Vice's POV
6am na akong nakarating sa bahay galing ospital. Sa mga oras na ito ay siguradong inooperahan na ang lolo ko at maya maya ay magiging ok na siya.
Magiging ok na lolo ko. Magiging ok na lolo ko. Magiging ok na lolo ko.
Paulit ulit ko tong sinasabi sa isip ko dahil pagsapit ng alas otso ay makikita ko nanaman ang second cousin ni Satanas. Oo second na lang, dahil sa tulong naibinigay niya sa lolo ko. Madalian na akong naligo at lumabas na ako ng banyo. Binuksan ko ang cabinet ko at dun na ako napaisip.
Ano susuotin ko?
Tinignan ko ang cabinet ko at kinuha ang corporate attire kong long sleeves na kulay puti at nag suot ng a line skirt na kulay black.
Sinuot ko na din ang polka dotted socks ko na kulay pink ang mga bilog at ang base ay kulay white.
Tamang tama at natuyo na ang buhok ko kaya't kinabit ko na ang hair extensions ko. Naglagay ako ng very light na kolorete sa mukha at sinuot ko na ang sapatos na regalo sakin ni Jugz.
Vans na plain black ang kukay ng sapatos, kaya sa outfit ko ngayon mapapansin mo talaga ang medyas ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napagtantong di ata ito pang office na damit pero nung tumingin ako sa orasan, 7pm na kaya minabuti kong lumabas na ng kwarto madaliang uminom ng kape at kaumain ng tinapay. Chineck ko ang shoulder bag ko kung andun na ang mga kakailanganin ko.
Panda na ballpen
Astra na notebook
Starmobile kong cellphone
imitation ng MK na wallet
Fashion 21 na facial powder
Avon na pale red lipstick
After looking ay these things I realized na kulang pa pala ang dadalhin kong mga gamit.
Kinuha ko ang rosary sa maliit naming altar at nilagay ito sa bulsa ng bag ko. I'll surely need it lalo na't magiging boss ko na si Terrence.
Lumabas nako ng bahay at kinandado na ang pinto. Di pa man ako nakakalayo sa bahay ay naririnig ko nang tinatawag ang pangalan ko ng isang babae. Just by hearing the sound of her bicycle and her voice kilala ko na.
"Pot! Pot! Pot! Pot!"
"Good morning my honey bunch sugar plum sweetie pie!", pagbati sakin ng babae habang nag ba bike sa tabi ko.
"Walang good sa morning", pabulong kong sinabi.
"May sinabi ka my honey bunch sugar plum sweetie pie?", ngiti ngiting tanong niya.
"Wala, sabi ko morning ", sagot ko sa kanya.
"Eh anong wala don? Eh meron naman palang ~morning~", sabay tawa ni Betty. "You're so funny talaga ah"
"Ha ha ha ha, oo nga eh", sarkastiko kong pagtawa.
"San ba lakad mo? I loooove your socks. Terno sa bike ko."
"Mag tatrabaho para sa ekonomiya.", sagot ko sa tanong niya sabay tingin sa bike niya na katerno nga naman ng medyas ko.
"Gusto mo hatid kita? Kahit diyan lang sa sakayan ng jeep. Nagpagawa talaga ako ng extra seat dito sa likod for you eh. Hihihi", kinikilig niyang sabi.
Tinignan ko ang likurang bahagi ng bike niya at nakita ang upuang ginawa niya para sakin. Ang laki ah, sakto sa pwet ko. Kaloka tong babaeng toh. "Ay nako hindi na, morning exercise ko na din to eh"
"Sure ka? Ayokong napapagod ka my honey bunch sugar plum sweetie pie", nagaalala niyang sabi.
Iba talaga ang tama nito.
"Sure ako.", sagot ko sa kanya.
Nasa harap na kami ng tindahan ni Jugz at himalang wala ata sina Mang Rio and friends. Nakita ko naman si Jugz sa harap ng tindahan niya na umiinom ng kape at mukhang nakita niya din ako kasama si Betty kaya mas lalo nawala ang mata niya dahil sa tawa.
"Good moning Betty and Vice.", pagbati ni Jugz samin.
"Good morning Juggie boy!", high pitch na pagbati ni Betty.
"Morning Jugz", bati ko sa kanya.
"San punta naten tohde?", tanong niya sakin.
"Trabaho", sagot ko.
"Aba buhteh naman ikaw melon ng tabaho. Balita ko lolo mo na ospital ah. Dasal ako pala sa kanya.", sabay amen na hand gesture.
"Oo nga eh. Salamat sa dasal."
"My honey bunch sugar plum sweetie pie dadalawin ko lolo mo mamaya ah?",pagsulpot ni Betty sa usapan namin ni Jugz.
"Wag na baka matakot lolo ko sayo.", sagot ko kay Betty.
Nakita ko namang umiba ang mood niya. Hala dinamdam ng bruha nakakaloka.
"Ang ibig kong sabihin ay baka matakot siya sayo dahil naka two ears ka. Baka isipin niyang sungay yan eh. Alam mo naman ang mga matatanda diba?", nagmamaganda kong pagpapaliwanag sa kanya.
