Third Person's
"James! Amanda!" sabay na napalingon ang dalawa ng tawagin sila ni Blaze. "Magtago kayo. Kayo ang pakay ng mga taga Cransylvania." dugtong pa niya.
Napahawak ng mahigpit si James sa kamay ni Amanda. Halata na kinakabahan ito sa kung anong pwedeng mangyari. Natatakot siya na baka muli silang magkalayo ni Amanda.
"Ako na ang bahala sa kanila. Itatago ko sila." wika ni Ramon, ang ikalawa sa pinaka malakas sa Transylvania. Lumapit siya kayla James at Amanda "Tara, sumama kayo sa akin." tumango naman ang dalawa.
"Mag iingat kayo, James." wika ni Blaze at hinawakan sa magkabilang balikat si James. Hinintay nila na maka alis ang dalawa. Tumingin naman si Blaze kay Kristoff, "Kristoff, ikaw na ang bahala kay Julia. Kami ni Blaze ang tutulong kayla Aurora."
"Tutulong ako."
Sabay sabay silang napatingin sa nagsalita--si Jade.
"Tutulong ako sa inyo.." sabi niya habang naglalakad palapit sa Royalties. "Kristoff huwag mo hahayaang makuha nila si Julia."
"P-pero--"
"Wala ng pero pero pa. Tara at nagkakagulo na ang lahat sa ibaba." naunang umalis si Jade. Tumango naman sa isat isa si Raven at Blaze saka sumunod kay Jade. Kaya naiwan sa kwarto nila James si Julia at Kristoff. Hindi nagpapansinan ang dalawa. Halata na nagkakailangan sila sa isa't isa. At dahil nakaramdam na ng kakaiba si Kristoff, agad niyang hinawakan ang kamay ni Julia na siyang ikinagulat ng dalaga.
"Kristoff." tawag ni Julia sa kanya. Bago pa man siya muling magsalita biglang siyang hinawakan ni Kristoff sa mukha at hinalikan sa kanyang labi. Nagulat si Julia sa ginawa ni Kristoff. Hindi niya alam kung anong nais ipahiwatig ng halik na 'yon. Hindi niya alam kung ba't ginagawa ito ngayon ni Kristoff. Basta ang alam niya lang, kakaiba ito kaya bumigay na rin siya. Medjo matagal bago sila humiwalay sa isa't isa "K-Kristoff, a-anong ibig sabihin non?" tanong ni Julia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala.
Muli siyang hinawakan ni Kristoff sa mukha, "Julia, please listen to me. Alam kong ang gago ko para saktan ka. Pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. May dahilan ako kaya ko ginagawa ang bagay na iyon sa'yo." Luminga linga siya sa paligid niya para makasiguro na may kalaban ba o wala, lalo na kay Veronica. Muli siyang humarap kay Julia, "Julia, kung ano man ang pwedeng mangyari ngayon atleast alam mo na mahal na mahal kita, okay? Hindi na ako torpe. At isa pa, totoo 'tong nararamdaman ko sa'yo. Baka isipin mo na pinagtitripan kita."
"Kristoff.."
"At isa pa nga pala, pwede ba lumayo ka kay Kurt? Nagseselos na ako sa inyo eh. Kung alam mo lang gustong gusto ko na siyang suntukin!" Natatawa nalang si Julia dahil sa mga reaksyon ni Kristoff. "Oh bat tumatawa ka?"
Ngumiti si Julia, "Dahil mahal din kita, Kristoff." napangiti si Kristoff sa sinabi ni Julia.
"Teka, ano 'yon? Hindi ko narinig eh." pag iinarte niya.
"Ang sabi ko, mahal din kita."
"What? Ano?"
"Isa pa Kristoff babawiin ko na talaga ang sinabi ko!" pagbanta ni Julia sa kanya.
"Joke lang! Ito naman! Halika nga dito." hinila niya si Julia at niyakap, "You know how happy I am now. Namiss kita Julia, I missed being with you. I missed you."
"Na miss din kita." bulong naman ni Julia.
Masayang nagyakapan ang dalawa. Hindi na matiis ni Kristoff ang mga nangyayari. Kaya habang mas maaga pa, dapat niya ng sabihin ang nararamdaman niya para kay Julia ng seryoso at walang halong biro. Naisip niya na pwede naman silang mag panggap ni Julia. Muling hinawakan ni Kristoff ang kamay ni Julia at sabay silang sumilip sa malaking bintana. Nakita nila si Miranda at Aurora na mukhang magsisimula na sa pag laban.
