Atlantika (Completed)

By YourWriterNextDoor

8K 470 16

Sundan ang kuwento nina Flint at Lua sa kanilang pagtuklas sa mga lihim ng mundo sa ilalim ng karagatan--ang... More

Prologue
Lunar I: Awakening
Lunar 2: The Machine
Lunar 3: Another World
Lunar 4: Reflection
Lunar 5: Conspiracy
Lunar 6: The Silver Moon
Lunar 8: Zargons
Lunar 9: Game of Death
Lunar 10: Random Luck
Lunar 11: Brothers in Arm
Lunar 12: Limbs of Steel
Lunar 13: Collisions of Metals
Lunar 14: Rebirth
Lunar 15: Ballad of the Undaunted
Lunar 16: Dilemma
Lunar 17: Lust
Lunar 18: Rage
Lunar 19: Titan
Lunar 20: Chaos Degree
Lunar 21: Valediction
Lunar 22 Finale: Rise
Glossary
Characters

Lunar 7: Rampage

254 20 0
By YourWriterNextDoor

Nakatayo kaming lahat sa gitna ng malawak na aklatan.

Nagtraydor si Mio. Dumating si Mayor Quin kasama ang ilang kalalakihan at hinuli kami. Iginapos ng ilang mga lalaki si Zee at pinatulog. Nakataas ang mga kamay namin ni Lua habang nakatutok sa mukha namin ang pistolang hawak ni Mio.

"M-Mio?! Anong ibig sabihin nito?!" bulalas ko.

"Pasensya na, Flint. Wala akong pagpipilian," walang emosyon niyang tugon.

"Seryoso ka ba?" sabi ko sabay pigil ng inis.

Napapaling kami ni Lua ng tingin kay Zee habang inilalagay siya sa isang malaking kahon.

"P-pakawalan n'yo s'ya!" protesta ni Lua.

"Tahimik!" bulalas ni Mayor Quin. Lumapit siya kay Zee at humalakhak ng malakas. "Hindi ako makapaniwalang may nabubuhay pang ibang makina."

"I-Ibang makina?" pagkalito ko. Hindi ko mawari ang ibig niyang sabihing, iba pang makina.

Ngumisi si Quin at itinuro kami ni Lua. "Mio, patayin mo na ang dalawang 'yan!"

Naglakad si Mio palapit sa amin ni Lua at ikinasa ang hawak na pistola.

Dumampot si Lua ng isang kinakalawang na tubo. "Lahat tayo may pagpipilian!" bulalas niya bago ihinampas sa mukha ni Mio ang hawak na tubo. Sa lakas no'n, nabitiwan ni Mio ang hawak na pistola at napahandusay siya sa sahig.

Napasabunot ako sa sarili sa aking nasaksihan. "L-Lua, B-bakit mo 'yon ginawa?"

"Kung hindi ko 'yon ginawa, baka tayo ang nakahandusay d'yan ngayon! Tayo na! Bilisan mo!" tensyonado niyang saad bago hinablot ng mahigpit ang kamay ko para sana tumakbo nang maganap ang isang hindi inaasahang bagay.

"Saan... kayo... pupunta?" Dahan-dahang tumayo si Mio at nagpakita ng nakalolokong ngisi. Napasapo si Lua ng bibig nang makita ang mukha ni Mio. Maging ako ay nagulantang sa nasaksihan.

"M-Mio?!" hindi ko napigilang bulalas. Halos mawalan ng lakas ang mga tuhod ko nang makita ko ang mukha niya...

Basag ang mukha ni Mio at sa loob ng kaniyang ulo, makikita ang mga bahagi ng bakal at mga kumikislap na kawad--si Mio... ay isang ring makina.

Humalakhak ng malakas si Quin. "Si Mio ay isang Cyborg," bulalas ng Mayor.

"C-Cyborg??" pagkabigla ko.

Ang mga Cyborg o Cybernetic Organism---sinasabing mas mataas na uri sila ng makina kaysa mga Android. May mataas na pag-iisip kaysa mga tao, at 'di tulad ng mga android, ang mga Cyborg ay mga tunay na tao na ginawang makina---nakakikilabot.

Sandali akong natigilan at hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan.

Nakita ko ang isang nakakalokong ngisi mula kay Mio. "Saan ka pupunta, Flint?"

Napatulala ako't bahagyang napailing.

Tila bumagal ang ikot ng mundo nang mga sandaling iyon.

Mabilis na sumugod si Mio. Napapaling ako ng tingin kay Lua na kasalukuyan ring natigilan sa mga nasaksihan. Nang mga sandaling iyon, alam kong wala nang ibang paraan. Kung hindi ako kikilos, katapusan na ng lahat para sa aming tatlo.

Ginamit ko ang bigat ng aking katawan upang itulak ng malaking eskaparate sa aking tabi. Tumumba iyon at sumunod ang iba pang mga eskaparate at humarang kay Mio.

Hinablot ko ang braso ni Lua at mabilis na tumakbo, palayo. Ginamit ko ang kwintas ni Lua para buksan ang sinasabing lagusan, palabas ng lungsod.