"Ah, aaaww! Concerned ka talaga sa akin. I love you my honey bunch sugar plum sweetie pie! Good luck sa first day of work mo! Mag aayos na ako para maka bisita na kay lolo Gonzalo.", she said with excitement in her tone then she made her way back to her house.
Ngumiti na lang ako, but this time it's sincere. Kahit ganyan yang si Betty eh malapit yan sa pamilya ko at naaaliw sila sa kanya, lalo na si Lolo.
Nagpaalam na ako kay Jugz at tumungo na ako sa sakayan ng jeep. Gaya ng dati ay nandun nanaman si Teddy na nagtatawag ng mga pasahero, but this time he's with Vhong already.
"O, sakay na, sakay na! Aalis na ito maya maya", pagtatawag ni Teddy ng pasahero.
"Paki usog po dun ng konti sa kaliwa para maka sakay si lola.", pakiusap ni Vhong at mukhang nahagip niya na ang kagandahan ko at kumaway na sakin.
Lumapit ako sa kanilang dalawa upang bumati ng magandang umaga.
"Gandang umaga, kapamilya.", sabay malaking ngiti.
"Kapuso ako Vice.", pagwawasto sakin ni Teddy sabay tawa.
"Basag trip ka talaga kahit kailan, tuktokan ko yang ilong mo eh.", sagot ko sa kanya.
Napansin naman ni Vhong ang suot ko kaya pinuna niya nanaman.
"Brad, hahaha san lakad mo? Hahaha perya ba?", natatawa niyang sabi.
"Pwede din, isasama ko nga toh eh", sabay turo kay Teddy, "sa laki ng ilong pwede na tong pangpalit sa payaso."
"Ilong ko nanaman ang pinuna.", reklamo ni Teddy.
"Pero seriously, where are you going?", pag e ingles ni Vhong.
Natawa naman ako at sumagot ng "Oh, so you're espekening dollars now."
"Come on answer my question.",sabi ni Vhong.
"I'm going to work out there.", sabay turo sa kawalan.
"Really? Why?", tanong ni Teddy na natatawa.
"Yes, cause for the betterment of our economy, especially my family's.", sagot ko.
Nagtinginan naman ang dalawa at sabay na binigkas ang salitang "Amazing " at nagtawan.
"Mga siraulo kayo tse.", sabi ko sa kanila.
"Toh naman minsan na nga lang mag English yung tao eh. Sakyan mo naman.", sabi ni Vhong.
"Mas mabuti sana kung yang sasakyan ko mahahatid ako dun sa pagtatrabahuan ko para di ako ma late."
"Ay, pakain ka mamaya paguwi mo ah?", sabi ni Vhong na natatawa.
"Alangan namang ilibri ko kayo pag alis ko edi kayo lang nakinabang. Sige na alis na ako", sabay pasok sa jeep.
Kasabay ng pag pasok ko ay nagrap nanaman si Teddy,"Oh usog usog, uupo ang baklang busog. Bigyan ng espasyo upang sumakto. Oh, yung ulo mo ingatan, baka yung buhok tumalembang. Mahirap na makita ang daan ng paliparan, baka may magkasagasaan.", kasabay nito ang malakas na tawa ni Vhong.
Aba bastos to ah. Umandar na ang jeep at sa di na ako nakaganti sa mga siraulo kong kaibigan kaya nilabas ko ng madalian ang kamay ko sa bintana at pinatayo ang gitnang daliri ko. Dalawang sakayan lang naman kasi ng jeep tas nasa opisina na ako. 7:45am akong nakarating sa information desk at nandoon nanaman ang babaeng kulot ang hair. Bubuksan ko na sana ang bibig ko upang magtanong ngunit inunahan ako ng babae.
"Mr. Jose Marie Viceral, you're required to proceed to the 16th floor, Wing A of this building. Ms. Anne Smith is waiting for you there to help you get familiarize with the basics.", then she smiled. Ganda niya pag ngumiti.
"Ay bongga automatic. Salamat...", then I looked at her name tag, "Ms. Ana Karylle Tatlonghari.", and smiled.
She gave a soft chuckle. Dalagang Pilipina ang peg ah, taray. Ginawa ko ang utos ng babaeng kulot. Nakarating ako sa 16th floor at tumungo sa Wing A. Nakita ko na si Anne na ngising ngisi nang matanaw ako na papalapit na sa kanya.
"Good morning Vekla!", bati niya sakin.
"Close tayo?", pagtataray ko sa kanya.
"Sa ngayon di pa, after lunch break...oo na sagot ko.", sagot niya na may halong excitement.
Sasagot na sana ako kaso pinutol niya ako at nagsalita siya muli.
"Before you blurt those words that you're about to say, dadalhin muna kita sa desk mo. Then we can make chika while I'll tell you the basic things that you should do as Mr. Romeo's secretary.", pagputol niya sakin.
Tumango na lang ako at sinundan siya. Katabi ng desk ko ang isang kwarto na tinted ang mga dingding at sa ibabaw ng double door na pinto nito ay may nakalagay na CEO's Officie, so I'm sure dun ang opisina ni Terrence.
"Diyan desk mo bakla, may mga gamit na yan diyan na nakahanda ah. Ako mismo ang pinabili ni ser niyan kahapon pa. Nakakaloka ka ah, special treatment na yan. Ikaw lang yung secretarya na may pa ganyan si ser.", sabi ni Anne.
