Irish's POV
February 14.
Valentines Day yan para sa ating lahat.
But for me, that is my birthday.
So much for talking kaya the end!
Chooosss!
Kasi naman eh nakakainis eh!
Bukas na yung birthday ko pero wala pa ring paramdam na ginagawa si Ian.
Ehhh. Paano kung hindi niya talaga alam?
Urrgggg!
Malulugaw na yung utak ko sa kakaisip eh.
*Kring*kring*kring*kring
Agad akong lumapit sa telephone at sinagot yung echuserang caller.
"Hello."
(Hi Ate Irish!We're back!!!) napaimpit ako dahil sa malakas na boses ni Coleen, kapatid ni Ian.
Grabe eh! Lumabas lahat ng tutuli ko! Ang sakit sa tenga.
"Hello Coleen, wag ka namang sumigaw.Masakit kaya sa tenga." pabiro kong sabi sa kanya kahit totoo. Hehehe.Narinig ko namang tumawa din siya."Nga pala nandito na kayo?"tanong ko kay Coleen.
(Yep!!)
"Kahapon lang?"tanong ko ulit sa kanya. Ang ikli kasi niya sumagot eh.
(Nope. Nung isang araw pa.)
"Oh kamusta naman yung pagbisita niyo dun sa lolo at lola mo?"
(Let's not talk about that Ate.I call you kasi diba birthday mo na tomorrow, so are you going to invite me to your party? Hmm?) aahhhh! Buti pa si Coleen, naalala yung birthday ko pero yung kuya niya hindi ata!
"Party? Naku Coleen, wala nga eh."Wahhhh! Nakakalungkot! If ever, this is my first birthday to celebrate with my Honey!
(Disappointed?)
"Yeah." nakakadisappoint naman talaga eh!
(Why dont we go out together?) hmm? Kesa sa magmukmok ako, mamasyal nalang kami ni Coleen.
"Ok! Tomorrow 7pm at *****." malling will do! wahahaha.
(Tomorrow?Ahm. Di po kasi ako pwede bukas. Ngayon sana kita aayain eh.) eh lonely pa rin pala ako sa birthday ko bukas, pero ok lang atleast sasamahan naman ako ngayon ni Coleen.
"Ok! Tara na?."
(Sige Ate, see yah!)
I ended the call.
Coleen's POV
"Hey Chritia! Wanna go out with me?" and then parang naglighten naman yung mukha ni Chritia at gusto ata sumama."With ate Irish also." pahabol na sabi ko.Suddenly her smile became wry.
"Take care!" sarcastic na sabi niya.Yaayy. My god! WTH!
"Are you coming with me or not?"eh she didnt answer my question. Super layo kaya nung sagot niyang TAKE CARE sa OO o HINDI! Right?
"Sana. Kaso no thanks nalang, kasama pala si PROSTI!" super galit?Kailangan ganyan ang reaction?! Over!
I dont why she's mad at Ate Irish. Wala namang ginagawang masama si ate sa kanya and besides napakabait nga nito eh. Haay. I think nagseselos lang siya kay ate. Before kasi, Chritia and kuya were really close tapos simula nung nanligaw na si Kuya kay Ate Irish eh parang nawalan sila ng bonding time ni Chritia. Kaya siguro galit na galit siya dito. And then alam din naming sinusungitan ni Ate Irish si Kuya dati nung suitor palang niya ito kaya siguro mas lalong nagalit si Chritia.
Pero super gulat kami nung malaman naming magpapakasal na agad sila!
"Uii. You are so bad! Dont call her prosti.If you dont to be with us, then stay here."
"Whatever!" ang taray talaga nito.Pumulot ako nung stuff toy sa kama and then ibinato ko sa kanya. "You better go!" sigaw niya sa akin. Wahaahha ang sarap asarin eh no.
"Whatever!"ginaya ko nalang siya,kung paano niya ibinigkas yan.
Agad akong lumabas ng kwarto baka mapatay ako nito sa sobrang talas makatingin.
"Mommy alis na po ako." pagpapaalam ko kay Mommy. Alam niya naman na kasama ko si Ate eh.
"Ok. Take care my sweeheart!" ang sweet talaga ng Mommy ko! :)
Ian's POV
"Fuck!" sabay sapo ko sa ulo ko!
"Oh bakit pare?" takang tanong ni Lloyd.
"Pare mauna na ako sa inyo, birthday pala ni Irish tomorrow." nakalimutan ko kasi eh tapos wala pa akong gift sa kanya.Kahit nga pang-surprise na party wala din.
