Tainted

By PollyNomial

68.6K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... More

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 30

892 28 0
By PollyNomial

KABANATA 30 — Blue Print


"This is the blue print, Zandra," sabi ng aking kapatid habang iwinawagayway sa harap ko ang isang rolyo ng malaking papel.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang mapasigaw sa saya. Lately, iyon na ang reaksyon ko sa tuwing makakatanggap ng magandang balita. I would jump for joy and feel to much excitement every time I encounter improvements. Improvement na nakakapagpabago ng aking buhay.

"May I see?" tanong ko sa kanya at humakbang ng isa palapit.

Tinagilid ni Kuya Zac ang kanyang ulo. "Of course. This is yours," aniya at marahang inilatag sa aking kama ang blue print na ipinagawa ko sa isang mahusay na arkitektong siya mismo ang humanap.

Mabilis ang pag-awang ng aking bibig. Mas mabilis ang paglaki niyon kasabay ng aking mga mata nang madaanan ng paningin ang kabuuan ng blue print. "Oh my," halos walang boses kong utas dahil sa pagkamangha.

"You like it?" nahimigan ko ang kaunting pagdududa sa tono ni kuya.

Tiningnan ko siya, saglit na tinitigan at pinandilatan. I don't just like it! I love it!

This day was just like all the other normal days I've had for the last five years. Ang pinagkaiba lang ay trabaho na ang inaatupag ko ngayon kaysa sa pag-aaral na trinabaho ko noon. Pero walang pinagbago dahil lumilipas ang araw na kahit pagod ang utak, kamay, at buong katawan ay masaya pa rin ako dahil alam kong may nagawa akong makabuluhan para sa sarili ko.

"Wow, mom! That's great!" masiglang sagot ko kay mommy na kausap ko sa kabilang linya. She's in Boston right now with dad for a business engagement. Binabalita niya sa akin ang nalalapit na pagbubukas ng bagong branch ng car dealing company ng aming pamilya roon at ayon kay mommy ay isang malaking tao raw ang naging investor ni dad para rito.

"You're dad was very thrilled because this person isn't just one of his expected investors! Pinaghirapan niyang kunin ang tiwala nito. And because of that, I want to tell you that when we got home, we'll have a small celebration for another success in your dad's business," ani mommy na halatang halata ang kasiyahan sa boses.

Natutuwa ako para sa itinatakbo ng negosyo ng aking mga magulang. They are really good in what they do, lalo na ang aking ama. Although dad's still hoping that one of his children will manage the company once he retired. It definitely won't be me. Gusto kong magtayo ng sarili kong pangalan at kompanya. And my talents weren't meant for cars and other business deals related to it. Si kuya pa siguro ay pupuwede. Pero ayon na rin kay daddy, my brother is still experimenting his skills in business and his clubs won't last forever. Maaaring isa ito sa mga magiging negosyo ni kuya ngunit hindi ito lang. Pasasaan ba daw ay maipapasok din niya si kuya sa negosyo ng aming pamilya.

"How aboout making that small celebration a bit bigger, mom..." nagsisimula ang isang malawak na ngisi sa aking labi habang sinasabi iyon.

I heard my mother's curious sigh. Hinigpitan ko ang kapit sa telepono dahil kung hindi ay maibabagsak ko ito sa sobrang excitement. I want to tell this to them in personal but I can't help it anymore. Masasabi ko na talaga, ngayon na!

"Hmm. Did something great happen to you too, Zandra?" tanong niya at doon na ako nagtitili.

I didn't stop myself when I stood up and started jumping for joy and excitement. I held the phone firmly while making loud and happy sounds. "Mom! I'm joining the event!" halos hindi ko masabi ng maayos iyon dahil sa hingal. "Mom! The New York Fashion Week for haute couture, mom! One of your daughter's works will be included under Miss Farida Yang. Mom! Farida Yang!"

Hindi ako magkandaugaga sa pagpapaalala sa kanya kung sino ang fashion designer na tinutukoy ko. My mother already wore one of her designs and for damn's sake, it almost worth a million dollor! I could still remember the event where mom wore the dress. It happened years ago. Kaya naman idolo ko ang designer dahil sa husay nito. Hindi lang sa laki ng kanyang kinikita kundi na rin sa kagandahan ng kanyang mga likha.

"Oh my God! I'm so proud of you, anak!"

