Epilogue part 2
FINALE.
"One thing about me? I'm having my operation today, if I survive... please by my boyfriend."
"H-hey---" magsasalita pa lang ako ng marinig ko na lang na naputol ang linya.
Heart attack? Operation?
*flashback*
"Ooh. Exciting!" parang bata nyang sinabi habang tinitignan ang paligid.
"Don't tell me hindi ka nakakasakay or nakakapunta sa theme parks?"
"Uh... honestly, hindi pa eh."
"What?! Bakit naman?"
"Eh... I've spent my childhood days kasi sa isang lugar eh tapos nung makaalis na ako sa lugar na yun, hindi rin ako pinapayagan nina mama na pumunta sa mga ganto."
"Ha? Bakit?"
"For some reasons daw."
"Uhh.. okay. Pero paano ka nakapunta dito? Pinayagan ka ba nila?"
"Sus! Malaki na ako! Kelangan ko pa bang magpaalam?"
*end of flashback*
For some reasons? Yun ba ay dahil sa sakit nya?
She spent her childhood days sa isang lugar? ... Sa hospital?
Ibig bang sabihin nun she's been sick in her entire life?
Wala man lang akong kamalay malay na ang kaklase ko for 4yrs ay may isang life threatening disease...
Nakakalungkot isipin that in those 4corners of our classroom, no one knows that a girl like her who's always full of energy is actually very sick.
I always had my separate world among the class, I always go with the boys and seldom speak with the girls. I did have the chances to talk to her but I never bothered to know her --- I only knew her name and saw her smiles a lot of times but did not really understand any of it.
Bakit ngayon ko lang sya nakilala ng lubusan? Bakit ngayon pa kung kelan feeling ko mawawala na sya ng tuluyan sa paningin ko? Bastos na tadhana!
"The number you have dialled is not in service please try your call later."
"Oh shxt oh shxt!" naiinis akong bumalik sa table kasi patay na yung phone nya, hindi ko na makontak.
"Oh dude, bakit parang bad mood ka?" pagsalubong sakin ni Steve pagkabalik ko.
"Pre, favor. Pasabi kay maam, masakit ang tyan ko, aabsent na ako."
"E---" hindi ko na hinintay ang sagot nya at umalis na ako. Dala ko naman ang wallet at phone ko kaya okay lang na iwan ko sa classroom ang bag ko.
Hindi nya sinabi sakin kung saang hospital pero hindi sapat yon para hindi ko na sya hanapin. Inisa-isa ko ang mga hospital sa buong bayan at hinanap ang pangalan nya kung andun ba sya sa hospital.
Sa ika-anim na hospital na napuntahan ko, dun ko sya natagpuan.
"Ah, she'll be having her operation today. Kaano-ano po sila?" tanong sakin nung nurse.
"Boyfriend nya ako. Anong oras nung operation? Nakapagsimula na ba?"
May chineck na paper yung nurse, "Ah hindi pa pero malapit na, siguro palabas na yun sa room nya papuntang operating room pero kung magmamadali ka baka maabutan mo pa sya na palabas sa room nya."
"Anong room number?"
"146."
"Salamat." tinakbo ko na ang papunta sa room nya.
Malapit na ako ng makita kong lumabas sya bigla sa pinto na nakaupo sa isang wheelchair at nakasuot ng hospital gown.
"Bebi!" napalingon sya sa akin ng tawagin ko sya.
"lss..." napatakip sya ng bibig sa pagkabigla sa pagkakita sakin sa hospital na ito.
Nilapitan ko agad sya at lumuhod para matapatan ko ang mga mata nya, "Bakit hindi mo agad sinabi sakin?"
"Bakit ka pumunta?" tinakpan nya ang mukha nya habang nagsisimulang tumulo ang mga luha nya.
"Wag kang unfair. kung saan ka pupunta dapat kasama mo ako."
"It's time for operation. We need to go." pangaabala ng nurse na nakaalalay sa kanya.
"I have to go." malungkot nyang sabi.
"No." hinawakan ko ang kamay nya.
"But I have to go.."
"Do me a favor..."
"Huh?"
"Kanina sa phone, you asked me a favor to not speak at ginawa ko iyon as promised. So ako naman hihingi sayo ng favor."
"Anong favor?"
"Promise me first that you'll do this favor."
"Anong favor ba?"
"Promise me katulad ng pagpromise ko sayo."
Nagbuntong hininga sya, "I promise to do that favor of yours."