"Grabe pare, minsan na nga lang tayo magkita-kita eh asawa mo na naman iniisip mo. Time-out ka muna sa pagiging husband mo chong!" sabat naman nitong si Rafael.
Pinuntahan nila ako kanina sa office at inayang mag-bar.
Tatanggi sana ako kaso eh mapilit eh at nagtatampo na kaya pinagbigyan ko nalang. "Pare kailangan ko na talaga umalis eh."tumayo na ako agad para makalabas.
"Oh sige papayagan ka namin pero sa isang kondisyon."gago talaga to si Lloyd eh. Alam ko na kung ano iniisip nito eh.
"Kiss me babe."nagulat ako nang biglang may yumakap mula sa likod ko.Fuck! Sabi na eh.
Tiningnan ko silang apat nang masama na ngayon ay nakatingin sa akin pati dun sa babaeng nakayakap sa akin.
"Mga pare naman! Alam niyo namang graduate na ako dito eh." nakatapos na ako sa kursong BOKAK.
BACHELOR OF KAKATIHAN AT KALANDIAN.
Ayokong magkasala sa asawa ko.
"Pare kiss lang eh hindi mo naman ikakama!Wahhaha. Oh baka talagang na-under ka na ng asawa mo?Wahaha." Isa pa tong si Miko eh, kakasal lang ito na naman sa ganitong bisyo. Ang pambabae.
Haayy. Tinanggal ko na yung pagkakayakap sa akin nung babae habang nakakapagpigil pa ako. Nararamdaman ko kasi yung dibdib niya mula sa likod ko. Sexy ito!
Napalunok ako nang makaharap ako sa babaeng yun.
Ang puti nung legs. Yummy!
Ang sexy ng tummy. Crunchy!
Yung mukha!
"Wahhhhhhhhhhhh!!"sigaw ko at tumakbo palabas.
"Waahahahahahaha! Whahahahaahahahahaha." narinig kong tawa nila Miko, Rafael,Travish at Lloyd.
Mga hayop sila!
Ang pangit nung babae. Sixty years old na ata. Paano nakapasok sa bar yun?!
Akala ko talaga maganda.
Lord, nagkakasala na ata ako sa asawa ko. Buti nalang hindi ako pumayag na halikan yun. Mga baliw tong mga to eh!
"Hooo..." hinihingal pa rin ako hanggang paglabas nung bar.Nawala ata pagkalasing ko dun ah.Epic yung mukha nung babae na yun. May pababe-babe pang nalalaman.
Narinig ko namang may tumatawag sa akin.
Travish calling...
Sinagot ko agad ito.
"Pare! SURPRISE! HAPPY HALLOWEEN.Wahhhaha---" in-end ko na agad yung call.Talagang tumawag pa para mang-asar!Mga baliw.
Wala na talaga akong time para sa birthday ni Irish.
Ang sama pa ng pakiramdam ko ngayon.
Hayy. Bahala na nga.
Irish's POV
"Ate, i think this one tastes good." nagtaste testing kami ni Coleen. Naghahanap kami kung anong flavor na masarap na cake.
"Sige yan nalang." sabi ko naman sa kanya.
Black forest ata yung napili niyang flavor.
"Miss 3 boxes of cake,black forest,vanilla chocolate and ube chocolate."O.O?
"Coleen, bakit 3 boxes eh tayong dalawa lang naman ang kakain ah?" ngumiti siya sa akin at nagsalita.
"Ate, hindi ko kasi alam kung ano gusto mo eh."
"Eh diba ok na ako sa black forest."
"Hmmf. Ewan ko sayo Ate. Ok ka dyan. Eh hindi mo nga tinitikman eh." ahhh. Makulet talaga tong batang to.
"Ok. I will pay for that."
"Eh. Ako nga po yung nag-aya sayo dito tapos ikaw magbabayad? Ako na." tapos pinigilan niya akong bumunot ng baril.
Baril?
Chosss.
Syempre WALLET!wahhaha.
"Sige na ikaw na." kanina pa din ako napapagod makipagdaldalan dito kay Coleen parang machine gun yung bunganga eh.Pati nga paa ko umaangal na rin kakalibot namin dito sa mall.
Matapos namin magtaste testing eh naggala-gala pa kami at umuwi na din kaagad kasi may pasok na pala bukas si Coleen.
"Oh Coleen how about this? Anong gagawin natin dito sa mga cake na binili mo?" nasa tapat na kami ng bahay nila eh, hinatid ko na siya gabi na rin kasi eh baka mamaya maRAPE to.
Sayang naman yung kagandahan ng batang to.
