Sora's POV:
"Ayos lang sayo ang ganyang itsura? Baka mamukaan ka nila?" Papunta kami ng Palengke ngayon para kami naman ang magbantay ng paninda namin dun. Hindi kasi siya naka disguise e. Baka kasi pagkaguluhan siya.
"Ok lang. Mas comportable ako na ganto."
"Sabi ko kasi sayo sa bahay ka nalang."
"Ang boring kasi dun. " bahala siya. Naglalakad lang kami papuntang palengke. Malapit lang naman kasi, mga 20 minutes lang nandun na kami. Bawat taong madadaanan namin ay napapatingin sa amin lalo na sa boss ko.
"Sabi ko sayo. Dapat sa bahay ka nalang. Pinagtitinginan ka tuloy." Sabi ko.
"Ok lang. Hanggang tingin lang naman sila." Ang yabang ah.
"Nanang, kami na dito, kumain muna kayo sa bahay." Nakarating din kami sa gulayan. Tumingin siya kay Chard.
"Ah.. Nanang gusto daw niyang sumama." Alam ko namang tatanungin niya ako kung bakit kasama ko ito.
"Bawal ang maarte dito sa palengke. Normal na ang amoy dito." Sabi ni Nanang.
"Sige. Kayo na ang bahala dito." Tinanggal na ni Nanang yung suot niyang apron. At umalis.
At dahil gulay ang tinda namin, hindi masyadong maamoy dito dahil may kalayuan ng kaunte ang wet section.
"Hello Sora! Aba. Di mo sinabi sa amin na umuwi ka na pala at may kasama ka pang Boyfriend. Ano yan? Mamamanhikan na ba?" Tanong ni Aling Choleng. Katabing gulayan namin.
"Ahehe. Kayo talaga Aling Choleng palabiro, Boss ko po ito. Nakikibakasyon lang."
"Boss? May ganyan bang boss? Super close?ayt!" Pang aasar nito. Tumingin ako kay Chard. Napapangiti nalang siya samantalang ako nahihiya na sa sinasabi ni Aleng Choleng.
"Kayo talaga Aling Choleng. Ang dumi ng isip niyo. Naging kaibigan ko na din po kasi Ito."
"Talaga? Sus. Wala namang boss ang sasama sa palengke ng ganto. Iba na yan Sora. Hihihi." Ngumiti nalang ako.
"Hayaan mo na siya. Ganyan lang talaga siya." Sabi ko.
"Ok lang. Wag mo nalang ako ipakilala na boss mo, sabihin mo kaibigan mo nalang ako."
Bawat bibili ay tinitignan si Chard. Yung iba nagpapacute lang.
"Ahm. Kuya, magkano to?" Turo niya sa pechay.
"Ah. Sampo isang tali." Sabi ko.
"Hindi ikaw ang kausap ko, siya." Turo niya kay Chard. Oww. Nagpapacute din pala itong si Ate.
"Ha?" Sagot naman ni Chard. Nag be-beautiful eyes pa ito. Tusukin ko kaya ng stick ang mata nito?
"Sabihin mo Sampo." Bulong ko kay Chard. Gusto ata siya ang magtinda.
"Ahh.. Sampo daw." Ngumiti pa siya dito.
"Aaayyyyiihhh!!! Sige. Bigyan mo ko ng limang tali." Sabi naman ng malanding babae. Tss..
"Heto, ikaw mag plastic. Ikaw ang guatong magserbisyo sa kanya e. " mataray kong sabi. Nakakainis kasi yung babae. Pacute ng pacute hindi naman bagay. Naaalibadbaran ako sa ganun.
"Hi pogi, pabili naman nito." May dumating na naman na higad.
Hanggang sa dumami na sila.
"Tama ba itong ginagawa ko?" Tanong niya sa akin.
"Oo. " sabi ko. Ilang minuto lang ay nangalahati agad ang tinda namin. Kawawa naman siya. Dinumog. Buti nalang at walang nakakakilala sa kanya dito masyado.
"Alam mo pogi may kamukha kang artista." Hala. Kakasabi ko lang e. Patay.
"Po?" Sabi ko.
"Yung leader ng 'Overload', crush na crush kasi ng anak ko yun. May poster pa sa kwarto niya. " hala ka. Paano ko ito lulusutan. Baka pag nalaman nila pagkaguluhan siya.
"Naku po. Kamukha ko lang yun. Mas gwapo po ako dun." Wow ah? Iangat ba ang sarili.
"Oo nga. Baka nga kamukha mo. Ang gwapo mo kasi. Salamat ah." Iniabot naman niya ang binili nitong gulay.
"Tss. Wow. Ikaw na Chard. Ang pogi mo!" Sarkastiko kong sabi.
"Haha. Matagal na. Ngayon mo lang napansin? Haha." Ang hangin talaga!
"Grabe ang init. Pinaagpapawisan na ako." Sabi niya habang pinupunasan yung mukha niya gamit ang damit niya.
Kinuha ko naman ang bimpo ko at pinunasan ang mukha niya. Nakaharap siya sa akin at nakangiti.
"Dapat pala nagdala ka ng extrang damit. Pawisan ka na. Naka puti ka pa naman."
*dub dub
Nakatitig kasi siya sa akin. Hindi ko maiwasang tignan din siya.
Teka?
Mali.
Mali itong naiisip ko.
"Oh. Pu..punasan mo yang mukha mo." Iniabot ko sa kanya yung bimpo.
Bigla akong nainitan.
"Sora. Heto na yung mga pinadadagdag na gulay ni Aling Maring." Sabi ni Gardo. Taga deliver ng gulay sa palengke.