*****
"Hindi ka pa ba nagsasawa Miranda? Ginagawa mong tanga ang sarili mo. Sa tingin mo anong mapapala mo pagkatapos nito?"
"Wala kang pakealam!" sigaw ni Miranda at biglang sinugod si Aurora. Sinusubukang tamaan ni Miranda ng kanyang itim na kapangyarihan si Aurora pero lagi namang nakaka ilag si Miranda. Kahit anong gawin ni Miranda, mas malakas pa rin si Aurora sa kanya. Lumapit si Aurora kay Miranda at mariin na hinawakan sa kanyang leeg. Halatang nanggigigil si Aurora.
"Hinding hindi mo ako matatalo, Aurora! Tandaan mo yan!" sigaw ni Miranda at mula sa kanyang kaliwang kamay lumabas ang itim na kapangyarihan ni Miranda. Agad niyang itinapat sa dibdib ni Aurora ang kanyang kaliwang kamay at doon itinama ang itim na kapangyarihan. Napaatras si Aurora sa ginawa ni Miranda, "Sabi ko naman sa'yo Aurora eh, hindi mo ako matatalo!"
Napahawak si Aurora sa kanyang dibdib. At kahit medjo nakaramdam na siya ng kaunting pagkahina ay lumaban pa rin siya. Bago pa man ilabas ni Aurora ang isa sa pinaka malakas niyang kapangyarihan, biglang dumating ang Vampire's Apprentice. Agad na inalalayan ni Sean si Aurora at inilayo kay Miranda.
"Sean, ilayo mo muna si Aurora dito. Kami na ang bahala dito." sambit ni Lina. Tumango naman si Sean at inilalayan si Aurora at idinala sa loob ng kaharian.
Rafael's POV
"Maraming salamat, Moss. Mabuti ka talagang kaibigan."
"Walang anuman Rafael. Sige na, ikaw na ang bahala. Babalik na ako sa Transylvania." aalis na sana siya pero pinigilan ko siya
"Sandali lang," nilingon niya ako, "Anong pakay nila mama sa Transylvania?"
"Gusto nilang kunin ang Waldorf."
"Pati si Amanda?"
"Oo. Parte na rin kasi siya ng Waldorf. At isa pa, mas mahihirapan si James kapag si Amanda na ang napahamak." dugtong pa niya, "Sige na Rafael. Paalam." tumango lang ako sa kanya. Kumuha siya ng isang crystal at itinapon sa ere. Maya maya pa ay nagkaroon ng isang portal at doon, pumasok siya saka agad na nag laho.
Nagmadali akong lumabas sa kinaroroonan kong kulungan. Kung hindi dahil kay Moss hindi pa ako makakalabas dito. Mabuti nalang at mapapagkatiwalaan ko talaga siya. Sinuri ko ang buong Cransylvania ngunit wala akong nakita ni isa sa mga tauhan ni mama. Ngayon na ang pagkakataon kong tulungan sila Amanda pati na rin ang kanyang mga kasama. Pero bago ko gawin iyon kailangan kong puntahan at itakas na rin ang mga magulang ni James Waldorf.
Mabilis akong tumungo sa pinaka dulong kulungan at agad itong binuksan. Nagulat pa ako ng makita ang isang lalaki na nakatayo malapit sa itim na coffin ng mama ni James Waldorf. Nang maramdaman ako ng lalaki agad siyang napalingon sa akin ng naka kunot ang noo.
"Sino ka?" matapang na tanong niya at para bang pinoprotektahan ang mama ni James Waldorf.
"Wag kang mag-alala, hindi ako kalaban. Wala akong gagawing masama. Itatakas ko kayo." lumapit ako sa kanya. Oo nga pala, siya si William Waldorf, ang asawa ng babae na nasa loob ng itim na coffin na si--Josephine Waldorf. Mabuti naman at gising na siya.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Eh mukhang isa ka sa mga kalaban." tanong niya.
"Nangako ako kay Amanda na tutulungan ko siya. Ngayon na ang tamang oras." lumapit ako kay Josephine Waldorf at inilabas siya sa loob ng coffin. Hindi naman ako nahirapan dahil tinulungan ako ng asawa niya.
"Paano tayo makaka takas dito?"