"Ang favor ko," ngumiti ako, "I'll let you go but please come back."
Binitawan ko yung kamay nya, napakagat sya ng labi at pinikit saglit ang mga mata at minulat muli ito, "Promises aren't meant to be broken, right?"
"Right. Makikipagbreak ako sayo pag hindi ka tumupad sa promise." pagkasabi ko nun, hinalikan ko sya sa labi, "Go."
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
Ang sabi nila minimum of 4hrs daw ang operation. I waited sa sala sa labas ng operating room. Para akong tangang nagiintay doon, tatayo uupo, maglalakad ng pabalik balik, uupo ulit tatayo at maglalakad ng pabalik balik.... Sobrang hindi ako mapakali.
"Hijo, relax ka lang. Mas tensed ka pa kesa samin." her father smiled bitterly at me.
Oo, I'm waiting with that girl's parents. Nagpakilala ako bilang boyfriend nya.
"Umupo ka sa tabi ko," sinunod ko sinabi ng tatay nya at umupo nga ako sa tabi nito.
"Natutuwa ako kasi nakahanap ang anak ko ng taong magmamahal sa kanya. Alam mo ba matagal na dapat nyang ginawa itong operation na ito? Mga 1month ago pa dapat."
"Po? Eh bakit ho ngayon lang?"
"Natatakot kasi sya, alam nya kasing 50% chance lang ang pedeng ika-survive nya. Masyadong pesimista ang anak ko kaya hindi sya pumayag maoperahan agad. Sinabi nya pa sakin noon...
'dad, tanda mo pa ba yung kinukwento ko sayong crush na crush ko sa classroom?'
'oh, yung bang lagi mong pinipiktyuran at iniistalk?'
'dad naman eh hindi naman pangiistalk yun eh, palihim na pagtanaw lang iyon!'
'ganun na rin yun hija! ahahaha. eh ano ba meron sa kanya na ikekwento mo?'
'eh alam nyo po kasi may iniwang course requirement yung teacher namin... partner requirement sya, kapartner namin yung seatmate namin at alam mo po ba... partner ko sya.'
'oh edi magandang balita iyan?'
'opo! makakasama ko sya ngayong christmas break... dad, pede ipostpone muna natin ang operation? tatapusin ko muna yung requirement ko kasama sya... gusto ko kasi bago man lang mangyari yung operation, magkaroon man lang ako ng magandang memorya sa taong gusto ko...'
'kung iyan ang hiling mo... wala na akong magagawa.'
"At ayun nga ang sabi nya, sabi nya tatapusin nya daw ang 10things&1thing requirement nyo... Sa tuwing umuuwi sya sa bahay ng mga panahong iyon, andami dami nyang kwento samin. Ang saya saya nya palagi... lagi ka nyang bukambibig, hindi na nawala wala sa mukha nya ang kanyang mga ngiti... ni hindi na nga namin sya nakasama nung pasko at bagong taon pero masaya rin kami kasi kahit papano, nakita namin sa mga mukha nya ang kasiyahang kahit kelan hindi namin nakita... hijo," tinap nya ang balikat ko at ngumiti, "salamat sa pagpapasaya sa anak ko. Mahal na mahal ka nya alam mo ba?"
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
Minsan sa buhay, nasa harap muna yung taong para sayo kaso kung saan saan ka pa tumitingin... Minsan hinahabol ka na ng taong para sayo, tinatakbuhan mo pa....
Minsan pinagsisigawan nya na ang nararamdaman nya sayo, obvious na obvious na, kaso nagbibingi-bingihan ka...
Masakit yung andyan pa sya, hindi mo pinapansin at kung kelan wala na sya... saka mo hahanapin.
Tanga ang tao.
Isang malaking tanga.
Pero tanga man ang tao pede rin itong matutong wag maging tanga.
It's been 3days and up until now her eyes are still close, kelan nya kaya imumulat ang mga mata nya? Gigising pa ba sya? Would there still be a chance for her to see my list? Sana, sana.
"What are you doing?" nagtatakang tanong nung nurse pagkakita sa ginagawa ko.
"I want her to see it when she wakes up. It's not illegal, right?"
"Of course not, it's actually sweet." nakangiting sabi nung nurse nung makita yung kabuuan ng ginagawa ko.
Kahit ako napangiti lalo na ng maalala ko kung paano ko nabuo ang lahat ng 'to...