Pinaliwanag niya ang lahat ng kailangn kong malaman.
"O, ayan na ah. Na paliwanag ko na, basta yung schedule talaga ang importante. Ayaw ni ser na magulo ang mga bagay bagay eh. Sige na bakla, una na ako, see you mamayang lunch!",masaya niyang paalam.
Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Nakakaaliw din pala tong babaeng toh magiging kaibigan ko nga talaga toh. No choice. Char.
*kring kring kring...*
"Ay taray unang tawag...",sabay kuha ng telepono.
"Good morning, Romeo Illimitable Sports and Fitness Equipment Corporation...how may I help you?"
"Good morning...", bati ng boses lalaki
"Who's this please?",tanong ko
Rinig ko naman na tumawa ang nasa kabilang linya kaya medyo nagtaka ako.
"Hello?"
"I need you to go down and help me with my things", utos ng boses.
"Aba aba teka nga naman, sino kaba? I don't take orders from anyone except the Heavenly Father above us. I thank you.", ibaba ko na sana ang telephone kaso may pahabol na sagot ang nasa kabilang linya.
"So you wont obey the person who will use the room behind you?", I heard a chuckle and looked back at the sign above the tinted glass door. Shet.
"O? Ano na? Malapit nako sa building.", dagdag niya.
"Sorry sir, I'll be going down in a while.", pagpapaumanhin ko.
"Naks Englishera este Englishero...hahaha"
"Ah ganun. Eto na baba na po. Nakakaloka.", binaba ko na ang telephone at tumayo na sa upuan ko at tumungo sa elevator.
From the 16th floor I went down sa ground floor at tumungo sa main door ng building. Lumabas ako at naghintay para sa pagdating ni Mr. Delubyo este Romeo.
Habang naghihintay ako ay halatang titig na titig ang mga taong pumapasok at lumalabas sa gusaling ito sakin, particularly on the clothes that I'm wearing. Pero dedma lang, mahiya kayo sa pink kong medyas.
15 minutes passed at may dumating na na kotse. Wala naman akong masyadong kaalam alam sa mga kotse but this car is a blue ice colored Bentley Bentayga. Hashtag yayamanin.
Inilipat ko na ang tingin ko sa daan at naghihintay ng imahe ng sasakyan ni Terrence. Tandang tanda ko yun dahil muntik ng mabawasan nanaman ng magandang tao sa mundo kung nabundol ako nun.
Busina naman ng busina tong kotse na nasa harap. Oo na alam kong magara na sasakyan mo pero ang ingay tangina.
Using my peripheral view ay nakita kong binaba ng driver ang bintana sa opposite niyang upuan, muli niyang pinatunog ang kanyang busina kaya napatingin ako. Ayun. I should've known...
"O? Titingin ka lang? Get in. We still have a stressful day to start."
Pumasok ako sa sasakyan niya at inayos yung seatbelt. Tahimik lang sa kotse papunta sa parking area. He parked his car at bumaba, pababa na rin ako but he opened the door for me. Yes he opened the door for me...teka binuksan niya ang pinto para sakin. Gulat. Oo. Gulat na gulat.
"Di ka baba?", tanong niya.
Bumaba ako at napansin niya na nagulat ako sa ginawa niya which made him smirk.
"Don't worry, mapang asar ako pero I'm a gentleman. Sige na get my things sa likod. "
Mukahang di naman pala talaga masama tong si Romeo magkakasundo din kami nito.
"Bingi kaba?", tanong niya.
"Hindi ah."
"Bat ang tagal mong sumakay kanina sa kotse? Eh ilang ulit nakong bumusina."
"Aba malay kong iba na ang gagamitin mong kotse.", sagot ko.
"Sa tingin mo gagamitin ko yung dinumihan mo na sasakyan? Of course no.", pagmamayabanag nito.
"Yabang", bulog ko sa sarili ko.
"Pardon?"
"Ah? Sabi ko kukunin ko na gamit mo sa likod.", inosenteng sagot ko.
Ginawa ko naman ang utos niya at binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan niya, only to find out na isang folder at suitcase lang pala ang ipapabuhat niya sakin.
"Seryoso?", tanong ko.
"O bakit? You're paid to be my secretary, kaya kung ano gusto kong iutos ay gagawin mo.", then he gave a smile that made me irritated.
Erase the conclusion that I just made. Ugh. Pumasok na kami ng building using a different entrance.
"Bakla, mauna kana sa taas. Lagay mo ang gamit ko sa opisina ko may kakausapin lang ako saglit."
"Bakla talaga itatawag mo sakin?", tanong ko.
"Ano ba gusto mo?", tanong niya.
"Kahit Vice ok na eh.", sagot ko.
"Ayoko."
"Nagtanong kapa.", sagot ko.
"Nag suggest kapa."
Lumakad nako papunta sa elevator para maihatid na tong "mabigat na mabigat" niyang dala pero may pinahabol siya.
"Ay teka, under maintenance ang elevator sa oras na toh.", pahabol niyang sagot sabay turo sa elevator na malapit samin.
"Hagdan? Paakyat sa 16th floor?"