"Gamit ang itim na kristal." inilabas ko ang itim na kristal na idinala ni Moss para sa akin. "Itatapon ko lang 'to sa ere at magkakaroon ng itim na portal."
"Paano ako makakasiguro na makakabalik nga tayo?"
"Kung saan ang huling destinasyon na pinuntahan nila, doon tayo mapupunta. At sigurado ako ngayon, na nasa Transylvania silang lahat."
"Transylvania? Anong ginagawa nila doon?" nagtatakang tanong niya.
"Ang sabi ng kaibigan ko, kukunin daw nila si Amanda, James pati na rin si Julia. Kung hindi nila ibibigay tiyak na manggugulo sila sa Transylvania."
"Hindi pwede," hinawakan niya ng mahigpit si Josphine, "Halika na." tumango naman ako.
Bumuntong hininga ako at kinuha ang itim na kristal saka itinapon sa ere. Tulad ng sinabi ko kanina, nagkaroon ng malaki at kulay itim na portal. Tumingin ako kay William Waldorf at tinanguan siya, senyales na kailangan na naming pumasok sa loob ng portal. Tumango din siya at nauna silang pumasok ni Josephine Waldorf. Bago pa man ako sumunod sa kanila ilang beses akong bumuntong hininga. Bahala na kung ano ang pwedeng mangyari. Sakal na sakal na ako dito. Siguro panahon na para gawin ko naman ang mga gusto ko.
Alam ko sa sarili ko na hindi ako masamang tao. Nagiging masama lang ako ng dahil kay mama. Kaya ngayon, handa ako-- handa akong kalabanin siya.
Third Person's POV
"Ramon, ano bang nangyayari?" nanginginig na tanong ni Amanda habang mahigpit na naka hawak kay James.
"Gusto kayong makuha ni Miranda at hindi kami papayag na mangyari iyon." sambit ni Ramon, "Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang galit ni Miranda kay Master Victor." dugtong pa niya.
"Ano bang meron sakanila noon? Bakit hindi namin alam?" tanong ni James.
"Bago pa dumating sa buhay ni Master Victor ang dalawang naging asawa niya, unang dumating si Miranda sa kanya," panimula nito habang naka harap sa bintana. Nasa loob sila ng silid aklatan ng mga Wizards at Witches at nagtatago, "Minahal ng lolo mo si Miranda pero bilang King of the Vampires kailangan niyang umiwas sa itinakdang bawal sa kanya," tinignan ni Ramon si James, "Si Miranda ang bawal kay Master Victor."
"P-Pero bakit kailangan niyang patayin ito?"
"Dahil," bumuntong hininga muna si Ramon, "Dahil may nangyari sakanila noon. Bago pa man malaman ng lahat ang tungkol sa nangyari pinatay na niya si Miranda. Responsibilidad ni Master Victor ang lahi ng mga bampira kaya kahit ano gagawin niya maprotektahan lang ang lahat."
Ilang segundo silang natahimik. Nagulat nalang sila ng may marinig silang malakas na pag bagsak sa loob ng silid aklatan. Tago tago ni James sa kanyang likuran si Amanda habang si Ramon naman ay parehong tinatago sa kanyang likuran ang dalawa. Inihanda ni Ramon ang kanyang sarili sa posibleng mangyari. Kailangan niyang ma'protektahan ang dalawa. Hindi siya pwedeng pumalpak.
"Sinong nandyan?!" sigaw ni Ramon. Walang sumagot. "Sandali lang, dito lang kayo."
"Mag-iingat ka Ramon." sambit ni Amanda.
Maingat at mabagal na tumungo si Ramon sa pintuan ng bigla niyang marinig ang sigaw ni Amanda pati na rin ni James. Dahil doon bumalik siya at nakita niya nalang na hawak hawak ng isang babae si Amanda samantalang ang isang lalaki naman ay hawak hawak si James.
"Emma?! Buhay ka pa?" nagtatakang tanong ni James. Oo, si Emma Garcia, ang pinaka una na naging kaibigan ni Amanda noon sa Waldorf Academy. Si Emma ang may hawak kay Amanda. Naka ngisi lang ito at hindi nagsasalita.
"Pakawalan niyo sila!" sigaw ni Ramon.
