Still Loving You

By BlueYsha

216 5 0

[ RATED SPG ] "I'll surely make him beg for me after what he did five years ago." More

Still Loving You

One: A Glimpse of her past

84 1 0
By BlueYsha

Alexandra's POV

"M-mommy, when are you gonna come back? I'm gonna miss you." tanong sa kanya ng umiiyak na si Ian. Kasalukuyan syang nag-iimpake. After five long years, uuwi na sya. Sa lugar kung saan maraming masasaya at malulungkot na alaala.

"Soon, baby. Don't worry, we'll talk everyday okay? Daddy's here to take care of you while mom's not around." Alo nya. Nagbabadya na namang tumulo ang luha nito. Simula ng ipaalam nya na uuwi sya pansamantala ay araw-araw nalang itong nagtatanong sa kanya kung kailan sya babalik.

Lumapit si Benj sa kanila at niyakap silang dalawa ni Ian. "I'm here baby. Daddy will call mommy everyday to make sure she's fine, aryt?" tumango naman ng marahan si Ian at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Paalis na sya ngayon at hindi na sya magpapahatid pa sa airport dahil ayaw nyang magdramahan pa sila.

Ian Keith is only four years old pero maalam na ito sa pagsasalita. Gustuhin man nyang isama ang dalawa sa pag-uwi ay hindi pwede. Nasa pre-school si Ian at nagtatrabaho naman si Benj. Hindi rin naman sya magtatagal sa Pinas dahil marami din syang maiiwan sa New York.

Karga nya sa mga braso nya si Ian habang hinihintay na matapos ang paglalagay ng gamit nya sa taxi. Hinalikan nya muna si Ian at pagkatapos ay hinarap si Benj.

"Mag-iingat kayo dito ah? Tawagan mo ako o di kaya'y ako ang tatawag. Basta si Ian alam mo na kung pano patulugin. Painomin mo ng gatas tapos yung vitamins nya. At wag kang magdadala ng babae mo dito. Nakuha mo, Benjie?" alam nyang pabalik-balik nalang sya sa mga sinasabi nya pero hindi rin nya maiwasan. Ngayon lang sya mahihiwalay ng matagal sa dalawa at hindi sya sanay na hindi sila ang kasama nya.

Natawa si Benj sa mga sinasabi nya kaya pinikot nito ang ilong nya. "Opo. Nung isang linggo mo pa ata ako pinagsasabihan, Sandy. Alam ko na ang gagawin ko kaya magiging okay kami dito ni Ian. Right baby?" tanong nito kay Ian na tumango lang kahit hindi alam nilang konti lang ang naintindihan nito.

Nagkatawanan silang dalawa bago sya nagpaalam. Kung hindi pa sya aalis ay male-late na sya sa flight nya.

"So? You take care, baby. Don't forget that mommy loves you." Hinalikan nya ang magkabilang pisngi ni Ian na ngayon ay karga na ni Benj. Nakita nyang maiiyak na naman si Ian kaya mabilis na nagpaalam na rin sya kay Benj. "Yung mga bilin ko. Bye, ingat kayo dito." Hinalikan nya rin si Benj sa pisngi bago sumakay na ng tuluyan sa naghihintay na taxi.

"Send my regards to mom and dad, Mommy Sandy." Nakangiting pahabol sa kanya ni Benj na tinanguan lang nya.

Pinigilan nyang maluha ng makita nya ang mukha ni Ian at Benj sa labas ng taxi. They mouthed I love you and she replied I love you both.

---------

Nasa himpapawid na si Alex pero hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya. Kinakabahan sya na masaya. Sa loob ng limang taon ay ngayon lang sya babalik ng Pilipinas. Kung hindi lang tumawag ang lolo nya na pinipilit syang umuwi at ng mommy nyang nagtatampo na sa kanya ay hindi talaga sya uuwi. Masakit parin sa kanya ang nangyari five years ago. And because of that pain, nawala ang dating Alex na kilala ng lahat. She'll be going home not as Alex na inosente at mahina. Babalik sya bilang babaeng matatag at may narating na sa buhay. Naalala nya kung paano sya pagalitan ng lolo nya habang nakikipag-usap ito sa kanya.

Flashback.

"Hello, Alex?" nagulat sya isang araw ng tumawag bigla ang lolo nya.

"Yes, Lolo?" minsan lang tumawaga ng lolo nya at iyon ay kung may espesyal na okasyon tulad ng pasko.

"You're coming home." Matigas na pahayag nito sa kanya.

