhu!" iyak ni Eric
"Eric, Eric anong ng yari?" nag aalala kong tanong
"*snip* waahhh!"-Eric
"Eric ano ba! Para kang baliw ano bang ng yayari ha?!" Inis na tanong ni Brix
"Eh kasi *snip* huhuhu!"-Eric
"Are you crazy ha? Nakakainis ka na kamo"-Ria
"Pag di ka sumagot ng ayos itutuloy ko na yung suntok sayo!"-Renz
"Eh kasi naman eh, snob lang nya ako *snip* bwiset! Tinamaan agad ako sa kanya!" nag katinginan kaming apat sa sinabi ni Eric
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko
"Si Elize ng section 1. Badtrip ang ganda nya! Gusto ko syang kausapin, pero di nya ako pinansin. Guys mukang... tinamaan na ata ako sa kanya, hindi ko na sya maalis sa isip ko eh" binatukan sya ni Brix "ouch! Problema mo?"
"Ikaw yung problema! Akala namin kung ano ng nang yari sayo. Saka ano bang iniiyak iyak mo dyan, eh madami ka naman girlfriends"-Brix
"Handa ako makipag break sa kanilang lahat, basta tulungan nyo lang ako mapasagot si Elize"-Eric
"No!" Sagot naming apat, tumayo sya at tiningnan kaming apat
"Bakit no? Seryoso ako mga pre, handa ako makipag break sa kanila basta tulungan nyo lang ako"-Eric
"Then do it" inabot ni Ria yung cellphone nya kay Eric
"Anong gagawin ko dito?"-Eric
"Call your girlfriends, and sabihin mo na break na kayo"-Ria
"Agad agad?"-Eric
"Ayaw mo edi wag" kinuha ulit ni Ria yung cellphone nya "hindi ka namin tutulungan, tara na guys" nauna nang nag lakad si Ria. Sumunod naman agad si Renz sa kanya
"Sorry bro" tinapik ni Brix yung balikat ni Eric bago sya sumunod kela Ria
"Alexis, tulungan mo naman ako" sabi ni Eric, umiling na lang ako sa kanya at sumunod na dun sa tatlo "GUYS PLEASE! HELP ME!" sigaw nya
Oo barkada namin sya. Pero sa mga ganung bagay di namin sya kayang tulungan dahil alam naming madaming masasaktan na babae. At alam namin ni Ria kung ano yung mararamdaman nila.
+++