Para kay RenaiSeban ang chapter na ito dahil gusto niya at hiniling niya ito.. matawad mo sana ako kung 30% ko lang nasunod ang gusto mo.. naawa ako sa kanya eh. Hehehe.. Napapaisip pa ako kung gagawan ko ng madugong pagkamatay yung tao kaya lang... ayoko sa horror eh. (Consider blood as horror) lol. XDDDD
Maraming Maraming salamat at kung okay lang sana magawan mo ng sarili mong version ang killing part para sa character na iyon. ^__________^ aabangan ko kung gagawan mo o hindi. Maraming Salamat. ^_____^
Dalawang haring Nagmahalan
-ika-dalawampu't isangKabanata
Kamatayan
Nakatutok ang mga sandata, napalibot ang iba't-ibang klase ng mga kakampi ng Yamato. Maging ang mga bandidong pinamumunuan ni Lukas noon ay narito din at nakapaligid sa mga kawal ng Danton. Kitang-kita na ang sinosuportahan nila ay ang mga Yamato at hindi ang mismong mga kababayan nila dahil sa pamumuno at pagliligtas nila sa kanilang haring si Lukas laban sa mga tao dito sa palasyo ng Danton.
"LUMABAN KA! Tumayo ka't labanan mo ako!" sigaw ni Yukito habang nakatutok pa rin ang espada sa hari ng Danton.
"Yukit—" naputol ang sasabihin ni Lukas ng makita niya ang kaniyang asawa na nakalugay ang mahabang buhok at nakatingin sa kaniya. "Mimiko." Tanging nasambit ni Lukas habang nakatingin sa reyna ng Yamato. Nasa mukha pa rin niya ang bakas ng kanyang mga luha habang nakatingin sa kanyang asawa.
"Mukhang maayos ka naman dito at kasama pa ang taong mahal mo." Kita sa mga mata ng reyna na ikinahihiya niya ang hari ng Yamato dahil sa mga luha sa mata nito.
Alam ni Mimiko na may kalambutang taglay ang kanyang asawa hindi naman niya naisip na iiyak ito sa harap ng maraming tao.
"Wala ka na ba talagang kahihiyang natitira? Shirotani?" dumagundong ang mga salitang iyon sa buong nasasakupan ng palasyo kasama ng malalim na paghinga ng reyna dahil sa pagpipigil ng galit. Subalit walang nagawa iyon para mapigilan niya ang sariling sampalin ang nakaluhod na asawa.
Nagsalita ng hapones si Mimiko at agad na sumugod ang mga ninja. Umikot sila sa ere ng tatlong beses at lumapag sa gitna ng bilog para lang kunin si Lukas at maitakbo agad ito palayo sa lugar. Ganoon na lamang ang naging gulat ni Yael sa pangyayari kaya mabilis niyang binunot ang espada ng isa sa mga kawal at akmang hahabulin ang ninja ng harangangan siya ni Yukito.
"Lukas!" sigaw pa nito pero iniikot ni Yukito ang sandata at nakiramdam na sila kung sino sa kanilang dalawa ang unang susugod. Pasalin-salin ang tingin ni Yael kay Yukito at sa tumatakbong mga ninja.
Ilang sandali pa'y sumigaw ang hari ng Danton. "Ping! Kunin mo si Lukas!" sigaw ni Yael pero ng tumingin sa lugar kung nasaan si Xing Ping ay wala na ito doon dahil tumatakbo na rin ito papunta sa itinatakas na hari.
"Ako ang kalaban mong hayop ka!" sigaw ni Yukito at unang sumugod sa hari.
Nagtama ang mga sandata nila at pilit na itinutulak ni Yukito ang sandata sa mas nakakatanda sa kaniya. Dalawang kamay ang paghawak ni Yukito sa kaniyang sandata at halatang hirap na hirap sa pakikipagtagisan ng lakas habang si Yael naman ay hindi makikita ng kahinaan sa kaniyang mukha kundi pag-aalala habang isang kamay lamang ang pinapanghawak niya sa kanyang espada.
