SEALED ( Behind Those Tears B...

By InkedbyFariz

71.1K 2K 252

Pia Alexa is stucked in a never ending competition from her long time rival, Rayleigh Rence.Despite of hating... More

Chapter 1: Give Up
Chapter 2: 9th Time
Chapter 3: Cool
Chapter 4: Deprivation
Chapter 4: Dont worry
Chapter 6: One More
Chapter 7: I Want to Be
Chapter 8: Name it afterwards
Chapter 9: Hate him
Chapter 10: PUNISHMENT
Chapter 11: SMEXY
Chapter 12: Lessen
Chapter 13: Boundaries
Chapter 14: Shut up
Chapter 15: Clearly Knew
Chapter 16: What was that?
Chapter 17-Sweetheart
Chapter 18-For Me
Chapter 19- Claim
Chapter 20-Wounded
Chapter 21-Doomed
Chapter 22- Dont like
Chapter 23- Home
Chapter 24- Handsome
Chapter 25-Oxygen
Chapter 25-Oxygen
Chapter 26- Around
Chapter 27- Jealous
Chapter 28-Police Station
Chapter 29- Relieved
Chapter 30 - Charms
Chapter 31- Tricky
Chapter 32- Beautiful
Chapter 33- Rence
Chapter 34- Inlove
Chapter 35- Us
Chapter 36-Hard
Chapter 37-Deny
Chapter 38- Against it.
Chapter 39- Bad
Chapter 40- Over
Chapter 41- My Girl
Chapter 42- Masochist
Chapter 43- Sorry!
Chapter 44-Important
Chapter 45- Used to
Chapter 46- Help, Leave, Stay, Do
Chapter 47- Guy
Chapter 48- Please
Sealed- Announcement
Chapter 49- Ssh.
Chapter 50- No
Chapter 51: Bargain
Chapter 52- When?
Chapter 54- Cant do this
Chapter 55- Enemy
Chapter 56- Handle
Chapter 57- Choose
Chapter 58- Torture
Chapter 59- Tease
Chapter 60-Epilogue
Sealed- Special Chapter 1.0
Sealed Special Chapter 2.0 (THIRD GENERATION SNEAK PEAK)
pia

Chapter 53- Del Olmo

1K 38 4
By InkedbyFariz

beware of typos.
Tamad na akong magreread.
-------------
Maaga akong nagising ngayong araw.  Kaagad kong tinignan ang cellphone ko kung may greeting na akong natanggap kay Rence pero wala. isa rin kasi ako sa mga tipo ng babaeng gustong makatanggap ng greetings sa boyfriend nila. Ofcourse, I'm expecting a surprise today. Subukan niya lang talaga na wala siyang surprise ngayon kundi makakatikim talaga siya sa akin. Bumaba ako at dumiretso sa dining table naabutan ko naman si Amber at Kuya na kumakain.

"Sunday ngayon ah, aga mong nagising?"

"Himala ba?" sorry naman. excited lang.

"Himala talaga.. Ate paabot naman ako ng egg. Please?" pakiusap ni Amber sa akin. Inabot ko naman sakanya yung itlog.

"May concert kayo mamaya diba kuya?" tanong ko kay Kuya.

"Oo."

"Sasama ba si Belle?"

"Oo, bakit may lakad kayo? Hindi pwedeng di niya mapanood ang concert namin. I move mo na kung may plano ka."

"Posessive mo kuya!" singit naman ni Amber.

"Hihiramin lang sandali eh. Damot nito!" ngumuso ako at kumuha ng kanin at itlog.

"Saan ba punta niyo?"tanong ni kuya.

"shopping." tamad kong sagot.

"Para dumugin kayo in public?" biro ni kuya.

"Grabe! uso naman ang disguise ano. Wala na kasi akong bagong damit."

"bakit kailangan mo ng bagong damit ate? e diba may binigay naman sayo si tita Sheryl last month di ko pa nga nakikita na sinuot mo yun e."

"nag papaimpress yata." biro ulit ni kuya.