"Try mong akyatin pababa ng ground floor.",sarkastiko niyang sagot.
Inirapan ko na lang siya at halatang natawa ang mokong. Tumungo nako sa hagdanan at nagsimulang umakyat papunta sa ikalabing anim na palapag. I tried my best to not stop until I reach the 16th floor pero every 4 floors humihinto ako para makahuli ulit ng hangin. Nakakaloka.
I reached the 15th floor at may nakitang pamilyar na mukha. Agad ko namang inayos sarili ko sa paglapit ng pamilyar na mukha.
"Uy Vice!", masayang bati sakin.
"Uy Jan! Hahaha,", bati ko habang hinihingal.
"Uy mukhang ikaw naman ang hinihingal, tubig o.", sabay abot niya sakin ng bottled water.
"Mineral ba toh?", tanong ko at ininom na nga ang tubig.
"Hindi"
Ilalabas ko na sana sa bunganga ko tong tubig pero pinigilan niya ako.
"Biro lang, lunukin mo na yan. Hahaha"
Naubos ko naman agad ang tubig abinigay niya at nagpasalamat.
"Nakakaloka ka, thank you. ", pagpapasalamat ko.
"Bat ba hingal na hingal ka? Buti na lang naka aircon ang buong building kasi if hindi baka lapot na lapot kana. Masasayang yang puti mong outfit."
"Sino ba namang di hihingalin eh mula ground floor hagdanan lang ang gamit pa akyat dito. Saka may isang palapag pakong aakyatin nakakaloka. ", pagpapaliwanag ko.
Natawa naman siya at nagtaka ako dun.
"Masaya kapa. Aba", puna ko.
"Nakakatawa ka kasi, meron namang elevator. Nag hagdanan hagdanan kapa dyan."
"Under maintenance kasi yung elevator.", paliwanag ko.
"Huh? Kakagamit ko lang ah.",pagtataka niya.
"Ano?!"
Dali dali ko namang pinuntahan ang pinakamalapit na elevator at pinindot ang up button. Tangina gumana.
"See."
"See see mo mukha ng CEO dito. Tangina."
Bumukas naman ang pinto ng elevator at pumasok na din ako.
"Ay Vice teka,", sabay harang ni Jan sa pinto para di sumara.
"O?"
"Sabay tayo mag lunch ah? Wala pakong kaibigan dito. First day eh.", sagot niya.
"Libre mo?"
"Oo na, pasalamat kang bad mood ka.", natatawa niyang sagot.
"Hehe. Langya. Sige na.", pinindot ko na ang button at sumarado na ang pinto ng elevator. I made my way to his office bringing the suitcase and the folder.
Binuksan ko ang pinto ng opisina niya at sinalubong ako ng naka ngising Terrence Romeo.
"What took you so long?",tanong niya na halata naman sa mukha niya na alam niya ang sagot.
"Pina hagdan mo ako? E di naman pala sira ang elevator!", napalakas ang boses ko.
He chuckled, "sorry nakalimutan ko na next week pa pala ipapacheck yung elevator na yun. Naalala ko naman kaso naka akyat kana ata kaya di ko na lang sinabi. Don't worry I'll tell you next time para di kana mapagod."
"Wow, thank you ah.", sarkastikong pasasalamat ko sabay lapag ng gamit niya.
"Saka I don't get it, nahalikan kita kahapon ah. Dapat di kana masungit.",sabay titig sa labi ko.
Namula naman ako at halatang nakita niya ito kaya natawa ng slight ang mokong.
"Bastos ka.", sabat ko.
"Sus, for sure di ka nag toothbrush.", pang aasar niya.
"Ang yabang mo, kala mo kung sino kang gwapo eh panget ka naman.", iritang sagot ko.
Lalabas na sana ako ng office niya pero tinawag niya ako.
"Bakla"
Lumingon naman ako para malaman ang kailangan niya.
"Coffee"
"Ano?", tanong ko.
"Ay sorry di ka ba nakakaintindi ng English? Ang sabi ko kape."
"Aanhin ko ang kape?",inis na tanong ko.
"Kainin mo."
I gave him a questioning look. He shook his head and smirked. "Ipagtimpla moko ng kape."
"....please",dagdag niya.
Nanlaki naman mata ko nung narinig ang "please" na salita. ISANG HIMLA
"Ano sabi mo? Paki-ulit nga."
"Ayoko.", pag aayaw niya.
"Di ko narinig eh."
"Bakla na nga, bingi pa. Tsk.", pang-asar niya.
Inirapan ko na lang siya at lumabas na sa opisina niya. Tumungo ako sa pantry upang ipagtimpla na siya ng kape. To tell you right now, I'm really tempted to replace sugar with salt. Pero I'm trying my best to not do it, since may utang na loob ako sa kanya.
Papasok na ako sa office niya ulit pero nahuli ng mga sticky notes ang attention ko. I placed the coffe on my table and wrote something on the green colored paper.
Pagkatapos ay pumasok na ako sa office niya at nilapag ang baso sa tabi ng laptop niya. Busy ang mokong sa magtatype at di man lang nag pasalamat, kaya lumabas na lang ako.
