All The Love In The World

By eye_you

49.1K 1.2K 105

Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Mag... More

All The Love In The World
Panimula
Page 1
Page 2
Page 3
Page 4
Page 5
Page 6
Page 7
Page 8
Page 9
Page 10
Page 11
Page 12
Page 13
Page 14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page 22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Author's Note
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Page 77
Page 78
Page 79
Page 80
Page 81
Page 82
Page 83
Page 84
Page 85
Pagtatapos
Pagtatapos Pt. II

Page 59

405 12 0
By eye_you


Page 59

She won't

[Leia]

HINDI ko maintindihan kung bakit kailangan kong pumunta sa main house ng hacienda. At hindi ko rin alam kung bakit dapat kong sundin si Vann?

Malalim akong napabuntung hininga.

Nagtatalo tuloy ang isip ko ngayon.

Pupunta ba ako o hindi?

Pupunta? Hindi?

Ewan ko.

Haist. Masakit sa ulo na mag-isip. Tulad ngayon. Kakaisip ko yata kaya ang sakit sakit ng ulo ko. Pero kelangan kong kumilos at magpunta sa simbahan para magsimba. After ng mass ay may praktis kami at panunuorin iyon nina Father at committee ng fiesta.

Sana talaga magawa ko ito ng tama.

Habang papunta ako sa mass ay panay ang vibrate ng phone ko. Tumatawag si Vann nang walang humpay. Nakakairita. Tinext ko na siya na hindi ako pupunta kasi nga may misa pero ang kulit niya. Kesyo daw umiiwas lang ako.

Well, half truth.

Pero hindi nga?! May mass nga. Mas mahalaga yun kesa sa anuman, noh!

Nang isang beses pang tumawag si Vann ay sinagot ko na. Malapit na ako nun sa simbahan.

"Vann? Ano ba?" 

"Nasan ka na?"       Madiing wika niya sa kabilang linya ng tawag. Halatang nagpipigil ng tono.

"Sabi ko na. Nasa bayan ako. Magsisimba."

"Kelangan ka bang nandyan? Lagi ka namang nagsisimba ah!"

Potek! Bad influence talaga!! Grr...

"Palibhasa hindi ka nagsisimba!"     Inis na inis na ako.      "Mamya ka na tumawag. Goodbye!"

Sabay end call.

Bwisit lang!!

Saka ako nagpatuloy sa pagpunta sa simbahan.

*****

[Vann]

Tang***!!

Nang-aasar talaga ang babaeng yun ah! Sinabi ko ng puntahan ako ta's sa iba nagpunta?! 

Nakaka-pikon na talaga siya!

Sabi niya hindi siya galit bakit ngayon, halatang halata na umiiwas siya sa kin!

"Apo?!"      Nagkagulatan pa kami ni Lola nang marating ko ang dulo ng mahabang hagdan. Galing siya sa kusina ng bahay samantalang ako ay papalabas.

"'La?"     Nagmano at masuyo ko itong dinampian ng halik sa noo.     "Alis po muna ako."

"Saan ang punta mo?"      Nagtatakang tanong niya. Sinipat niya ako ng mabilis na tingin.

"Sa.... sa bayan."      Alanganin akong sumagot.

"Anong gagawin mo roon?"      Hinawakan niya pa ako sa braso.

"Magkikita kami ni Xyrus doon."     Pucha! Ni hindi ko alam kung nasa'n ang ugok na yun.

"Oh? Papuntahin mo na lang siya dito. Bakit kailangan mo pang magpa-bayan?"     Kumunot noo si Lola. Alam ko, ayaw niya lang akong payagan na umalis.

"Eh, nandun na ho siya ngayon. Yun na yung usapan namin."      Napahawak ako sa king batok.

"Tawagan mo na lang siya at papuntahin dito. Wag ka ng lumabas." 

Napangiwi na ko.      "Hin-- hindi po siya makakasagot ng tawag kasi nasa simbahan siya. Nagsimba."  

Bahadyang nanlaki ang mga mata ni Lola sa likod ng malinaw nitong salamin. Napaawang ang labi niya pero sandali lang then kumunot noo. 

"Magsisimba ka?"   

Natigilan ako at hindi nakaimik.

"Apo, magsisimba ka?"     Ulit nito sa tanong. Para bang isa iyong malaking himala.

"O-Oho. Kaya kailangan ko na pong umalis."     Mabilis akong humalik sa kanyang pisngi then nagmamadaling umalis.

"Vann?!"      Narinig kong tawag ni Lola. Huminto ako at lumingon.

Nakahabol ang nagtataka niyang tingin sa akin.