"Ang bully niyong dalawa." pagkatapos ay tinawanan lang nila ako. Minsan tuloy iniisip ko na ako lang ang pinanganak sa amin na may magandang loob.

Pagkatapos naming kumain ay naligo na rin ako. I tied my hair in a messy bun pagkatapos kong patuyuin ito. Applied a little bit of light pink lipstick at humiga sa kama ko. Hindi pa rin nagtetext si Rence kaya naman hindi na ako nakatiis. Tinawagan ko na siya. Kaagad niya namang sinagot.

"Hello.." his voice was husky. Hula ko ay kakagising niya lang. I should've waited.

"kakagising mo lang?"

"Hmm. Yeah. Napatawag ka?" nakakain at nakaligo nako at nagpaganda pero kakagising niya palang? Utang na loob alas nuebe na.

"Just checking on you." tamad kong sabi.

"Checking me? or missing me?" and I swear I heard him laugh. Ang lakas niya talagang mang asar. sarap hamabalusin ng halik.

"Ambisyoso to." saad ko. " I'm hanging up."

"wait.." pigil niya sa akin.

"I'm going to pick you up by 11. Lets have a lunch together."

"Okay.." sagot ko.

"Okay lang?" tanong niya sa akin.

"Oo. Okay lang, may dapat ba akong sabihin?"

"Sungit ni Sweetheart." tukso niya sa akin.

"Bababa ko na ha? Bangon na." utos ko sakanya.

"Okay, I love you.." saad niya. Hindi ko mapigilang kiligin. Asar na lalaking to. Pinaglihi talaga sa asukal.

"I love you too." sagot ko bago ko ibinaba ang tawag.

Kaagad ko namang tinawagan si Lizie, She's very fashionable kaya naman siya ang matatakbuhan ko kapag ganito.

"Oh Dabi. Napatawag ka?"

"Lizie.. May problema ako."

"Oh bakit? Inaway ka ni Rence? naku sinasabi ko na nga ba! resbakan ko na ba yang hayop mong boyfriend?" si Lizie talaga.

"Elizabeth Consuelo."

"So eww ha Pia Alexa." tapos ay natawa kaming dalawa.

"But seriously I'm going on a date with Rence. Anong magandang isuot?"

"Mag duster ka." biro niya.

"Ang kalog mo. Haha! seryoso kasi!"

"Nasa trend ngayon ang off shoulder diba marami ka namang off shoulder top diyan? mag jeans ka ha! wag na wag kang magsuot ng skirt kundi hahampasin kita ng walis tambo."

"Eeh! nakita na yun lahat ni Rence. Gusto ko ng bago."

"Edi magshopping ka!"

"Yayain ko nga sana si Belle kaso wala ng oras. Rence will pick me up by 11. Tatawagan ko nga sana si Stacie para makaorder nalang ako kay Tita Ajai pero naisip ko na mas malapit ang bahay niyo dito at yung botique ng Mommy mo. Haha! Please Lizie? Find something for me at ipapakuha ko nalang sa driver namin."

"fine. Basta mag jeans ka! mamaya manyakin ka pa ni Rence."

"Ang laswa mo." biro ko sakanya.

"Ipapahatid ko nalang sa driver namin . Sige na ibababa ko na." Ang bait talaga ni Lizie parang si Ninong Daze lang. Magpinsan nga talaga sila sa mother side nila.

mga 20 minutes pa ang nakalipas bago dumating yung damit at kagaya ng ineexpect ko kay Lizie. Mas girly ang pinili niya. Pink na pink!
Isinuot ko na ang damit at hinintay si Rence na sunduin ako. He then called me when he finally arrived.

"I'm outside the house."

"Coming." saad ko bago lumabas sa bahay.

Natigilan pa ako sandali nung nakita ko siyang nakatayo sa sasakyan niya. Nakapamulsa ito tapos nakangiti sa akin. Bwisit! Ang gwapo. Lumapit siya sa akin at niyakap ako sandali.

"I missed yor scent.. Ganda mo." puri niya sa akin kaya naman hinampas ko yung balikat niya.