Mula sa mga punit punit na papel, isinulat ko lahat ng sampung bagay tungkol sa kanya at naka-form ang pieces nito sa isang malaking heart sa may dingding sa tapat ng kama nya. Once na imulat nya ang mga mata nya, makikita nya ang lahat ng nakasulat sa malaking puso sa harapan nya. Natapos ang operation, sabi nila successful daw pero hanggang ngayon hindi nya pa rin minumulat ang mga mata nya. Nagkaroon ng konting problem, she's still fighting for her life... Kung gigising sya before this week ends, ligtas na sya pero kung hindi sya gigising... ayokong isiping hindi na sya gigising.
(Now playing: You and me by lifehouse)
Lumapit ako sa tabi nya sa kanyang higaan, hinaplos haplos ko ang mukha nya at ang buhok nya. Kinantahan ko sya habang ginagawa iyon,
"What day is it
And in what month?
This clock never seemed so alive
I can't keep up, and I can't back down
I've been losing so much time..."
"Yung current seatmate nyo ngayon ha. Pede nyong gawin in 10 days or 11 days or kahit 1 day, bahala kayo basta kelangan i-fill up nyo yan. I want you guys to enjoy your holiday with one of your classmates. Ok, class dismiss. Have a nice holiday to everyone!"
"Nice! Seatmates tayo, kung ganun, see ya this vacation!"
"'Cause it's you and me
And all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's you and me
And all the other people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you "
"No pare! Hindi talaga pedeng mangyari 'to!"
"Dude, stop whining like a girl. Ayan na yan eh, nangyari na wala ka ng magagawa. Just accept the fact that your freakin' stalker is your partner!"
"Dude, yun na nga eh! I can't accept it! I need to be with that girl this vacation?! I can't take that! What if manyakin nya ako or worse, rape-in nya ako?! Oh no, I'd rather save my virginity kesa marape ng isang freakin' stalker!"
"Hoy! Ang OA mo ah, magtigil ka nga dyan. Pede namang gawing isang araw lang yung requirement ah? Sabi naman ng teacher natin tayo na daw bahala kung paano natin gagawin yang requirement na yan eh, edi gawin mo magmeet kayo ng isang araw lang ngayong vacation tapos maglista ka na kaagad ng sampung bagay about sa kanya then *boom* tapos na! O diba? Liit liit ng problema mo, pinapalaki mo."
"Why are the things that I want to say
Just aren't coming out right?
I'm tripping on words
You got my head spinning
I don't know where to go from here
'Cause it's you and me
And all of the people people with nothing to do
Nothing to prove
And it's you and me
And all other people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you "
"Hey! Wait!"
"What now?!" ang kulit nya talaga ah!! >:(
"What about the requirement?"
"What requirement?!"
"Duh? You make 10 list about me, I make 10 list about you. We both write one thing about ourselves." ::)
"Ah yeah. That. Don't worry, I already have something to write on number 1."
"Really?!" excited nyang tanong.
"Yeah."
"What is it?"
"Secret. You'll know sa pasukan pag kelangan na natin i-present ang requirement natin."
"Aiy ang tagal. Oh well, I'll wait."
"Something about you now
That I can't quite figure out
Everything she does is beautiful
Everything she does is right
'Cause it's you and me
And all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you and me
And all the other people with nothing to do
Nothing to prove
And it's you and me and all the other people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you "
"Ansakit... kahit napilitan ka lang, nangako ka pa rin sakin. Pinangako mo sakin na sabay nating icecelebrate ang pasko kaya nga diba christmas boyfriend kita? Kahit napalitan ka lang, kahit binablackmail lang kita... nangako ka pa rin. Yung pangangako mo, hindi ko pinilit yun. Ikaw mismo ang nagbigkas ng salitang 'pangako'. Pero bakit hindi mo tinupad? Bakit ka nagsinungaling? Bakit mo ako niloko? Pasensya na kung masyadong mabigat yung hiling ko sayong maging boyfriend ko ngayong pasko. Pasensya na talaga... sinira ko ata ang pasko mo. Kung wala siguro ako ngayon, ibang tao ang kasama mo... siguro yung babae kanina ang dapat nasa harap mo ngayon at kausap mo. Hindi siguro dapat ako. Pasensya na ah kung dumating ako sa buhay mo, nagulo ko tuloy ang masaya mo sanang pasko..."
"What day is it
And in what month?
This clock never seemed so alive..."
"Mahal kita, mahal na mahal. Yung promise mo... may favor pa akong hiniling sayo. Diba sabi mo promises aren't made to be broken?" this might sound gay pero hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumulo na ang luha ko, tumulo ito sa pisngi nya, "Gusto mo bang magbreak tayo?"
