Pagka gising ko ay kinuha ko na agad ang cp ko. Syempre text agad ni tristan ang hinanap ko. Pero wala siyang text. Bakit ganon? Bakit parang nalulungkot ako na hindi siya nag text sa akin. Bumangon na ako at hinawi ang kurtina sa kwarto ko. Nakita kong may lalaking nakatayo sa labas ng gate. Oh my god? Oh my... Oh my god si tristan nga. Tumingin ito sa bintana at nakita niya ako. Kumaway pa ito at sumenyas na bumaba ako. Nagmamadali ako noong bumaba. Diko alam pero excited akong makita siya. Pag bukas ko ng gate ay nakangiti agad ito sa akin.
"Surprise.."
Sabi nito habang hawak ang mga pagkaing dala niya at tatlong piraso ng pulang rosas.
"A-ano to??"
"Edi bulaklak."
Pilosopong sagot nito. Inaya ko na siya sa loob at duon ay sabay kaming kumain ng bitbit niya.
"Tristan?"
"Bakit?"
"Baka wala ka ng pang gastos sa sarili mo, puro kasi ako ang binibilan mo ng pagkain. Sumusweldo naman ako eh"
Napatingin ito sa muka ko. Nainis kaya siya? Nag aalala lng naman ako eh.
"Ano ka ba? Hindi noh. Tsaka madami naman akong sideline sa palengke. Wag kang mag alala."
Sabi nito at hinawi ang bangs ko.
"Kumain ka na ng kumain at papasok ka pa diba? Ihahatid narin kita."
"Ha? Wala ka bang trabaho?"
"Wala eh. Sarado ung tindahan na pinapasukan ko. Kaya hatid nalang kita"
Sabi nito. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto. Iniwan ko muna siya sa sala at naligo na ako. Naghanda na ako para pumasok sa trabaho.
"Tara na?"
Sabi ko, noon ay pinatay niya na ang tv at umalis na kami, hinatid niya ako sa flowershop.
"Zoe, hindi muna kita matutulungan ngayon ah. Pupunta kasi ako sa pinsan ko ngayon eh."
"Ha? Ok lang ano ka ba! Kaya ko nato"
Sabi ko at ngumiti sa kanya. Nagpaalam na siya para umalis. Ako naman ay nag ayos na ng mga bulaklak na tinda ko. Lumipas ang mga oras. Mag isa akong kumain ng lunch. Ang lungkot pala pag diko kasabay si tristan. Ayan ka nanaman zoe! Nasanay ka nanaman na may taong anjan para sayo! Paano kung iwan ka din niya? Paano kung magaya siya sa mga taong umiwan sayo? Paano ka? Napaisip ako noon. Nalilito ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Dapat ba na iwasan ko nalang si tristan? Pero bakit? Magkaibigan lang naman kmi eh. Ano ba yan >.< pagabi na noon. Isinira ko na ang shop. Nakita ko si tristan na nagmamadali.
"Zoeee..."
Hingal na hingal ito habang tinatawag ako.
"Oh napano ka?? May humahabol ba sayo? Nakipag away ka ba? Ano?? May gusto bang kumidnap sayo??"
Natataranta kong tanong. Hinawakan niya ako sa braso at nagsalita..
"Ang baduy mo! Wala noh. Akala ko kasi nakauwi ka na kaya nagmamadali akong habulin ka."
Hingal na hingal ito habang nagsasalita. Inabot niya sa akin ang isang boquet ng bulaklak.
"A-ano to?"
Tanong ko.
"Edi bulaklak!"
Sabi niya..
"Alam kong bulaklak! Di naman ako bulag! Ang ibig kong sabihin ano bang meron? Birthday ko ba?"
"Porket ba may bulaklak birthday na agad? Diba pwedeng nanliligaw lang?"
Napahinto ako sa paglalakad ng sabihin niya iyon. Ano raw? Tama ba yung narinig ko? Nanliligaw si tristan sakin? Totoo ba to? Oh nananaginip lang ako?
"A-ano? Paki ulit nga?"
"Ang sabi ko di ba pwede na nanliligaw lang ako sayo?"
Hinawakan ako nito sa dalawang balikat ko. Tinitigan niya ako.
"Zoe, pwede ba kitang ligawan?"
Seryoso ang mukha nito at halatang hindi ito nagbibiro.
"A-h eh.. Tristan?"
"Zoe, seryoso ako. Gusto kitang ligawan. Alam ko naman na hindi talaga tinatanong ang panliligaw kaya gagawin ko nalang. Papatunayan ko nalang sayo na mahal kita."
"H-ha?? Ano bang sinasabi mo?"
"Zoe mahal kasi kita. Na love at first sight ako sayo eh. Hindi ko din alam pero sa loob lang ng tatlong segundo bigla nalang tumiboi ung puso ko para sayo, hindi ka na nawala sa isip ko"
Inalis ko ang kamay niya sa mga balikat ko.
"Alam mo ikaw! PRANING KA LANG! Gutom lang yan!"
Sabi ko noon at naglakad na ako papalayo sa kanya.
"Zoe mahal kita!"
Hindi ko un pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"ZOEEEEEE! MAHAL KITAAAA!"
Sumigaw ito noon, napahinto ako sa kahihiyan na baka mamaya ay mapagalitan siya at mapagkamalang baliw! Ano bang problema niya? Seryoso ba talaga siya? Humarap ako noon para tignan siya. Nakatingin lang siya sakin mula sa malayo. Hindi ko alam yung sasabihin ko.
"Ano bang tinatanga tanga mo jan? Ihahatid mo ba ako oh maiiwan ka jan?"
Nakangiti kong sigaw sa kanya noon. Doon sa malayo ay nakita ko ang malawak na ngiti ni tristan. Nagtatakbo ito papalapit sa akin. Naglakad nalang kami. Walang nagsasalita. Nakarating na kami sa bahay.
"Oh pano? Bukas nalang zoe. Matulog ka na ha. Ilocked mong mabuti ung pinto, wag ka magpapapasok."
"Oo na. Mag ingat ka pag uwi. Tsaka salamat dito sa mga bulaklak na bigay mo ah. Nag abala ka pa."
"Maliit na bagay lang yan. Ang mahalaga mapasaya kita"
"Osige na uwi na gabi na."
Umalis na ito at pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko sa bahay ay naupo ako sa sala. Inilapag ko ang bag ko at tinitigan ko ang mga bulaklak na binigay ni tristan. Napaisip ako kung talaga bang seryoso siya, bakit ako? Nagpapatawa ba siya? May kung anong saya akong naramdaman habang pinag mamasdan ko ang mga bulaklak na iyon. Pagkatapos kong mag muni muni ah umakyat na ako sa kwarto. Inilagay ko sa vase ang mga bulaklak. Inalis ko na ang naunang tatlong rosas na bigay niya. Inilagay ko iyon sa isang makapal na notebook at inipit ko doon. Natulog na ako dahil pagod ako sa trabaho.