"For you yan ate so dalhin mo sa bahay niyo.Hehehe." ang kulet talaga!
"Ok thanks."nakangiti kong sabi.
Im very happy kasi parang ate talaga yung turing niya sa akin.
"Your always welcome ate." and then nagbeso pa siya at akmang palabas na nang sasakyan.
"Thank you very much, you really made my day happy." from the bottom of my bone yan.
"Ang drama mo Ate! Go na! For sure naghihintay na si kuya sayo!"nginitian ko nalang siya.
Pagkauwi agad kong inilagay yung mga cake na binili namin ni Coleen sa fridge.
Wala pa si Ian?
Its 10:30 pm.
AH! Siguro na sa kwarto na yun.
"Honey.." tawag ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto ng kwarto.
Nakita ko siyang nakatalukbong ng kumot.
Nagbihis muna ako bago tumabi sa kanya.
I kissed his forehead.
Ang init.
Idinampi ko naman yung kamay ko sa noo niya.
May lagnat si Ian?
Tinatablan pa pala siya nun? Hehe.
"Honey...." tinapik ko naman ang pisngi nito.
"Hmmmm.." kasabay nito ang pagmulat ng mata niya."Where have you been?"tanong nito na nagpupungas pungas pa ng mata.
"I went out with your sister."nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Nakauwi na sila?" ngek! Siya tong kuya hindi niya alam.
"Yeah."aist!Hindi niya nga alam."Honey, masama pakiramdam mo?" pag-iiba ko nang usapan.
He just nod.
"Nagpapalambing ka lang eh."pang-aasar ko sa kanya. Pero totoo talagang nilalagnat siya.
"Kung lalambingin mo ba ako eh, bakit hindi." kami na malandi! Wahahah.
"Ngek! Kumain ka na ba?"tanong ko sa kanya tapos tinandayan ko siya. eheh.! Lambing daw ang gusto eh.
"Oo. Kaso iba gusto ko kainin eh." ayst! Tamang-tama may cake sa ref baka gusto niya nun.
"Ano ba gusto mo kainin nang maibigay ko sayo?"nakangiti kong tanong sa kanya.
"Hindi ano. Kasi sino." tapos ngumisi pa! Eh? Sige palitan natin ng sino yung ano.
SINO GUSTO MO KAININ?
Oh diba parang aswang lang ang peg kapag ganyan ang itatanong ko.Baliw to si Ian eh.
"Oh. Bakit natatawa ka dyan?"takang tanong niya.
"Eh may naisip lang. Hihihi." diba nakakatawa naman talaga kapag ganun yung tanong.SINO GUSTO MO KAININ?
whahhaa.
"Oh. Sige na nga sino ba gusto mo kainin?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Ehdi' IKAW! Armmm.Arrmm..Armm.Armmmmm." hinawakan niya yung braso tapos kunwaring kinagat kagat.Wahaha. Baliw! Aswang na nga ata tong si Ian.
"Yuck!!!" sigaw ko nang biglang tumulo yung laway niya sa braso ko. Kadire talaga to!
"Wahahaha."tawa niya! Siya na masaya.
"Kahit may lagnat, makulet ka pa rin si Honey!Tanggalin mo yang laway mo sa braso ko ah kung hindi! Naku, ipapadila ko sayo yan." pinunasan niya naman agad. Masunurin! Magaling!
"Nakainom ka na ba ng gamot, Honey?" baka hindi pa to nakakainom ng gamot kasi medyo mataas pa rin yung lagnat niya.
"Gamot para sa lagnat,Honey?" tanong nito.
"Ay hindi!Gamot para sa sugat." pambabara ko sa kanya.Alam niya namang para sa lagnat magtatanong pa.
Natawa naman siya dun. Mababaw ang kaligayahan?!
"Makulet!"ayan na naman po siya sa pagpihit sa ilong ko."Opo! Tapos na pong uminom boss."nagsaludo pa siya sa akin.
"Eh bakit ang taas pa rin ng lagnat ng Honey ko?" paglalambing ko sa kanya.Niyakap ko siya at inilagay ang kanang kamay sa dibdib.
Kanang kamay sa dibdib?
Ano to BAYANG MAGILIW?
(AUTHOR'S CORRECTION: Irish hindi bayang magiliw ang tawag dun! Kasi lupang hinirang! Wahhaha. Oh? Sinong sa readers ko ang hindi nagkakamali dun?Wahaha. Halos lahat ata tayo eh!)
Syempre inilagay ko yung kanang kamay ko sa pisngi nito.
"Namiss ka lang ata kaya ako nilagnat. Pag dating ko kasi kanina wala ka dito eh." parang nagtatampong sabi nito.