Terrence's POV
I'm trying to focus on my laptop screen pero I can't, since I brought up the topic about the kiss yesterday.
Bat ko nga ba ginawa yun?
Yuck.
No, I liked the kiss. It felt different. Seeing him, I mean her cry...parang di ko gusto. Parang I want to make her feel better.
By kissing her? Seryoso ka bro?
I guess. Manahimik ka nga. Ano bang pake mo. Konsensya lang kita.
You're right konsensya mo lang ako. Konsensya mo LANG ako. And I had the greatest mistake of falling inlove with my human form.
The fuck.
Biro lang bro, magandang pelikula yan. Bagay sa inyo.
Ni D? Di mahalig sa mga pelikula yun.
Sinabi ko bang siya? Yung tinutukoy ko yung sekretarya mo.
Hoy wag ka nga. Di kami talo nun.
Di talo, pero hinalikan mo. Sus wag mokong lokohin. Alam ko lahat.
Whatever.
Ok after having a convo with my conscience binalik ko na ang tingin ko sa mga sports' wear designs na ginawa ni Paul that he sent me through my email with a follow up message saying he cant attend the meeting later since he's suffering from a high fever.
Napansin kong pumasok si Vice pero di ko lang pinansin. He placed my coffee just right beside my laptop then he went out of my office. I'm browsing through the designs, but a green note on my mug caught my attention.
Binaling ko ang tingin ko sa baso at nakitang may berde ngang papel na naka dikit. I read the note that says:
~Panget, powder kaba ng kape?
-
Sarap mong buhusan ng mainit na tubig eh!~
Corny ng bakla, ok, sige natawa ako ng slight. I took a sip from my mug, woah. Iba ang lasa ng kape. Binili niya ba toh? For sure hindi cause this coffee tastes expensive.
Ok, back to Paul's designs, I'm browsing it again so I placed my mug back, beside my laptop.
Minutes passed and my phone rang, so I answered it.
"Good morning babe!", pagbati sakin ni Dianara.
"Morning babe."
"Sorry I'll be a bit late today, mga after lunch pa ata ako makakapunta dyan.", pagpapaumanhin ni Dianara.
"It's ok babe, saka I think you dont have to go here na lagi kasi I have a secretary na.", pagpapaliwanag ko.
"Huh? Wala ka namang na piling aplikante ah", she asked curiously.
"Meron, yung nag walk out.", sagot ko.
"Woah, you were able to convince him, I mean her?", tanong niya.
"Hindi.", sagot ko.
"Babe!"
"Ito naman, shempre na papayag ko. Kaya nga meron na akong secretary eh."
"Paano mo na papayag?", tanong niya
"Long story, hayaan mo na yun. Ang importante may secretary na ako. Di na kita ma ha hassle ", sagot ko.
"Babe, never ka naging hassle sakin.", malabing niyang sagot.
One of the reasons why I love this girl. She's the sweetest.
"Sus, hahaha sige na babe, I have to finish pa some paperworks.", sabi ko sa kanya.
"Ok, hahaha, I'll drop by dyan around 3pm ah? I love you."
"I love you too."
Then I ended the call and went back to what I was doing before Dianara called me.
2 hours passed...
I called the telephone on top of Vice's desk, after a ring she answered it.
"Good morning, Romeo Illimitable Sports and Fitness Equipment Corporation...how may I help you?", sagot niya.
"Go inside.", tipid kong sagot.
"Po?", tanong niya.
"Sabi ko pumasok ka.",pag uulit ko.
"papashok? Ehe, shaan?", malandi niyang tanong.
Green minded bipolar gay. I gave out a soft chuckle before answering her.
"Hoy, wag ka ngang ano dyan. Pumasok ka dito sa opisina ko.", pag uutos ko.
"Oo na. Nakakaloka"
Then she ended the call. 2-3 seconds passed and she's inside my office. Duh, nasa tabi lang ng pinto ko desk niya.
"Ano po ang maipaglilingkod ko sayo kamahalan?", sarkastikong tanong niya.
"Ikot.", utos ko.
Sinunod niya naman ang utos ko.
"Ikot pa."
Halatang bwiset nanaman siya pero sinunod niya padin ang utos ko hanggang nakaharap na siya ulit sakin. I'll admit it, sexy katawan niya. I'm sure na walang pinagawa yan kasi alam kong mahal mag paretoke.
"Saang perya ang punta mo?", pang asar kong tanong.
"Aba kung pinapasok moko dito para laitin, thank you ah.",sabat niya.
"My pleasure, anyway...wala kabang ibang damit? I mean something suitable for this environment."
"Sa tingin mo if meron,ganito suot ko ngayon? Nakakaloka.",mataray niyang sagot.
"Ok ok, chill. I'm just concerned kasi of how they'll think towards me after knowing that my secretary wears those type of clothes."
"Excusè mwah, mahihiya si Amor Powers sa damit ko noh! Nakakaloka ka.", mataray nitong sabat.
"Mahihiya din sa Barbie sa pink mong medyas."
"Pinapunta mo talaga ako dito para laitin suot ko. Style ko toh kaya lakang pake.", naiinis niyang sabi.
"Isa na yan sa mga pakay ko. But this one is more important ", sabi ko tas inabot yung USB.
