-Chapter 10-
“HELLO ATE KATHARINA, KUMUSTA?”
Mababakas sa boses ni Marrah ang sobrang kasiyahan ng sagutin nito ang tawag ng nakatatandang kapatid na si Katharina.
“Okay lang ako, Marrah. Nasaan ang Mama?”
Kahit papaano ay napawi ang sobrang inis na nararamdaman ni Katharina dahil sa pagkapahiya sa kanya ng isang banyagang lalaki kanina sa coffeshop ng resort. Nakaguhit na ngayon ang ngiti sa kanyang mga labi habang kausap ang nakababatang kapatid dahil sobra na niya itong na-miss sa ilang araw na hindi nila pagkikita.
“Naku, Ate wala si Mama. Kaaalis niya lang papunta sa fashion house. Pero pwede ka namang tumawag ulit mamayang gabi kasi siguradong nakauwi na siya.”
Biglang gumuhit ang panghihinayang sa magandang mukha ni Katharina pagkatapos marinig ang sinabi ni Marrah dahil bukod dito ay ang kanilang ina ang katangi-tanging dahilan kung bakit siya tumawag.
“Naku, sayang naman. Sobrang na-miss ko pa naman siya, kayong dalawa. Ayos lang naman ako dito. Na-hire ako bilang baker sa coffeeshop na nasa resort na pag-aari mismo ng pamilya nina Papa. Mabuti nga ‘to kasi nagagawa ko na ang bagay na matagal ko ng gustong gawin.”
“Masaya ako para sa’yo, Ate! Pero nami-miss na talaga kita. Sana hindi magtagal at umuwi ka na, Ate Kath!” Malambing na pahayag ni Marrah.
“Sus! Miss ko na rin naman kayo ng Mama. Hayaan mo, uuwi din ako diyan saka nag-eenjoy pa kasi ako dito.” Aniya sa kapatid. “Maiba ako, Marrah, hmm, may isang lalaking foreigner dito sa resort. Ang gwapo niya sana pero naku! Nuknukan ng bastos!”
Tila nanggagalaiti ang dalaga sa inis habang naaalala ang banyagang lalaking nakasagutan niya sa coffeeshop. Sukat doon ay tila bumugso ang isang hindi maipaliwanag na damdamin lalo na sa kanyang puso ng maalala ang halik na iginawad nito sa kanya. Animo’y may sumisingit na mumunting kilig sa kanyang puso lalo na ng maalala niya ang mabangong hininga nito at hindi niya totally makuhang mainis dito.
“As in, Ate? Ay, ano ba ‘yan! Karamihan talaga sa mga gwapo ay mga bastos. Sayang ang kanilang hitsura!” May panghihinayang sa tinig ni Marrah.
“Take note, Marrah. Kamukha niya si Papa B!”
Hindi niya maintindihan ngunit biglang mas nag-ibayo ang kilig na kanyang nararamdaman ng maalala ang gwapong mukha ni Brian. Pilit niyang iwinaksi sa isipan ang hitsura nito ngunit tila pilit pa rin itong naggugumiit doon. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil nagsisimula ng hanapin ng kanyang mga mata ang binata kapag hindi niya ito nakikita.
“Hay! Sinasabi ko na nga ba! Ikaw Ate Kath ha, napapansin kong panay Brian na ang lumalabas diyan sa bibig mo. Tuloy mo lang ‘yan kasi iyang dila, may powers ‘yan. Baka marinig ni Papa B at maisipan niyang magpunta dito sa Pinas.”
Sukat sa sinabi ni Marrah ay napabunghalit silang dalawa sa pagtawa habang nag-uusap sa celphone. Marami pa silang pinag-usapang magkapatid. Halos dalawang oras bago sila natapos at kulang pa iyon kung tutuusin dahil sa sobrang pananabik nila sa isa’t-isa. Natapos lang ang kanilang pag-uusap ng sabihin nito na pupunta na sa paaralan. Tumayo na ang dalaga para mag-lakad-lakad sa dalampasigan. Isang simpleng walking shorts lang at blouse ang kanyang isinuot tapos naglagay ng baby powder at lipgloss.
----------------------------------------------
Samantala, naglalakad rin sa dalampasigan si Brian na naka-shorts lang at walang pang-itaas. Medyo maalinsangan kaya gusto niyang magtampisaw sa dagat sa mga oras na iyon. Nang medyo mapagod ay umupo siya sa gilid ng di-kalakihang bato. Marami-raming tao sa dagat. May mga babaeng naka-swimsuit at ang iba naman ay nakasimpleng shorts lang at blouse habang naliligo. Panay ang tingin ng binata sa paligid dahil may hinahanap na pamilyar na bulto ng babae ang kanyang mga mata. Hindi niya nagawang makatulog ng maayos kagabi dahil hindi na niya nagawang iwaglit sa kanyang isipan ang maiitim at nangungusap nitong mga mata, ang maganda at inosente nitong mukha na kainosentihan ay nagmumukha itong vulnerable sa kanyang paningin. Tila isang kristal na kailangang ingatan dahil anumang oras ay mababasag. Napangiti ang binata ng maalala ang mukha nito. Habang nag-iisip ay aksidente siyang napatitig sa kinaroroonan ng isang babaeng nag-iisa at naka-swimsuit. Ngumiti ito sa kanya at dahil likas na palakaibigan ay ginanti iyon ng binata ngunit hindi niya inasahan na lalapitan siya ng naturang babae.
“Are you lost in this island?” Mapang-akit na tanong nito kay Brian.
“Uh uh, I’m on a vacation. How about you? Are you alone?”