"Lo, you know it's not that easy right? May trabaho ako dito at ganun din si Benj. Ian's on school." Yun ang palaging sinasabi nya sa tuwing tumatawag ang mommy nya.

"Drop that excuse. Hindi mo man lang ba ako na-miss, apo?" halos tatlong taon na pala nyang hindi nakikita ang lolo nya ng personal. Minsan ay sa skype nya lang ito nakikita.

Bago sya makasagot ay narinig nya sa background ang mommy nya. "Miss? Hindi na nga ata tayo naaalala ni Alex, Pa." halata sa boses nito na nagtatampo ito sa kanya. Naiinis sya na natutuwa. Pano ay wala pang dalawang buwan simula ng magpunta ang parents nya sa bahay nila ni Benj para magbakasyon.

"Mommy naman. Kakakita lang natin eh." Alam nyang naka-speaker na sya ngayon dahil naririnig nya ang background. Sunday kasi at sa tradisyon ng pamilya nila ay sabay ang lunch nila kapag ganoong araw kaya kahit may ginagawa ay talagang ipinagpapaliban muna.

"Eh kami, Alex. Hindi mo man lang ba nami-miss ang gwapo mong kuya tsaka ang maganda mong kapatid?" alam nyang nakangisi ang kuya Paolo nya ng sabihin nito iyon.

"Naman kuya. Kung namimiss mo lang ang maganda kong mukha, tingnan mo nalang si Cassy." Tukoy nya sa kakambal nya. She felt bitterness nang mabanggit nya ang pangalan ng kakambal nya that made her sigh.

"Okay stop it. Alex, you're going home. Kahit pansamantala lang para naman magkamustahan ulit tayo." Bumalik ulit ang boses ng lolo nya.

"But-"

"No buts, young lady. You'll go home and that's final. I'll talk to Benj later, bye." Hindi man lang sya hinayaang makasagot ng ibaba na nito ang tawag. Napabuntong-hininga nalang sya sa sinabi ng lolo nya.

End.

At dahil dun kaya eto sya ngayon. Nakasakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Pati si Benj ay nakisali na din sa pagpilit sa kanya.

Nasa malalim ang pag-iisip nya ng may marinig syang dalswang babae na nag-uusap sa likod ng inuupuan nya. Mga Pilipino din dahil nagtatagalog ang mga ito.

"Ang sama-sama talaga ng boyfriend mo, best." Hindi man nya gustong makinig ay naging iteresado sya sa pag-uusap ng dalawa. May kalakasan kasi ang boses ng babaeng nagsalita kaya naririnig nya.

"Napakasama kamo." May pasinghot-singhot pa na sabi ng isa.

"Biruin mo, pinagpustahan ka lang pala! Hah! Ang kapal." Nagpanting ang tenga nya sa narinig. Ayaw nyang marinig ang ganoong mga bagay.

"Pangit ba ako, best?" sukat dun ay humagulhol ang babaeng pinagpustahan daw.

May dumaang flight attendant at pinagsabihan ang dalawa. Lalo kasing lumakas ang mga tinig nila kaya malamang ay maka-istorbo sila ng ibang pasahero.

Nagtagis ang bagang nya sa narinig. Naalala nya kung pano sya lokohin ng unang lalaking pinagkatiwalaan nya.

Flashback five years ago...

"Love! Happy anniversary! I love you so much." She almost jumped ng bigla syang yakapin ni Marco galing sa likod nya.

"I love you too! Happy anniversary, love." She faced him. It was their first anniversary together. Hindi sya makapaniwala na aabot sila ng ganun katagal dahil sa mga taong hindi naniniwala sa pagmamahal nila sa isa't isa.

"Hey! Why are you crying?" he carefully wiped her tears away.

"I'm just happy. Hindi ko inakala na malalampasan natin ang mga naging problema natin." She hugged him.

He chuckled a little bago hinawakan ang mukha nya para magkaharap sila. "Believe me, love. Masayang-masaya ako dahil nalampasan natin ang mga iyon. And I know na kakayanin natin lahat ng mga problema. Basta ba hindi mo ako iiwan." He said those words full of love.

Tumango lang sya. She also hopes for those things. Sana nga. They kissed bago sila umalis at nagpatuloy sa date nila.

------------

Papunta na sana sila sa resataurant na ni-resserve ni Marco pala sa dinner date nila ng bigla itong nagpaalam sa kanya dahil tumawag ang mommy ni Marco at emergency daw. Tutal ay maaga pa naman kaya umuwi muna sya at naghintay sa tawag ni Marco.