Napangisi akong lalo sa narinig na reaksyon mula sa aking ina. I'm sure she's holding her breath right now. Kahit ako ay hindi makahinga nang tawagan ako ng tauhan ng F. Yang Fashion House.

"Farida Yang is an international designer, anak. Her works were worn by prominent people. She even made a dress for a real princess," ani mommy sa mga bagay na matagal ko nang alam tungkol sa hinahangaang designer.

Hindi ako makahinga ng maayos. I knew this will excite me until the day I see my design up on stage, worn by a famous international model, watched my prominent people in the fashion industry. Hindi magkadaugaga ang puso ko sa pagbubunyi dahil sa naabot kong pangarap. It was just one of my dreams. Hindi pa ito ang lahat ng nais kong mangyari sa aking buhay. I was just starting and there will be more to come.

Kaya nga nang bumulusok paitaas ang aking pangalan ay hindi ko na alam kung maaabot ko pa ba ang ibang pangarap gayung nasa rurok na ako ng tagumpay. Everything seemed so easy to reach. Para bang ang lahat ng gusto ko ay inaabot na lang sa akin ng kusa at hindi na ako naghihirap. Hindi ko alam kung tama bang kusang lumalapit na lang sa akin ang aking mga pangarap imbes na pinaghihirapan iyon. Either way, I am still grateful!

Farida Yang and the New York Fashion Week did wonders in my name, in my career, in my life. I was known as one of the top designers of Miss Yang. She gave me a six-month contract and in the course of it, I've already made hundreds of designs for celebreties, politicians, famous personalities, and of course, for my mom. And now that my contract has come to an end, I'm planning to step to the next level. I want to build my own name.

"We were told that you have the blood of one of the most talented people in the world," the journalist laughed. "Tell us about you as a Filipino, Miss Zandra," she asked me with an interested smile on her lips.

I am doing an interview for a famous magazine that featured my works and a bit of my biography. Isa ako sa mga bagong mukha sa industriya kaya naman kasali ako sa itatampok na fashion designer ng sikat ng magazine.

I shyly smiled in front of my interviewer. Inilibot ko rin ang paningin sa iba pang mga tao na nagtitipa sa kani-kanilang mga iPad habang nakikinig at nanonood sa amin. Bukod sa amin ng journalist ay tatlo pang writers at dalawang photographer ang aming kasama. The management provided us a huge suite in one of the prestigious hotels in the city where the interview would take place. Hindi ko maikakailang isa ito sa mga pinakapaborito kong araw mula nang bumulusok paitaas ang aking pangalan. It was such an honor to be here.

"Yes, I am a pure Filipino by blood," utas ko. Kahit pa may banyagang dugong nananalaytay sa aking katawan ay iyon pa rin ang tingin ko. I am proud. Who wouldn't be. Ang nanay ko ay Pilipino. Ang grandfather ko sa side ni daddy ay isang Fil-Am. Mas lamang ang pagiging Pilipino ko kaysa ano pa man.

Tumango ang babaeng blonde na nag-i-interview sa akin kasabay ng isa pang tanong.

I answered everything confidently. Kahit pa sa loob ko'y nag-aalangan na ako. Ngumiti ako sa harap ng mga flash ng camera.

Magmula nang makilala ako sa fashion industry ay hindi na napigilan ang pagtatanong sa akin tungkol sa pagiging Pilipino ko. Gayung proud ang mga kababayan ko sa akin kahit pa halos buong buhay ko ay dito ako tumira sa Amerika. Ilang beses na nabubuksan ang paksang iyon lalo na sa mga interviews. I am not ashamed. I am proud to be one. Ganun lang talaga ang mga pinoy. Susuportahan nila ang iyong tagumpay. How could I snob such admiration from them?

Ilang impormasyon pa tungkol sa aking buhay ang magalang na tinanong ng journalist. I've signed a contract, citing the allowed and forbidden questions. They can find something about my past if they want. Hindi ko iyon iniiwasan. Haharapin ko kung sila ay magtatanong. But what I'm worried is how my family will react about this. Kaya naman pumirma ako sa kontratang may nakasaad na hindi maaaring magtanong ng mas pribado pa tungkol sa aking buhay.

But, I'm ready sa kung ano mang mahalungkat nila.