Simpatiko ang ngiting gumuhit mula sa mapupulang labi ng binata habang tinatanong ito kaya tila naman ginanahan ang babae at naupo ito sa kanyang tabi.
“I’m Trixie, by the way.” Diretsang saad nito sa kanya sabay lahad ng kamay nito. Tinanggap niya ang kamay nito at marahan iyong pinisil.
“I’m Brian.”
“Nice name you got there. It suits your perfect looks.”
Hinagod ng tingin ng babaeng nagngangalang Trixie ang kanyang mukha hanggang pababa sa kanyang mabalahibong dibdib at pagkatapos ay tumingin ito sa mga mata niya na tila nang-aakit. Bahagyang ngumiti ang binata sa dalaga.
“So, what country do you come from?” Dagdag nito.
“I’m an Irish. How about you? I bet you’re a Filipina. I could see it on your looks.”
Pagkatapos sumagot ay inilakbay ni Brian ang kanyang mga mata sa morenang balat nito bagama’t napakakinis. Bukod doon ay balingkinitan si Trixie at malulusog ang dibdib nito. Biglang nag-init ang pakiramdam ng binata kaya marahan niyang ipinilig ang ulo upang pawiin ang nararamdaman saka hinamig ang sarili.
“Yes, I’m a Filipina. I come from the city of Manila and came here for a vacation too but I’m already going back home tomorrow.”
Hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga ang pagdako ng paningin ni Brian partikular na sa magandang hubog ng kanyang katawan kaya bahagya pa niyang iniliyad ang dibdib para mas sumabog pa iyon ng konti saka ngumiti ulit ng mapang-akit kay Brian.
----------------------------------------------
Mula sa kinatatayuan ni Katharina ay natatanaw niya ang mayabang ngunit gwapong lalaking nakasagutan niya kahapon at siyang humalik sa kanya. Biglang sumulak ang kanyang dugo ngunit hindi niya mawari kung sanhi ba iyon ng nangyari kahapon o dahil may katabi itong magandang babae ngayon lalo na ng makita niya ang marahang paghampas nito sa balikat ng binata habang tumatawa.
“Hmp! Akala mo naman kung sinong gwapo, malapitan lang ng babae ay yumayabang lalo!”
Ngunit mas lalong nagtaka ang dalaga ng magsalita ang isang bahagi ng kanyang utak na tila ito’y nakikipagtalo sa isa.
“At bakit ka naman apektado? Nagseselos ka ‘no?” Sagot naman ng isang bahagi.
Ipinilig ni Katharina ang kanyang ulo at bigla siyang napasimangot ng dahil sa inis na nararamdaman kaya ipinasiya nalang niyang lumayo at pumunta sa grill house. Naglakad siya patungo doon ngunit hindi pa rin mawaglit sa kanyang isipan si Brian. Ayaw niyang aminin sa sarili at pilit na iginigiit dito na hindi siya apektado sa kanyang mga nakikita at dahil doon ay napabuga nalang siya ng hangin upang kahit papaano’y mapawi ang kanyang nararamdaman.
“Oi Cuz! Saan ka ba nagsusuot? Wala ka sa kwarto mo kanina ng puntahan kita!”
Nanunulis ang nguso ni Jannah habang nagsasalita. Nasa loob ito ng grill house at tumayo ng makitang paparating siya. Naroon din si Anna Lou at kausap nito ang nobyong Amerikano sa laptop.
“Ang arte mo talagang bakla ka, diyan lang naman ako sa dalampasigan at naglalakad. Feel ko lang na magsolo flight kanina kaya pasensiya na po ha!” Pahayag niya sa pinsan.
Parang nais niyang matawa sa ayos nito ngayon dahil nakatali ang buhok nito ng pink na laso na animo’y isang cheerleader bagama’t hindi ito nagku-crossdress katulad ng ibang bading. Nagtaka ito ng makitang tila pilit niyang pinipigilan ang sarili na matawa.
“At ako pa ang maarte ngayon ha? May pasolo-solo flight ka pa diyang nalalaman! Nakakatampo ka naman niyan.” Lalo pa nitong pinatulis ang nguso kaya napabunghalit ng tawa ang dalaga sa inasal nito. “Hmm, maiba ako Cuz, may mala-artista daw na lalaki na naligaw dito kahapon! Muntik mo na nga raw sampalin!”
Namimilipit na ito sa kilig habang nagsasalita kaya bahagyang kumunot ang noo ng dalaga sukat sa sinabi nito.
“Talaga lang ha? At sino namang nagsabi sa’yo para mapremyuhan ko. Gwapo sana pero ubod ng yabang at pagiging antipatiko!” Bahagyang idiniin ng dalaga ang pagkakasambit ng mga salitang iyon.
“Sino pa, eh ‘di si Joyce! Naku! Pero kinilig ka naman Cuz ‘no? Aminin mo.” Kantiyaw nito sa saka bahagyang tinampal ang kanyang balikat. Sasagot pa sana si Katharina ngunit bigla siyang tinawag ni Anna Lou.
“Oi, Kath, Halika dito. Ipapakilala kita sa boyfriend ko.”
Lumapit siya sa mesa kung saan ito naroon saka humarap sa laptop nito at nakita niya ang kasintahan ng kanyang pinsan.
“Hello Katharina! So ikaw ang pinsan ni Anna. I’m Justin, her fiance’.” Saad nito habang nakapaskil ang isang palakaibigang ngiti sa gwapo nitong mukha.
Bigla siyang namangha ng marinig niyang nagsasalita ito ng Tagalog kaya ginamit niya ang sariling wika habang kinakausap ito.