"Babalik ho ako agad."      Ngumiti ako sa kanya bago tuluyang umalis.

Pagdating ko sa simbahan ay nangangalahati na iyong mass. Regular day ngayon kaya kalahati lamang ng regular na mass attendee ang naroroon.

Tumayo ako sa likod na bahagi at tumingin muna sa paligid.

Kahit iilan lang ang tao ay hindi ko pa rin makita yung sadya ko.

"Tsk. Magugunaw na ba ang mundo?"    

Nagulat ako ng may nagsabi nun sa tabi ko. Paglingon ko ay nakita ko si Xyrus.

Pucha! Nandito din pala ito?!

"Vann?"      Sapat lamang ang boses niya para kami ang magkarinigan. Ayaw din naman naming makaistorbo sa mga nakikinig sa homile.

"Nandito ka din?"      Nagtataka ko siyang tinignan.

"Wala lang akong magawa kaya nandito ako. Ikaw? Anong masamang espiritu ang sumapi sa'yo at nandito ka?"

Umiling ako at napabuga ng hangin.      "Sapalagay mo. Kung may masamang espiritu sa kin makakapasok ba ako ngayon dito?"

"Tang--!"     Napatakip siya ng bibig dahil sa muntik ng makapagmura. Tumingin pa siya sa paligid after.      "Crap! Nagkakasala ako lalo sa'yo ah."      Pailalim ang tingin niya sa akin.       "Hindi nga? Ba't nandito ka?"

"Para magsimba."     Patay malisya kong sagot.

Umikot ang tingin ko sa paligid.

"Ahh... alam ko na."      Bulong ni Xyrus sa tabi ko.

Hindi ko na siya nilingon.

"Nandun siya sa malapit sa altar. Sa may choir."     Aniya.

Napatingin ako sa right side ng simbahan kung saan ang pwesto ng choir. Nakaupo pa ang lahat and I can't manage to see her.

"Si Leia lang pala ang sagot para bumalik ka sa pagsisimba."       Wika ng katabi ko.

Crap!

Napatingin ako sa kanya at bahadyang nakaawang ang labi.

Tinignan niya ako.       "You once swore that you'll never set foot on this church anymore. Sinabi mong wala kang magandang naaalala dito kundi kung paanong iniwan ka ni Mel sa harap ng altar. But i guess, nagbago ka na. Nandito ka na uli."

Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin. Napunta ang tingin ko sa may altar.

Nagbago nga ba ako?

Isang beses sa nakaraan ay ipinangako kong hindi na ako tutuntong sa simbahang ito. Pero nakalimutan ko ang sumpang iyon. Nakalimutan ko kaya nandito ako ngayon. Ni hindi ko nga naisip ang bagay na iyon. I was so focus on other thing.

Natapos ang homily at nagtayuan na yung mga tao. Natuon na lamang ang pansin ko sa mass.

"May dry-run para sa fiesta sina Leia kaya hindi pa siya makakaalis after mass."     Bulong ni Xyrus.

Sinulyapan ko siya.      "Ba't alam mo?"

"Nagkausap kami kanina bago magstart ang mass."     Sagot niya saka napangiti.     "Selos agad."

Napapiksi ako.     "Tss. Hindi. May usapan kami na magkikita ngayon pero hindi siya sumipot."

"Oh, kelan kayo nagkausap?"     Ito naman ang nabigla.

Pailalim ko siyang tinignan.       "Wala kang pakealam."

Natawa siya na walang sound.      "You're hopeless Vann."

Napabuga ako ng hangin.       "You're a jerk."

Last mass na iyon para sa umaga. Habang ang lahat ng mga nagsimba ay nagsisilabasan na. Kami naman ni Xyrus ay naupo sa pinakadulong upuan at nag-uusap. Napag-usapan lamang namin ang ilang bagay na may kinalaman sa business na itatayo niya sa city proper.

Nang kakaunti na yung mga tao ay nagsimula nang magpraktis iyong choir. Nakita ko si Yumi kasama yung mga bata sa ampunan.

"Kuya Vann?!"       Tawag sa akin ng isang maliit na batang babae. Tumakbo ito palapit sa pwesto namin.

Ngumiti ako ng konti. Ito yung batang may-ari nung lobo na ikinapahamak ko nang nagdaang araw. Hindi ko naibalik ang lobo niya.

"Hi."      Bati ko rito ng makalapit na sa amin.

"Kuya, okay ka na po?"     Nakatingin ito sa casts ng braso ko.

"Okay lang. Wag kang mag-alala. Natakot ka ba?"       Ginulo gulo ko ang kanyang buhok na nakaponytail.   