Nang matapos ay mabilis na nag-pack up ang mga tauhan. I stood up, still smiling in front of the cameras. Nagpalitrato isa isa ang journalist at mga writers sa akin. We even made a group selfie. Natatawa na lang ako sa mga nangyayari. Never in my life that I imagined myself in this situation. Being social and friendly to all people. Yes, I aimed to be a famous fashion designer. But that was just something I dreamed just so I can say that I have one. Pero ngayon, ibang klase na akong mangarap. I want it to come true because I want to be happy.

Kasama ang organizer, lumabas kami ni suite. Sa elevator ay apat kaming magkakasabay na sumakay. Isang shoulder bag lang ang dala ko dahil hindi naman ako gaanong maarte sa katawan. Hindi na ako nagdala pa ng mga gamit gaya ng make-up at pampalit na damit. Hindi rin naman ito kailangan dahil isa lang naman ang engagement ko para sa araw na ito.

As soon as I got in the lobby, I bid my goodbyes to the organizers and other staff. Isang malaking ngiti ang aking taglay bago ako tumalikod sa kanilang lahat. Ngunit bago pa man makahakbang patalikod ay may bumangga na sa braso ko.

Suminghap ako sa gulat at kamutikang paglaglag ng aking bag. Isinabit kong maigi iyon sa aking balikat bago inangat ang tingin aking nabangga.

"I'm sorry—" napaawang ang aking bibig sa taong nabalingan.

"Oh, I should thank my secretary for this," ani Owen na nakatayo sa harap ko.

Wearing a three piece suit and with his clean cut hair, I see a reserved gentleman instead of the party boy I've seen twice before. Ibang iba ang kanyang hitsura ngayon kumpara sa lasing na Owen sa sariling party at sa mapanuyang Owen sa club.

Tinagilid ko ang aking ulo. I couldn't hide the amusement in my eyes. "Owen Ralph Estacio," habang binibigkas ang pangalan ay nagawa ko pang isipin kung tama ba ang aking pagkakaalala rito.

Naglaro sa kanyang labi ang mapanuyang ngisi. Tiningnan niya ang aking likod at nagtaas siya ng dalawang kilay sa kanila. Napatingin na rin ako at napansin ang pagbubulung bulungan ng mga taong kasama ko lang kanina.

"Hi, Zandra Dawn Morris," aniyang ginaya ang aking tono kanina sa pagbikas ng sariling buong pangalan.

Sabay kaming natawa. I feel comfortable with this man and I couldn't explain why. Pangatlong beses pa lang itong pag-uusap namin ngunit magaan na ang pakiramdam ko sa kanya. Maybe I just misunderstood men. Sa tagal ng panahong iniwasan ko sila ay hindi ko nagawang kilalanin ang mga uri nila. Sure, there are still those jackass out there but there also some who are kind and nice. Pakiramdam ko ay isa si Owen sa kanila.

We went to the nearest coffee shop that afternoon.

"I want to ask you to have lunch with me pero huli na yata," aniyang dinudungaw ang relo. It's 3:45 pm on my watch. "Dinner sana pero masyado pang maaga," sabi pa niya.

Mahina akong natawa. "Coffee is okay with me. I already have lunch and I will be having dinner with my family," sabi ko.

Tinitigan niya ako at nag-init ang aking pisngi dahil sobrang seryoso iyon. Kahit na may ngisi siyang ipinapamalas ay nailang pa rin ako. Komportable siya kapag kausap, hindi kapag katitigan.

"I see," tango niya. "So, Zandra Morris is a famous fashion designer now," aniya.

Napailing ako sa kanyang sinabi. "Hindi pa naman sikat na sikat," utas ko. "I am working under a famous fashion designer. Naki-join lang ang pangalan ko."

Humalikipkip siya at sumandal sa upuan. "And she is humble too. Noong high school tayo ay hindi ko iyan nakita sa'yo," nanunuyang kumento niya.

Umiling ulit ako. Natatawa sa sariling mga naaalala. Yes, I am so not humble when I was in high school. Pero hindi ko iyon kailangan aminin sa kanya. "Hindi mo lang siguro ako kilala ng lubos noon," iyon na lang ang aking nasabi.

"And now I beginnng to know the real you," aniya.

Owen is the general manager of the hotel where I have been just a few minutes ago. Nagulat ako nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi naman sa minaliit ko siya para sa posisyong tinatayuan niya ngayon pero nanibago lang ako. Hindi ko siya lubos na kilala para husgahan pero kung kami ay babalik sa gabing nakilala ko siya, lasing at kung anu-anong sinasabi tungkol sa akin, hindi ko maiisip na darating siya sa kalagayang ito.