"Hindi ko gustong saktan ka Yukito." Saad ni Yael pero lalo lamang nainis si Yukito. Itinulak ni Yukito ang mga espada nila at saka siya tumalon palayo subalit nanatili ang pamatay na titig sa hari.
"LUMABAN KA! LABAN! NILOKO MO AKO, PAGBABAYARAN MO ANG LAHAT!" sa sigaw na iyon ni Yukito, narinig pa ang mga sumunod na pagsabog. Marami na ring naglalaban sa mga tabi nila't wala silang pakialam doon.
Pagkamuhi ang nararamdaman ni Yukito at makikita iyon sa kaniyang mukha kasama ng ilang butil ng luha na lumalabas sa kaniyang mga mata habang naalala niya ang lahat ng namagitan sa kanila ng hari ng Danton.
Sa nakikita ngayon ng hari na ugali ni Yukito hindi niya magawang hindi maawa dito. Oo nga't kasalanan niyang naglihim siya subalit hindi naman niya iyon maipaliwanag kay Yukito dahil ayaw din ni Lukas na malaman nitong buhay pa siya. Kaya kahit na siya ang hari ng Danton, ibinaba niya ang kanyang espada.
"Aakuin ko ang kasalanan ng aking kapatid. Gawin mo na." Buong lakas-loob iyong sinabi ng hari ng Danton saka lumapit kay Yukito.
Di makapaniwala doon si Yukito kaya napaatras siya habang nakatutok pa rin sa katawan nito ang espada niya.
"Hindi mo ako malilinlang. Sinungaling ka't manggagamit! Lumaban ka!" utos nito pero hindi gumalaw si Yael. Nakapikit lang ang mga mata niya sandali saka inilagpas ang tingin kay Yukito at tiningnan ang kanyang minamahal na hari.
"Hindi mo naiintindihan Mimiko, pakawalan mo ako dito!" sigaw ni Lukas na hawak ng isang malaki at malakas na ninja habang kaharap ng reyna ng Yamato ang lihitimong prinsepe na si Xing Ping.
"Manahimik ka!" sigaw nito na ikinatahimik ng lahat.
Matalas ang titig ni Mimiko sa binata kasunod ay sa mga tumatakbong babae papunta sa lugar nila. Lahat ay may pangamba sa kanilang damdamin dahil sa dami ng sumugod sa Danton ng hindi man lamang nila napapansin. Napaisip ang tatlong babaeng kapatid ni Yael kung sa simula pa lang ng digmaan ay mga Yamato na ang nakatira sa kanilang bayan pero kahit ganoong pag-iisip ang kanilang gawin ay hindi nila mahulan kung anong tunay na nanagyari.
"Paki-usap po, ibigay niyo sa amin ang lalaking iyan. Para sa aking hari." Paki-usap ni Xing Ping pero lalo lamang nainis doon si Mimiko at binunot ang kanyang espada. Lalo siyang nagalit dahil pakiramdam niya'y naging isang tropeyo lamang ang kanyang asawa lalo pa't napabalitang naging parausan lamang ng lalaking nagngangalang Semion ang katawan ng kanyang asawa.
Sa sandaling iyon, pinili niyang magsalita sa salita ng Danton.
"Ang taong ito ay aking asawa. Narito ako para kunin sila ng aming anak. Hindi mo ako mapipigilan kahit hainan mo pa ako ng kamatayan." Sa mga sinabing iyon ni Mimiko ay namangha si Lukas.
Kahit kailan ay hindi siya nakatagpo ng babaeng kayang tumayo at magpakalalaki para sa kanyang pamilya. Para sa kaniya at sa ibang kalalakihan, ang mga babae'y mga mahihina na tagabigay lamang ng bagong henerasyon sa kanila.
"Hindi ako hapones, amerikana, tsina. Isa akong Pilipino at ipaglalaban ko ang karapatan ko." Sa mga salitang iyon ni Mimiko ay nagsigawan ang mga samurai kasama ng pagsugod nila sa mga kawal.