“Hi! Kumusta ka? Oo, Magpinsan nga kami ni Anna at madalas ka niyang kinikwento sa amin.”
Nakikinig lang sina Anna Lou at Jannah habang nakatuon din ang tingin ng mga ito sa harap ng laptop.
“By the way, malapit na pala kaming ikasal ng cousin mo. Imbitado ka and don’t forget to bring your boyfriend, okay?” Excited na sabi sa kanya ni Justin.
Biglang napawi ang ngiti sa mga labi ng dalaga ng marinig ang sinabi nito. Biglang may kumurot sa kanyang puso kaya tipid siyang ngumiti dito.
“Okay. Uhm, Sige ha? I’ll go ahead ‘cause I need to finish something.” Ang tanging isinagot niya dito habang pilit na iniiwasang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang dating nobyo saka marahang tumalikod. Hindi na niya hinitay pa na sumagot ito kaya ipinagpatuloy na ni Anna Lou ang pakikipag-usap sa lalaki.
----------------------------------------------
Masayang naliligo sa dagat sina Brian at Trixie. Panay ang halakhak nila lalo na kapag humahampas ang alon at magkasabay silang bumuwal. Nagka-click silang dalawa kaya kahit wala pang isang araw na nagkakilala sila ay naging malapit na sila sa isa’t-isa. Nagsabuyan sila ng tubig-dagat sa isa’t-isa at tila mga batang naglalaro sa dagat. Nang mapagod ay napagpasyahan nilang maupong muli sa tabing-dagat. Pareho silang nakatingin sa harap ng asul na dagat at tahimik lang habang bahagya pang hinihingal.
“Trixie, are you hungry? Wanna grab a bite before we go back to our respective cottages?” Basag ng binata sa katahimikang namagitan sa kanila sa gitna ng kanyang paghingal.
“Sure! I love that! Do you know any restaurant here which sells delicious foods?” Masiglang sagot ni Trixie.
“Yes! There’s a grill house near the entrance and they offer delicious foods! How about going there? Come on! Let’s just try it.” Ani Brian habang simpatikong nakangiti sa dalaga. Nauna na itong tumayo habang nakatingin pa rin sa dalagang kaharap.
“Hmm, let’s go! I feel like drooling now!”
Sinabayan pa nito ng hagikhik ang pagsasalita. Inilahad ni Brian ang kamay para alalayang tumayo ang dalaga na mabilis namang tinanggap nito. Pagkatayo nito ay magkasabay nilang tinungo ang grill house na tinutukoy ng binata kanina habang nakaabrisiyete sa kanya si Trixie. Hindi na sila nag-abalang bumalik pa sa kanilang cottage upang magpalit. Panay ang tingin sa kanila ng mga taong nakakasalubong lalo na ang mga kababaihan at kadalasan ay napapalingong muli partikular na kay Brian. Halata sa mga mata ng mga ito ang paghanga kapag natitingnan ang binata. Ang iba naman ay natitigilan habang nakatingin sa kanya dahil hindi pa rin naman maiaalis ang pagiging kahawig niya sa hitsura ng Brian McFadden na kilala ng mga ito. Idagdag pa na matangkad din siya at matipuno ang pangangatawan. May iba naman na mahahalatang may halong pagkainggit habang nakatingin kay Trixie na animo’y sinasabi ng mga ito na napaka-swerte niya dahil siya ang napiling isama ng mala-Diyos na Griyegong katulad ni Brian. Maya-maya pa ay narating na nila ang naturang grill house. Dumiretso ang dalaga sa pagkakaupo kung saan ay pinili nito ang mesang pandalawahan. Dumiretso naman ang binata sa counter kung saan naroon ang mga pagkaing nakahilera.
“Yes sir? Is there anything I can do for you?”
Nakangiti ang babaeng service crew na nakatalaga habang tinatanong ang binata na halatang kinikilig ng mapatingin siya dito. Kumuha si Brian ng isdang iihawin pa lang, at saka itinuro ang sugpo, malalaking hipon at alimango. Lahat ng iyon ay paborito niya ngunit miminsan lang niya natitikman lalo na kapag wala siya sariling bansa sa tuwing may tour siya kasama sina Shane, Mark, Kian at Nicky.
“I want these. Just total them all, okay?” ani Brian sa babae na hindi pa rin inaalis ang pagkakangiti. Iniabot na niya dito ang inihaw na isda. Luminga ito at nakita si Trixie. “and, I’m just there. Just please take my order in that table for two.” Turo niya sa di-kalayuang mesa kung saan nakaupo ang dalagang kasama. “Trixie, what do you want to eat?” Aniya sa dalaga ngunit sumenyas lang ito sa kanya na siya na ang bahala.
“Okay sir, I’ll just grill this fish and we will just serve those foods you ordered. Can you give us atleast fifteen minutes for the grilled fish?” Magalang na sagot ng babaeng service bago nito isinalang ang isda sa ihawan.
Ngumiti lang si Brian saka marahang tumango at pagkatapos ay naglakad patungo sa mesa kung saan naroon si Trixie. Napalingon sa kanya ang mga taong nandoon at kagaya kanina, may bahid ng paghanga ang paraan ng pagtingin ng mga ito sa kanya. Samantala, mabilis ang paglalakad na ginagawa ni Katharina galing sa banyo ng grill house. Bahagya siyang nakayuko kaya hindi niya napansing may tao siyang kasalubong.
“Aray naku! Ano ba yan?!”