Just like me. In only a very, very different way. Pero kagaya ko siyang hindi aasahan ng ibang may mararating na ganito kabuluhan sa buhay.

"Here's the final blue print, Zandra. Sinisimulan na ang pagpapatayo but they still applied the changes that you want," sabi ni kuya nang bumalik siyang New York mula Pilipinas.

Tumalon na naman sa tuwa ang aking puso. "This is great, kuya! Hindi ko akalain na susundin ako ng architect. It was just a suggestion," ngisi ko sa kanya.

Tumango siya ng ilang beses. Nakapamulsa niya akong nilapitan at parehas kaming nakahilig sa mesa kung saan nakalatag ang blue print ng pinapatayo kong boutique sa Pilipinas.

"This is yours anyway. At binabayaran mo sila. Of course they will consider your suggestions no matter how impossible they are." Hinampas ko ang kanyang braso at umungol siya sa sakit.

Tumawa kaming dalawa. Hindi naman imposible ang hiningi ko sa architect ng aking boutique. What I just wanted is a small fountain in the middle of it. Gaano naman kaimposible iyon? I am a woman with style. Gusto ko ay kakaiba ang dating ng aking shop. Bumagay naman ito sa nais kong theme. What I wanted is a gothic architecture. And yeah, with a fountain in the middle.

"But tell me honestly, kuya, anong sinabi ng architech natin?" tanong kong mas seryoso.

Umiling siya at humalukipkip. Iyon din ang aking ginawa.

"I'm just kidding, Zandra. He actually complemented your opinion. Hindi raw niya naisip iyon," seryoso niyang sabi kaya naniwala ako.

"So, may date na ba kung kailan matatapos?" tanong ko. Once na matapos ito, lilipad agad ako patungong Pilipinas.

"Probably by the first quarter of next year," bumitaw ang mga braso ni kuya mula sa pagkakahalukipkip nito. He walked towards me. Inangat niya ang kamay at hinaplos niya ang aking pisngi. "You have no idea how proud I am to you," aniya.

Nanlambot ang aking mga tuhod sa kanyang pahayag. Mabilis na nag-init ang mga mata ko. Kahit kailan ay wala akong narinig na masama mula sa aking pamilya tungkol sa aking mga plano. They always tell me how proud they are to me. Hindi sila nagkukulang. Maaaring tumututol sila dahil gusto lang nila ay iyong makakabuti sa akin pero sa huli ay mas nananaig ang suporta nila sa akin.

Nang malaman ng aking parents ang pagpapatayo ko ng boutique ay kumontra sila ngunit pumayag din sa huli. With just a few advice from them and another set of apologies, they started to support me in this unexpected decision. Hindi ko sila masisisi kailanman. Karapatan nilang mag-alala. Karapatan ko namang patunayan sa kanila na ngayon ay kaya ko na.

"I am proud of myself too," bulong ko habang hinihilig ang pisngi sa palad ni kuya.

He leaned on me to kissed my forehead. Tumulo ang aking luha nang pumikit ako.

"And about your most important concern," hayag niyang nagpaangat ng aking mukha. "Hindi mahirap na mahanap siya. Hindi rin mahirap na makita siya. I don't know if this is good or bad but," sa pagputol niya ng kanyang sasabihin ay mas lalong ko lang inasahan na maganda ang sasabihin niya.

Ngumiti si kuya. I smiled too. Hindi ako sigurado pero alam kong isang magandang balita ito.

"He's not yet married."

Umawang ang aking bibig. Umatras ang mga luha ko at nangunot ang noo ko. Malakas kong hinampas ang dibdib ni kuya. "Kuya!"

Humalakhak siya sa kanyang biro ngunit huminto rin nang halos maiyak na ako sa sobrang asar ko sa kanya.

"And he doesn't have a girlfriend. Good for you. But... bad for him?" humalakhak pa siya sa sunod niyang pang-aasar. Nanunuya niya akong tinitigan.

"Good for him, kuya. Tandaan mo iyan. Kapag nagkita kami..." nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Anong gagawin ko kapag nagkita kami?



Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 82 19
It was summer when I got lost in the middle of nowhere-a paradise. Then, my eyes fixated to a girl who's sitting on a wooden rocking chair; in a fai...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
27.5K 559 48
[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's...
3K 190 44
" I have so many reasons of why I started to fall for you..." I said," But it only takes a single reason you made for me to end my feelings for you."