"Nandyan ang schedule ko for this month, pwede pa yang magpalit if may mga events or appointments na idadagdag. Kasama na din dyan ang upcoming events ng company. I want you to have your own copy in your computer and a printed one as well."
"Opo.", sagot niya.
"You may go na.", utos ko then I looked at my wrist watch that currently shows that it's 12nn. "Oh, by the way, may cafeteria na dito sa building lang, it'll be convenient for you if you'll eat there kasi mas malapit saka you have to be back at your desk by 1:30pm sharp."
Tumango na lang siya na halatang naiinis na. Hahahaha cute.
General POV
Inaayos na ng Beki ang mga kalat sa desk niya. Tamang tama lang nung natapos na siya dahil nakita niya na ang nakanganga este nakangiting babae na pulang pula ang lipstick.
"Hi beks!!!", pagbati ni Anne.
"Hi", pa supladang bati ng beki.
"Ay di ka bagay magtaray tarayan. Mas lalo kapang nagmumukhang nakakatawa"
"Aba bastos toh ah.", sagot ng beki.
"Lunch na tayo, saka may sasama pala satin ah, yung bagong na hire sa fashion department. Yung ka chika mo kahapon.", ngising ngisi niyang paliwanag. "Si Jan"
"Oo na, tara na at mag se stress eating ako."
Nagkita na silang tatlo sa elevator at bumaba na papuntang 7th floor, kung nasaan ang cafeteria.
Matao, since lunch break ng mga empliyado. Pumili na nga sila ng makakain at gaya nga ng napag usapan, libre ni Jan ang lunch ng beki. Nakahanap naman sila ng bakanteng pwesto at doon na nga umupo.
"Ang daya niyo ah", pagmamaktol ni Anne.
"Anong madaya dun? Di ka naman nagsabi na magpapalibre ka.", pang aasar ni Jan.
"You should have offered.", sagot ni Anne.
"Edi sorry",pag papaumanhin ni Jan. "Uy Vice, ok ka lang? Kanina ka pa walang imik dyan ah."
"Imbyerna na ewan yang si Terrence.", iritang sagot ng beki.
Itinanong ni Jan at Anne kung bakit iritadong iritado ang beki kay Terrence. Ipinaliwanag naman ito ng beki sa dalawa.
Chumika na din si Anne sa mga experience niya kaya di nila namalayan patapos na ang lunch break nila. Kanya kanya na silang balik sa trabaho nila at nagkasundo na sabay na silang umuwi mamaya.
Saktong 1:30 pm dumating na ang beki sa desk niya at sinumulan ng e print ang schedule ng boss niya.
Pinatawag naman siya ni Terrence sa loob by calling him again on the telephone.
"Asan na ang printed schedule?", tanong ni Terrence
"Ay piniprint na po.", sagot ng beki.
"Piniprint pa lang? Kanina ko pa yun binigay ah. Dapat kasi inuna mo ang pag print kesa makipag landian sa kapwa empliyado."
"Landian? Mapanghusga ka ha. Friendly lang ako wag kang ano.", pagtatangol ng beki sa sarili niya. "Saka natandaan ko naman schedule mo ngayon, 2:30 pm may meeting kayo."
"Ok."
"Ikaw lang walang bilib sakin eh."
"Whatever, saan ang meeting?", tanong ni Terrence.
Tinatry naman maalala ng beki ang venue kaso di niya maalala kung anong room iyon. "Ah....eh....meeting room?"
"Natandaan daw, psh", pang aasar ni Terrence."A7 na room yun. 4th floor. Wing B."
"Edi ikaw na. Pretty lang di perfect.", sagot ng beki.
"Pretty? You mean pretty ugly.", dagdag na asar ni Terrence
Nag asaran pa ang dalawa until it's almost time for the meeting. Pununta na sila sa A7 at andun na nga ang mga board members at ang mga head ng departments.
Pumwesto na sila sa upuan nila at nakatayo naman si Anne malapit sa projector with her laptop in front of her na halatang kabado.
Kinawayan naman siya ng beki at nginitian sabay thumbs up.
Anne smiled and tried to look relax for the presentation.
Pina-upo ni Terrence ang beki sa tabi niya.
"Stay closer to me.", utos ni Terrence.
"Ah eh, gaano ka close sher? Ehehe", talandeng tanong ng beki.
Terrence just gave her a serious look.
"Char"
Natawa naman ng slight ang mga kasama nila sa loob
"Ok, let's start.", utos ni Terrence.
"Good afternoon sir Terrence, to the board of trustees and of course to my fellow head of the departments...as the head of marketing I'll be showing our summed up sales for the last 5 months...", pinindot ni Anne ang right arrow to show the slide on the white screen.
"As you can see, we're still at number four among 10 companies that sell almost the same products as ours..."
Patuloy paring pinapakita ni Anne ang mga sales nila pero pinutol siya ni Terrence.
"So ano ang solution?",tanong ni Terrence.
"Pinapakita niyo lang lagi ang mga sales, pero wala kayong iniisp na solution kung pano mapapataas ang sales so that our company will be number one. Come on guys, give me suggestions."
Walang sumagot kaya uminit ang ulo ni Terrence.