Muling nagkasagupaan ang dalawang panig kasama sa labanan ngayon ang tatlong reyna ng Danton at maging si Xing Ping na kalaban ang isa sa mga ninja. Nanuod lang naman si Mimiko hanggang sa magsalita si Lukas.
"Mimiko, hindi mo na kailangang gawin ito."
"MANAHIMIK KA!" nagulat doon si Lukas at ng tingnan niya ang mukha ng kanyang reyna ay nakita niyang may pinipigil itong luha. "Asawa mo pa rin ako't karapatan ko pa rin kung kukunin ka o hindi, kaya manahimik ka." Bahagyang kinagat ni Mimiko ang kanyang labi saka sumugod at nakipaglaban sa isa sa mga reyna. Nakipaglaban siya sa reyna ng digmaan na si Fei Tsun.
"MIMIKO!" sigaw ni Lukas at malakas niyang sinuntok ang humahawak sa kanya.
Nagawa na niyang lapitan ang kanyang asawa subalit naharangan siya ni Sean.
"Tapusin na natin ito dito, bandido." Sa mga salitang iyon ni Sean napaatras si Lukas at nakiramdam.
Pasugod na si Sean at itatarak niya ang sandata kay Lukas ng biglang humarang ang babaeng nag-alaga kay Yukito sa Pilipinas. Tumango ang babae kaya agad na tinakbo ni Lukas ang kinaroroonan ng kanyang asawa. Susundan pa sana siya ni Sean pero humarang muli ang babae't nakipaglaban. May mga ngisi sa labi hanggang sabay silang sumugod.
Tinakbo ni Lukas ang malaking lugar para lamang mahabol ang dalawa na tumaktakbo palayo sa lugar ng digmaan. Pumunta sila sa ilog na nakakapagpasakit. Bahagyang hinihingal at naabutan naman ni Lukas ang mga ito.
"Tama na Mimiko. Nakikipag-ayos na ako! Kasalanan ko ang lahat hindi na dapat humantong sa ganito kaya tama na! Gagawan ko ito ng paraan kaya paki-usap tumigil na kayo!" desperado na si Lukas pero hindi natinag ang mga babae.
"Tingin mo ba dahil lang sa'yo ito? Shirotani-san? Nagkakamali ka! Para ito sa mga Yamatong nilapastangan nila, inalipin, ginawang parausan at sa aming mga asawa na iniwan ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa kakaibang DROGA!" muling nagsalpukan ang mga sandata ng dalawa't puro pagsangga at pag-atake lamang ang natutunghayan ngayon ni Lukas.
Muli niya sanang pipigilan ng asawa ng may isang kamay na humablot sa leeg niya. Agad niyang siniko ang huwak sa kaniya at tumakbo palayo. Napatingin siya sa likod at nakita niyang si Semion iyon. Matalas ang mga mata at halatang gustong mangain ng tao o makapatay ng tao.
"Ginawa ko ang lahat ng pupwedeng kapalit ng pasakit na ginawa niyo sa amin ni Harrie. Ginawa ko alng lahat para madurog kita, masaktan, mawasak pero heto ka't patuloy na bumabangon! Parang buhok na kahit ilang beses putulin ay nagpapatuloy tumubo!" gigil na wika ni Semion habang nakatitig kay Lukas.
Hindi alam ng dalawa na natigil sa laban sina Fei Tsun at Mimiko. Nasa malapit lamang ang mga batang sina Weng Lu at Li Shing dahil hindi nila alam kung saan pupunta. Maging ang panganay na si Chin Sue ay nakatingin lamang sa kanila't ang bunsong babae na si Lin Fang ay nagtatago sa may likod ni Semion kung saan maraming mga puno. Nangangamba sa maaring mangyari sa pagkakataong ito.