Medyo napalakas ang boses ni Kathana sabay sapo sa kanyang noo na nabunggo sa isang matigas na bagay para lang manlaki ang kanyang mga mata ng makita ang may-ari ng naturang bagay na nabunggo ng kanyang noo pagtaas niya ng kanyang tingin. Iyon ay ang malapad na dibdib ni Brian.
“Ikaw!” “You!”
Magkasabay at paangil na anas nilang dalawa habang itinuturo ang isa’t-isa. Napalakas ang pagkakasabi nilang dalawa sa mga salitang iyon kaya nakatawag iyon ng pansin sa mga taong naroon.
“What are you doing here? Are you following me?” Kunot ang noong tanong ng binata sa kanya siyang naging dahilan upang sumulak ang dugo ni Katharina.
“Hoy antipakong mayabang! Tagarito ako kaya huwag kang mag-ilusyon na ikaw ang dahilan kung bakit ako narito! ‘Tsura mo! Ikwento mo sa pagong ‘yan.” Singhal ni Katharina sa binata.
Walang ni isa man ang nagtangkang pigilin sila at mismong si Joyce na nasa counter ay hindi alam kung lalapitan ba sila. Natigilan ang binata sa sinabi ng dalaga dahil kahit nakakaintindi siya ng konting Tagalog ay hindi iyon sapat upang malaman niya kung ano ang sinabi nito. Nakita ni Katharina sa gilid ng kanyang mga mata na tumayo ang isang morenang babae at naglakad palapit sa kanila.
“What? I don’t understand. Speak in English!” Nakakunot pa rin ang noong saad ni Brian habang nagsasalita at medyo nakaangil na rin ito.
“Inglesin mo ‘yang pagmumukha mo! Nasa Pilipinas ka kaya ikaw ang mag-Tagalog! Kapal ng mukha nito.” Pabalang namang sagot ni Katharina.
Ngunit sa kabila ng kanyang nararadamang inis ay naroroon naman ang mabinig kilig na nararamdaman ng kanyang puso gayundin si Brian sa kasuluk-sulukang bahagi ng kanyang pagkatao. Hindi niya mapigilang humanga sa taglay nitong ganda at sa wari niya’y mas gumaganda ito kapag nagagalit.
“Gosh! She’s a darn beauty!” saisip niya.
“What’s the chaos all about, babe?” Maarteng saad ni Trixie ng makalapit sa dalawang nagbabangayan.
Pumulupot ito sa braso ni Brian at saka hinagod siya ng tingin sabay ismid. Umirap si Katharina sa babaeng kaharap at nagsalita habang kunot ang noo.
“Boyfriend mo ba siya? Huh! Ang malas mo naman. Dahil bukod sa bastos, mayabang at antipatiko ay nuknukan pa ng pagka-feeling gwapo ang lalaking iyan!” Naghuhulagpos ang inis na sambit ng dalaga.
Hindi niya maintindihan ngunit tila may bahid na selos ang kanyang pagkakasabi niyon lalo na ng makita niyang pumulupot ito sa binata ngunit pinipilit niya ang sariling huwag iyong ipahalata sa mga kaharap. Nagmukhang square root ang mukha ng babaeng kanyang kaharap at iyon ang eksenang naabutan nina Jannah at Anna Lou. Mabilis na nagsilapit ang mga ito ng makitang sangkot ang kanilang pinsang si Katharina lalo pa’t pinagtitinginan na ito ng mga tao.
“Cuz! Anong kaguluhan ‘to?” Takang tanong ni Anna Lou.
“Kalma ka lang Cuz. Ang poise mo!” Ani Jannah na nakasunod dito.
Sa kanya ito nakatingin at hindi pa nito nakita si Brian. Saglit niyang tiningnan ang mga pinsang kararating lang at saka ibinaling ang tingin kina Trixie saka humalukipkip.
“Cuz, siya lang naman ang lalaking feeling gwapo na feeling niya yata ay isa siyang napakagandang regalo sa lahat ng mga kababaihan!” Aniya sa pinsan.
Hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit naiinis pa rin siya kaya napabuga nalang siya ng hangin. Palipat-lipat naman ng tingin si Brian sa magpipinsan at pilit na iniintindi ang kanilang mga sinasabi. Nang mapalingon si Jannah sa binata ay namilog ang mga mata nito at natutop ng mga kamay ang bibig. Gayundin si Anna Lou.
“Gosh! Cuz, ang yummy!” Si Jannah na bahagyang namimilipit sa kilig.
“Katawan pa lang, ulam na!” Ang tanging nasabi Anna Lou.
Mangha pa rin ang dalawa sa nakita. Hindi na nakasagot si Trixie at itinaas ang kilay. Kinalabit siya ng kanyang pinsang bakla at saka bahagyang bumulong.
“Pambihira ka naman Cuz, hindi mo naman sinabi sa akin na panty-dropping ang ka-gwapuhan ng hombreng ito!” Muling palatak ni Jannah.
“What? What did you say? I don’t understand! You guys, are impossible!” Mataas na ang boses na tanong ni Brian.
“Ah, eh. By the way, my name is Jannah! How about you, handsome?” sambit nito habang pakikay na inilahad ang kamay at pinikit-pikit pa ang mga mata na animo’y nagpapa-cute. Tinanggap naman iyon ng binata.
“I’m Brian. I’m doin’ good. Thank you. How are you too?”
Hindi rin napigilan ni Anna Lou ang sarili at nakipagkilala rin ito sa binata na lalong ikinainis ni Katharina kaya siniko niya ang pinsang bakla.
“Aray! OA na ha.” Palatak ni Jannah ay saka marahang umirap sa kanya. Nananatiling walang kibo si Trixie at palipat-lipat nalang ng tingin sa kanilang apat. Tumaas ang kilay nito ng madako sa kanya ang mga mata.