"Adik ka."

"what? e sa maganda ka eh."

"I know right. Gwapo mo rin ngayon." puri ko sakanya bago inayos yung kwelyo ng damit niya. Naka khaki shorts lang kasi siya at simpleng 3/4 stripes shirt.

"Lets go?"

"Sige."

Kumain kami sa isang fast food chain. Hindi ako mahilig sa mga restaurants kaya naman sa Mcdo nalang ang napili namin. Si Rence ang umorder at naupo na rin ako sa may side. I was really busy admiring his features paminsan minsan ay sinusulyapan niya ako dahil nga sa mahaba ang linya lunch time eh.

He dialed my phone and I immediately answered it.

"Magkaharap lang tayo tapos tinatawagan mo ako?" tanong ko sakanya.

"I wanna hear you voice."

"Patingin ka na sa doctor. Malala ka na." biro ko tsaka kumaway. "Hang up the phone ikaw na ang susunod oh."

"Okay, focus on me." saad niya bago niya ibinaba at umorder. Rence os seriously an eye catcher kaya naman hindi na bago sa akin kung may titili o titingin sakanya.

pagkatapos naming kumain ay dumiresto kami sa simbahan. Siksikan din doon kaya naman wala kaming choice ni Rence kundi ang makisiksik.

"init." reklamo niya.

"arte mo." saad ko.

"pinagpapawisan ka na oh." binigay niya sa akin ang panyo niya.

"thanks." saad ko. Maya maya pa ay may sumingit na naman sa tabi ko. Lalaki pa. Tiningala ko naman siya kasi mas matangkad siya sa akin and he's handsome too. Ngumiti pa ito sa akin kaya naman ngumiti din ako pagkatapos at bumaling na kay Rence na nakakunot na ang noo. Nakikinig pa ako sa homily ni Father kaso nakikita ko sa peripheral vision ko na pinapasadahan ng tingin ni Rence yung katabi kong lalaki kaya naman siniko ko siya ng mahina.

"Why?" tanong ko at alam kong alam niya na ang tinutukoy ko.

"This is a holy place and its not good for me to lose my patience."

"Patience?" damn. Nasa simbahan kami pero kinakausap ko siya.

"one more perverted look from the gusy beside you and I'll punch him hard after the mass." napakagat labi ako sa sinabi niya. Nung tumayo na kami ay kaagad siyang nakipagexchange sa akin. Kaya naman sila na ang magkatabi nung lalaki.

After the mass. I could tell na masama pa rin ang timpla niya.

"Galit ka? hindi ko naman kasalanan na ipinanganak akong maganda ah." biro ko.

"Kailan ka ba papangit?" baling niya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay

"Gusto mong pumangit ako?"

"If that's the only way those men would not look at you. Why not?" kita mo to! Yung ibang lalaki gustong gusto na maganda yung girlfriend nila pero etong isang ito. Gusto pa yatang tubuan ako ng ketong. Posessive na, Clingy pa.

Next stop namin ay sa mall like ordinary dates gusto ko rin manood ng movie but this time ang haba ng pila sa sinehan.

"Manonood pa tayo?" tanong niya sa akin.

"wag na nga." tinamad na rin ako baka mamaya gabing gabi na kami kung makauwi papagalitan pa ako ni Mommy.

"Rence.."

"Hmm?" wala ka bang ibibigay na flowers? o necklace? o di kaya candle light dinner?

"wala."

"Do you expect me to give you flowers and other stuffs today?" napanganga ako sa sinabi niya. Nabasa niya ba ang iniisip ko.

"Ofcourse not." tanggi ko. kahit na nageexpect ako. Hindi naman sa material girl ako pero hello, its our first monthsary and he didn't even bother to greet me kaya hindi ko rin siya mabati.

"really?" panunukso niya sa akin.

"Yes." ay naku! wag mo akong inaasar Rayleigh Rence. Mag wo-walk out talaga ako.

"do you like couple tees?" Ofcourse Yes! Normal lang yan sa magkasintahan.