Nagtatampo?
Che!
Ako nga birthday ko bukas di man lang niya alam!
Alin kaya yung mas nakakatampo?
"Lumabas lang kami ni Coleen." pagdadahilan ko at the same time binibigyan ko na siya ng clue kung anong meron.
"Bakit? Anong meron?" siguro si Honey mahina sa logic! Nakakainis! Blue's clues! Blue's clues!
"Ah wala naman!" hindi niya nga alam. So leave it all!!Hayaan na lang!
"Ah. Ok." tumayo ito na siyang kinagulat ko.
Nge, may sakit eh.
In-off niya lang pala yung aircon. Tumayo na din ako.
Kumuha ako ng basin at towel.
Ilalagay ko lang sa noo niya yung towel para bumaba yung lagnat niya.
"Honey..." tawag sakin nito.
Makatawag wagas! Nasa cr lang kumukuha ng basin eh! Masyado!
"Teka lang.." tapos lumabas na din ako ng mabanlawan ko yung towel sa tubig na may alcohol.
"Ano to?" tanong niya.
"TV." maikli kong sagot sa kanya.
"TV ka dyan eh towel to eh." eh alam naman pala eh! Nagtatanong pa.
"Alam mo naman kasi eh nagtatanong ka pa.Panlagay po yan sa noo ng Honey ko para bumaba yung lagnat niya."hinila niya naman ako agad palapit sa kanya at niyakap bewang. Aba makahatak parang hindi ako buntis ah!!
"Eh sinong Honey mo?" malanding tanong nito.
Urrrrts! Kinikilig si Ian!
"Siya... siya yung Honey ko." sabay turo dun sa sofa. Wag na kasing magtanong kapag alam naman na ang sagot.
"Hindi nga... sino ba talaga?" kinikilig na rin tuloy ako.
WAAHHHHHHHHH!!
"Ito oh.." turo ko sa tiyan ko.
"Si baby lang ba ang Honey mo?" tampururot na naman to.
"At ito..." tinuro ko rin siya.Pagbigyan, may sakit eh.
"I-kiss mo nga ako kung ako Honey mo." aba talaga naman oh! Malandi na kung malandi!"Pero sa pisngi lang Honey ah, baka mahawa kayo ni baby sa sakit ko."nagsuggest pa ah!
I kissed him para wala nang gulo!
"Ayan! Pwede na ba tayong matulog honey?"gusto ko na ding matulog eh.
"Wait.." tapos yumuko siya ng unti at hinawakan yung tiyan ko."Goodnight baby, Tatay loves you."sabi nito tapos kiniss niya rin yung tummy ko.
"Tatay?" tanong ko sa kanya.
"I want them to call me Tatay not Daddy." eh siya na talaga! Napaka-unique na niya.
"Ah ok. Pero bakit them?" isa pa lang naman tong magiging anak namin.
"Eh kasi gagawa pa tayo ng marami." napalunok naman ako sa sinabi niya. Gagawa ng madami? Hitsura!
"Halika na nga Honey, baka kinukombulusyon ka lang dahil sa lagnat." pabiro kong sabi sa kanya.
Pero i thank God kasi kahit may lagnat tong si Honey eh kaya pa naman niya ang sarili.
-----
"Eh, bukas ka nalang pumasok baka mabinat ka eh."paano kasi tong si Ian eh, masyadong mapilit. Alam niya namang may lagnat siya kagabi, gusto pa rin pumasok sa office.
"Honey, dont worry about me. I can handle myself."handle myself niya mukha niya.
Kagabi nga eh ang taas talaga ng lagnat niya at alam kong dinadaan lang niya sa kakulitan para hindi ako masyadong mag-alala.
"Hindi pwede." tinaasan ko na siya ng boses.
"I love you, Honey. Uuwi nalang ako ng maaga. Bye.*Tsup.*" hindi na ako nakapagsalita dahil kumaripas na siya ng lakad palabas ng bahay at sumakay sa kotse niya.Makulit talaga to eh!
Wala na akong nagawa kundi tingnan yung kotse palabas ng gate. Haayy.
To: HoneyKo!
Ang kulet mo talaga.Dont skip your lunch.Take care,i love you Honey.
I texted him baka kasi isipin niya galit ako. Well galit nga ako pero makulet eh.
From: HoneyKo!
Thank you! I love you too,Honey.
Mabuti naman at nagtext agad.
++++++
Hope you like it! Maganda yung susunod na chapter kaya abangan!
VOMMEFAN:)
fairytale_believer