“Aba’t sumusobra na ang mahaderang to ah! Akala mo kung sinong maganda!”
Halos pabulong na sambit ni Katharina habang hindi pa rin mapawi ang pagkainis na nararamdaman. Pakiramdam niya kasi ay napahiya siya dahil mas pinili pa ng kanyang mga pinsan na magpakilala sa lalaking kinaiinisan ngunit naghahatid ng kakaibang kiliti sa kanyang puso kaysa sa kampihan siya.
“So guys, we’ll see you around!” Untag ni Brian saka tumingin sa kanya at ngumiti ng nakakaloko. Kapagkuwa’y tumalikod na ito at hinawakan ang kamay ng dalagang kasama.
“Bye, Papa B!”
Halos magkasabay na paalam nina Jannah at Anna Lou habang kumakaway sa nakatalikod na binata pagkatapos ay tumingin sa pinsang si Katharina. Biglang kumunot ang noo ng mga ito ng makitang nakalukot pa rin ang kanyang mukha.
“At bakit naman mukhang square root ‘yang feslak mo, Cuz? Ano ba talaga ang naging kasalanan ni Papah B sa’yo at halos fektusan mo na?” Nakakunot pa rin ang noong tanong ni Jannah sa dalaga.
“Oo nga naman Cuz. Mukha kang naglilihi ah.” Segunda naman ni Anna Lou.
“Hmp! Bigla ba naman akong hinalikan kahapon habang nagsasalita! Ang kapal ng pagmumukha niya. Hitsura lang ang meron sa kanya pero semplang na semplang ang ugali. At saka utang na labas ha huwag niyo siyang matawag-tawag na Papa B dahil nag-iisa lang si Papa B sa buhay ko at iyon si Brian McFadden!” Mahabang pahayag ni Katharina.
Medyo napalakas ang kanyang boses kaya napalingon sa kanya ang mga tao sa grill house. Bahagyang nginitian ng bakla ang mga ito.
“Pasensiya na po kayo ha? May period kasi itong pinsan namin ngayon.”
Pagkatapos ay hinila ni Jannah si Katharina nito palabas sa grill house upang hindi na humaba pa ang argumento nila sa harap ng mga turistang naroon kaya nagpatianod nalang ang dalaga dito.
“At bakit naman ako magi-guilty? Bastos kaya ang hambog na ‘yon!” bulong ng isang bahagi ng kanyang pag-iisip. “Pero infairness masarap siyang humalik.” Palatak naman ng kabilang bahagi.
----------------------------------------------
“Damn that woman! What does she thinks of herself? She’s just really over-reacting! She’s still the first person who had the guts to embarrass me in front of many people!”
May bahagyang angil ang boses ni Brian habang palabas silang dalawa ni Trixie sa grill house. Tapos na silang kumain ngunit hindi pa rin mawala-wala sa kanyang isip ang nangyari kanina dahil pakiramdam niya’y natatapakan na ang kanyang ego sa lahat ng ginawa sa kanya ni Katharina. Hindi niya matanggap sa sarili na sa dinami-dami ng mga babaeng halos dumaan na sa butas ng karayom para lang mapag-ukulan niya ng pansin ay ito pa ang nagkaroon ng lakas ng loob na tratuhin siya ng ganoon lalo pa at sa harap ng maraming tao.
“Oh, really? Is that the only reason or you are devastated because you can’t accept the fact that the woman whom you are attracted to is not giving any hint that she’s attracted to you too?” Kantiyaw ng isang bahagi ng kanyang isip.
Mas lalong nainis ang binata sa kanyang sarili kaya inis niyang nasuklay ng kanyang kamay ang kanyang buhok.
“Of course not! She not my type! Short women are not my type!” Inis na bulong niya ngunit hindi na iyon nakalampas sa pandinig ni Trixie.
“What did you say, Brian? Are you alright? You sounded like you’re murmuring. Is there something wrong?” Takang tanong nito kanya habang nakakunot ang noo. Tila nagising ang diwa ng binata kaya hinamig niya ang kanyang sarili at tipid na ngumiti dito.
“Oh, I’m sorry. I’m alright. Where do you want to go?” tanong nalang niya dito.
“I wanna go to a more quiet place.”
Hinila ni Trixie si Brian patungo sa dalampasigan. Feeling close na sa kanya ang dalaga at hindi pa rin mawala ang pag-aabrisiyete nito sa kanyang braso. Kahit na sabihing maganda ang pangangatawan ito at ang pangangatawan nito ay wala siyang nararamdamang atraksiyon para dito dahil may isang taong gumugulo sa kanyang isipan sa kasalukuyan. Patuloy pa rin sa pagtatalo ang kanyang isip ngunit sinarili nalang niya iyon upang hindi mainsulto ang kasama. Bumalik sila sa dalampasigan kung saan kokonti nalang ang mga taong naroon kumpara kanina. Ilang oras silang nakaupo sa may gilid ng puno ng niyog at bahagya pang nakahilig sa kanyang malapad na dibdib si Trixie habang kapwa nakaharap sa dagat. Kung titingnan sila sa malayo ay animo’y magkasinatahan na sweet sa isa’t-isa.
“I’m going back to Manila tomorrow. How about you? When are you going back to your country?”
I’m on a vacation for three weeks and I just arrived yesterday. I have no plans to visit another place so maybe I’ll just stay here until I go back home.” Sagot ni Brian at marahang yumuko upang tingnan ang dalaga. Nagkibit-balikat nalang ang dalaga sa kanyang sagot.