"Sila ang pakay namin dito kaya kukunin namin sila, ngayon din." agad na napalingon si Ramon sa babaeng nagsalita. Nagulat siya ng makitang kamukhang kamukha ito ni Amanda. Ilang beses pa siya nagpalipat lipat ng tingin sa dalawa.
"A-Anong ibig sabihin nito? B-Bakit kamukha ko ang babaeng yan?" tanong ni Amanda.
Ngumisi ito, "Nasa akin ang mga kapangyarihan mo, mahal na Pureblood Princess. At kapag natalo mo ako, babalik ang lahat ng kapangyarihan mo sa'yo."
"Huwag na huwag niyo silang gagalawin!" sigaw ni Ramon, "Tayo ang mag tuos!" Hindi pa man naka handa ang pekeng Amanda ay agad na sumugod si Ramon. Gamit ang kanyang kamay ay nagawa nitong palutangin sa ere ang kalaban. Malakas niyang ibinagsak ito sa isang bookshelves.
Hindi naman nakatiis si Amanda kaya nakipag laban din siya. Kapangyarihan lamang ang nawala sa kanya, pero hindi ang lakas ng pagiging bampira niya. Ipinikit ni Amanda ang kanyang mga mata at pagdilat niya ay naging pula na ang mga ito. Inilabas niya ang kanyang mga pangil at kinagat sa kamay si Emma. Napasigaw si Emma kaya ginamit ni Amanda ang pagkakataon para sipain ito ng malakas.
"Akala ko kaibigan kita, Emma. Pero isa ka rin palang traydor tulad nila!" tumakbo palapit si Amanda kay Emma at hinawakan ng mahigpit sa leeg.
Dahil sa mga nangyayari, hindi na rin nakapag pigil si James kaya pati siya ay nakipag laban na rin. Tulad ni Amanda, hindi nawala kay James ang kanyang kaalaman sa pakikipag laban. Napansin niya ang kutsilyo na nasa tagiliran ng lalaking naka hawak sa kanya. Dahil mabilis si James ay agad niyang kinuha ang kutsilyo at itinutok sa kalaban. Ngumisi lang ang lalaki sa kanya na siyang ikinainis ni James. Dahil sa inis sinugatan niya ang mukha ng kalaban na siyang ikinagalit naman nito. Biglang nanlisik ang mga mata ng kalaban at mahigpit na hinawakan sa leeg si James. Hindi alam ni James kung ano ang nangyayari. Basta, may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing naka tingin siya sa mga mata ng kalaban.
"James!" sigaw ni Amanda. Tutulungan niya sana si James pero agad siyang hinila ni Emma.
Sa kabilang dako..
"Aurora, okay ka lang ba?" tanong ni Sean habang inaalalayan si Aurora.
"M-Magiging delikado ang buhay ko. Tumama ang itim na kapangyarihan ni Miranda sa puso ko."
"Magiging maayos pa ang lahat Aurora. Matatapos din ang lahat."
"Sean, makinig ka." natahimik si Sean at seryosong nakatingin kay Aurora, "Hindi lang kayong lima ang itinakda na maging Vampire's Apprentice." kumunot ang noo niya, "Anim kayo. Hanapin niyo siya dahil siya ang naka kuha ng kakayahang lumipad."
"A-Aurora, bakit mo ba 'to sinasabi?"
"Wala na akong pag-asa." tumingin siya kay Miranda, "Hindi ko alam kung paano pipigilan ang galit ni Miranda. Hindi ko maitanggi na napakalakas na niya ngayon." napahawak bigla si Aurora sa kanyang dibdib, "May isa pa akong hihilingin sa inyo. Kayo na ang bahala sa mga kapatid ko. Natagpuan ko na ang isa, ang bunso kong kapatid. Ngunit ang isa ay patuloy ko pa ring hinahanap. Sa susunod na araw babalik ang bunso kong kapatid galing pa sa ibang lugar."
"Maaari ko bang malaman kung sino siya?"
"Kilala siya ni Lina."
Habang seryosong nag-uusap ang dalawa ay biglang dumating sina Blaze, Raven at Jade para tumulong sa paglaban kay Miranda.
Seryosong nanonood lang sila Sean at Aurora habang nakikipaglaban sila Jade, Blaze, Raven pati na rin ang mga Vampire's Apprentice. Pero, mas namangha sila kay Jade. Malakas na siya ngayon at masyadong mabilis. Kaya niya na ring mag teleport at pagalingin ang kanyang sarili. Maging sina Raven at Blaze ay nagulat sa pagbabago ni Jade.