Nakatulog sya sa paghihintay at nagising nalang ng may tumawag sa cellphone nya.

"Hello?" it was a call from an unknown number.

"Alexandra Brillantes, right?" babae ang tumatawag sa kanya.

"Ah oo. Bakit? Sino sila?" magalang na tanong nya sa malditang boses ng babae sa kabilang linya.

"Oh. I have something to tell you." Napabangon sya sa sinabi ng babae.

"Tungkol saan?" hindi nya alam kung bakit biglang sumakit ang puso nya na para bang may hindi sya magandang malalaman.

"By the way, Karen's my name. At tungkol kay Marco ang sasabihin ko." Napakunot ang noo nya. Anong tungkol kay Marco at isang babae na mukhang maarte ang tatawag sa kanya?

"B-bakit? May nangyari bang masama sa kanya?" baka kamag-anak lang ito ni Marco at naatasang tumawag sa kanya.

"May nangyari nga. And it's good, for us. But not for you." Mas lalong lumalim ang kunot ng noo nya.

"A-anong sinasabi mo?" hindi nya mapigilang mautal dahil kinakabahan sya sa maaring sabihiin ng kausap nya.

"So it's true. Na ang girlfriend ni Marco ay isang maamo at inosente. Kahit sa phone ang inosente ng boses mo. I wonder how he used to like you eh wala ka kung ikukumpara sa kakambal mo." Sa sinabi nito ay nakumpirma nyang hindi nga maganda ang sasabihin nito sa kanya.

"Used to like me? W-what are you pointing at?" hindi nya maintindihan kung bakit 'used to' ang sinasabi nito sa kanya gayong hindi naman sila nag-away o nagbreak ni Marco.

"And maybe stupid? God! Okay. Para maintindihan mo-"

"N-naiintindihan naman kita eh. Pero hindi naman kami nagbreak para sabihin mo na he used to like me." Baka may hindi lang sila napagkakaintindihan ng kausap nya.

"Hindi pa ba nya nasasabi sayo? Cge ako nalang magsasabi sayo. Break na kayo." At tumawa pa ito na parang baliw.

"It's not a good joke, Karen." kahit kailan ay hindi nya gusto ang gino-goodtime sya tungkol sa relasyon nila ni Marco.

Lalong lumakas ang tawa nito sa kanya. "Oh no. I'm not kidding, Alexandra. Sa totoo lang, ako na ngayon ang pinag-iinteresan nya." masayang sabi nito sa kanya na parang baliw.

"M-mahal nya ako at alam ko yun. Matagal na ang relasyon namin." Pagtatanggol nya kahit na alam nyang walang katuturan ang pumatol sa mga sinasabi ni Karen.

"Mahal? Kung mahal ka nya, hindi nya gagawin ang ginawa nya." wala na syang naiintindihan sa sinasabi nito sa kanya.

"A-"

Hindi man lang sya nito pinatapos sa pagsasalita dahil bigla ulit ito sumapaw sa sasabihin nya. "He doesn't love you, Alexandra. It was just a part of our barkada's game. A bet particularly."

End of flashback.

Nabalik sa kasalukuyan ang diwa nya ng biglang magsalita ang flight attendant sa harapan nya. "Are you okay, ma'am?" nasa mukha nito ang pag-aalala.

Hindi nya napansin na nakakuyom na pala ang isang kamao nya at mahigpit na nakahawak sa newspaper na binabasa nya kanina. Inayos nya ang sarili bago tipid na ngumiti sa kaharap nya. "Yes. I'm fine."

Ngumiti lang din ito sa kanya bago tumalikod.

Nagpasya syang matulog nalang. Kahit na matagal na ang pangyayaring iyon ay hindi nya parin naalis sa puso nya ang galit at sakit na nadarama nya. Galit para sa mga taong nagkaisa para saktan sya at galit para sa taong hindi nya inisip na tatraydor sa kanya. Ilang beses na nyang sinubukang magpatawad but she always ends up hating them more.

Mabuti nalang at nandyan ang pamilya nya na sumuporta sa kanya nang maisipan nyang sumama kay Benj sa New York para tapusin ang pag-aaral nila. She felt so devastated back then to the point na inisip nyang baka mabaliw na sya. Then Ian came to their lives na mas lalong nagbigay ng dahilan sa kanya para mabuhay.

---------

VOTE

COMMENT

xoxo

Continue Reading