“Well, in as much as I want to stay longer but my work needs me already. I just came here to relax and have some fun. Is this your first time to visit Philippines?” tanong ulit ni Trixie.
“Ah, uhm, Y-yes. It’s my first time to be in this country and I think I love it so surely this is the first country I would go back to in the future.” Aniya habang itinatago dito ang tungkol sa kung ilang beses na siyang nakapunta sa bansa.
“I see. So what do you do in your country?” saad pa nito.
“I’m a-. . Well, I’m a university professor. How about you?”
“I’m an office secretary.” Tipid na sagot ni Trixie kaya bigla nalang tumango ang binata.
Bigla silang natahimik at pinakiramdaman ang isa’t-isa. Ramdam nila ang init na nagmumula kani-kanilang mga katawan habang sinasamyo nila ang hanging-pandagat. Marahang napapikit ang binata sa ibayong sarap ng pagdampi ng hangin sa kanyang mukha upang mabigla ng biglang kumudlit sa kanyang isip ang mukha ng babaeng nakaaway niya kanina - si Katharina.
“K-katharina is her name.” Mahinang sambit ni Brian.
Tila hindi naman iyon narinig ni Trixie dahil hindi ito umimik. Madilim-dilim na ngunit nakaupo pa rin sila doon. Tumingala ang dalaga sa kanya at medyo naaaninag pa rin niya ang mga mata nito. Nagtama ang kanilang mga mata ngunit tila mukha ni Katharina ang nasa kanyang isip ng mga oras na iyon. Ngumiti sa kanya ang dalaga at maya-maya pa’y unit-unting naglapat ang kanilang mga labi. Bahagyang humarap sa kanya ang dalaga at iniyakap nito ang dalawang braso sa kanya saka marahang hinihilot ang kanyang likod. Bumaba ang mga kamay nito at dinama ang kanyang malapad na dibdib. Kinabig niyang lalo ang dalaga. Dinama ng kanyang dalawang kamay ang dibdib nito at halos mapugto ang kanilang hininga ng magbitiw sa pagkakahinang ang kanilang mga labi.
“Let’s go to my place?”
Mas lalong nang-aakit si Trixie habang sinasabi ang mga katagang iyon kaya simpatikong ngumiti ang binata at saka marahang tumango. Nauna siyang tumayo upang alalayang tumayo ang dalaga. Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa cottage na nakalaan para dito. Pagkapasok na pagkapasok ay kinuyumos ni Brian ng halik ang mga labi nito. Habang magkahinang pa ang kanilang mga labi ay inalis niya ang pagkakabuhol ng pang-itaas na bra nito saka kumubkob ang kanyang mga kamay sa magkabilang dibdib nito at bahagya iyong pinisil. Napaarko ang katawan ng dalaga na tila nagustuhan nito ang sensayong hatid ng kanyang ginawa. Iginala ng dalaga ang mga kamay nito na tila hinahanap ang butones ng short ng kanyang suot at ng mahawakan iyon ay agad iyong binuksan. Nagawang buksan ng dalaga ang butones at saka hinubad ang suot na short ng binata. Bumaba ang mga labi ng binata sa leeg ni Trixie. Napapikit ito habang ninanamnam ang ibayong kiliti sa ginawa ni Brian. Samantala, ng mahubad ang short ng binata ay hinawakan ng dalaga ang naghuhumindig na pagkalalaki ng binata at bahagya iyong hinimas saka pinisil. Umungol ang binata sa kanyang ginawa. May karanasan na si Trixie sa larangang iyon kaya sanay na siyang hawakan ang kahit saang bahagi ng katawan ng isang lalaking kagaya ni Brian.
“Oh, Trixie. .”
Hindi napigilan ni Brian ang mapaungol habang inihiga niya ang dalaga. Nilaro ng kanyang dila ang kanang dibdib nito. Ang dalaga naman ang napaungol sa kanyang ginawa. Hanggang sa ang kanyang mga labi ay bumaba hanggang puson nito saka binuksan niya ang butones ng shorts ni Trixie. Pagkahubad ng binata sa shorts at panloob ng dalaga ay idinagan niya ang buong bigat dito at ipinantay ang kanyang mukha sa mukha nito. Nagtama muli ang kanilang mga paningin at ngumiti ng mapang-akit ang dalaga. Kapagkuwa’y nagsimula ng gumalaw ang binata. Sa una ay marahan pa iyon.
“Oh Brian. . Please. . Oh god!”
Tila nababalisa habang pabiling-biling ang ulong ungol ni Trixie dahil hindi na nito kayang pigilin ang sariling damdamin. Nasiyahan ang binata ng makita niyang nagustuhan ng dalaga ang kanyang ginawa kaya bahagya niyang binilisan ang paggalaw.
“Brian! Brian! Oh, baby. . Please make it faster. .” sambit ni Trixie sa gitna ng pag-ungol nito.
“Trixie. . Trixie. . You’re so fecking hot! You make me go crazy! Ooh. .” paungol ding sagot ni Brian.
Naging wild na ang dalaga kaya pumaibabaw ito sa binata. Mas binilisan pa nito ang paggalaw at impit na umungon sa sarap na nararamdaman nito. Napuno ng ungol ang naturang silid. Ungol na nagmumula sa mga nilalang na kapwa uhaw sa pangkatawang pangangailangan. Kapwa sila hinihingal ng matapos at inihiga ng dalaga ang kanyang ulo sa dibdib ng binata saka kapwa sila nakatulog. Nagising si Brian dahil tumunog ang kanyang celphone. Kinuha niya iyon sa mula sa bulsa ng kanyang shorts na nasa sahig at nasulyapan niyang alas nuwebe na ng gabi. Medyo kumakalam na rin ang kanyang sikmura.