Napapaling ako ng tingin kay Zee. Bagama't isa siyang makina ay nakaramdam ako ng kakaibang emosyon.

"Babalikan kita, Zee," bulong ko sa sarili.

Isinara ko ang lagusan bago pa naman kami masundan ni Mio.

***

Malalakas na halakhak ni Mayor Quin ang umaalingawngaw sa madilim na bulwagang aking kinatatayuan. Tila nambubuyo sa pagyurak sa aking pagkatao--nagdiriwang sa pagkakadakip kay Zee.

Paulit-ulit kong nakikita ang basag na mukha ng makinang si Mio na bumabagabag sa aking kamalayan.

"Flint! Tulungan mo ako!" sigaw ni Zee.

Tumakbo ako, palapit sa kaniya. Ngunit, dahan-dahan siyang inagaw ng kadiliman.

"Zee!" Pilit kong abot sa kaniyang kamay, subalit, bigo ako. Hindi ko na siya naabutan pa.

Ngumisi si Mayor Quin sa aking harapan. "Isa kang kriminal, Flint Axis," alingawngaw ng kaniyang tinig. "Hindi mo na makikita pa ang kaibigan mong makina!" bulalas niya bago muling nagbitiw ng nakakalokong halakhak.

Napabalikwas ako ng upo mula sa aking kinahihigaan. Mabilis ang kabog sa aking dibdib. Isa lamang pala 'yong panaginip.

"F-Flint?? M-mabuti't gising ka na!" Biglang yakap sa akin ni Lua. Mahigpit ang pagkakapaloob ko sa mga bisig niya. "A-akala ko..."

Iniikot ko ang paningin ko sa paligid--nasa loob kami ng isang marumi, makipot at madilim na daan, at tanging patak lamang ng mga tumutulong tubo mula sa kisame ang maririnig.

Sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang siga--marahil ay gawa ni Lua.

Pilit kong inaalala kung ano ang lugar na ito.

Napapaling ako ng tingin sa bakal na pader sa aking gilid... Natatandaan ko na. Ito ang kabilang bahagi ng aklatan--ang sinasabi ni Mio'ng lagusan, palabas ng lungsod.

Pinakawalan niya ako mula sa pagkakayakap niya.

"Anong nangyari, Lua, bakit ako nakahiga rito?" tanong ko habang hinihilot ang aking sentido.

"Nawalan ka ng malay, naaalala mo?"

"Tama--" Tango ko. "Naaalala ko na. Nawalan ako ng malay nang makakita ako ng isang mabangis na dragon. Nakipagbuno ako sa kaniya at buong tapang siyang pinabagsak, gamit ang mga muscles ko."

Pinaningkitan niya ako ng tingin. "Shonga. May nakita kang malaking daga. Nagtititili ka na parang babae, nagtatatakbo ka sa takot, tapos nadapa ka at nagpagulong-gulong. Nabagok 'yang ulo mo at nawalan ka ng malay."

"Okay. Salamat sa pagpapaalala."

Dahan-dahan akong bumangon, huminga ng malalim at napapaling ng tingin sa aking ibaba. Bigla akong napasigaw nang mapansin kong wala pala akong salawal.

Mabilis akong napaatras at napatakip ng singit. "Oy, Lua, Ba't wala akong shorts?" kunot-noo kong tanong.

"Ah--eh..." Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

"Anyare, Lua?? Nasa'n 'yong shorts ko??"

"Sorry, Flint. Kinailangan ko kasing gumawa ng siga."

"O, ngayon???"

Napangisi siya. "Sinunog ko shorts mo," aniya, sabay turo sa siga.

Napahampas na lang ako ng mukha at naglulundag sa inis. "Bakit hindi nalang 'tong tshirt ko ang sinunog mo?!"

Napayuko siya. "Sorry. Hindi ko naisip."

Bwiset.

Minsan parang gusto ko nang ma-turn off dito kay Lua, e. Sarap dibdiban ng padakot. Mabuti na lang kamo naisipan kong mag-brip today. Swertihan lang.

~•○●° ATLANTIKA °●○•~
Thank you sa pagbabasa. Sana nag-enjoy ka :)

Continue Reading

You'll Also Like

22.8K 350 18
WARNING ⚠ storyang walang patutunguhan. ___ Isang taong kontento na sa buhay si Beed, hanggang sa natuklasan niya'ng hindi siya tulad nang i...
18.7K 379 17
Isang kamatayan! dalawang kamatayan! tatlong kamatayan! hinding-hindi kayo titigilan Paano mo matatakasan? Paano mo lalabanan? Paano kong ang masaya...
4.4K 202 17
Isang simpleng pangitain na binaliwala ni Lilia ang magiging dahilan ng pagkakapahamak ng mga mahal niya sa buhay. Patuloy niya lamang ba paniniwalai...
42.2K 1.3K 21
Ibinigay niya ang lahat dahil mahal niya siya. Subalit, pinaglaruan lang pala siya ng taong inibig niya. Kaya, maghihiganti siya at ang kabayaran ay...