"Lss..." nabigla ako ng magsalita sya at dahan dahan nyang minulat ang mga mata nya, "Bakit ang ingay mo? Tulo laway ka pa..."
Natatawang naiiyak ako sa kanya nung sabihin nya yun, "Baliw, hindi laway yun... luha yun."
"Bakit ka umiiyak?" medyo mahina pa yung boses nya at matamlay pero nagawa nya pa ring ngumiti, "Ampanget mo pag naiyak." :")
"Mas panget ka," pinupunasan ko luha ko habang nangingiti ako sa sobrang saya ko. "Buti minulat mo uli mga mata mo."
"Promise ko diba? Favor mo kasing bumalik ako... ayan bumalik ako. Natakot akong i-break mo eh. Gusto ko boyfriend pa rin kita..."
"Gusto mo asawa na kita?"
"Wag, mag-aral muna tayo. Maaga pa para dun."
"Tama... mag-aral muna tayo tapos maghahanap ako ng magandang trabaho at pakakasalan kita..."
Ngumiti lang sya tapos nabaling yung tingin nya sa harapan, sa may dingding kung saan nakadikit yung mga papel na nakahugis puso, "Bakit may malaking puso dyan?"
"Yang pusong yan? Puso ko yan, nakikita mo yung mga nakasulat dyan? Ayan ang sampung bagay na tungkol sayo."
"Yung requirement?"
"Yup. 10things about that girl sitting next to me..." nginitian ko sya,
"Number 1: That girl is irritating and annoying."
"Oy, dalwa na yun."
"Isa lang yun ano ka ba. Synonymous rin naman."
"Psh. Bakit naman ako irritating at annoying?" nagpout sya at natawa naman ako.
"D'you remember tinawagan mo ako, 100+ nga yung missed calls ko... yun pala para tawagan mo ako kung ano ang nauna kung manok ba o itlog... sobrang nairita ako nun. Ang kulit kulit mo kasi eh."
"Eh sa tingin mo ba, anong nauna sa itlog at manok?"
Natawa ako, "Ewan ko talaga kung anong nauna... pero alam mo kung ano nauuna sa puso ko?"
"Ano?"
"Ikaw..." kinurot ko ang pisngi nya, "Kahit nakakaasar ka, nasanay na rin ako at pag walang makulit at nakakainis sa tabi ko na tulad mo... nalulungkot ako at hinanap ko ang presensya mo. Natutunan kong mahalin yung kinaiinisan ko, akalain mo iyon?" :)
"Number 2: That girl is tone deaf."
"Uwaaa. Bakit naman?" T^T
"Tanda mo nung kumanta tayo sa may karaoke? Haha. Galing mong mag-rap eh, nabasag eardrums ko."
"Napaka mo!" hinampas nya ako sa balikat ko pero mahina lang.
"Pero kahit ganyan ang boses mo, kahit mabasag ang eardrums ko ng paulit ulit... hinding hindi ako magsasawang pakinggan ang boses mo. Kahit anong kantahin mo kahit sintunado, favorite ko na. Walang halong bola."
"Number 3: That girl has a memory of 150yr old person."
"Ang oa naman nyan." =_=
"Hahaha! Pero totoo, napakamalilimutin mo. Lagi mo na lang nakakalimutan ang mga 'date' natin. Pati nga yung wallet na binili mo dati nakalimutan mo pa sa greenwich. Pero please lang, itatak mo sa isipan mo at wag na wag mong kakalimutan na MAHAL NA MAHAL kita. Pag iyan kinalimutan mo..."
"Ano? Papatayin mo ako? Bubugbugin mo ako?" nagbibiro nyang sabi.
"Hahaha! Brutal ka. Pero hindi... iiyak ako." :)
"Number 4: That girl burps like a fat guy."
"Wehhhhh. Bakit naman ganun! Ang bad bad naman ng mga nilalagay mo sakin." T___T
"Pero okay lang yun, natutuwa nga ako sayo kasi sa lahat ng panahon na nakasama ka... nagpakatotoo ka sa sarili mo. Nakilala ko yung tunay mong sarili na walang halong pagpapakyut o kung anuman. I fell inlove with your real self kahit gaano ka man nakakadiring nilalang."
"So nakakadiring nilalang?" =_=
"Hahahaha! Mahal naman kita hayaan mo na." XD
"Baliw."
"Ka."
"Lalo ka na."