“Trixie! Wake up! Let’s go have a dinner.”
Bahagya lang umungol ang dalaga ng nagtangka siyang pukawin ito ngunit hindi tumigil ang binata at pilit pa rin itong ginigising. Bahagyang nagising ang dalaga habang pipikit-pikit pa rin ang mga mata nito. Yakap-yakap nito ang unan at nagkumot.
“I’ll just sleep here. You go ahead, Brian. I’ll just eat later.” Aniya na tila inaantok pa.
“Are you sure?” Paniniguro niyang tanong dito.
Bahagya lang tumango ang dalaga na hindi pa rin siya tinitingnan at pikit pa rin ang mga mata.
“Okay, I’ll just close the door as soon as I go out. See you around.” Paalam ni Brian dalaga.
“Yeah, Good night. Enjoy.” Tipid na sagot ng dalaga saka bumalik na ito sa pagtulog.
Sa kanyang paglalakad ay dinala siya ng kanyang mga paa sa grill house kung saan sila nagkasagutan ni Katharina. Sabik siyang makita ang maamong mukha ng dalaga na kahit ayaw niyang aminin ay ito ang dahilan kung bakit nais niyang doon kumain ng hapunan. Ngunit laking pagka-dismaya ang naramdaman niya ng pumunta siya doon at hindi niya nakita ang kanyang hinahanap. Nag-order nalang siya ng kakaninin. Malungkot ang kanyang pakiramdam ng hindi niya nasilayan ang maamong mukha ng dalaga lalo na ang nangungusap nitong mga mata. Binilisan ng binata ang pagtapos ng kanyang pagkain at pagkatapos ay laglag ang balikat na bumalik sa inuokupang cottage.
----------------------------------------------
Katatapos lang na kumain ng hapunan nina Katharina, Jannah at ng kanyang Tita Isabel at nasa kanyang kwarto na ang dalaga. Unattended ang celphone ni Marrah ng tawagan niya ito kaya naupo nalang ang dalaga sa upuang nasa side table habang nakatitig sa kawalan. Natigilan siya sa kanyang sarili ng biglang sumagi sa kanyang isip ang mukha ng banyagang lalaking nakaaway niya. Tila hinaplos ng malamig na kamay ang kanyang puso ng maalala ang gwapo nitong mukha na kahit may ilang bigoteng tumutubo ay hindi pa rin nakabawas sa angkin nitong ka-gwapuhan. Malinis pa rin tingnan ang mukha nito. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hanggang ngayon ay naamoy pa rin niya ang bango nito kahit na sa wari niya ay kagagaling lang nitong maligo ng dagat kanina. Hindi niya mapigilang humanga sa tindig nitong lalaking-lalaki at sa malapad nitong dibdib na kahit sinong babae ay papangaraping makasandal doon. Inamin niya sa sarili na may nararamdaman siyang atraksiyon para sa binata at oo nga’t kamukha nga nito ang kanyang idolong si Brian McFadden. Ngunit biglang sumagi sa kanyang isip ang babaeng kasama nito kaya sumilay ang panghihinayang sa kanyang magandang mukha.
“Naku naman Katharina! Pahamak ka talaga! Itigil mo na nga ang kahibangan mo! Hindi ka magugustuhan ng lalaking iyon!” Sita niya sa kanyang sarili at kapagkuwa’y bumuga ng hangin.
“Cuz! Gising ka pa ba? Sino ang kausap mo diyan? Para ka yatang may kaaway!” si Jannah at kumakatok ito.
“Pasok!”
Pumihit ang siradura at bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Namangha ito ng makitang may malaking poster ng Westlife sa kanyang dingding saka tiningnan din nito ang mukha ni Brian.
“O, bakit napasugod ka bakla?” Maang na tanong niya sa pinsan. Pero imbes na sagutin siya nito ay lumapit ito sa poster.
“Ay! Ang gwapo ni Papa Shane! Grebeh! Nalaglag yata ang panty ko, Cuz!” Namimilipit na sambit ni Jannah sabay halik sa mukha ni Shane sa naturang poster saka binalingan nito ang solo poster ni Brian. “At bakit narito si Brian? Hmm, in fairness Cuz, kamukha niya talaga iyong si Brian na narito. Hindi kaya iisa lang sila?” Dagdag pa nito.
“Ano?! To the highest level na ba talaga ang pagiging ilusyodana mong bakla ka. At paano naman mapapadpad dito si Brian ko eh nasa Sweden ang Westlife ngayon at saka for sure bawal silang magpunta sa kahit saang lugar lalo na kapag mag-isa ‘no. Kapag nangyari iyon eh di magkakaroon pa ng kaguluhan!” Mahabang turan ng dalaga sa pinsan na may halong inis.
“At bakit galit ka?! Iyon lang naman ang sinabi ko ah. Wala naman akong sinabing si Papa Brian na turista at si Papa Brian McFdden ay iisa!” Ani Jannah.
“Hindi ako galit! Nagpapaliwanag lang. Pambihira ka talagang bakla ka!” Paangil niyang sagot dito.
“Asus! Tamo ‘tong mujer na ‘to! Eh, bakit ka affected? Crush mo si Papa B the second no? Uy! Aminin mo na, Cuz.” Bahagya na itong nakalapit sa kanya sabay kalabit sa siko niya.
“Anong sabi mo? Hoy! ‘Di ko type ang mukhang butiking iyon ‘no! Mahiya naman siya sa balat niya!”