"Ah. Sige kukunin ko."
"Mabigat ito."- Gardo
"Ako na ang kukuha." - Chard
Nakakunot noong tumingin si Gardo.
"Shota mo Sora?" -Gardo
"Baliw. Hindi!" Sigaw ko dito. Tumawa pa ito bago bumalik sa delivery track niya kasama si Chard.
Tanaw ko dito ang track kaya nakikita ko kung anong ginagawa nila. Nanlaki ang mata ko ng hubarin niya ang damit niya at binuhat ang sako ng gulay.
Feeling ko nag slowmotion yung paligid. Hindi ko na din mabentahan yung mga bumibili sa akin.
"Miss magkano to?"-Ale
"Abs.."
Nakikita ko kasi yung abs niya. Parang kumikinang kinang.
"Miss? Miss!" Kung hindi ako sinigawan ng Ale hindi ako matatauhan.
"P..po? Ano po yun?" Ayan. Lutang kasi.
"Sabi ko kung magkano itong repolyo." - Ale
"Heto na yung gulay." Binaba niya ito at nagpunas ng pawis sa mukha. Napatingin din ang Ale na bumibili. Mukhang naakit ata ang Ale.
"Bente singko po Ale." Sabi ko.
"Ha..ha? Magkano?" Tanong muli nito. Haha.
"Bente singko daw po." Si Chard na ang umulit ng sinabi ko.
"Ah. Ganun ba? Dalawa nga." Si Chard na ang nagbigay sa Ale ng gulay.
"Heto po. Salamat."
"Ay saglit may isa pa pala doon. Pahawak naman ako ng t-shirt ko Sora, baka madumihan." Iniabot niya sa akin yung damit niya.
At pasimpleng inamoy.
Bakit ganun? Kahit pawisan na siya amg bango pa din ng damit niya? Ganun ba kapag artista?
"Hooh. Heto nadaw lahat." Sabi niya.
"Sora. 600 lahat." Sabi ni Gardo.
"Ang sipag ng Shota mo. Swerte ka. Haha." Inirapan ko siya bago iabot yung 600 pesos.
"Salamat pare, ingatan mo yang si Sora, masarap magmahal este magluto yan. Haha." Sabi pa nito bago umalis.
"Tss. Wag mong pansinin yun. Baliw yun." Sabi ko sa kanya ar iniayos ko ang gulayan.
"Alam mo pagod ka na, bumalik ka nalang sa Bahay." Sabi ko. Pawisan na kasi siya ng todo todo. Baka kasi masira yung balat niya dito sa palengke.
"Ok lang, enjoy nga e." Enjoy? Anong nakaka enjoy dito?
"Sabihin mo, nag eenjoy ka sa mga bumibili dito kasi napapansin ka."
"Bakit? Selos ka?" Bigla niyang sabi.
*dub dub
"Ha? Ako? Magseselos? Wow ah?. Haah!" Hala ka? Bakit naman ako magseselos , wala naman akong gusto sa kanya.
"Sora." Buti nalang at bumalik na si Nanang. Tumingin si Nanang kay Chard na naka topless pa din.
" jusme. Nasa palengke ka wala sa beach!" Nagets naman agad ni Chard yun kaya sinuot na niya ang damit niya.
"Sorry po."
"Nagbuhat kaso siya kanina Nanang. Baka kasi madumihan yung damit niya kaya ganyan yung itsura niya." Pagpapaliwanag ko.
"Oh siya. Umuwi ka na at madami ang labahan doon. Hindi pwedeng paglabahin ang Tiyo mo dahil sa sakit niya."
"Ay opo. Sige Nang."
Naglakad na kami pauwi.
"Kuya. Pwede bang papicture?" May kumpol na kababaihan ang lumapit sa amin. Siguro nasa 17 years old pataas. Lima sila.
"Ha?"
"E kasi kamukha mo po yung Idol namin si Richard Collin. " pfft. Gusto kong matawa. Kung alam nyo lang girls.
"Ah. Kasi baka may magalit." Sabi niya pa. Tss. Kunwari ka pa, gustong gusto mo din naman yang ginagawa mo.
"Naku kuya, wag kang mag alala, single kaming lahat kaya walang magagalit." Sabi pa ng isa.
Nabigla ako ng hilahin niya ako at akbayan.
"Baka kasi magalit ang girlfriend ko. " What??
*dub dub
Ang yabang talaga. Napanganga naman yung mga girls.
Tinanggal ko naman yung kamay niya.
"Ate, pwede po bang papicture kami sa boyfriend mo? Please?" Pagmamakaawa ng isa.
"Ha? Nagkakamali kayo hindi ko..."
"Please ate? Isa lang. Kamukha niya kasi talaga si Richard Collin e. " sabi pa ng isa.
"Kung gusto mo kasama ka nalang Ate." Sabi ng isa din.
"Ah. Hindi na. Akin na yung phone niyo para picturan ko na kayo. " Umayos naman sila at pinicturan ko.
"Ok na." Sabi ko sa kanila. Mga tatlong kuha din yun.
"Salamat ate ah. Ang bait niyo. Bagay na bagay kayo. Sige po. Salamat ulit." Umalis na ito at kami patuloy lang sa paglalakad.
"Ehem. Sabi nung babae, bagay daw tayo." Tinignan ko siya ng masama.
"Huwag mo ng uulitin yun."
"Ang alin?"
"Na sabihing girlfriend mo ako. Hindi magandang biro yun. Paano pag may nakarinig na iba tapos sabihin kay Nanang? Panigurado magagalit yun kahit hindi naman totoo yung naririnig niya. Paniniwalaan niya. "