"Opo. Sorry po."      Nakasimangot nitong wika.

"Wala ka namang kasalanan."     Nginitian ko siya.

"Vann?" 

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Yumi. Ngumiti ako.

"Buti naman at okay ka na. Sorry hah. Ako ng hihingi ng sorry sa nangyari."       Sincere nitong wika.

Pilit akong ngumiti.     "Okay lang."

"Hindi na rin kami nakabisita sa ospital. Alam mo na."        Napakibit balikat ito.

Tumango ako.

"Kuya? Masakit po ba yan?"     Tukoy nung bata sa pilay ko.

"Medyo. Lalo na pag nagagalaw. Pero okay lang." 

"Si Ate Leia din po, natakot nung nahulog po kayo. Umiyak po siya."       Sabi nung bata.

"Farah?"      Saway bigla ni Yumi rito.  

Napatingin ako kay Yumi at kumunot noo.

Pilit na ngumiti si Yumi.      "Ano ---- dun na kami. Magpapraktis na eh."

"Sige lang Yumi."      Si Xyrus na yung sumagot.

Umupo ako ng deretso at sinundan ng tingin sina Yumi at yung bata na papunta sa may pwesto ng choir.

Nilapitan agad nila si Leia na nakaupo na sa harap ng keyboard.

Huminga ako ng malalim.

Mula sa pwesto namin at nakatalikod ang tanaw namin kay Leia. Hindi ko alam kung alam na ba niyang nandito ako. I want to approach her pero baka maistorbo ko siya.

Naiwan sa harap ng keyboard sina Yumi at Leia. Nag-uusap sila. Nakita ko ng kunin ni Yumi iyong kamay ni Leia at matagal itong hinawakan. Parang ang seryoso ng pinag-uusapan nila.

Maya-maya'y lumabas mula sa gilid ng altar sina Father Pio at yung nga sakristan.

I was a former sakristan. Kahit ng magka-edad na ako at makapagtapos ay nagseserve pa rin ako sa simbahan. Balak ko na nga sanang maging Lay Minister kaya lang nangyari yung tungkol kay Mel. Nawalan ako ng will sa pag-serve.

Nanunuod lamang kami sa nagaganap. Naroon din ang ilan sa committee ng fiesta. Noong umpisa ay okay pa ang flow. Pati na yung kanta ng mga bata ay ayos rin. Actually, magaling sila. Maybe dahil magaling yung nagtuturo sa kanila. I didn't know that Leia could be this good.

Hanggang sa kalagitnaan ng mass proper at pagkanta ng mga bata ay biglang nawala yung music accompaniment  nila. Nawala yung tugtog pero nagpatuloy iyong mga bata sa pagkanta. Naging acapella tuloy.  Nagpatuloy din iyong nagaganap na kunwaring seremonya sa may altar.

Napatingin kami sa gawi ni Leia at nakita na bahadya siyang nakayuko at nakakipkip ang mga balikat.

"Anong nangyari?"       Bulong ni Xyrus na nagtataka na rin.

Natapos iyong kanta at agad nilapitan ni Yumi si Leia. Umiiling si Leia habang kinakausap ni Yumi. Panay din ang hagod nito sa likod ni Leia.

Tumayo na ako at akmang lalapit sa pwesto nila ng makita ko si Father Pio na papalapit na sa dalawa. Nahinto na yung nagaganap na praktis.

Kinausap ni Father sina Leia at Yumi. Pumalit si Yumi sa pwesto ni Leia after samantalang sina Father at Leia ay nagpunta sa gilid ng altar at umalis.

Ipinagpatuloy ni Yumi iyong pagtugtog at gayun din ang naganap sa may altar. Bumalik din agad si Father pero wala si Leia.

Humakbang na ako papaalis pero pinigilan ako agad ni Xyrus.

"Saan ka?" 

Sinulyapan ko siya pero wala akong nasabi. Lumabas ako ng simbahan at sinubukang tawagan sa phone nito si Leia. But she's not aswering the call. Lalo lang akong nairita.

This past fews days ay may napapansin na akong kakaiba sa mga kilos ni Leia. Maliban sa iniiwasan niya ako. Nakakainis dahil sinabi niyang hindi siya galit but she keeps on ignoring me. Nakaka-ga** lang.

Marahas akong napabuga ng hangin.

Nasa harap ako ng simbahan yet I keep on cursing.

Umiling ako at humakbang papunta sa gilid ng simbahan. May daan sa likod papunta sa tinutuluyan nang mga Pari ng simbahan. Malamang na nasa loob lang si Leia. I want to talk to her and once and for all clear all issues.