"Mula pagkabata ko, ginamit na akong kasangkapan para madala dito ang droga. Naging prinsepe sa bansang ito at kinamuhian ng buong pamilya. Paulit-ulit kong pinatunayan sa lahat ang kahalagahan ko. Na hindi lang ako isang lagayan ng materyal na bagay at lalong hindi ako basura!" sa sigaw na iyon ni Semion ay lalong natigil sa mga kinatatayuan nila ang mga nandoon. Pasempleng umaatras si Lukas habang nakikinig dito.
"Naalala mo ba ang peklat sa tagiliran ko habang paulit-ulit kitang dinadala sa impyerno gamit ang pakikipagtalik? Ang sugat na iyon ang nagsilbing daanan at labasan ng droga. Naging kasangkapan ako kahit bata pa lamang ako. Tingin mo ba masaya ako doon ha?! TINGIN MO BA?! Wala kang alam!
Nasa akin na ang lahat ngayon! Yaman, kaibigan at pagmamahal ng pamilya pero eto ang ginawa mo! SINIRA MO ANG LAHAT NG DUMATING KA! NANG NAGPAKITA KA! WINASAK MO ANG LAHAT! Kung hindi ka dumating dito, hindi pupunta dito si Harrie, hindi ko siya makikilala't hindi ko siya mamahalin! Hindi magtatagal ang buhay ko dahil magpapakamatay ako pero nakilala kita, si Harrie at tinaggap ako ng mga ate ko!
Nagkaroon ng batang babaeng anak sa sarili kong kapatid kahit isang pagkakamali lamang iyon at higit sa lahat... tinaggap ako ng aking sariling anak bilang tiyo."
Hindi maintindihan ng mga tagapakinig ang nangyayari pero hinayaan lang nilang magpatuloy si Semion.
"Hindi mo ba itatanong kung bakit nangyari ang lahat ng ito? Para masabi ko sa iyong ikaw ang dahilan! Ikaw ang dahilan dahil kung wala ka, hindi ako mananatiling buhay! Walang digmaan, walang mga kapatid na nagmamahal sa akin! At higit sa lahat, hindi ko sana nabuntis ang sarili kong ATE!" sa huling salitang iyon ni Semion ay sinugod niya si Lukas na nakataas ang espada. Handang hatiin sa dalawa si Lukas subalit natigil siya bago pa man niya maihataw ang espada.
Tumingin ang lahat sa kinaroroonan ni Lin Fang, ang bunsong kapatid sa mga babae. Nakita nilang may hawak itong pana at napakawalan na ang palaso. May mga luha sa mga mata na hinahayaan lamang tumulo. Lumingon si Semion. Pinilit niya hanggang sa magawa niyang tuluyang humarap dito.
"Kahit kailan, hindi kita tinaggap na ama ni Li Shing! WHHHHHAAAAAAA!" sa sigaw na iyon ni Lin Fang ay dalawang palaso ang inilagay niya sa pana at mabilis na pinakawalan. Tumama sa kaliwang mata ni Semion ang isa deretsyo palabas sa kanyang ulo at ang isa nama'y tumagos sa kaniyang puso.
Tumalsik ang dugo ni Semion sa mukha ni Lukas na ngayon ay hindi makagalaw at nakatitig lamang sa katawang kinamumuhian niya pero hindi maikakailang naawa siya para rito.
"Li.. Shing.." pagtawag ni Semion ng bumagsak ang katawan niya sa lupa, pilit inaabot ang bata subalit sa halip na tumakbo ito sa kaniya ay sa ina niya ito tumakbo.
"Alam ng anak ko ang lahat Semion. Alam niyang anak mo siya't galit siya sa iyo dahil sarili mong kapatid ang nilapastangan mo. Kahit kailan hindi ka niya itinuring na pamilya, naawa lang siya sa'yo." Sa mga salitang iyon ni Lin Fang tumulo ang mga luha ni Semion.
Tumawa ito ng malakas at napayakap si Weng Lu sa kanyang ina na si Chin Sue. Kahit si Fei Tsun ay nagawa na lang lumapit kina Lin Fang at nanatiling nakatayo sina Lukas at Mimiko sa pwesto nila.