"Mas ka." nagkukulitan pa kami. Hayy, ang sarap mainlove.
"Number 5: That girl is such a crybaby."
"Hindi naman." T_T
"Tamo, paiyak na yan! Ahahaha!" pangaasar ko sa kanya, "Nung kumidlat at kumulog kasi, napaka iyakin mo. Sobrang iyak na iyak ka na parang bata pero don't worry, simula ngayon hindi ko man maipapangakong hindi kita mapapaiyak isa lang tandaan mo, ipapangako kong andito lang ako sa tabi mo para punasan ang mga luha mo at pangitiin ka."
"Number 6: That girl is a whiner."
"Ano nanaman ginawa ko? Bakit naging reklamadora ako?" T_T
"Tanda mo nung nangarolling tayo? Napakadami mong reklamo,kesyo malamok, kesyo malamig at kung anu ano pa. Pero di bale, kung anuman hilingin ng prinsesa ko... handa akong ibigay iyon. I'll spoil you."
"Achuchu. Totoo ba yan?"
"Oo naman."
"Sige nga, kiss mo ako." pagkasabi nya nun, nilapitan ko kaagad sya at hinalkan.
"O naniniwala ka na ba?" :)
"Number 7: That girl is so childish."
"Hindi ako childish." nagpout sya bigla.
"See? Nag-pout ka! Yang mga gestures mo, yang habits mo, pambata! Tapos nung nasa park ka pa, para kang bata para kang 5yrs old!"
"I hetchu. Hindi ako childish."
"Hayaan mo na, ikaw naman ang bebi ko diba?" :)
"Number 8: That girl is a deceiver."
"Lahat na lang ng nasa list mo puro bad."
"Haha. Pero totoo naman ah, niloko mo ako binlackmail mo ako."
"Medyo lang, totoo naman talaga sinabi kong may sakit ako. Saka ikaw nga ang manloloko dyan eh, sinabi mo susunduin mo parents mo pero nakipagkita ka lang sa ex mo." >__<
"Sssh. Diba sabi natin kakalimutan na natin yung pangyayaring yun? Sige na nga, sorry na ulit. Hindi hindi na kita lolokohin, promise. Pag niloko kita, bugbugin mo ako hanggang sa gumaan ang loob mo." :)
"Number 9: That girl is so gullible."
"Kasasabi ko lang na kalimutan na natin yung nangyari nung pasko pero connected itong number 9 dun eh... oo nga, manloloko nga ako tama ka nga. Andali mo naman kasing naniwala sakin nung sinabi kong pupuntahan ko yung parents ko sa airport... nakakainis ka, mas lalo tuloy akong nakonsensya sa madali mong paniniwala."
"Hindi naman ako naniwala eh lss, narinig ko naman kayo dati ng ex mo na naguusap sa tapat ng home material shop eh. Pero gullible nga siguro talaga ako... kahit hindi ako naniwala para na rin akong naniwala, kasi nagantay ako dati sa may tapat ng fountain sa usapan natin kahit alam kong hindi ka naman sisipot. Umasa kasi ako dati na pipiliin mo ako kesa dun sa ex mo, para nga akong baliw eh umaasa ako kahit alam kong wala ng pag-asa."
"Pasensya na talaga bebi... Wag kang mag-alala, kahit gaano ka man ka-gullible, libreng libre kang maniwala sakin kasi pinapangako ko sayo hinding hindi na kita lolokohin."
"Number 10: That girl is afraid of explosions."
"Ewan ko pa ba kung takot ako sa explosions kasi operated na ako... may bago na akong puso."
"Gusto mo subukan kung takot ka pa?"
"Ha? Paano?"
Kinuha ko ang kamay nya at itinapat ito sa kaliwang dibdib ko sa may puso ko, "Naririnig mo ba yan? Ang lakas lakas ng tibok nyan sa tuwing makikita ka, daig pa nito ang sasabog pag nakikita kang ngumingiti. Ngayon, takot ka pa ba sa pagsabog?"
"Hindi na," she giggles, "Natatakot naman ako sa pagiging makata at korni mo."
Piningot ko ilong nya, "Ikaaaw talaga."
"Ahihi. Ano pala yung 1 thing about you?"
Ngumiti ako at tinuro ko yung paper heart sa dingding, "Nakikita mo ba yung nasa gitnang papel? Nakasulat dun yung isang bagay tungkol sakin. Basahin mo."
Sinunod nya sinabi ko and she reads it aloud,
"One thing about me? I love that girl."
The End.