Wala pa isang segundo ay agad na nakarating si Jade sa harapan ni Miranda at mahigpit na hinawakan ito sa leeg. Namumula na rin ang kanyang mga mata sa galit.
"Anong kailangan mo kay James at Julia?!" sigaw nito.
Tinignan siya ng masama ni Miranda, "Jade Waldorf?" tanong nito. "Dapat pala pati ikaw kailangan naming kunin."
"Hinding hindi mangyayari yon!" mas hinigpitan pa ni Jade ang pagka hawak sa leeg ni Miranda kasabay ang malakas na pagtulak hanggang sa tumagos silang pareho sa isang puno. Mas lalo nga talagang lumakas si Jade ngayon. Dahil sa ginawa ni Jade napatumba niya si Miranda.
"Hinding hindi mo makukuha ang mga kapatid ko. Tandaan mo yan!" Sigaw nya.
Tatalikuran na sana ni Jade si Miranda ngunit bigla nalang itong tumawa na parang nasisiraan na ng ulo. "Hahahaha! Sila? Kapatid mo? Anong kalokohan yan? Para sabihin ko sayo---"
"Alam ko na ang lahat. Ang tungkol sa tunay kong pagkatao." Tinignan siya ng masama ni Jade saka tinalikuran muli.
Habang naglalakad palayo si Jade kay Miranda ay agad na itinaas ni Miranda ang kanyang mga kamay kung saan lumabas ang kanyang itim na kapangyarihan--ang pinaka malakas sa lahat. Kapag itinama niya ito sa dibdib ng mga bampira o tao, tuluyan na silang matutunaw at magiging buhangin pagkatapos.
"Anong ginagawa niya?" Nagtatakang tanong ni Raven.
"Hindi ko alam." Sagot ni Blaze saka nilingon si Aurora. "Aurora, anong ginagawa ni Miranda?"
"Delikado! Jade! Lumayo ka na sa babaeng yan! Bilis! Apprentice pigilan niyo si Miranda, ngayon din!" Utos nito.
Agad namang sumunod ang mga ito. Dahil sa pagtataka ay nilingon ni Jade si Miranda. Itatama na sana nito ang itim na kapangyarihan ngunit, biglang may hindi siya inaasahang mangyari.
May isang portal na lumabas sa kanyang harapan at sa portal na iyon, nakita niyang lumabas si Rafael kasama ang si William Waldorf at Josephine Waldorf.
"Rafael?!" Sigaw ni Miranda, "anong ginagawa mo rito?! Paano naka alis ang mga iyan?!"
"Queen Josephine?" Sambit ni Blaze at agad na nilapitan sina William at Josephine. "Tama nga ang hinala namin na nasa Cransylvania lang kayo."
"Blaze, maari mo bang bantayan muna si Josephine?" Utos ni William.
"Sige, walang problema." Agad na inalalayan nila Blaze at Raven si Josephine.
"Anong ibig sabihin nito Rafael?! Tinraydor mo ang sarili mong ina?!"
"Wag kang maniwala sa kanya Rafael!" Napatingin ang lahat kay Aurora habang naglalakad palapit sa kanila at inaalalayan ni Sean "Hindi ka niya anak, Rafael." Dugtong pa nito.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Rafael.
"Puppet ka lang niya. Tulad ng mga kasama mo sa cransylvania."
"T-Totoo ba ang sinasabi niya mama?" Namumuo na rin ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Sabihin mo na ang totoo sa kanya Miranda. Ginawa mo siyang puppet at ipinalabas na anak mo siya para habang wala ka pa, may gumagawa ng mga plano mo."
"M-Mama--"
"Oo totoo ang lahat ng iyon." sambit ni Miranda. "Hindi kita anak."
"B-Bakit mo nagawa sa akin 'to mama?! Ginawa ko ang lahat para sa'yo! Pero bakit?! Ha?!" Umiiyak na si Rafael."Kaya pala. Ngayon naiintindihan ko na. Kaya pala ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal mo saakin bilang ina."
"Tama na ang drama Rafael." Tumayo si Miranda. Naka handa na sa mga kamay niya na nakatago sa kanyang likuran ang kanyang itim na kapangyarihan. "Tapusin na natin to!"