"No. Cheap." saad ko pa tapos ay natawa siya.

"How about my body?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya and this time mas lumakas na yung tawa niya. " Sweetheart your facial expression is priceless."

"tigil-tigilan mo ako Rence." saway ko sakanya. dahil medyo gutom na ako ay pumasok kami sa may J.Co. I'm craving for it kaya naman niyaya ko siya doon. They have this free heart shaped doughnuts na binibigay per order. It was cute!

" Whh do you keep on looking at it?" tanong ni Rence sa akin. Sinubo ko naman yung doughnut maliban dun sa heary shaped na doughnut.

"Cute kasi." saad ko.

"Why dont you look at me instead?" suhestyon niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Nakakasuya na pagmumukha mo." biro ko sakanya. He then brushed his hair using his hand that almost took my breath away. Bwisit ulit! Ang gwapo.

"I'm going to feed you til you get fat." panunuya niya pa sakin.

"seryoso ba talaga yan na gusto mo akong pumangit?" tanong ko.

"Oo." seryoso niyang sabi.

"Ang sama mo." reklamo ko sakanya. kaya naman inilapit niya ang mukha niya sa akin. " If I do something bad, why dont you kiss me?"

"PDA KA!" saway ko. "Kumain ka na nga lang."

"Damn Baby, I'm not craving for this." sabay tusok niya ng doughnut gamit ang tinidor. "I'm craving for your kiss." seryosong saad niya at napalakas pa kaya naman narinig ng nasa kabilang table.

The whole day he's sweet at kung literal lang talaga yun ay magkakadiabetes na ako. Mga past 8 narin nung dumating kami sa bahay. Pagkahinto niya palang sa gate ay di ako kaagad na bumaba pero mas nauna siyang bumaba sa akin para pagbuksan ako.

"cant get enough of me kaya ayaw mong bumaba?" tanong niya sa akin.

I pointed his forehead and look straightly in his eyes.

"Thank you for today." sabi ko sabay ngiti. Bumaba na rin ako ng sasakyan. He held my hand and guided me at the back of his car. He opened the back of his car and a big bouquet welcomed my sight. Omg! Akala ko talaga ay wala na.

"Girls love flowers." saad niya bago iniabot sa akin ito.

"Thank you." wala na akong ibang masabi. He made me the happiest girl in the world today.

kaagad niya namang hinalikan ang kamay ko at ngumiti. Umupo siya sa likuran ng sasakyan at ganun din ako.

"Did you ever wonder how I started to fall for you?" tanong niya sa akin.

"Kailan at paano ba?"

"Since grade 2?" patawa niyang sabi. " I'm sure you cant remember me."

"Seryoso ba yan?"

" Nevermind." asar to! andun na kami sa moment e. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya and we both chuckled.

"Patay na patay ka talaga sa akin."

"Mas ka naman ngayon." tukso niya. I was seriously looking at the bouquet when I noticed something. There was a shiny thing inside of the flower's petal kaya naman kinuha ko. Only to find out that its a necklace. I suddenly remembered Denver. He used to give me a necklace too at ngauon ay suot ko pa.

"Let's replace that." sabay turo niya sa suot kong necklace.

Kinilatis kong mabuti ang necklace and it wa personalized. Silver Necklace na may pendant. Nakalagay ang apelyido niya. " Del Olmo?"

" bakit?" tanong ko tapos ay dahan dahan siyang tumayo at hinarap ako.

"Starting today you're going to wear this." sabay suot niya sa akin ng necklace tapos binigay sa akin ang necklace na bigay ni Denver. "but next time i'm going to let you use it legally..This may sound corny but Happy Monthsary Sweetheart."

Shit! Gago ka Rence..Kinikilig ako!

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 25.2K 47
Dice and Madisson
91.5K 5.6K 25
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
176K 2.4K 44
As the second son of the Salguero family, Cassian's reputation is quite different from that of his siblings. He's stubborn and rebellious in the eyes...
307K 10.5K 27
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...