“Hay naku Cuz! Bilib na talaga ako sa’yo! Nasungkit mo na talaga ang Box Office Denial Queen award! Talo mo pa ang mga artista sa ABS-CBN!”
“Wala nga akong gusto sa kanya! Si Brian McFadden lang ang gusto ko kaya awat na ha? Utang na labas!” Cover-up niya sa kanyang tunay na nararamdaman.
“Hay naku Cuz! Awat na nga lang muna ako ngayon. Halatang inis ka na kasi lukot na ang feslak mo. Ewan ko lang kung affected ka ba o sadyang ipinaglihi ka lang ni Tita Marga sa sama ng loob! Maka-gora na nga at makapag-beauty rest!” Maarte nitong sambit at saka bahagya binuksan ang pintuan ng kwarto.
“Oo nga, buti pa nga. Istorbo ka sa moment ko!” natatawa pang sambit ng dalaga dito. Saglit siya nitong nilingon. “Pero infairness Cuz, bagay kayo ni Papa B the second. At napi-feel ng vibes ko na magkaka-lovelife ka na ulit!” Saka humalakhak ito ng nakakaloko.
Hahabulin niya sana ito ngunit mabilis itong nakatakbo. Kaya napahalukipkip nalang siyang bumalik sa kanyang kwarto na sa kanyang kama. Nagtalukbong siya ng unan at saka huminga ng malalim. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makaramdam ng antok kaya padaskol na inalis niya ang pagkakatalukbong ng kumot. Eksaktong pagtingin niya sa harap ay tila tuksong nakita niya ang poster ni Brian na tila ito’y nakatingin sa kanya habang nakangiti and worst, ang mukha ng gwapong turista ang kanyang nakikita ngayon.
“Brian naman eh! Patulugin mo na nga ako! Kainis ka naman!” Sambit niya sa kanyang sarili saka nagtalukbong ulit ng kumot.
----------------------------------------------
Samantala, pabiling-baliktad naman si Brian sa kanyang hinihigaan. Hindi mawaglit-waglit sa kanyang isipan ang mukha ni Katharina. Tatlong oras na siyang nakahiga at pinipilit ang sarili na makatulog ngunit ayaw pa rin siyang dalawin ng antok kaya bumangon siya at naupo sa gilid ng kanyang kama. Naihilamos niya ang dalawang palad sa kanyang mukha at pilit na hinamig ang sarili. Kinuha niya ang celphone na nakapatong sa side table. Ini-unlock niya ang naturang bagay at naghanap ng numero sa kanyang phonebook. Ng makita ang hinahanap na pangalan ay idinayal niya iyon at itinapat ang aparato sa kanyang tainga. Naubos ang ring ngunit wala pa ring sumasagot. Idinayal niyang muli ang naturang numero at sa wakas ay sinagot ng tao sa kabilang linya ang kanyang tawag.
“Hey dude! What’s up?” Ani Kian mula sa kabilang linya.
Maingay ang paligid ng binata kaya mahihinuha niyang nasa loob ito ng disco pub. Naririnig din ni Brian ang halakhakan ng mga taong nasa paligid ng kaibigan.
“I’m alright, dude! How are you too?” Pabalik-tanong niya sa kaibigan at kasamahan sa banda.
“I’m in one of the disco pubs here in Sligo now together with my cousins. I wish you and the rest of the lads are here too ‘cause we will surely have a lot of fun!” Masaya pa nitong pahayag sa kanya. “How about you? Where are you now? Hmm, lemme guess, you’re snogging with those gorgeous ladies there now, right?” Dagdag pa nito na may himig pangangantiyaw. Bahagyang natawa ang binata sa tinuran ng kaibigan.
“Well, I am in one of the resorts here in the Philippines. And mind you Mr. Egan, I am just alone here in my room. Yes, I met a beautiful woman here yesterday. The first time I laid my eyes on her, I suddenly got this feeling of attraction to her. It feels like heaven upon seeing her face and her sweet smile. That is the reason why I’m calling you now in the middle of the night because I can’t sleep. All I think about is her, dude.” Mahabang pahayag ni Brian kay Kian na nasa kabilang linya pa rin.
“What? I’m sorry dude, I can’t hear you. It’s quiet noisy here. Just call me back later, okay?” ani Kian na bahagyang nilakihan ang boses. Medyo mas lumakas pa kasi ang tugtog sa kabilang music.
“Alright, Kian. I understand. Enjoy your night! Bye.”
Pinindot ni Brian “end call” button ng kanyang celphone at pagkatapos ay ibinalik ito ng binata sa mesa saka humiga ulit sa kama. Ipinikit niya ang kanyang mata at maya-maya pa ay nakatulog na siya. Sa gitna ng kanyang pagtulog ay bumalik ang kanyang panaginip at ngayon ay naaaninag na niya ang mukha ng babaeng dati rati ay malabong tingnan. Mukha ni Katharina ang nakikita niyang kaharap niya.
Gayundin si Katharina sa kanyang pagtulog. Laman ulit ng kanyang panaginip ang eksenang nasa hardin siya kasama ang isang matangkad na lalaki at sa kanyang pagtaas ng kanyang paningin ay mukha ni Brian ang kanyang nakita. Nakangiti ito sa kanya ng ubod ng tamis. Nang magkalapit na sila ay dumukwang ito sa kanya at ilang saglit ay naghinang ang kanilang mga labi. Kapwa matatamis ang ngiting nakapaskil sa mga labi nina Brian at Katharina habang sila ay natutulog habang pareho ang laman ng kanilang mga panaginip.
-------> To be continued. . .