"I'm asking a question. Sumagot kayo, sa tingin niyo ba may sasagot pang iba? Come up with a solution! Sino ang mag bibigay ng solution?"
~~Only Binay, only Binay!....
Kanino giginhawa ang buhay?....
Patuloy pading tumutunog ang ringtone ng cellphone.
Only Binay!
Sinong nagpapa aral sa mahirap?....
Sinong nagpapagamot sa walang pambayad?....
"Uy sagutin na yan. Baka importante yan at inistorbo pa talaga ang meeting. Hay nako.", naiinis na sabi ng beki.
Sino ang may nagawa na?
Sinong may magagawa pa?....
Siniko naman ang beki ng slight ng katabi niyang board member at sinabihang baka sa kanya ang phone.
Bigla namang naalala ng beki na pinalitan nga pala ng pamangkin niya ang ringtone ng phone niya.
....Only Binay, only Binay!
Sino pa ba? Ony binay!...~~
"Ay, akin pala haha..."
Papatayin na sana ng beki yung phone niya pero...
"Go out.", utos ni Terrence.
"Sir sorry sorry talaga.", pagpapaumanhin ng beki.
"No, it's ok. Go out."
"Sir sorry talaga di na toh mauulit promise. E o off ko na ser o.", akmang pipindotin na ng beki ang end call button pero pinigilan siya ng beki.
"Wag nga sabi eh, just go out and answer the call. Tas balik ka dito pag tapos na."
"Ay haha kala ko kase...sige.", tumayo na ang beki at lumabas ng kwarto para sagutin ang tawag.
The call is coming from Emma saying that the operation was successful and that their grandfather is already in a stable condition.
Laking pasasalamat naman ng beki. Naluha pa ito dahil sa sayang nararamdaman. Bumalik na siya sa loob. Papasok na siya ng pintuan....
"Terrence we're trying to figure out solutions din naman.", sagot ng isang board member.
"Oo nga, alam mo, dapat ikaw din. Ang init init lagi ng ulo ko kaya binubuhos mo samin ang inis mo. Kaya wala ka tuloy maisip din na solution. Try to find an inspiration.", sagot ni Teejay ang head ng finance department.
"Hindi madali mag hanap ng inspiration Teejay. It's not like an inspiration will just arrive and enter that door.", sabay turo sa pintuan.
Napatingin naman ang lahat sa pinto-an at saktong pumasok ang beki na pinupunasan pa ang mga luha ng kasiyahan niya.
"Natagalan ba ako sa labas? Pasensha sir.", paumanhin ng beki tapos bumalik na siya sa kinauupuan niya.
Teejay made a coughing sound and the meeting once again resumed.
The meeting finished after 2 hours, kanya kanyang labasan na sila papunta sa kanilang designated area.
Magkasabay naman si Terrence at ang beki na naglalakad na papunta sa elevator.
"Mauna kana sa taas", utos ni Terrence.
"Sir ayoko pa pong mamatay.", sagot ng beki.
Terrence let out a soft laugh, "kahit kailan talaga ang corny mo."
"Corny daw pero natawa siya. Don't me nga.",sagot ng beki.
"Whatever, sige na, mauna kana dun, ilagay mo yang mga papeles sa mesa ko. May kakausapin pako. Saka stay in my office mag uusap pa tayo tungkol dun sa pag ring ng phone mo"
Tumungo na nga ang beki papunta sa 16th floor at pumasok na din sa office ni Terrence upang ilagay ang mga papeles.
Nagulat naman siya ng makita niya ang girlfriend ng boss niya.
"Ay hala, good afternoon ma'am ", bati ng beki.
"Good afternoon din", then Dianara smiled. "Asan yung boss mo?"
"Andun pa po sa baba, may kakausapin pa daw.", sagot ng beki.
"Ah ganun ba, um could you tell him na lang na iniwan ko na yung food niya", sabay turo sa kaliwang mesa kung nasaan ang food. "Tas sabihin ma na lang din na sorry if di ko na sya nahintay may lakad pa kase ako."
"Sige ma'am ", sagot ng beki.
Pagkatapos ng labing limang minuto ay dumating na din si Terrence.
Pabukas na ang bibig ng beki upang isalaysay ang binilin ni Dianara para kay Terrence ngunit inunahan siya.
"I know what you'll say, and you don't have to say it. She already texted me.",sabi ni Terrence.
"Sabi ko nga."
"Umupo ka", utos ni Terrence
"Opo", sagot ng beki
Terrence gave a questioning look after seeing her still standing.
"Diba sabi ko umupo ka?"
"Oo nga po, kaya sabi ko opo", sagot ng beki.
Terrence slowly realizes the joke and tried not to show that he finds the joke funny.
"Uy natatawa na siya!", pang-aasar ng beki.
"No",mabilisang sagot ni Terrence with a serious tone. "The incident a while ago with your phone was unacceptable...."
"Sorry sorry sorry di na mauulit", pagpapaumanhin ng beki.
"Let me finish"
Tumango ang beki at hinayaang pagsabihan siya ni Terrence sa nangyari.
"Dapat na silent mo yung phone mo before the meeting. I'm sure nasabi na yan sayo ni Anne kanina. Saka kahit di ka sabihan, you should use your common sense.", sabi ni Terrence. "I don't want that to happen again, pasalamat ka board members at yung departmental heads lang yung ka meeting natin."