"Kung g-ganoon... pakitang *buga ng dugo* tao lang pala ang lahat.. Hahaha.. Ang tanga kong maniwalang mahal niyo ako.. ang tanga kong tingnan ang awa niyo bilang kabutihan ang pagmamahal. Mananatili talaga kayong bruha sa estorya ng buhay... ko." Iyon ang mga salitang sinabi ni Semion. Tumulo ang mga luha hanggang sa tumingin siya sa kinaroronan nina Li Shing at Lin Fang. "Ate Lin Fang... salamat sa pagtulong mo sa aking pangaraw-araw na pangangailangan, sa paliligo, sa mga kumot at unan, sa mga dapat isuot... sa lahat-lahat.
Salamat dahil hindi mo ipinalaglag ang anak natin... salamat.. sa... lahat."
Doon na tuluyang nawalan ng hiniga si Semion. Nakamulat ang mga mata na nakatingin pa rin sa kanyang mag-inang umiiyak.
Umiiyak dahil kasinungalingan ang lahat ng sinabi ni Lin Fang. Tanggap niya at ni Li Shing bilang ama si Semion. Naging mabuting ama ito sa bata at kahit walang nakaka-alam ng katotohanang iyon, naging mabuti pa ring tao si Semion kay Li Shing at sa ina nitong si Lin Fang. Sinabi lamang ni Lin Fang ang mga salitang iyon para masaktan si Semion dahil na rin sa dami ng pasakit na ginawa nito kay Lukas na naging dahilan ng digmaan at pasakit na rin sa puso ng kanilang minamahal na hari ng Danton.
Patuloy ang patulo ng mga luha habang yakap nila ang isa't-isa. Tumingin si Lukas sa kanyang asawa't nakita niya ang hindi makapaniwala nitong mukha dahil sa kamatayang nasilayan. Ito pa rin ang unang digmaan ng kanyang asawa kaya dahan-dahan siyang lumapit dito at yumakap.
"Hindi mo kailangang tumingin pa Consorcia. Narito ako, hindi kita iiwan." Sa mga katagang iyon ni Lukas ay tuloyan ng napaiyak ang ginang at yumakap sa asawa.
Tumingin naman si Lukas sa mga kapatid ni Yael at sandaling nagisip saka niya sinabi sa mga ito ang huling desisyon niya.
"Ako si Shirotani Nishii, hari ng Yamato. Gusto kong sabihin sa inyong mahal ko ang inyong hari, subalit mahal ko rin ang sarili kong pamilya. Nais kong makausap kayo ng masinsinan tungkol dito at tungkol sa digmaan para tuluyan na itong matigil." Sa mga salitang iyon ni Lukas ay sumang-ayon ang magkakapatid.
Nakayakap pa rin si Mimiko sa asawa habang naglalakad sila pabalik sa sentro ng digmaan. Tanaw na nila ang labanan at may ilan na ring walang buhay. Kakaway na sana silang lahat para itigil ang laban ng isang pagtarak ng espada sa tiyan ng kalaban ang napagpabagal ng kanilang mga nararamdaman.
Unti-unting bumagal ang ikot ng mundo para sa mga nakakita. Sumigaw ang lahat ng mga babae, maging si Lukas ay napasigaw din at siya ang naunang tumakbo sa lugar na iyon. Parang maingat at dahan-dahan ang pangyayari habang bumabagsak sa sumaksak ang katawan ng nasaksak ay tumatakbo si Lukas at tumutulo ang kanyang mga luha.
Napaluhod ang tatlong reyna ng Danton at napasigaw ang Reyna ng mga Yamato.
Lahat ay natigil. Lahat ay humito, maliban sa iyak ng mga babaeng hindi matanggap ang nakikita sa kanilang unahan.
------------------------------DHN ch END-----------------------------------
01-22-2016 8:06 PM
Vote and Comment.