Itatama niya sana ang itim na kapangyarihan kay Rafael ngunit biglang hinarangan ito ni Aurora at sinalo ang itim na kapangyarihan.
"Hindiiiiii!!!" Sigaw ng mga apprentice. Kitang kita nila ang pag tama ng itim na kapangyarihan ni Miranda sa dibdib ni Aurora wala pa ilang segundo ay natunaw nalang si Miranda at naging buhangin.
"Sumusobra ka na Miranda!" sigaw ni Lina at agad na ginamit ang kanyang kapangyarihan kay Miranda. Nagkaroon ng yelo sa kanyang mga paa. Lumapit si Lina sa kanya at tinignan siya ng masama. "Magbabayad ka sa ginawa mo kay Aurora!"
"hahahahaha! Hindi niyo ako mapipigilan!"
"Tama na mama!"
"Napaka hayop mo Miranda!" Sigaw ni William. Lumapit siya kay Miranda "Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin tanggap na hindi ka ipinaglaban ni Master Victor ha?"
"Wala kayong pakealam!" Sigaw nito. Maya maya pa ay dumating na ang kanyang iba pang mga kasamahan "Mag tutuos tayong muli! Babalikan namin ang Transylvania! Maghintay kayo!" At sa isang iglap biglang humangin ng malakas. Kasabay ng pag hinto ng malakas na hangin ay ang pagka wala ng lahat ng mga taga Cransylvania.
Amanda's POV
"James!" Lalapitan sana ni Amanda si James ngunit agad naman siyang hinila ni Emma. Si Ramon naman ay abala sa pakikipaglaban sa pekeng Amanda.
"Bitiwan mo ako!" Sigaw ni amanda at malakas na itinulak si Emma. "Paano mo nagawa sa akin to Emma?!" Sigaw ni Amanda ngunit hindi sumasagot si Emma.
"Aaaaah!" Napatigil si Amanda nang marinig niya ang napaka lakas na sigaw ni James. Saka niya napag tanto na sinaksak ito ng kalaban.
"Kayong lahat! Kailangan na nating umalis dito. Tara na!" Utos ng lalaki na nakalaban ni James. Ilang saglit pa ay humangin ng malakas sa buong silid aklatan at pagkatapos bigla nalang nag laho na parang bula ang mga ito.
Nilapitan ni Amanda si James "James! James!" Inilagay niya ang ulo ni James sa kanyang lap at hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi "James, magiging okay din ang lahat."
"A-Amanda, g-gusto ko ng bumalik sa dati. Ayokong mamatay. Gusto pa kitang protektahan." Hinawakan ni James sa mukha si Amanda "G-Gusto kong bumalik sa pagiging bampira."
Natahimik ng ilang segundo si Amanda. Nagkatinginan sila ni Ramon. "J-James" para bang napanghinaan ng loob si Amanda. Muli silang nagkatinginan ni Ramon at tinanguan naman siya nito. At alam niya kung ano ang ibig sabihin ng pag tango ni Ramon.
Sa tabi ni James, nakita ni Amanda ang kutsilyo na ginamit ng kalaban sa kanya. Muli niyang tinignan si Ramon. Oras na ba? Oras na ba para patayin niya si James. Parang ang hirap, hindi niya pa kaya.
"Oras na Amanda. Nanggaling na mismo kay James na gusto niyang bumalik sa dati." Sambit ni Ramon.
Biglang tumulo ang mga luha ni Amanda. Tumingin siya kay James "Mahal na mahal kita, James. Mahal na mahal kita."
"H-Hey, why are you crying?"
"Wala, w-wala." Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya. "I-I'm sorry."
Kumunot ang noo ni James. Pasikreto namang kinuha ni Amanda ang kutsilyo habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Kitang kita niya kung gaano nahihirapan si James ngayon.
Nanginginig siya habang hawak hawak ang kutsilyo.
Ilang saglit pa ay bigla niyang hinalikan si James. At kasabay nun ang pag agos ng mga dugo nito at ang pag agos ng kanyang mga luha.
"A-Amanda, b-bakit?"
Ngayon, si James nanaman ang makakalimot sa kanya.
Itutuloy..
AUTHOR'S NOTE:
After 2 months nakapag update na rin. Sorry dahil medjo busy lang sa school at mga research papers namin.
BTW, Available na ang Vampire Royalties sa mga bookstores, nationwide! Please don't forget to grab a copy guys! Salamat!
'TABII