"Sorry po ulit sir."
"So who called?", tanong ni Terrence. "At bakit nung bumalik ka luha luha pa yang mga mata mo."
"Yung kapatid ko po. Maayos na raw lagay ng lolo ko. Salamat."
"Apo din ako, kaya I know how you felt that time. Saka I can't stand not helping other people if I knew na may magagawa naman ako.", pagpapaliwanag ni Terrence.
"Nakssss ikaw ba yan Terrence Romeo?! Bait ah.", pang aasar ng beki
"Whatever bakla,sige na labas kana.", utos ni Terrence. "And by the way, change your ringtone"
"Whatever panget, sige na lalabas na ako", pang gagayang sagot ng beki, "and by the way change your ---
"Change my what?", strikto na tonong tanong ni Terrence.
"Change your ano, umm, yung damit mo bago ka matulog. Sige lalabas na ako", pangpalusot ng beki.
7pm na ng nagsimulang mag uwian na ang mga empliyado. Pinuntahan naman ang beki nila Anne at Jan upang maka sabay umuwi pero sinabihan sila ng beki na mauna na kasi may tataposin pa siya. Sumangayon na lang ang dalawa at iniwan ang beki.
Almost 8pm na ng matapos ng beki ang gawain niya sa harap ng computer. Tumayo na siya at inunat ang kanyang pagod na katawan. Inayos niya na ang kanyang mga gamit at sakto namang lumabas na din si Terrence sa office niya.
"Andito kapa pala"
Pipilosopohin na sana siya ng beki ngunit pinutol niya nanaman ito by harshly placing his pointng finger on her lips making the lipstick spread.
"Alam kong pipilisopohin mo lang ako so better shut your mouth "
"Sabi ko nga", sagot ng beki sabay punas ng umapaw na lipstick. "Salaula.",dagdag nito.
"You'll ride with me.", utos ni Terrence.
"Ay ayoko, baka kung ano yung gawin mo sakin", pagtangi ng beki.
"Hoy wag kang assuming na aanohin kita may girlfriend ako."
"Wala akong sinabing aanohin moko. Hala si ser, dumi ng utak.",pang-aasar ng beki.
"Whatever, dami mong daldal, ako na nga tong nag o-offer."
"Ayoko nga kasi, baka paglakarin mo pa ako", pagtangi ulit ng beki.
"I've given you one burden already, as much as possible once a day lang kita pagtitripan kaya you don't have to worry of me dropping you in the middle of the road.", paliwanag ni Terrence
"Ay basta ayoko"
"Pero sasama ka dun sa boyfriend mong naka motor? Psh", then Terrence made walked away.
Nagtaka naman ang beki dahil wala naman siyang jowa.
Pagkatapos niya ayosin ang mga gamit niya ay bumaba na rin siya at lumabas ng building. Dumating naman ang naka motor na lalaki at tinawag ang pangalan ng beki.
"Vice", pagtawag ni RR
"Uy RR"
"Sakay kana, pinapasundo ka ni Emma."
"Uy wag na mag je jeep na lang ako. Saka wag ka ngang magpapaniwala dyan kay Emma. Nakakaloka ka", pagtangi ng beki.
"Sakay kana kasi, mas ma tatraffic ka pag nagjeep kapa. Saka hinihintay ka na ni lolo Gonzalo dun."
"Sige na nga."
Umangkas ang beki at pinalarga na ni RR ang motor niya. Mabilis naman silanb nakarating sa ospital at nagpasalamat naman ang beki.
"Uy thank you ah.", tas ngumiti ang beki
"Wala yun, saka...kahit papano ito lang yung alam kong pwede kong magawa para makabawi sa sakit na binigay ko sayo dati...", binigyan din ng sinserong ngiti ni RR ang beki.
Halata namang di komportable ang beki kaya iniba niya ang usapan.
"Drama nito ha ha, Sige na, gora kana, ha ha ha. Salamat ulit"
RR nodded his head he was about to start the engine of his vehicle pero may pahabol ma sinabi ang beki.
"RR"
"Bakit?"
"...Ano um, ah, sakaling makita mo sila Vhong paki sabi na sa sweldo ko na lang yung libre nila."
Ngumiti na lang si RR at tumango tapos pinaharurot niya na ang kanyang motor.
Di maiwasan ng beki na kumirot ang puso niya. Mukhang mahal na mahal niya pa rin talaga ang x niya, but she tried her best not to make another tear fall because of him. He already cried enough after their break up which was 2 years ago.
Karakaraka namang pinalitan ng beki ang nararamdaman niya ng makita na maayos na kalagayan ng lolo niya. Nawala ang pagod na dinanas niya sa opisina. Totoo nga pala talaga na everything will always be worth it if it's ment for the person that you really love.
----
First story ko toh dito 😂 pasensha if may mga parts na di niyo bet, tina try ko naman best ko. Thank you sa mga nagbasa (as in pramis 😭❤️)sana di kayo magsawa.
If may suggestions kayo comment niyo lang o di kaya tweet niyo ko ( @ilovememevice ) God bless 💕🙏🏻