Minsan hindi ko na rin maintindihan kung bakit napakahalaga sa akin ang iniisip at ginagawa ni Leia.

Malapit na ako sa office ng simbahan ng masalubong ko si Father Pio. Galing siya sa loob ng simbahan. Siguro, tapos na yung practice nila.

"Father."     Lumapit ako rito at nagmano.

"Vann, kamusta?"     Ngumiti ito.      "Bakit nandito ka? Nagsimba ka ba?"

"Oho."     Mahina akong tumango.

"Kanina pa tapos ang mass ah. May hinihintay ka ba?"      Casual lang ang expression ni Father.

"Ahm, parang ganun na nga ho."     Huminga ako ng malalim at tumingin sa nakapinid na pinto ng office.       "Si Leia ho?"

"Si Leia?"      Napakunot noo na si Father. Bahadya siyang nag-isip.      "Bakit?"

"May....."       medyo natigilan ako.       "May usapan ho kasi kami na magkikita ngayon. Nasa loob ho siya 'di ba?" 

Lumingon sa may pinto si Father at hindi agad sumagot.       "Ah, oo. May pinapagawa ako sa kanya."     Tinignan niya ako.      "May usapan ba kayo? Wala siyang nabanggit na may iba siyang lakad. Isasama ko sana siya sa city proper dahil may kamag-anak kaming gusto siyang makita."

"Ga-ganun ho ba?"       Lihim akong napakagat labi.       Why do I feel bad about this?

"Mahalaga ba ang pag-uusapan ninyo? Hindi na mapagpapaliban?"       Matiim akong tinitigan ni Father.

Nahiya naman ako.       "Ah, pwede naman ho mamaya na lang pagbalik niyo."

"Ah, pero baka bukas na kami makabalik."      Kibit balikat ni Father.

I secretly hissed.

"Sige po. Bukas na lang o kung kailan pwede na siya. Makakapaghintay pa naman po ako."        Pilit akong ngumiti.     "Sige ho. Alis na rin ho ako."

Umakma na akong aalis pero muli niya akong tinawag.

"Vann, anak."

Napahinto ako at lumingon.      "Ho?"

"Natutuwa akong makita ka uli rito, Vann."     Ngumiti siya sa akin.

Huminga ako ng malalim.

"Natutuwa din ako na magkasundo kayo ni Leia at napapakisamahan mo siya ng maayos."

"Hindi naman ho mahirap pakisamahan si Leia."       Mahina kong wika.

Tumango siya.      "Alam ko.  Marami ang natutuwa't giliw sa kanya. Hindi siya mahirap pakisamahan dahil mabait siya. At maganda. Bukod pa sa matalino siya."       Bahadya siyang natawa.

Matipid akong ngumiti. Sa tingin ko ay may nais siyang sabihin na hindi ko pa maintindihan kung ano.

"But you see, Vann. She won't stay here for long at naiintindihan mo naman ang ibig nung sabihin. One of this days ay kailangan niya na ring umalis at iwan ang lugar natin. Nahihirapan din si Leia sa sitwasyon dahil marami siyang taong maiiwanan.... uli. Kapag nagkataon."

Napaawang ang labi ko pero wala akong nasabing anuman. Mataman akong napatitig sa kanya. I wanted to ask what he really mean but I can't speak.

The hell?! What's happening with me?!

"So. Paano? Iwan na kita muna dito?"     Tinapik niya ako ng mahina sa balikat.  Tinalikuran na niya ako at tinungo iyong nakapinid na pinto.

Napahinga ako ng malalim. Isang mabigat at malalim na buntung hininga saka lang ako nakapagsalita.

*****

Updated:    December 28, 2015

Vote. Comment.
Sana may magcomment naman dyan bg isang malupit. Hahaha.... hindi ung "update na plss..."
Wala lang. Pra ganahan naman akong mag-isip. :-)
Magbabagong taon na oh! Hehee...

Ok. Ciao. Bye.

Continue Reading

You'll Also Like

197K 8.9K 43
Adopted at birth, Katherine's only birthday wish is to know more about her biological mother. But as she starts her quest, Kath finds herself in the...
7.2M 155K 36
Camille Fontanilla is a love child--a product of her mother's affair. She vowed she would never be a homewrecker like her, but when she finds out she...
149M 5.5M 130
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
Love Fools By Cher

General Fiction

35.7K 1.3K 20
Hoping for a fresh start in life, Elmeera Ruiz finds herself pretending to be Yohan Consunji's girlfriend and uses it to her advantage. But when she...